Chapter XII

12.1K 703 53
                                    

Chapter XII: Start of Seven Great Faction Games

Kahit na nakangiti si Finn Doria nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, mababakas sa kaniyang pananalita ang pagiging seryoso.

At nang marinig naman nina Sect Master Noah ang mga salitang binigkas ni Finn Doria, mapait silang ngumiti at nagakatinginan. Hindi nila inaasahang sa murang edad pa lamang ng binatilyong ito ay matalino na agad itong mag-isip.

Muling ibinaling ni Sect Master Noah ang kaniyang atensyon kay Finn Doria. Tumingin siya sa mata ng binatilyo at marahang nagwika, "Pero kumpara sa gaserang 'yon, mas mahahalaga at mas mahal ang mga bagay na 'to. Isa pa, bakit hindi mo na lamang angkinin o ibigay sa'yong angkan ang mga bagay na 'to?"

Tama, ang ibinayad na halaga ni Sect Master Noah para sa gasera ay nagkakahalaga lamang ng isang milyon at limang daang libong gold coins at kung sakaling isusubasta rin ang mga Armaments na 'to, sigurong aabutin ang tatlong ito ng limang milyong gold coins. Kaya naman sa kasong ito, hindi lang binayaran ni Finn Doria ang Cloud Soaring Sect mas nagbenepisyo pa ang Cloud Soaring Sect!

Hindi sumagot si Finn Doria sa tanong ni Sect Master Noah, bagkus, ngumiti lang siya habang nakatingin dito.

"Kung gayon, mukhang wala na kaming magagawa. Dahil boluntaryo mo naman itong inihahandog sa Cloud Soaring Sect, tatanggapin namin ito ng bukal sa aming kalooban." napabuntong hininga nalang si Sect Master Noah at gamit ang kaniyang soulforce, pinalutang niya ang tatlong Armaments at ipinasok ito sa loob ng kaniyang interspatial ring.

Kahit na nabayaran na ni Finn Doria ang pagbili ni Sect Master Noah sa gasera, alam niyang mayroon pa siyang malaking utang na loob sa Cloud Soaring Sect. At iyon ay walang iba kung hindi ang pagbibigay proteksyon ng Cloud Soaring Sect sa kaniyang angkan. Ang utang na loob na ito ay hindi ganoon kadali bayaran dahil malaki ang naitulong ng Cloud Soaring Sect upang mapanatiling ligtas ang kaniyang angkan.

Walang libre sa mundong ito, bawat isa ay nais magbenepisyo sa isa't isa. Nais nina Sect Master Noah na pakinabangan ang kakayahan ni Finn Doria bilang Alchemist upang mas mapalakas pa ang kabuuang lakas ng Cloud Soaring Sect habang nais naman ng binatilyo na pakinabangan ang awtoridad at lakas ng Cloud Soaring Sect upang mapanatili ang kaligtasan ng kaniyang angkan kaya naman, kailangan ng Cloud Soaring Sect si Finn Doria habang kailangan din naman ni Finn Doria ang Cloud Soaring Sect.

Malinaw sa dalawang panig ang sitwasyong kinabibilangan nila. Pero syempre, hindi gusto ni Finn Doria na matali siya ng habang buhay sa Cloud Soaring Sect. Hindi niya rin gusto na aasa na lang siya sa proteksyong ibinibigay ng Cloud Soaring Sect sa kaniyang angkan. Dahil naiintindihan niya namang sa oras na hindi na nagbebenepisyo ang Cloud Soaring Sect, bibitaw at bibitaw rin sila.

Mayroon siyang pangarap para sa kaniyang angkan, nais niya itong maging malakas upang makamit nila ang hustisyang hinahangad nila. Dahil sa mundong ito, tanging malalakas ang maimpluwensya lang ang inirerespeto at ang mga mahihina ay isinasantabi na lamang.

Tumango si Finn Doria at nakangiting nagwika, "Ang tanging kahilingan ko lang Sect Master Noah ay sana itago niyo na lang ito sa pagitan nating tatlo at kung bakit, marahil alam niyo na ang rason."

Muling nagkatinginan sina Elder Marcus at Sect Master Noah. Syempre, malinaw sa kanila ang namuong poot sa Azure Wood Family at Nine Ice Family. Ang poot na ito ay hindi na ganoon kadali maresolba at alam din nila na hindi magtatagal ay magkakaroon na ng giyera sa pagitan ng dalawang angkan na ito. Sa oras na 'yon, hindi na maaaring mamagitan ang Cloud Soaring Sect dahil siguradong hahayaan na ng Royal Clan na mag-ubusan ang dalawang angkan.

Ito ay dahil, naniniwala ang Royal Clan na ang Noble Clan na Nine Ice Family ang magtatagumpay sa giyerang ito. Hindi kawalan ang isang ordinaryong angkan para sa kanila kaya naman hindi sila maghihinayang kung sakaling mabura na ang Azure Wood Family sa Sacred Dragon Kingdom.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now