Chapter VIII

12.1K 674 22
                                    

Chapter VIII: Auction Begins

Huminga nang malalim ang bawat adventurer na naroroon. Tanging ang mga nakakatandang Adventurers lang ang nanatiling kalmado. Kahit na karamihan sa kanila ay hindi kilala ang matandang Adventurer na ito, nagmula pa rin ito sa Royal Clan. At ano ang nirerepresenta ng Royal Clan? Sila lang naman ang namumuno sa kahariang ito at alam nilang lahat 'yon.

Mapait na ngumiti si Association Master Morris kay Lord Helbram at marahang nagwika, "Lord Helbram, isa lang iyong maliit na paligsahan sa pagitan ng mga Alchemist. Isa pa, hindi sinasadya ng aking estudyante na manggulo, nais lang niyang makipagpaligsahan sa Adventurer na nagtataglay ng tinaguriang maalamat na Blue-Green Alchemy Flame."

Umiling at bumuntong hininga nalang si Lord Helbram at marahang nagwika, "Dahil estudyante mo naman ang sangkot sa panggugulo, kakalimutan ko na ang bagay na 'yon. Ngunit hindi ko maipapangakong mabibigyan ko pa siya ng pangalawang pagkakataon sa oras na ulitin niya pa ang ginawa niya."

Si Association Master Morris ay ang pinakatanyag na Alchemist sa buong kaharian at natural lang na pagbigyan siya ni Lord Helbram.

"Maraming salamat kung gayon, Lord Helbram." nakangiting wika ni Association Master Morris. Ibinaling niya ang kaniyang atensyon kay Brien Latter at sinenyasan ito, "Brien, lumapit ka rito at humingi ka ng paumanhin kay Lord Helbram."

Lumapit naman si Brien Latter sa kinatatayuan ng dalawang pinakamaimpluwensyang Adventurer sa buong kaharian ng Sacred Dragon. Mapapansing kalmado lang siya at hindi makikita sa mukha niya ang kaba habang naglalakad patungo kina Association Master Morris at Lord Helbram.

Pagkarating niya sa harap ni Lord Helbram, bahagya itong yumuko at walang ganang nagwika, "Lord Helbram, ipagpaumanhin po ninyo kung mayroon man akong nagawa na hindi niyo nagustuhan."

Walang sinuman ang nakakaramdam ng sinseridad sa mga salitang binitawan ni Brien Latter. Ang tanging napapansin lang nila ay ang mapagmataas na ugali ng binatilyo.

Mapait namang ngumiti si Association Master Morris kay Lord Helbram. Kahit na siya ang guro ng binatilyong ito, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ganito ang pag-uugali ng kaniyang estudyante. Wala siyang inererespeto at madalang siyang gumalang sa mga taong nakatataas sa kaniya kaya naman sumasakit ang ulo ni Association Master sa pag-uugaling mayroon si Brien Latter.

Dahil sa hindi naman nararamdaman ni Lord Helbram ang sinseridad sa mga salita ni Brien Latter, hindi rin siya tumugon rito at ibinaling nalang ang kaniyang atensyon sa lokasyon kung nasaan ang Cloud Soaring Sect.

Nang mapunta ang kaniyang paningin kay Sect Master Noah, taimtim niya itong tinitigan at ilang sandali pa ay bumuntong hininga ito. Tanging kakaunti lang na Adventurer na naroroon ang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Sect Master Noah, at isa na roon si Lord Helbram.

Marahan lang siyang umiling at nagwika, "Maaari ko bang malaman kung sino si Finn Doria?"

Sandaling natigilan si Finn Doria ngunit agad rin siyang nakabawi. Mabilis siyang umabante kaya naman napansin siya agad ni Lord Helbram. Bahagyang yumuko ang binatilyo sa matanda at magalang na nagwika, "Ikinagagalak ko po kayong makita at makilala, Lord Helbram. Maaari ko po bang malaman kung ano ang aking maipaglilingkod sa'yo?"

Magalang at bukal sa puso ang pagkakasabi ni Finn Doria ng mga salitang binitawan niya kaya naman hindi mapigilang ngumiti ni Lord Helbram.

Bago tuluyang tumungo sa lugar ni Finn Doria, binigyan muna ni Lord Helbram ng bahagyang yuko si Association Master Morris. Mabagl siyang naglakad siya patungo kay Finn Doria at huminto sa harap nito.

Ngumiti siya kay Finn Doria at mahinahong nagwika, "Ikinagagalak ko ring makilala ang binatilyong nagtataglay ng maalamat na Blue-Green Alchemy Flame. Nitong mga nakalipas na buwan, naging matunog ang iyong pangalan sa buong kaharian kahit ang kagalang-galang nating hari ay kilala ang pangalang Finn Doria."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora