Way #4 (Part 1)

603 9 0
                                    

Ganito nagsimula ang araw ko:

“Hoy pangeeeeeeeet!”

Malamang, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Galing siya sa lasinggero naming kapitbahay na si Mang Warlito.

Si Mang Warlito ay isang 68 years old na matandang binata. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Warlito dahil medyo war freak siya. Actually, hindi lang medyo.

War freak talaga kung war freak.

At kahit 68 years old na siya, nagagawa pa rin niyang makipagflirt sa mga babae. Hindi siya picky; bata man o matanda, maputi man o kayumanggi, may asawa man o wala.

Para sa kanya, lahat ng babae ay mga possible candidates para sa future wife niya.

Basta may dumaan na babae sa harap ng bahay niya, hindi niya magagawang hindi mag-attempt makipag-flirt.

Eight years old ako nang lumipat sa kalapit naming bahay si Mang Warlito. At dahil wala siyang kasama, tinulungan siya ng nanay ko sa ‘pag aayos ng mga gamit. Syempre, tumulong ako (kasi pinilit lang ako ng nanay ko). Natatandaan ko pa nga yung mga pick – up lines niya sa nanay ko. Nakakapangilabot.

Kinabukasan, nung dumaan ako sa bahay niya, sinigaw niya: “Luisa! Oy, pangit! Gusto mo pumasok sa bahay ko? Merienda ka muna!”

Nagulat ako, kasi yun yung unang beses na may tumawag sa akin na pangit. Kahit eight years old, may fighting spirit na ako. “Hindi po ako pangit!”

Tinawanan lang ako ni Mang Warlito. “Pangit ka kaya! Sige nga, sinong nagsabi na maganda ka?”

Malapit na ako umiyak nung sinabi ko: “Mama ko!”

Doon sa moment na yun ko narealize na pangit nga ako. Doon ko narealize na hindi nga ako tinatawagan na ‘cute’ ng mga matatanda, hindi gaya ng mga kaklase ko.

At hanggang sa lumaki ako, never nag-attempt makipag-flirt sa akin si Mang Warlito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak.

Back to present time. 6:30 am. Kalalabas ko pa lang ng bahay para bumili sa tindahan ng kape para kay mama. Naghahanda ako ng pang – almusal para kay mama kasi may job interview daw siya ngayon. Tapos malaki daw ang pagkakataon na matanggap siya.

“Oh! Bakit ka lumingon? Tanggap mo na pangit ka, ano?” Ang lakas ng tawa ni Mang Warlito. Umagang – umaga, lasing nanaman.

“Opo, tanggap na!” sigaw ko na lang.

Nilampasan ko ang bahay niya at pumunta sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng isang sachet ng kape (3 in 1 pa ha! Special day ‘to para kay mama eh!) at naglakad na pabalik sa bahay.

Gustuhin ko mang iwasan ang bahay ni Mang Warlito, hindi ko yun magagawa (magkapit – bahay nga eh!). Pero nag – attempt pa rin akong mag – tip toe habang lumalampas ako sa bahay niya.

Nakakasawa rin po kaya (at nakakahiya) na sigawan ng pangit tuwing dadaan ka sa bahay niya. Normally, pinapalampas ko na lang yung mga ginagawa niya pero medyo bad trip din ako ngayon eh.

“HOOOY~ Pangeeeeet! HAHAHAHA!” sigaw nanaman ni Mang Warlito.

Hindi ako lumingon. Malamang, tatawanan nanaman ako nitong matandang ‘to.

“Hooy! Babaeng mataba! Ikaw! Yung maitim! Yung pango! Yung singkit! Pangeeeet! Tinatawag kita!” Bawat salita niya, nag – eexhale ako. Relax lang, Luisa.

“Pangeeeeet!”

“Ano po ba?!” tumingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim para ma – contain ang galit ko. “Um. May kailangan po ba kayo sa akin?”

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now