7 Ways to Become Beautiful

Por SecretlyAPanda

25K 546 105

Meet Luisa. Siya ang babaeng aminadong pangit and halos wala na siyang pakialam. Kung tutuusin, proud pa ng... Más

Prologue
Way #1 (Part 1)
Way #1 (Part 2)
Way #1 (Part 3)
Way #2 (Part 1)
Way #2 (Part 2)
Way #2 (Part 3)
Way #3 (Part 1)
Way #3 (Part 2)
Way #3 (Part 3)
Way #3 (Part 4)
Way #3 (Part 5)
Way #4 (Part 1)
Way #4 (Part 2)
Way #4 (Part 3)
Way #4 (Part 4)
Way #4 (Part 5)
Way #4 (Part 6)
Way #5 (Part 1)
Way #5 (Part 2)
Way #5 (Part 3)
Way #5 (Part 4)

Ask Miss Pretty!

2.2K 49 4
Por SecretlyAPanda

Tip toe. Tip toe. Tip toe.

"Ehem," may narinig akong husky voice sa likod ko.

Tumigil ako at dahan-dahang humarap sa boses. Galing 'to kay Jean Guiden, the totally hot single fourth year student. (Hindi po ako malandi. Sinasabi ko lang ang totoo XD)

Binigyan ko siya ng sheepish smile. "Uh...Ako ba?"

"Yes, ikaw," sabi niya sa akin. Tapos, he motioned me to come closer to him "Dalika,"

Dahan-dahan din akong lumapit sa kanya.

Katatapos lang kasi ng meeting of the school journalists. Pinag-usapan namin ang next issue ng "The Chatbox". Ito ang official newspaper ng school namin. And I was hoping hindi ako mapapansin ni Jean. Siya kasi ang Editor-in-Chief namin.

Nang magkatapat na kami, nagsalita ulit siya. "Nasaan ang article mo?"

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. "Nasa pwet ko, nagkakape,"

"Miss Ramos," T__T Seryoso niya akong tiningnan.

"Mr. Guiden," T___T Kinopya ko siya. 

Kinamot niya ang ulo niya. "Ang hirap mo namang kausap,"

Binigyan ko siya ng smile.

"Tama ka! Kaya dapat, iwasan kita! Para hindi ka mahirapan!" Dahan-dahan akong naglakad papuntang pinto. "Sige. BYEE!!!"

Tumakbo ako sa door at hinawakan ang doorknob. Tinurn ko siya pero walang nangyari. O.o Sinubukan ko ulit. Wala din. 

"Nilock yan ni Mariel," sabi ni Jean. "Kaya wala kang takas,"

Si Mariel ang aming copy-reader. T__T Best friend ko siya. Well, former best friend. Why?

KASI BEST FRIEND KA BA KUNG IIWANAN MO ANG BEST FRIEND MO SA LOOB NG ROOM KASAMA ANG KANYANG EDITOR-IN-CHIEF?!?

Well, ang laki naman kasi ng crush ni Mariel kay Jean eh. Pssh. 

"Kailangan ko na po umalis," sinabi ko habang lumapit siya sa akin.

Kailangan ko nang umalis! AHH~ Papatayin ako nito. Masyado pa akong pangit para mamatay. Kulang ang pangit sa mundo, dapat magaganda na lang ang pinapatay. 

"Nasaan ang article mo?" tinanong niya sa akin. 

\(=O=")/ Tulungan niyo ako! Papatayin na ako! Kyaa~

"A-Aling article?" sabi ko, acting innocent.

Binigyan niya ako ng isang nakakakilabot na smile. OMG, mamamatay na nga ako!!

"Luisa, iisa lang naman ang article na kailangan mong isubmit sa akin. 2 weeks ka nang late," sinabi niya. 

Ayan na! Lalabas na ang demonyo!!! 

"Hindi ko pa nagagawa," sinabi ko.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hinihintay ko na siyang mag-explode. Ayan na...Sisigaw na yan....Babatukan na ako....Ayan na....Malapit na....

Parang angtagal. Kelan ba nito ako babatukan? (-__-)

Sige, silip sa isang mata. (-__o)

(o____o) 

Instead na ako ang saktan niya, hinahampas niya ang ulo niya against the wall. 

*Dug* Hinampas niya ang ulo niya ng isang beses. 

*Dug* Dalawang beses...

*Dug* Pangatlo...may lumalabas nang dugo?!?

O.O Tumakbo ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit. "Hoy! Anong ginagawa mo?"

"Wala," sinabi niyang parang naiiyak. "Ang fail ko kasing editor. Advice article lang, hindi ko pa maipagawa sa iba. Ang useless ko," T__T

Guilt mode naman oh. Bakit naman kasi niya sasaktan ang sarili kahit ako naman ang talagang may kasalanan?

Sabi nila, mas nakakatakot magalit ang taong mabait sa taong hindi. Tama nga 'to pagdating kay Jean. Pero ibang klaseng nakakatakot. Parang weird na nakakatakot. 

"Sige na, sige na," sabi ko. "Gagawin ko na,"

Binigyan niya ako ng isang malaking ngiti.

\(OoO)/   AAAAH~ Nasisilaw ako! Masyadong maputi ang ngipin!

"Thank you," sinabi niya. 

Pumunta ako sa drawer namin kung saan nilalagay ang mga letters na sinusubmit ng readers.

Sa "The Chatbox" kasi, ako ang adviser. Ako yung taga sagot ng mga questions ng readers under a false name. Ang false name ko? Simple lang naman. Miss Pretty. :">

Hindi po masamang mangarap! Kaya 'wag naman po kayong manira ng trip. Miss Pretty na ako, ok?? 

Pinick ko yung first letter. Basahin natin. :)

Dear Miss Pretty (Ayyieee. Kinikilig ako. XD Pretty daw ako. DAW),

I have a problem. I like this guy but I don't think he knows I exist. 

I think it's because I'm ugly. Can you provide steps to make me pretty? I know it sounds superficial pero desperate na ako. Kahit 7 steps, pwede na. :D

Love lots,

Beauty Wannabe

=_=' Paano ko naman 'to sasagutin? Sigurado namang mas pangit ako sa kanya! Napala ko tuloy sa pagiging feeler. XD

Nagsimula na akong gumawa ng draft.

Dear Beauty Wannabe,

Sorry. Wala akong help diyan. Pinanganak kasi akong pretty so I can't help you with your problem.

Ang tanging advice ko na lang sa'yo ay i-blame ang parents mo dahil binigyan ka nila ng masamang genes. 

BTW, gaano ka gwapo si crush??? :">

From,

Miss Pretty.

Binigay ko yung paper kay Jean.

Habang binabasa niya, lumapit na ako sa pinto at pinipilit na siyang buksan.

Then, parang may binato si Jean sa ulo ko.

Pagtingin ko sa kanya, naka-frown siya. Tapos nakita ko sa floor ay yung draft na binigay ko sa kanya. Crumpled na. Ito ang pinangbato niya sa head ko. -__-

"Luisa? You could do much better than that. Akala ko ba advice ang dapat mong ibigay?" sinabi niya sa akin na mukhang disappointed.

Ugh. Now I feel guilty.

"Advice naman ang binigay ko! Kung pinanganak kang pangit, habang buhay ka nang pangit! That's life!" sabi ko.

Bakit? Hindi ba totoo?

Napa-smile si Jean sa akin. "Bitter ka lang eh,"

O.o "Bitter? Bakit naman ako magiging bittter?" tanong ko. 

"Pinanganak kasi akong pretty?" inulit niya yung sinulat ko sa draft. "No offense pero..."

"Pangit ako?" sabi ko. Napalakas ng kaunti ang pagsagot ko.

Tumahimik siya. Namula siya sa hiya.

"Wag kang mag-alala," sabi ko. "Matagal ko nang alam na hampas lupa ako,"

"Hindi ka hampas lupa," bigla niyang sinabi.

"Eh? Ah, sige. Matagal ko nang alam na chimay-"

"Hindi ka rin chimay," pinutol niya ako.

"Matagal ko nang alam na askal lang-"

"Hindi ka askal,"

=__= "Eh ano ako? Dyosa ng kagandahan?"

Tinawanan lang niya ako. "Ang baba kasi ng tingin mo sa sarili mo,"

"Mababa? Tama lang ang tingin ko sa sarili ko! Sige nga, anong maganda sa akin?" tanong ko.

Jean: ( o_o)  (=__=) Ako

( T__T) (=__=)

( T----T) (=__=)

( T___T) (=__=")

("-___-) (-___-")

"See?" sabi ko. "Kaya dapat straight ko na sabihin kay Beauty Wannabe na walang pag-asa ang mga pangit katulad ko,"

Pinisil niya ang pisngi ko.

"ARAY!" sigaw ko.

Pero hindi pa rin niya ito binibitawan. After a few minutes, tsaka lang niya ito binitawan.

"Ano ba?" sabi ko, pinipispis ang pisngi ko. Ang sakit. T___T

"Ang kulit mo kasi," sabi niya. "May pag-asa ka pa nga! Try mo lang,"

"Ang alin?"

"Sagutin mo ang tanong niya," sabi niya. "7 steps daw oh! I'm going to give you until the next issue to answer that. So that means may 3 months ka pa,"

"Eh? Paano naman yung sa issue ngayon? Eh di wala akong article?" tanong ko, pinipispis pa rin ang pisngi. 

Pumunta siya sa door at binuksan ito gamit ang key niya. "Oo. Ako na lamang ang gagawa nito para sa iyo. Pero right now, I want you to get pretty,"

"Sige, sige," Um-oo na lang ako. At least hindi ko na kailangan gumawa ng article for this issue.

Pagdaan ko sa door, binigyan ko siya ng behlat. :P  "Sure akong fail ang steps na 'to,"

"Hindi ka sure," sabi niya sa akin. "Try mo rin, ha?"

Pinispis ko ulit ang pisngi ko. "Tingnan mo. Namula sa sakit." T__T

He gave me a smile and nilapitan niya ang pisngi ko.

At hinalikan.

(o////o) 

"Oh? Masakit pa ba?" tanong niya sa akin.

Pero ang nagawa ko lang ay suntukin siya sa balikat. Nagulat ako eh. "Ano ba?!?"

"Bakit?" tiningnan niya ako ng innocent. "'Di ba nakaka-alis ng sakit ang kisses?"

Kinagat ko ang lower lip ko. "First kiss ko yun!"

Tumigil siya. "Hindi ba sa lips ang first kiss?!? Sa cheek lang naman kita hinalikan ah,"

"Kaya nga! First kiss ng pimples ko!" sabi ko.

Tinawanan niya ulit ako. "Hahahaha! Ngayon lang ako nakarinig ng pimples na may first kiss!"

"Hindi ka ba nandidiri?!?" tanong ko. T_T

"Bakit naman?" 

"Pimples ko ang nahalikan mo. Kadiri kasi ako. Ang oily ng face," i-explain ko. 

"Well, at least hindi na masakit ang cheek mo," sabi niya. "Sorry na lang kung napalakas ang pisil ko. Masakit pa ba?"

"Ah? Hindi na....Thank you na lang sa sorry," sabi ko. Namumula ako. Hindi kasi nagsosorry sa akin ang kahit na sino. Sayang lang daw kasi ang effort nila 'pag nagsorry sila sa akin. Sayang lang daw sa laway. Ang bait talaga ni Jean. :'>

"You're welcome," tapos parang napasimangot siya. "Pero bakit namumula ka pa rin?"

O.o OMG. Nahuli niya akong magblush! Hindi bagay sa pangit ang magblush! Lalo kasing namumula ang mga pimples ko.

Tinakluban ko ang pimples ko at tumakbo na palayo sa kanya. "Sige, bye na lang!"

Iniwanan ko siyang nagtataka sa pangyayari.

---

Habang tumatakbo ako, I collided with someone.

"Oof!" nasabi ko at napaupo. 

"Eew!" biglang may nagsigawan na girls sa likod ko.

Tiningnan ko sila at tiningnan ko ang nakabungguan ko. 

O.o Si Neon Grayson?!?

He looked at me at pinagpag ang kanyang polo. "Are you blind?"

Tulo ang laway ko. Ang GWAPO <3

Kasi, mga dakilang mambabasa, si Neon Mark Grayson ang aking crush since elementary. One year older siya sa akin so it means na 4th year siya. 

"S-sorry," sabi ko.

Biglang nag-iritan ang mga girls.

Sila ang fan girls ni Neon. Oo, sila ang official fan girls ni Neon. Mga stalkers sila kaya kung nasaan si Neon, nandun din sila. And the only reason kung hindi ako kasama ay dahil may one requirement sila: Dapat maganda ka.

Yun kasi yung type ni Neon. He likes pretty girls.

"'Wag mo nga kausapin si Neon!" sabi ng isang fan girl.

Biglang nagbulungan na sila sa akin.

"Kadiri to death!"

"Anong gimik kaya yan? Yuck!"

"Sino ba yang tukmol na yan? etche puera maruha, sinong nagsabing maganda siya, nanay niya?"

O.o Ang lalim naman ng pinagsasabi. Sorry, wala akong alam sa sleng eh. XD

"Don't touch me," bigla na lamang sinabi ni Neon at umalis na siya, kasama ang isang linyang stalkers.

Siguro dapat nasaktan ako. Siguro dapat napahiya ako at nagalit.

Pero...hindi eh. Kinikilig ako. XD

Kinausap niya ako! Grabeeee! Pwede na akong mamatay! Ito pala ang ibig sabihin ng kilig to the bones! KYAAA~

Tapos nagkabungguan pa kami! Double kilig lang~

Kaya naman hindi ako nagagalit ay dahil alam ko na naman na walang pag-asa ang isang tukmol na katulad ko sa isang prinsipeng katulad niya.

Pero pwede pa rin naman magkaroon ng crush, hindi ba?

....O.O May narealize ako.

If I turn pretty, will he notice me?!?

Sige, Jean! Gagawa ako ng 7 Steps To Become Beautiful!!

-Chapter End-

A/N: Kahabaan ko na yan na nagawang chapter. -__-

As for Jean: Medyo iba ang ugali niya, di ba? Well, hindi niyo naman kasi gaanong nakilala siya sa Dahil Sa Coke Float. Wala kasi siyang POV doon. But pure talaga ang heart niya. <3

Sa hindi kilala si Jean: Ba't hindi niyo sa kilala?!? Gusto niyo ng away? Joke! Hindi niyo na po kailangan basahin ang Coke Float para lang diyan. Pero pwede din. :">

Series ko po kasi 'to. J.O.H.N ang title. It means ang bawat letter ay may corresponding love story. So, abangan niyo! :3

-HypocriticallyNazi

Seguir leyendo