Chapter LV

9.8K 752 203
                                    

Chapter LV: Fire Phoenix's Inheritance

Napaawang ang bibig ni Finn Doria. Nawalan na rin siya ng kontrol sa Myriad World Mirror kaya naman agad itong bumalik sa kaniyang katawan.

Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Paanong ang maliit na nilalang na 'to ay bigla na lamang lalabas ng Myriad World Mirror. At isa pa, bakit ito titig na titig sa mata ng Fire Phoenix?!

Ito ang unang pagkakataon na nakita muli ni Finn Doria si Little Black simula nang pumasok siya sa Mystic Treasure Realm. Hindi siya pumapasok sa Myriad World Mirror dahil sa kaniyang walang sawang pakikipagsapalaran kaya naman ngayon na nakita niya ulit si Little Black, hindi niya mapigilang magulat.

Hindi kaya nabagot na ang maliit na nilalang na ito sa loob ng salamin ni Finn Doria kaya naman nagbalak na itong lumabas at magpahangin?

Pero... paanong nakakaya nitong makipagtitigan sa isang Divine Beast na para bang wala lang? Ang mga palaisipang ito ang talaga namang nagpasakit ng ulo ni Finn Doria.

Matapos ang ilang minutong pagtitigan, nakabawi na ang Fire Phoenix at umalingawngaw ang malakas nitong halakhak sa buong paligid. Nagtitigan ang Fire Phoenix at si Little Black at ilang sandali pa, parehong bigla na lamang naglaho ang dalawa.

Matapos maglaho ni Little Black at nang malaking mata ng Fire Phoenix, naiwang mag-isa si Finn Doria sa madilim na lugar kasama ang katawan ni Ashe Vermillion.

Muli na naman siyang napuno ng mga tanong sa kaniyang isipan dahil sa biglaang paglabas ng maliit na nilalang sa kaniyang Myriad World Mirror.

Isa pa, anong alam ng Fire Phoenix sa kaniyang Myriad World Mirror? Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang Divine Artifact?

Naiwan siyang nagtataka at napaupo na lamang habang patuloy na inaalam kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

--

Sa isang purong dilim na lugar, isang pares ng malaking pulang mata at isang maliit na nilalang na kasing laki ng kamao ang makikitang lumulutang at hinaharap ang malaking pares ng mata.

"Kaya pala nararamdaman ko ang presensya mo at niya sa binatang iyon... Nagtatago ka pala sa loob niya. HAHAHAHA. Tadhana nga naman. Mahigit isang daang libong taon na rin mula ng huli tayong magkita. Hindi ko inaakalang buhay ka pa pala. Gayunpaman, sa nakikita ko, malubha ang iyong natamong pinsala at mukhang hindi ka na rin magtatagal sa mundong ito gaya ko." Malumanay na wika ng Fire Phoenix.

Nakatitig pa rin ang itim na nilalang sa mata ng Fire Phoenix na para bang nakikipag-usap ito gamit ang kaniyang isipan.

Tumawa ng malakas ang Fire Phoenix na para bang nababaliw na 'to.

"Hanggang ngayon ba naman ay kinamumuhian mo pa rin ako? Isang daang libong taon na ang nakakaraan at pinagsisisihan ko na ng husto ang mga kasalanan ko. Nais ko lang namang maghari muli ang Beast Race sa buong kalawakan. Pero dahil sa kasakiman ko, nagulo ang lahat."

"Nagpaubaya ka. Ang isang malakas na gaya mo ay naging sunod-sunuran sa kaniya at ngayon naman sa binatang iyon. Dahil buhay ka, maaari kayang buhay rin siya? Pero malinaw kong nasaksihan ang kaniyang pagkamatay. Alam mo naman na mayroon kayong Blood Contract at sa oras na mamatay siya, mamatay ka rin." malumanay na wika ng Fire Phoenix.

Muli lang siyang tinitigan ng itim na nilalang at ang mata nito ay punong-puno ng galit at poot.

"Ginamit niya ang kaniyang huling lakas upang sirain ang kontrata sa pagitan niyong dalawa para lamang mabuhay ka...? Hindi ka nga nagkamali sa kaniya. Nagsisisi na ako. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana siya mamamatay at hindi ka sana malubhang mapipinsala..." Punong-puno ng emosyon ang tono ng Fire Phoenix. Muli siyang nagpatuloy, "Ang batang 'yon? Sino siya at bakit may nararamdaman akong pamilyar na kapangyarihan sa loob ng kaniyang katawan bukod sa iyong presensya?"

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now