Way #1 (Part 3)

1.2K 22 4
                                    

I wiped away my tears, kinusot ko ang mga mata ko at nilumod ko na ang uhog ko.

"Wala," sabi ko. Medyo maalat ngayon ang uhog ko. T__T Dati kasi, manamisnamis pa siya. XD

"Anong wala? Tingnan mo, pulang pula ang mga mata mo!" sabi niya.

 "Wala nga 'to. Umiyak lang ako," sabi ko, papalayo na.

Hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang mga balikat ko at hinarap ulit sa kanya. 

"Luisa, kilala kita. Hindi ka basta na lang umiiyak." sinabi niya. "Ikaw ang pinakamatatag na babaeng kilala ko,"

Tiningnan ko na lang siya sa mga mata niya. Mukha siyang worried talaga sa akin.

Hindi ko na napigilan, yumapos ako sa kanya at patuloy na akong umiyak.

At siya, nakatigil lang. Pinipispis lang niya ang malapad kong likod habang ako'y humahagulgol. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng matinding hiya.

Opo. Alam ko pong wala akong hiya. XD

Pero ang sarap ng pakiramdam na may nagcocomfort sa'yo. Si daddy kasi ay TNT sa ibang bansa (Tago Ng Tago. Hindi po yung TNT na bomba) at si mama naman ay laging nasa trabaho, kaya lumaki akong laging nag-iisa.

Kaya, ayun. Napatahan niya ako pagkatapos ng ilang minuto.

"Tahan na," bulong niya sa tenga ko. "Hindi bagay sa iyo ang umiiyak,"

"...wala namang bagay sa akin," bulong ko naman sa kanya. 

Bumitaw na ako sa yapos ko sa kanya. Masyado akong nagiging comfortable. XD

"Thank you ha," sinabi ko.

"Walang anuman," sabi niya. "Hindi ko talaga gusto ang mga babaeng umiiyak. Dapat kasi, laging nakangiti ang mga babae."

Napangiti tuloy ako.

"Kung hindi mo mamasamain..." sinimulan niya. "Pwede ko ba tanungin kung ano ang problema mo?"

Huminga ako ng malalim. Ugh. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Ang fail ko eh.

"Wala yun," sabi ko. "Fail lang ang Way #1 ko eh,"

"Eh? May Way #1 ka na? Anong way yun?" :D

T__T "Wala. Fail nga eh,"

"Sabihin mo na. Please?" tapos nagpuppy dog eyes siya.

T__T Bakit ang effective?!? Siya na ang cute! Siya na!

"Way #1: If you feel pretty, you'll be pretty," sinabi ko na namumula na.

O__O "Oh? Anong fail dun? May girls naman kasi na pretty pero hindi lang nila narerealize. So, kung ginawa nila yang tip mo, magkakaroon sila ng confidence sa sarili nila," 

Psssh. Ang laki nga ng confidence ko, pangit pa rin naman. T___T

"I tried it kasi kanina," in-explain ko. "I felt pretty,"

"Ah. Alam ko na ang tawag diyan," sinabi ni Jean habang tinatapik ang likod ko.

"Ano?" O__O

"Feeler,"

------

Chapter is done. 

 A/N: Oh di ba? Nag-update ako!  Hahaha. Kung natatagalan kayo, check niyo na lang ang ibang stories ko. A Girl in An All Boys' School ay isa sa mga stories na nagawa ko na. Try niyo. :))

-HypocriticallyNazi

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now