Chapter XXXII

12.9K 800 85
                                    

Chapter XXXII: Do you want to be my student?

Nang marinig ito ng mga nakatatandang adventurers, matalim nilang tiningnan si Brien Latter. Hindi sila inutil at alam nila ang gustong ipahiwatig ng binata. Gayunpaman, binigyan lamang nila ito nang malamig at masamang tingin.

Nais iparating ni Brien na kahinahinala ang katauhan ni Finn Doria at hindi nila nagugustuhan ang paghihinalang ito. Matagal na nilang alam ang tungkol sa ordinaryong angkan na Azure Wood Family at alam din nila na kahit mahina ang mga miyembro nito, tapat sila sa Sacred Dragon Kingdom.

Iniisip ng ilan sa nakatatandang adventurers na kung mayroon mang kahina-hinalang katauhan sa mga batang adventurers, iyon ay walang iba kung hindi si Brien Latter.

Ang kaniyang biglang paglitaw at pagpapakita kay Association Master Morris ay isang napakalaking misteryo. Gayunpaman, walang sinuman ang nais ihayag ang kanilang naiisip dahil ayaw nilang paghinalaan at galitin si Association Master Morris.

Isa pa, kahit naman malabong mangyari o maliit ang tsansa na mayroong ipanganak na talentadong adventurer sa ordinaryong angkan, sa huli, mayroon pa ring maliit na tsansa. Samahan pa ng Blue-Green Alchemy Flame at oportunidad ni Finn Doria na makatagpo ng libro patungkol sa Alchemy.

Halos lahat ng nakatatandang adventurer ay inis kay Brien Latter, maging sina Elder Alicia at Association Master Morris ay masama rin ang tingin sa kaniya. Si Brien Latter ay miyembro ng kanilang Alchemist Association at ang kanilang reputasyon ay maayos ngunit sa ginagawa ng binatang ito, unti-unti ng sumasama ang reputasyon ng Alchemist Association dahil sa kaniyang mga paratang.

Kung hindi lang talaga estudyante ni Association Master Morris si Brien, siguradong nakatikim na ng sakit ng katawan ang binatang ito. Kahit kasi naturuan na ng leksyon ni Finn ang binatang ito, walang hiya pa rin itong nagsasalita laban kay Finn Doria.

Habang hinaharap naman ang masasamang tingin ng malalakas na adventurer, hindi mapigilan ni Brien na mapaatras at makaramdam ng takot sa kaniyang kalooban. Malinaw na walang naniniwala sa kaniya at sa halip ay ikinainis pa ng mga nakatatandang adventurer ang kaniyang mga pahayag.

Tiim bagang na lang siyang pumunta sa isang tabi at napatahimik. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at muli na namang nabuhay ang sobrang galit sa kaniyang puso.

Hindi naman pinansin ni Finn Doria ang mga pahayag ni Brien. Wala siyang dapat patunayan at lalong hindi niya kailangang magpaliwanag dahil alam niya sa sarili niya kung paano siya umabot sa puntong ito. Nasa Profound Rank siya dahil sa ipinasa ni Kurt Bautista ang kaniyang natitirang lakas kay Finn Doria. At habang nararamdaman naman ng binata na biglang gumanda ng sobra ang pakikitungo ng ilang Faction Masters at Elders sa kaniya, nanatili pa rin siyang kalmado at walang pakialam. Naiintindihan niya naman kung bakit naging ganito ang pakikitungo sa kaniya ng mga nakatatandang adventurers, 'yon ay dahil sa kaniyang pambihirang talento.

Kung pangkarinawang adventurer lamang ba siya, ganito ba ang magiging pakitungo sa kaniya ng mga ito? Hindi.

Hindi siya ituturing ng mga ito na para bang isang kayamanan. Pinahahalagahan lang nila ang mga talentado habang ang mga pangkaraniwan naman ay isinasantabi nila. Iyon ang mundo, ganito ang mundo ng mga Adventurers. Ito ang mudong kinabibilangan ni Finn Doriam

Tanging kina Elder Marcus at Sect Master Noah lamang naniniwala si Finn Doria dahil simula pa lamang, naniniwala na ang dalawang ito sa kaniya. Iginagalang din ng dalawa ang kaniyang desisyon at hindi nila pinilit na ilabas ni Finn Doria ang kaniyang totoong antas ng lakas kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa dalawang ito.

Malinaw naman na kaya nilang pwersahin na alamin ang katotohanan tungkol sa sikreto ni Finn Doria ngunit hindi pa rin nila ginawa dahil sa kanilang pag-intindi sa kalagayan ni Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now