Way #4 (Part 3)

485 10 1
                                    

"Hoy, pangit!" umagang umaga, ang lakas ng halakhak ni Mang Warlito. "Balita ko may trabaho na nanay mo! Akala ko ipagbebenta ka na eh."

"May trabaho na nga po!" sigaw ko tapos belat. :P

"Very good! Very good!" sabi niya, nakatayo sa pintuan ng kanyang bahay. "May itatanong ako sa'yo!"

"Ano po 'yun?"

"May mas papangit pa ba sa'yo? HAHAHAHA"

"Isa lang po," sabi ko, sabay turo sa kanya.

Humalakhak ulit si Mang Warlito habang papasok na ako ng bahay. Nakasalubong ko si mama na palabas naman. Inaayos na niya ang kanyang buhok.

"Good luck, ma," sabi ko, nakangiti.

"Salamat, anak. Sige, mauuna na ako. Ingat sa pagpasok ha?" nagsuot na si mama ng kanyang mga sapatos at lumabas na.

Pumunta muna ako sa aming table para kumuha ng isang pirasong pandesal at umalis na rin ako papuntang school.

Dati, kanin, itlog at (minsan) kape ang breakfast ko tuwing umaga. Simula nang mag-die yet, este diet ako, pandesal na lamang at tubig. Dati, sumasakay rin ako ng tricycle papuntang school. Ngayon, nilalakad ko na lang siya kahit medyo malayo. May extra exercise na ako, may extra baon pa! (Na hindi ko rin naman magagastos sa pagkain. Huhu. TT___TT)

Masaya naman ako na nagkaroon na ng trabaho si mama pero hindi nakakapanatag sa loob na kina Orion siya magtratrabaho. Baka naman kasi pahirapan niya si mama. Sana naman hindi niya alam na related kami. Ano kaya ang mangyayari 'pag nalaman niya? Tsk. Ayaw ko isipin.

Tuwing nakikita ko ngayon si Orion sa school, palaging masama ang tingin niya sa akin. Nakakapangilabot. Ang dilim ng kanyang mga mata. At 'pag nararamdaman kong palapit siya sa akin, tumatakbo na ako.

HOY! Hindi ako duwag ha! Konti lang ang kinakatakutan ko sa mundong ito; multo, si mama, si papa...at si Orion. Wala na akong ibang kinakatakutan. Ahas man o lion. Magwrestling pa kami ng lion, okay lang! (Pero baka gawin niya akong litsong baboy. ...wag na lang kaya. XD)

..

Natapos naman ang school day ng payapa. Katatapos ko lang mag-laps para kay coach (nakaka-200+ na ako. Hoho.) nang may tumawag sa akin.

"Luisa! Luisa!"

Medyo nagulat ako dahil wala namang tumatawag sa akin dito sa school maliban kay Jean. At hindi naman siguro si Jean yun dahil pambabae ang boses.

Nung lumingon ako, wow. *O* Nakakita nanaman ako ng isang Aphrodite. 

Si Anna pala ang tumawag sa akin pero ngayon ko lang siya nakitang naka-uniform dahil taga-ibang school siya. Pero, infairness, bagay na bagay sa kanya ang uniform niya, mukha siyang karespe-respetong estudyante. Anong nangyare saken? TT____TT

"Luisa, I'm lucky I ran into you. " sabi niya, may hawak-hawak siyang plastic bag sa isang kamay. "If I hadn't seen you, baka malate pa ako sa pag-iinterview."

Palabas na ako ng school nang maabutan niya ako. Buti na lang at nakita niya agad ako dahil ayaw ko naman maging pabigat sa isang Aphroditeng tao. 

"Paalis na nga sana ako eh," sabi ko. "Makaka-abala pa sana ako sa'yo."

"No! Hindi ka naman nakaka-abala eh. Ako naman ang may kailangan sa'yo."

MAY KAILANGAN DAW SIYA SA AKIN. IMPORTANT PEOPLE NA AKO OH. >.<

KYAAAAAA

"Ano nga pala yung interview na tinutukoy mo?" tanong ko, medyo good mood na kasi IMPORTANT pala ako.

"Ah. I'm going to interview applicants later."

"Applicants para saan?" tanong ko ulit.

"Tatlo kasi sa café waitresses ni mommy ay nagquit. And since she's too busy to interview new applicants, ako na lang daw," sagot naman niya. 

Parang may lightbulb na nagDING sa taas ng ulo ko. May idea ako! Mag-apply kaya ako? Para naman matulungan ko si mama sa pagbayad ng bills. Para sure din na may pera kami 'pag nalaman na ni Orion na mama ko siya at paalisin siya sa trabaho (just in case).

"Pwede ba akong mag-apply?" 

Mukhang gulat na gulat si Anna. "Huh? Saan?"

"Sa café ng mama mo," sagot ko, medyo nahihiya kasi humingi ako ng favor. "Medyo gipit kasi kami ngayon eh."

"Really?" Nag-isip siya for a few seconds. "Sure!"

"Pwede akong mag-apply? Thank--" hindi pa ako tapos magpasalamat ay nagsalita ulit siya.

"Nooo! Hindi mo na kailangan mag-apply! Being my friend, of course, you can have the part-time job!"

Lumaki ang mga mata ko at bago ko pa macontrol ang sarili ko, niyapos ko na siya. "Talaga? Thank you! Thank you!"

Then, narealize ko ang ginawa ko at binitawan ko siya. "Ay! Sorry!"

"Bakit ka mag-sosorry? You just hugged me!" sabi niya, nakangiti.

"Hindi ka ba nandidiri?" Ang laki ng ngiti niya. Parang hindi man lamang niya napapansin ang flatness ng ilong ko, ang pimples sa pisngi ko at ang taba sa tiyan ko.

"Hinde. Bakit naman ako mandidiri sa'yo?" Nginitian niya ako. "You're my friend."

AHHHHHH. ANG GANDA GANDA NIYAAA. MAGANDA NA NGA, MABUTI PA ANG PUSOOOO. KAILANGAN NATIN NIYAN SA MUNDOOOO. *O*

"Now, here's the address of the café and the phone number," binigyan niya ako ng business card na kinuha niya sa bag niya. "Please go to the café tomorrow to get your uniform fitted. Ang cute ng uniform niyo! Pink na maid uniform!"

Kinuha ko yung business card. "Ano nga pala pangalan nung café?"

"Oh! I forgot to tell you. It's the Artista Infinity Café, for the bright, beautiful and creative."

Hala, hindi ata ako pwede diyan. Siguro creative ako, pero bright and beautiful? Hay, pabayaan na nga.

Then, bigla kong naalala. "Oo nga pala, ba't mo ako hinahanap kanina?" tanong ko.

"Here," binigay niya sa akin yung plastic bag na hawak hawak niya. "You can have this. They're full of lotions, toners, moisturizers and that sort of stuff. Those things will clear your skin from pimples. The lotions and soaps also make your skin lighter and softer."

"Wow! Thank you ulit!" sabi ko, manghang-mangha. Ang bait talaga ni Anna! Siguro ito na ang Way #4 ko: Make your skin glow.

"Ah, 'wag ka mag-thank you sa akin. Ako lang ang pumili at nag-deliver niya. Hindi kasi marunong about beauty stuff yung nagpapabili eh," sabi niya, nakatingin sa relo niya. "kailangan ko na rin pala umalis."

"Ha? Sino ba nagbigay nito?" tanong ko.

"I really have to go. There's a note there that will explain everything. Bye!" tumakbo na palayo sa akin si Anna, papunta sa isang car na ina-assume ko ay car nila. "See you sa café! Don't forget!"

Sino kaya ang nagbigay sa akin nito? Sigurado naman akong hindi mura ang pagbili dito. Medyo mabigat din kasi eh. Ang bait naman nung nagbigay.

Binuksan ko ang bag at hinalungkat para mahanap yung tinutukoy ni Anna na papel. May nahanap akong isang nakatiklop na note at binasa ko ito:

Oo na, maganda na ang puso mo. Oras na para pagandahin naman ang mukha mo.

Good luck, pangit. 

-Neon. 

HUWAAAAAAT?!?

(Author's note: Guys, tatapusin ko na 'to. Pramis. Ire-ready ko na lahat ng chapters. KAYA NATIN 'TO!)

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now