Way #3 (Part 5)

812 21 11
                                    

Ang ganda niya.

Kahit simpleng white shirt at maong skirt ang suot niya, kapansin-pansin pa rin siya.

Dahil nga naka-skirt siya, kitang kita ang pagka-flawless ng kanyang balat; walang peklat o kung ano man. 

Grabe talaga. Ang ganda niya.

Hindi man niya napapansin pero pinagtitinginan siya ng tao. Kaakit-akit kasi siya.

Lalo pa siya napapansin dahil ang ganda ng sapatos niya; leather boots.

Tapos ang haba ng buhok niya, daig pa niya ang model ng shampoo.

Ang ganda talaga niya. :O

...Nagiging tomboy na ata ako.

HAHAHAHAHA. Syempre, joke lang yun. One thousand percent pa rin ang pagka-babae ko ‘no!

Pero hindi talaga ako makapaniwala kay Anna, ang ganda talaga niya. Parang ka-level na nga niya si Aphrodite eh!

Nakatayo kasi siya sa harap ng Starbucks sa loob ng mall, hinihintay ako.

Ako naman, nagtatago sa likod ng poste. Pinapanuod ko siya.

Ang usapan kasi magkikita kami ng 4:00 sa harap ng Starbucks.

Ngayon, 4:30 na pero hindi pa rin ako nakikita ni Anna.

Kung tutuusin, kanina pa akong 3:00 dito. Yun lamang, hindi ko magawang lapitan si Anna.

Nung nakita ko siya, lalapit na sana ako. Pero bigla kong napansin na pinagtitinginan nga siya ng mga tao.Noon ko rin lang napansin na ang ganda pala ng suot niya. 

Maganda nga pala siya.

Walang - wala ang porma kong t-shirt at maong sa kanya. Magmumukha lang akong katulong ‘pag lumapit ako sa kanya.

Ayaw ko yun mangyari ‘no! Pinagtawanan na nga ako dati ng mga 4th year, ayaw ko nang maulit yun!

Ayaw ko na makipagkita sa kanya. TT______TT

I’m a Barbie girl,

In a Barbie world

Life is plastic,

It’s fantastic!

Ayan, tumutunog nanaman itong pahamak kong phone na ‘to. 

Tiningnan ko yung message.

From: Anna

Hey, where are you? Are you feeling unwell? Masama ba ang pakiramdam mo? May nangyari ba? 

Ine-expect ko naman, magagalit na siya sa akin. Ine-expect ko na magrereklamo lang siya sa akin kasi late ako. 

PERO HINDI EH. NA-GUILT TRIP LANG AKO SA KABAITAN NIYA.

Sige na nga, magpapakita na ako sa kanya. T____T

Umalis ako sa tinataguan ko at lumapit sa kanya.

Nung nakita niya ako, imbis na sumimangot siya at magalit sa akin kasi late ako, nagawa pa niyang ngumiti sa akin.

“Luisa! I thought something bad happened ‘cause wala ka pa. Buti naman wala. Kamusta?” katulad ni Jean, kumikinang din ang ngipin niya ‘pag ngumingiti. 

*O*

“E-eh? S-sorry kung medyo na-late ako. Okay lang naman ako, ikaw?” sagot ko na lamang. 

Nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero sinusundan ko na lang siya.

“Me? I’m okay. Actually, I’m really excited,” sagot niya. 

“Excited? Bakit naman?” tanong ko naman.

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now