Taming My Ruthless Husband (R...

By catleidy

6M 103K 25.4K

Synopsis Matagal nang minamahal ni Alyanna si Drake subalit kabaligataran ang nararamdaman ng binata.Pilit si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Wakas
Epilogo
Special Chapter

Kabanata 11

118K 2.1K 452
By catleidy

Nagising ako kinabukasan ng bandang alas otso ng umaga. Bahagya ko pang iminumulat ang aking mata at tumihaya ng higa. Nakatingin lang ako sa kisame at pilit inaalala ang nangyari kahapon. Nasunog ko nga pala ang damit niya habang namamalantsa.

Patay na naman ako nito.

Matapos ang makabagbag damdamin kong pagtatapat sa kanya, iniwan na lang ako basta at hindi ko na alam kung dito siya natulog o hindi. Pero for sure, wala na yun ngayon.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para magtoothbrush at maligo. Tinuyo ko lang ang buhok ko ng blower at nagpahid ng lotion sa aking katawan.

Nagsuot ako ng aking itim na bootleg panty at pink tanktop. Naguumpisa nang uminit ang panahon kaya I opt to wear skimpy clothes.I'm not wearing any bra but the hell I care. Wala namang ibang tao kaya confident ako na walang makakakita sa akin.

Dalawin ko kaya si mama ngayon. Matagal tagal na din kaming hindi nagkakabonding kahit madalas kami magkatext at magtawagan.Magtetext na lang siguro ako kay Drake para alam niya.

Katatapos ko lang magprito ng bacon at eggs. Madami ang niluto ko as always dahil madami akong kumain kapag breakfast. Sinumulan ko nang lutuin ang fried rice.

Binuksan ko ang aking media player at naghanap ng kanta. Napili ko ang boomboom ng paborito kong korean singers na Momoland.

Medyo hawig naman kami ni Nancy eh, sabi ni mama. Naaalala ko pa ang sinabi ni Nadine. Kung magiging myembro daw ako ng girl group na yun, tiyak papalitan ang pangalan ng kanilang grupo. Mula sa Momoland, magiging Dedeland.

Bwisit talaga!

Pero namimiss ko na silang dalawa ni Sam. Kumusta na kaya sila? Napabuntong hininga ako at hinalo ang fried rice na niluluto ko

Sinasabayan ko ng sayaw ang kanta ng Momoland. Memorized namin nina Nadine ang lyrics at steps ng sayaw.

Bigay todo akong umiindayog at gumigiling. Feel na feel ko talaga at pakiramdam ko ay isa ako sa mga miyembro nila.

Sinasabayan ko din ang kanta nila kahit hindi ko naiintindihan. I was really engrossed on what I'm doing.

Eksaktong natapos ang kanta ay naluto ang fried rice. Handa na akong kumuha ng platong lagayan nang may mahagip ang paningin ko.

"Ay palakang pink!"napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Sino bang hindi magugulat? Nakaupo si Drake sa isa sa mga upuan habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa at mukhang naghihintay na pagsilbihan. Nakatiim ang mga mata niyang titig na titig sa akin.

"D-drake, anong ginagawa mo dito?"

"Bakit? Bawal ba akong kumain dito? Are you waiting for someone else?" Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata sa akin.

"Wala akong hinihintay. Hindi ko lang ineexpect na andito ka pa." wika ko nang makabawi ako sa pagkagulat.

Nakita kong basa pa ang mahabang buhok nitong nakalugay. Mukhang ang fresh nito. Nakasando lang ito kaya naaaninag ko ang mga namumutok nitong muscles at ang tattoo sa braso at sa may dibdib.

Diyos ko! Kanin na lang, kasi may ulam na sa aking harapan!

Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa agiw na pumapasok sa aking kukote. Kinuha ko na ang mga pagkain at nagsimulang maghain.

Tahimik lang kami habang kumakain. Sinusulyap sulyapan ko siya paminsan minsan dahil hindi ko inakalang makakasama ko siyang mag-breakfast.Magana akong kumain.

"Uhm, Drake. Pupuntahan ko si mama mamaya. " Basag ko sa katahimikan namin.

"Wala pa si Mang Pilo. Walang magdadrive sa'yo." wika nito nang hindi ako nililingon.

Ilang buwan nang nasa bakasyon ang driver namin dahil sa maysakit nitong asawa.Nakakalabas lang ako dati dahil kasama ko si Tracy. Pero since friendship over na kami, mukhang makukulong na naman ako sa bahay na'to.

"Mag-ta-taxi na lang ako. Nami-miss ko na kasi si mama. Maglalunch lang kami at magmo-mall at babalik din ako ng hapon. At saka balak ko na ding maghanap ng work." Giit ko pa.

Napapitlag ako nang marinig kong nagbagsakan ang kubyertos.

"Why so sudden, huh? Wala ka ding pinagkakagastusan sa bahay na to para magtrabaho." iritado nitong wika.

"G-gusto ko kasing may sarili akong pera. May mga personal akong pangangailangan na hindi pwedeng i-asa sa'yo." Wika ko.

"Like what?"tanong nito.

Ano nga ba? Mga damit at sapatos? Pero marami ako nun. Pagpapasalon and make ups?Hindi mahalaga sa akin ang mga yun.  Ang totoo, sobra akong naiinip na sa bahay. Gusto kong lumabas at magtrabaho dahil pakiramdam ko, iyon ang dapat ginagawa ko.Dahil pakiramdam ko, walang nangyayari sa buhay ko.

"Wala kang masabi kasi wala naman talaga. Gusto mong lumabas at magtrabaho, para may dahilan ka para makipagkita sa lalaki na yun! Then, my answer is no!" At nakita kong tumayo na ito at lumabas ng dining area.

Say what now? Ano daw? Si Lance ba ang tinutukoy niya? Pano nasali sa usapan si Lance? At saka hindi pa ba siya kumbinsido sa ginawa kong pagtatapat kahapon? Ano to, bintangan part 2?Hinabol ko siya.

"Hoy Drake! Magmove on ka na nga! Kahapon ka pa ha. Nakita ko lang siya kahapon sa restaurant na yun. Aksidente lang , okay?" paliwanag ko.

"Kung makapagbintang to, parang hindi alam na patay na patay ako sa kanya." bulong ko pa.

"Really? That's why you were holding each others' hands like a couple who just got back?! You really think I'm stupid, huh?"

"He used to be my suitor , okay? Kasalanan ko bang patay na patay pa rin siya hanggang ngayon sa akin? Madami kaya akong manliligaw dati. Ikaw lang naman ang immune sa kagandahan ko."

"Don't you dare cheat on me! I'll destroy any man who come near you. Gaya ng ginawa ko sa lalaking yun."

I gaped my mouth open.Anong ginawa niya kay Lance?

"You see. Wala na siyang babalikang trabaho sa Chicago and I'll make sure na mahihirapan siyang maghanap." sagot nito na parang nababasa ang tanong na nasa isip ko.

"H-how? Why? Hindi mo dapat ginawa iyon. Hindi ka na naawa dun sa tao. Wala siyang ginawang masama. " God. Nadamay pa si Lance sa kabaliwan ng lalaking ito.

"At bakit ako maaawa sa lalaking yun? Bakit? Affected ka sa ginawa ko? Dahil gusto mo siya? Ha? Kaya ka ba palihim na nakipagkita sa kanya? Na kung hindi ko kayo nakita ay hindi ko malalaman?" ramdam ko ang panggigigil sa mga salitang namumutawi sa kanya.

Nagseselos ba siya? I doubt. I highly doubt.I rolled my eyes at him sa pagkairita. Para namang tanga kasi. Hinablot niya ang braso ko.

"Don't you roll your eyes at me, young lady!" he hissed.

Inulit ulit ko pa ang pagikot ng mata ko para asarin siya. Siguro mukha na akong sinasapian sa paningin niya.

Itinigil ko lang ito ng medyo mahilo na ako. Nakakahilo pala yun.

"I'll roll my eyes whenever I want!" Balik ko sa kanya.

"Sinusubukan mo talaga ako?"hinapit niya ang bewang ko.

Nagtindigan ang balahibo ko sa ginawa nya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. At sa isang iglap ay sakop na niya ang labi ko.Naramdaman ko na naman ang nangigigil niyang halik. Parang magdurugo ang labi ko.

Pilit ko siyang itinutulak. Naaalala ko na naman ang nangyari sa kanyang opisina. Baka ipagawa niya ulit sa akin yon.

Shit! No! Ayoko! Nagkatrauma na yata ako sa bagay na yun!

"Halikan mo ako, damn it!" Narinig kong bulyaw niya. "Mas masarap bang humalik ang hayop na yun, ha?!" At sinakop niyang muli ang labi ko.

Ayokong maramdaman na naman na para akong bagay na ginamit.

Ganito na lang ba palagi? Gagamitin niya ako kung kelan niya gusto. Nilukuban ng takot ang buo kong pagkatao.

Nakakuha ako ng tiyempo at agad ko siyang tinulak. Nakakunot ang kilay niya at mukhang nabigla sa ginawa ko.

"No. Please no." at naalala ko ang suot kong halos wala nang itinago sa kanyang paningin. Agad kong pinagkrus ang mga braso ko sa aking dibdib na hindi ko napansin na halos lumabas na.

Naramdaman ko ang kanyang paglapit sa akin pero umatras ako.

"Aly. Look at me." masuyong tawag niya sa akin. Na tila ba ako inaamo.

Hindi ko siya sinunod. "No. Ayoko, Drake. Please, huwag ito. Please" Wika ko habang umiiling.

"Alyanna." rinig kong tawag niya ulit.

Medyo nanginginig na ako.Hindi ko alam na ganito na pala ako katakot sa bagay na iyon.

"Shit."narinig kong usal niya.

May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na gaanong inintindi dahil ang gusto ko ay lumayo na lang sa kanya.
Tumalikod ako at nagmamadaling tinungo ang hagdan. Kailangan kong makalayo sa kanya.

Pumasok ako sa kuwarto ko at agad inilock ang pinto. Tinungo ko ang kama habang yakap ang sarili ko.

Pupunta kaya siya? Pipilitin kaya niya ako? Ipagagawa niya ba ulit sa akin ang bagay na iyon habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae?

Shit. Ayoko. Ayoko na. Baka hindi ko na kayanin.

********************************

Continue Reading

You'll Also Like

2K 73 54
Warning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 2: Mr. Left After trying to commit suicide, Sheen May Velasco discovered that her father was planni...
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
10.6M 229K 62
R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young rea...
4.6M 126K 48
Highest Rank in Romance as of January 2021