Chapter XVI

12.1K 708 70
                                    

Chapter XVI: Battle between the strongest

"Nagkakamali ka, Binibining Ashe." Malumanay na wika ni Finn Doria. Tumingin ang binatilyo sa dalaga at marahang nagwika, "Kahit na naglalaban tayo sa kompetisyong ito, hindi natin pwedeng ituring na totoo silang kalaban. Kumain si Jacobus ng Forbidden Pill at alam niyo naman ang masamang epekto nito. Kung hindi ko siya tutulungan, malaki ang posibilidad na malumpo siya ng ilang buwan at dahil dito, mawawalan siya ng pagkakataon upang makapagpatuloy pa sa kompetisyon. Eksaktong mayroon akong pill na makakabawas ng masamang epekto kaya naman anong dahilan para hindi ako magkusang-loob?"

Napangiwi si Ashe Vermillion. Naiintindihan niya ang sinasabi ni Finn Doria ngunit ayaw niya pa ring magpapigil, "Nagkusa siyang kumain ng Forbidden Pill kaya siya lang ang maaaring sisihin sa ginawa niya. Nabubuhay tayo sa mundo ng mga ganid at sakim, bakit hindi ka na lang maging ganoon? Mas magiging malakas ka kung ang bawat kayamanan mo ay gagamitin mo nalang para sa iyong sarili."

Umiling si Finn Doria. Bumuntong hininga siya at marahang nagwika, "Mali ka. Hindi natin masisisi si Jacobus sa pagkain niya ng Forbidden Pill. Gaya niyong mga babae, mayroon din kaming dignidad na pinapangalagaan. Bawat isang adventurer ay nangangarap na maging kilala at malakas upang matupad ang kanilang layunin sa buhay, at isa na ako roon. Tungkol naman sa pagbibigay ng mga bagay na pag-aari ko, totoong may pagka makasarili rin ako pero hindi ko kayang isantabi ang isang Adventurer na lubos na nangangailangan ng tulong ko."

"Hmph." Magsasalita pa sana si Ashe Vermillion ngunit mas pinili niya na lang na manahimik humanap na lamang siya ng mauupuan at doon nakasimangot na umupo. Malinaw niyang nakikita sa mata ng binatilyo na wala siyang balak pagsisihan ang ginawa niya. Isa pa, nangyari na ang nangyari kaya naman wala na rin siyang magagawa.

Nakahinga na nang maluwag si Finn Doria at muli siyang tumayo sa kanina niyang kinatatayuan. Nagsimula na ang ika-limang laban kaya naman itinuon niya na lamang ang kaniyang buong atensyon sa naglalaban.

Ang ika-limang laban ay sa pagitan ng Ancient Seven at Soul Seven, parehong nakakatakot ang enerhiyang nilalabas nila kaya naman seryosong-seryoso si Finn Doria na nanonood sa laban nila.

--

Masasabi na tanging si Finn Doria lang ang seryosong nanonood sa laban. Bawat faction kasi ay hindi pa rin makapaniwala sa labang naganap sa pagitan ni Finn Doria at Jacobus Rid. Hindi pa rin nila maintindihan kung paanong natalo ng ganoon kadali ni Finn Doria na isa lamang 1st Level Scarlet Gold Rank si Jacobus Rid na isa namang 4th Level Scarlet Gold Rank.

Malinaw nilang nasaksihan na hindi lang 1st Level Scarlet Gold Rank ang totoong lakas ni Finn Doria, isa iyong lakas ng isang 5th Level Scarlet Gold Rank! Ngunit malinaw rin naman nilang nararamdaman na isa lang siyang 1st Level Scarlet Gold Rank kaya naman mas lalo silang naguguluhan.

"Guro, mayroon akong naalala. Noon, nagawa ring itago ni Finn Doria ang kaniyang totoong antas ng lakas." Biglang sambit ni Elder Alicia. Naglagay siya ng Sound Concealing Skill na sinasakop lang silang dalawa ni Association Master Morris.

Napalingon naman sa kaniya si Association Master Morris at kunot-noong nagtanong, "Mayroong ganoong pangyayari? Pero kung totoong itinatago niya nga ang totoong antas ng lakas niya, paano niya ito nagagawa sa harap naming mga Sky Rank Adventurer. Mayroon kaming malakas na pandama at hindi makakalusot sa amin kung sakaling itinatago niya nga ang kaniyang totoong lakas."

Tumango si Elder Alicia. Taimtim siyang tumingin kay Finn Doria at marahang nagwika, "Noong una naming pagkikita at estudyante pa lang siya ng Sacred Dragon Institute, isa lamang siyang 5th Level Bronze Rank. Wala akong napansing kakaiba sa kaniya noong mga panahong 'yon kaya naman hindi ako naghinala. Pero ayon sa mga libro patungkol sa Armaments, mayroong uri ng Armament na may kakayahang magtago ng totoong lakas ng Adventurer. Sa tingin mo Guro, mayroon bang ganitong uri ng Armament si Finn Doria?"

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now