Way #5 (Part 3)

421 13 0
                                    

Hinigit ko pababa yung skirt ko. Hindi man siya mini-skirt, hindi pa rin ako sanay na naka-skirt. In the past, sa school lang ako nakakapag-experience nito.

Idol talaga si Anna. Ang galing niyang makipag-deal sa mga sales lady doon sa mga boutiques. Halos pang-isang linggo na ang mga damit na nabili namin. Iba't ibang klase pa!

Pagkatapos nilang mag-usap ni Jean, patuloy na ulit kaming namasyal. Hindi ko na nabring - up yung topic sa kanya. At wala na rin akong ibang tinanong pa kay Jean.

Nanamit ako ngayon ng maganda (blouse na white tapos dark blue na skirt) dahil papunta ako ngayon sa mall (para magpalamig. Hehe. Libre aircon eh). Wala nanaman kasi akong trabaho.

Natuwa rin naman si mama dahil namili ako ng damit. Mukha daw kasi akong manang dati. -.-'

Binuksan ko na ang payong ko at lumabas na ng bahay.

"HAHAHAHAHA!" narinig kong tumatawa si Mang Warlito. Ano nanaman ang iinsultohin niya sa akin ngayon?

Naghintay ako.

At naghintay.

At naghintay.

Teka, bakit hindi niya ako tinatawag na pangit?!? ANO NA ANG NANGYAYARI SA MUNDO?

Tumalikod ako para makaharap sa pinanggagalingan niya. Nakaupo siya, as usual, sa terrace ng kanyang bahay. Pero may kausap siya. Isang lalaki.

SI NEON?!?

Tumakbo ako papalapit sa kanilang dalawa. Bakit sila magkakilala? Anong nangyayari? Naguguluhan akoooo~

"--Tapos nung siya ay ten years old, alam mo yung ginawa niya? Pinauwi siya ng teacher niya galing school kasi napaihi siya sa loob ng klase! HAHAHA!" tawa ni Mang Warlito. Sumabay naman si Neon sa pagtawa.

"OI! OI! OI!" nararamdaman ko ang sarili kong namumula sa hiya. Kinuwekwento kasi ni Mang Warlito yung isang beses na napaihi ako sa klase. "Anong kaguluhan 'to?"

Napatingin sa akin si Neon na nakangiting nakangiti. "Ang cute mo pala nung bata pa."

Dug. Dug. Du--

Maganda na sana yung moment kung hindi na sumingit si Mang Warlito. "ANONG CUTE? ANG PANGIT RIN NIYAN NUNG BATA PA! HAHAHAHA!"

"Parang kayo lang po! Ha-ha-ha!" halatang fake yung tawa ko. Ano ba ang ginagawa dito ni Neon?! Ninenerbyos ako sa kanila! Baka nagkukunchaba yung dalawang yun against sa akin. *___*

"Di ba? Hahahaha. Sabi ko sa'yo, kakaiba ang fighting spirit nitong batang 'to eh!" tumawa ulit si Mang Warlito habang nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Neon. "Good luck sa pagliligaw mo, totoy!"

Sabay kami ni Neon lumaki ang mata. "HINDI PO! HINDI PO AKO/SIYA NANLILIGAW!" sabay naming sinigaw.

"Maniwala ako. Hindi niyo 'yan matatago sa akin!" sabi ni Mang Warlito. "Teacher yata ako! Alam ko kung kelan may crush ang isang bata sa isang pang bata!"

"HINDI NGA PO EH!" sabay nanaman naming sinigaw.

"Bakit palagi na lamang kayong sabay magsalita? Bagay kasi kayo!" pinagpipilitan ni Mang Warlito. "Alam ko nga kasi kung may crush ang isang bata sa isa pang bata!"

Kung totoo ngang alam niya kung may crush ang isang bata sa isa pang bata, sino yung batang may crush, ako ba o si Neon?

"Eh, hindi na nga po kami bata!" sabi ni Neon. "Hindi porke't bumisita ako, nanliligaw agad."

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now