Way #5 (Part 1)

468 14 4
                                    

Note: Sorry late ng isang araw! Haha. May problema sa spacing eh. Konting tiis lang, guys.

"Ew, ew, ew, ew, ew!" sigaw nung isa sa tres marias. "Bakit may sugat ka sa arm? Ew, baka malagyan mo ng dugo yung food namin!"

"'Wag po kayo mag-alala, ma'am," nakangiti lang ako sa kanila. "Nakaband-aid naman po, di ba? At kahapon pa po 'to, dry na po yung dugo."

"Ew, parin! Oh my gosh, kadiri ang service dito," sagot niya. "Umalis ka nga sa harap ko, nawawalan na ako ng ganang kumain!"

"Wala po ba kayong i-oorder?" tanong ko, napapangiti kasi pinapaalis na nila ako sa harap nila.

"Yung usual namin. Just go!" tapos ginesture niya akong lumayo gamit ang kamay niya.

Syempre, lumayo na ako. The less time na makausap ko sila, the better. Sana naman habang buhay na silang mandidiri sa akin at hindi na sila magpapakita pa.

"Sorry talaga, Luisa," sabi sa akin ni Anna pagdating ko sa counter. "Ikaw kasi talaga ang gusto nilang waitress. You're their favorite."

"Favorite? Favorite awayin," sabi ko na lamang, nagpapatawa para kay Anna. "Huwag mo na silang pansinin, Anna. Magsasawa rin sila someday."

"Bakit ang tagal ng order ko?!" sigaw galing sa table nung tres marias.

"Pero hindi pa yun ngayon," sabi ko, habang nilalagay sa tray yung coffee nila.

Palapit na ako sa table nung tres marias nang marinig kong nag-ring yung bell na nag-iindicate na may customer na pumasok. Yung isa pang Ate Waitress na siguro ang tatanggap sa bagong customer, kailangan ko muna harapin ang tatlong dragon -este, tres marias.

"What took you so long? Ano ba, miss monkey?" sabi nung isa sa kanila habang binababa ko yung coffee nila sa table nila. "Hindi excuse ang pagiging injured para maging tamad."

"Tama ka, sis! Wala ka na ngang mararating sa buhay, magpapakatamad ka pa?" sabi nung isa habang naniningin sa menu namin. Ewan ko kung bakit pa niya tinitingnan, memorize na siguro niya yun dahil halos araw-araw na nga sila dito.

"Parang ang useless mong monkey, 'no? Pangit na, may galis pa, tapos wala rin talent! Bakit ka pa kaya nila hinire?"

Ngumiti na lamang ako. Alam ko kasing naririnig ni Anna yung pinagsasabi nila, ayaw ko namang mapahiya siya.

"Tapos na po ba kayo? May additional orders po ba?"

Magsasalita na sana yung isa sa kanila pero naunahan.

"What the --?"

Nagulat ako sa boses kaya humarap ako sa pinanggalingan nito. Sa likod ko, nakatayo si Neon, tapos parang mukhang gulat na galit na kung ano.

"Oh, look, sis, ang cute niya," narinig kong bumulong ang isa sa kanila.

Buti na lang hindi narinig ni Neon kasi mukhang bad trip siya ngayon, tapos sa kanila pa siya nakatingin.

Lumapit siya sa table namin at humarap siya dun sa tres marias. "What did you say to her?"

"Don't mind her," sabi nung isa sa tres marias. "She's just a waitress. Binabayaran naman siya para pagsilbihan kami. If not, saan na siya pupulutin, 'di ba?"

Tumawa sila pero dahan-dahan itong tumigil nang mapansin nilang tahimik lang si Neon. Kahit ako, hindi alam ang nangyayari.

Humarap sa akin si Neon. "You let this happen to you? Pinapayagan mo silang ganyanin ka na lang? Normal ba 'tong nangyayari?"

Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit na si Neon. Hindi naman kasi siya ang iniinsulto nung mga babae. Natatakot na tuloy ako…para dun sa tres marias.

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now