Legend of Divine God [Vol 2:...

By GinoongOso

707K 45.8K 5.6K

Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hu... More

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter VI

12.4K 762 53
By GinoongOso

Chapter VI: Gift

Natigilan ang lahat sa paliwanag ni Finn Doria. Hindi sila makapaniwala sa kanilang naririnig. Paanong nakagawa ang binatilyong ito ng isang kahanga-hangang pill?! Walumpung porsyento! At kahit na bumaba pa ang posibilidad na ito sa dahil masyado nang malakas ang kakain ng pill na ito, isa pa rin itong pambihirang kayamanan.

Habang patuloy na nag-iisip ang lahat, isang napakalakas na halakhak ang pinakawalan ni Brien Latter. Pinagmasdan naman ng mga batang henerasyon ng mga adventurers ang patuloy na tumatawang binatilyo. Iniisip nilang nababaliw na ito dahil sa kaniyang pagkatalo.

Ilang sandali pa ang lumipas, sa wakas ay tumigil na rin ito at pinukulan ng masamang tingin si Finn Doria. Ngumisi siya sa binatilyo at nagwika, "Sa tingin mo ba ay maloloko mo ang mga adventurers dito? Kung kaya mo talagang makabuo ng sinasabi mong pill, bakit hanggang ngayon ay nasa 1st Level Scarlet Gold Rank ka pa rin?! Isa pa, isa ka lang Scarlet Gold Rank at wala kang kakayahang bumuo ng Tier 5 Pill!"

Napatango naman ang nakarinig ng mga sinabi ni Brien Latter. May kabuluhan at may punto ang sinabi ni Brien, dahil kung talagang may kakayahan si Finn Doria na gumawa nito, hindi lang sana siya nasa mababang antas ng lakas. At sa pagkakaalam ng nakararami, walang kakayahan ang Scarlet Gold Rank na makabuo ng Tier 5 Pill dahil tanging mga Profound Rank lang ang makagagawa nito.

Hindi naman ikinagalit ni Finn Doria ang pagtatanong ni Brien Latter, bagkus ay ngumiti siya rito at marahang nagwika, "Totoo ang lahat ng ipinaliwanag ko tungkol sa aking pill na nabuo. Tungkol naman sa kung bakit nasa mababang antas pa rin ako, alam naman ninyong lahat na nagmula lang ako sa ordinaryong angkan at limitado lang ang kayamanan at sangkap na mayroon ako. Sa totoo lang, ito ang una at huling Advance Scarlet Pill na aking nabuo. At tungkol naman sa kakayahan kong makabuo ng Tier 5 Pill..."

"Iyon marahil ay mas talentado ako sayo. Isa pa nagtataglay ako ng maalamat na Blue-Green Alchemy Flame at maaaring isa ito sa kakayahan ng aking Alchemy Flame." dagdag pa ni Finn Doria habang matamis na nakangiti sa binatilyo.

Napatango naman ang mga manonood. Hindi sila apektado sa mga sinasabi ni Finn Doria dahil hindi naman sila mga Alchemist. Maaaring nakararamdam sila ng kakarampot na inggit ngunit hindi maikukumpara ang inggit na nararamdaman nila sa nararamdaman ng mga Alchemist, kabilang na roon sina Association Master Morris at Elder Alicia.

Pareho silang nagtataglay ng Orange Alchemy Flame at hindi gaanong kataas ang kalidad ng kanilang Alchemy Flame. Lumalamang lang sila sa antas ng lakas at kasanayan. Kahit na medyo nasaktan ang kanilang tiwala sa sarili dahil sa mga sinabi ni Finn Doria, nanatili pa rin silang tahimik.

"Ha! Sinong maniniwalang nagmula ka lang sa isang ordinaryong angkan? Paano mo maipapaliwanag kung saan nagmula ang iyong Top-tier Rare Armament na Cauldron? Sa tingin ko ay hindi rin alam ng iyong Faction na isa kang Alchemist kaya naman imposibleng nanggaling sa kanila ang iyong armament. Isa ka ba talagang adventurer ng kahariang ito?" nakangising wika ni Brien Latter. Gusto niyang hanapan ng butas si Finn Doria kaya naman nagbabato ito ng mga tanong sa kaniya.

Muling umingay ang buong bulwagan. Nagkaroon muli ng haka-haka ang mga adventurers ng marinig nila ang mga sinasabi ni Brien Latter.

Sa lokasyon naman nina Sect Master Noah at Elder Marcus, parehong hindi maipinta ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Matalim nilang tiningnan si Brien Latter at nagwika, "Brien Latter! Naimbistigahan ko na ang buong pagkatao ni Finn Doria at hindi ka dapat nagsasalita ng kung ano-ano laban sa miyembro ng aking Cloud Soaring Sect! Malinaw na isa siyang mamamayan ng kahariang ito!"

Nang magsalita na rin si Sect Master Noah, muling natigil ang usapan. Dahil isang Sect Master na ang nagsalita upang pabulaanan ang akusasyon ni Brien Latter, itinigil na nila ang pag-iisip ng kung ano-ano.

Ngumiti si Brien Latter sa direksyon ni Sect Master Noah at 'magalang' na humingi ng paumanhin, "Ipagpagpaumanhin niyo Sect Master Noah Vildar ang aking kapangahasan. Sa tingin ko ay masyado akong naging mapusok sa pagtatanong ng mga walang kwentang mga tanong."

Nagulantang naman ang karamihan sa mga batang adventurers ng banggitin ni Brien Latter ang buong pangalan ni Sect Master Noah. Isa itong Vildar at sa pagkakaalam nila, isa siyang miyembro ng Royal Clan!

Nang marinig ni Finn Doria ang usapan tungkol kay Sect Master Noah, doon niya lang napagtanto na ang apelyidong Vildar ay isa sa simbolo ng pagiging miyembro nb Royal Clan. Gayunpaman, nanatili pa ring kalmado si Finn Doria tungkol sa balitang ito. Muli niyang pinagmasdan ang nakangiting binatilyo sa harap niya at nginitian ito.

"Dahil nabanggit mo na rin ang bagay na iyan, mayroon din akong nais itanong sa'yo Ginoong Brien Latter. Isa ka nalang na Rogue Adventurer at wala kang kinabibilangan na angkan, paano mo naabot ang antas na 6th Level Scarlet Gold Rank? Hindi ba't nakakapagtaka rin ang bagay na 'yon?" nakangiting tanong ni Finn Doria.

Natigilan naman si Brien Latter. Hindi niya inaasahang bubuksan ni Finn Doria ang paksang ito sa harap ng maraming tao kahit na nandirito ang kaniyang guro.

Napangiwi siya at matalim na tinitigan si Finn Doria, "Naging masuwerte ako at nakapasok ako sa isang abandonadong kuwebang naglalaman ng iba't ibang kayamanan. Ginamit ko ang mga kayamanang 'yon kaya naman naabot ko ang kasalukuyan kong antas ng lakas."

"Kung gayon, pareho lang tayo. Napunta ako sa isang abandonadong kuweba na puno ng pagsubok at nakuha ko ang top-tier armament na ito kasama ang isang libro patungkol sa alchemy." pagsisinungaling ni Finn Doria.

Napangiwi na naman si Brien Latter habang ang kaniyang guro naman na si Association Master Morris ay biglang napaisip.

'Libro patungkol sa Alchemy?! Ibig sabihin ay naglalaman ito ng mga sikreto tungkol sa alchemy at iba't ibang formula ng potions at pills!" sa isip ni Association Master Morris.

Sinadya ni Finn Doria na banggitin ang libro patungkol sa alchemy. Ito ay para makuha ang atensyon ni Association Master Morris!

"Hmph. Kung gayon, wala na akong sasabihin pa. Ngunit hindi pa rin ako naniniwala sa epekto ng iyong nabuong pill!" inis na wika ni Brien Latter.

Wala na siyang maibato pang mga salita kay Finn Doria at hindi niya na rin gustong ipahiya ang sarili niya sa harap ng maraming adventurers.

"Kung hindi ka pa rin naniniwala sa epekto ng aking pill, hayaan nating husgahan ng iyong Guro ang pills na nabuo nating dalawa." kalmado at nakangiting wika ni Finn Doria.

Gusto ni Finn Doria na ipahiya si Brien Latter sa harap ng maraming adventurers dahil sa ginawa nitong pang-iinsulto sa kaniyang angkan. Kaya niyang tanggapin ang pang-iinsulto sa kaniya ng kahit sino, ngunit hinding-hindi niya hahayaan na insultuhin ng ibang adventurers ang kaniyang buong angkan.

Gusto niyang ipakita sa lahat ng adventurers na naririto na hindi magandang insultuhin ang kaniyang angkan.

Nakabusangot na tumango si Brien Latter kay Finn Doria at isa-isang inilagay ang kaniyang mga gamit sa kaniyang interspatial ring. Agad rin siyang nagtungo sa posisyon ng kaniyang guro. Itinabi rin ni Finn Doria ang kaniyang mga gamit at sumunod rin si Finn Doria sa kaniya.

Napansin naman ni Finn Doria si Tiffanya Frois kaya binigyan niya ito ng matalim na tingin at nang-aasar na ngiti.

Napangiwi si Tiffanya Frois habang sinasalubong ang matalim na tingin ni Finn Doria. Hindi niya matanggap na aabot sa ganitong sitwasyon ang pinaka-kinaaayawan niyang adventurer sa buong mundo. Alam niyang isang Alchemist si Finn Doria dahil sa tinataglay nitong Alchemy Flame ngunit hindi niya alam na isa pala iyong maalamat na Blue-Green Alchemy Flame. Masyadong napuno ng galit noon sina Tiffanya Frois at Elder Guhen kaya naman hindi nila napansin ang tinataglay nitong Alchemy Flame ay isang pambihirang Alchemy Flame.

At ngayong alam nasaksihan na ng Alchemist Association ang kakayahan ni Finn Doria, mas lalong humihirap ang kaniyang sitwasyon. Kung bibigyan ng importansya ni Association Master Morris si Finn Doria at ang kaniyang angkan, siguradong delikado na ang kaniyang Nine Ice Family dahil para bang maghihintay na lamang sila sa kanilang katapusan.

Mayroon ng namuong poot sa dalawang angkan na mahirap nang solusyunan kaya naman siguradong hindi magtatagal ay may isang angkan ang magbabayad o mawawala na ng tuluyan.

"Guro." magalang na wika ni Brien Latter.

"Association Master." bahagyang yuko ni Finn Doria kay Association Master Morris.

"Mn." tinanguhan ni Association Master Morris ang dalawang binatilyo. Sa ngayon, hindi alam ni Association Master Morris kung sino ba ang mas matimbang sa dalawang binatilyong ito. Talentado si Finn Doria at nagtataglay ito ng maalamat na Blue-Green Alchemy Flame at siguradong malayo ang mararating nito sa hinaharap. Isa pa, nasa pag-aari ni Finn Doria ang 'Libro patungkol sa Alchemy' at nais niya itong makuha sa maayos na paraan. Ngunit sa huli, si Brien Latter pa rin ang kailangan at dapat niyang pahalagahan dahil ito ay kaniyang personal na estudyante.

Iniabot nina Brien Latter at Finn Doria ang kani-kanilang maliit na bote na naglalaman ng pills na kanilang nabuo kay Association Master Morris. Tinanggap naman ito ng matanda at inunang buksan ang boteng pag-aari ng kaniyang estudyante na si Brien Latter.

Inamoy-amoy ni Association Master Morris ang pill na nasa loob ng bote at matapos nito ay bigla nalang siyang napangiti at nasiyahan ng sobra.

"Walang duda isa nga itong Tier 4 Scarlet Nurturing Pill. Higit pa roon, ang kalidad nito ay High-quality!" abot langit ang ngiti ni Association Master Morris habang iniinspeksyon ang gawang pill ng kaniyang estudyante.

Paanong hindi siya magiging masaya? Ang kaniyang pinagmanalaking bagong estudyante ay kayang gumawa ng kahanga-hangang pill!

Habang si Association Master Morris ay masayang-masaya, ang mga adventurers naman sa paligid niya ay naghihintay na inspeksyunin niya ang pill na nabuo ni Finn Doria. Nais nilang malaman kung totoo nga ba ang epekto ng pill na nabuo ni Finn Doria at gusto rin nilang malaman kung sinong nagwagi sa paligsahang naganap sa pagitan nina Finn Doria at Brien Latter.

Napansin ni Association Master Morris na walang pumansin sa kaniyang pag-inspeksyon sa nabuong pill ng estudyante kaya naman nakaramdam siya ng pagkailang. Umubo siya ng mahina at binuksan ang maliit na boteng naglalaman ng pill ni Finn Doria.

Nang amuyin at inspeksyunin niya ang pill, nanlaki ang kaniyang mata at paulit-ulit na inamoy ang pill na pag-aari ni Finn Doria. At makailang ulit na pag-amoy pa, agad niyang isinara ang bote at hinawakan ito nang mahigpit. Ipinikit niya ang kaniyang mata at nanahimik ng ilang sandali.

Nagtaka naman ang lahat sa kakaibang kilos ni Association Master Morris. Hindi na sila makapaghintay pa at nais na nilang malaman kung ano ang resulta ng pag-iinspeksyong ginawa ni Association Master Morris sa pill na nabuo ni Finn Doria. Isa pa, mayroon silang balak kung sakaling totoo nga ang epekto ng pill na pag-aari ni Finn Doria.

"Guro..." marahang wika ni Elder Alicia mula sa tabi ni Association Master Morris.

Katulad ng nakararami, hindi na rin siya makapaghintay sa resulta. Gustong-gusto niya talaga si Finn Doria dahil sa pag-uugaling mayroon ito kaya naman mas nanaisin niya pang manalo si Finn Doria sa paligsahan sa pagitan nila ni Brien Latter. Isa pa, mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kapwa niya estudyante ni Association Master Morris. Para sa kaniya, masyadong kahina-hinala ang pagkatao ng binatilyong ito.

Marahang iminulat ni Association Master Morris ang kaniyang mga mata at bahagyng huminahon. Bumuntong hininga siya at tumingin sa mata ni Finn Doria, "Kahit na ako ang tinaguriang pinakatanyag na Alchemist sa kahariang ito, humihingi ako ng paumanhin ngunit hindi ko alam kung anong klaseng uri ng Pill ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-inspeksyon ako ng ganitong uri ng Pill."

Nagkaroon naman ng ingay sa paligid. Karamihan ay napatingin kay Finn Doria at nagbulungan sa isa't isa.

"Ano?! Kahit si Association Master Morris ay hindi maideklara at makumpirma kung anong uri ng pill ang nabuo ni Finn Doria. Ito ay... hindi kapani-paniwala." wika ng isa sa mga manonood.

"Kung gayon, sinong nanalo sa paligsahang naganap?" bulong naman ng isa pa.

Ngayon na hindi malaman ni Association Master Morris kung anong klase at uri ng Pill ang nabuo ni Finn Doria. Lahat ay nagtataka kung sino ang nagwagi sa paligsahan sa pagitan nina Finn Doria at Brien Latter. Nakataya ang pangalan ni Association Master Morris sa paligsahang ito dahil ang kaniyang estudyante ay isa sa kalahok kaya naman napakahalaga nito para sa mga Adventurers na naroroon.

Tensyonado na ang grupong Soaring Seven at Alchemist Seven habang hinihintay nila ang anunsyo ni Association Master Morris. Kahit na hindi pa nagsisimula ang totoong laban, isa pa rin itong paligsahan ng dalawang Alchemist at higit sa lahat matataas na kalidad ng Alchemy Flane ang nagtunggali.

Muling bumuntong hininga si Association Master Morris at marahang nagwika, "Gayunpaman, kailangan kong maging patas sa paligsahang ito. Kahit na hindi ko makumpirma ang pill na nagawa ni Finn Doria, masasabi kong may aura ito ng Tier 5 Pill at sa amoy nito, hindi maikakailang isa itong Top-quality! Mayroon din itong aura na maihahalintulad sa ginawang pill ni Brien ngunit mas malakas ito kaya naman inaanunsyo kong si Finn Doria ang nanalo sa paligsahang ito!"

Nagulantang ang lahat sa anunsyo ni Association Master Morris. Isang Top-quality Tier 5 Pill! Totoo ngang may kakayahan si Finn Doria na makabuo ng ganitong uri ng pill!

Nagdilim naman ang hitsura ni Brien Latter. Hindi niya matanggap ang anunsyo ng kaniyang Guro. Hindi niya matanggap na natalo siya sa isang miyembro ng Ordinaryong angkan!

Nanghihinayang na ibinalik ni Association Master Morris ang Tier 5 Pill ni Finn Doria. Gusto niyang bilhin ang pill na ito upang mapag-aralan pa ng husto ngunit ayaw niyang ipahiya ng tuluyan ang kaniyang estudyante. Ngunit hindi pa rin siya susuko dahil hahanap siya ng tyempo upang makuha ang sikreto ng pill na ito at ang libro mula kay Finn Doria sa maayos na paraan.

Nang maibalik na kay Finn Doria ang pill niya, apat na Adventurer ang lumapit sa kaniya. Gaya nina Association Master Morris at Sect Master Noah, hindi rin maramdaman ni Finn Doria ang antas ng lakas ng mga ito kaya naman nasisigurado niyang bawat isa sa apat na ito ay isang Sky Rank Adventurer.

"Isang pagbati, Finn Doria. Ako nga pala si Sect Master Netero ng Burning Heaven Sect at nais kong bilihin ang iyong pill sa halagang nais mo." nakangiting wika ng balbas saradong lalaki.

Ang lalaking ito ay nakasuot ng kulay pulang roba at ang buhok nito ay kulay pulang tirik na tirik. Mayroon din itong bigoteng at mahabang balbas.

"Ako naman si Sect Master Piere ng Soul Puppet Sect at gaya ni kaibigang Netero, nais ko ring bilihin ang iyong pill." wika naman ng lalaking naka kulay kayumangging roba.

"Island Mistress Selena ng Ancient Darkness Island at gaya nila, nais ko ring makuha ang iyong pill." wika ng babaeng naka kulay itim na mahabang bistida.

"Pavilion Master Ren ng Immortal Sword Pavilion at ganoon din ang aking pakay." wika naman ng isa pang lalaking naka kulay pilak na roba.

Nagkaroon naman ng inggit kay Finn Doria ang mga batang Adventurers. Pangarap din nila ang makahalubilo ang mga Faction Master ngunit hindi sila gaya ni Finn Doria, wala silang pambihirang kakayahan gaya niya.

Gustong makuha ng apat na Faction master ang pil na pag-aari ni Finn Doria dahil kung totoo nga ang epekto nito, malaki ang maitutulong nito sa kanilang pinakamalakas na miyembro. Magkakaroon ng posibilidad na umangat pa ang antas ng lakas ng kanilang pambato.

Sa tabi naman nina Sect Master Noah, nakangiwing nanonood lamang si Sect Mistress Sheeha habang sinusubukan nila na makuha ang pill na pag-aari ni Finn Doria. Hindi na siya nagsubok pa dahil alam niyang walang pag-asa na makuha niya ang pill at 'yon ay dahil miyembro niya si Tiffanya Frois.

Nailang si Finn Doria sa kaharap niyang apat na Faction Master, agad-agad siyang yumuko sa apat at magalang na nagwika, "Ikinagagalak ko po kayong makilala, mga kagalang-galang na Faction Masters. Ikinalulungkot ko po ngunit ang pill na ito ay nakalaan na sa isang adventurer. Gayunpaman, huwag po kayong mag-alala dahil sa oras na makakuha ako ng sapat na sangkap para sa pill na ganito, maaari na akong magbenta at hayaang makinabang ang lahat sa kahanga-hangang Advance Scarlet Pill."

Napakunot-noo naman ang apat sa sinabi ni Finn Doria. Gayunpaman tumango sila at marahang nagwika, "Kung gayon, walang problema. Maaari kitang handogan ng mga sangkap upang hindi ka na mahirapan, hanapin mo lang ako sa aking Burning Heaven Sect at handa akong makipagkasundo sa'yo."

"Ganoon din ako." sunod-sunod na wika pa ng tatlo.

Kasunduan sa pagitan ng isang batang Adventurer at apat na Faction Master! Kung lalabas ang balitang ito, siguradong tataas ang reputasyon ni Finn Doria. Ito talaga ang pribilehiyo ng isang Alchemist. Nakakalungkot lang dahil hindi sila nagtataglay ng Alchemy Flame.

"Tama.., nais kong malaman kung kanino nakalaan ang Advance Scarlet Pill na 'yan? At bakit hindi mo nalang gamitin 'yan para sa iyong sarili?" wika ni Island Mistress Selena.

Ngumiti naman si Finn Doria at ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa isang napakagandang babae na patuloy pa ring nananahimik sa kaniyang kinatatayuan. Nakasuot ito ng kulay pulang mahabang bistida at mayroon itong napakagandang mga mata. Tumingin si Finn Doria sa mata nito at matamis na nagwika, "Walang magiging epekto kung gagamitin ko ang pill na ito sa aking sarili. Kaya naman nais kong ibigay ang Pill na ito kay Binibining Ashe Vermillion upang mas mapalaki pa ang pangkalahatang lakas ng aming grupo."

--

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
10.3K 1.6K 64
This book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile befor...
286K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
71.9K 1.8K 27
HIGHEST RANK: #1 in Virtual, #1 in gaming THIS BOOK HAS BEEN TRANSFERRED TO A DIFFERENT ACCOUNT. Please follow @haruirui if you still wish to embark...