Chapter LVII

9.4K 734 177
                                    

Chapter LVII: Turmoil

Mabilis na lumipas ang mga araw, isang linggo na ang nakararaan mula nang matapos ang pakikipagsapalaran ng animnapung batang adventurers sa loob ng Mystic Treasure Realm.

Kasabay ng pagbalik nila sa kani-kanilang faction ay ang pagkalat din ng balita sa buong Sacred Dragon Kingdom tungkol sa mga kaganapan sa Mystic Treasure Realm. Mabilis na kumalat ang balitang ito at lungsod man o bayan ay mayroon ng kaunting impormasyon tungkol dito. Syempre, mayroong nadagdag at nabawas sa totoong nangyari.

Bawat isa ay nagulat nang marinig nila ang buong pangyayari. Nagkaroon ng diskusyon at kwentuhan ang bawat isa dahil sa hindi kapani-paniwalang balitang ito.

Paglitaw ng isang batang adventurer na nasa 5th Level Profound Rank? At bukod pa roon, nagmula ito sa ordinaryong angkan?

Mayroong naniwala ngunit mayroon din namang nagduda. Alam naman ng lahat na ang Ordinaryong angkan ang pinakamahirap na angkan sa apat na uri ng angkan. Maliit ang impluwensya nila at malaki ang kakulangan nila sa mga kayamanan. Kaya naman papaanong magmumula ang batang 5th Level Profound Rank sa isang ordinaryong angkan?

Punong-puno ng katanungan ang bawat isa ngunit kahit anong isip nila ay hindi nila malaman kung paano ito nangyari.

Ngunit ang mas nakakagulat pa sa mga balitang ito ay nasawi rin ang nasabing binata dahil sa pakikipagsapalaran sa Mystic Treasure Realm. Dahil dito, mayroong nagduda sa mga balitang ito.

Bawat usapan ay mapapansing ito ang laman at paksa.

Ang mabilis na pagkasawi ng pinakatalentadong adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom...

--

Aurora Town

Ang buong bayan ng Aurora ay hindi na katulad ng dati na tahimik at payapa. Bawat isa ay nagkukwentuhan dahil nakaabot na rin ang mga pangyayari sa maliit na bayan na ito.

Sa pinakasikat na kainan sa bayang ito, bawat tao ay nag-uusap. Gayundin ang paksa nila, ang tungkol sa mga pangyayari sa Floating Island at kay Finn Doria.

"Hindi ko talaga akalaing isang 5th Level Profound Rank ang batang iyon! Nakita ko na siya noon at isa lamang siyang Bronze Rank. Talagang masikreto ang buong Azure Wood Family..." hindi makapaniwalang wika ng isang matandang kalbo.

Mapapansing namumula na ang buo nitong mukha dahil sa sobrang kalasingan. Sa harap naman niya ay isa ring matanda na mayroon namang magulong buhok.

"Tama ka. Masyado nga silang naging masikreto. Mahigit walong buwan na ring tahimik ang buong Azure Wood Family at kahit anong balita ay wala na akong mabalitaan sa kanila. Kahit isang miyembro ng kanilang angkan ay wala pa akong nakikita hanggang ngayon." Tugon naman ng kaniyang kausap na matandang mayrong magulong buhok.

"Maging ako ay hindi na rin nakakabalita tungkol sa kanila. Napapansin ko na lamang ang madalas na pagbisita ng mga Elders at Family Head ng Golden Lion Family. Nakakapanghinayang lang talaga ang pagkasawi ng batang iyon.. Kung ako lang ang may lakas na ganoon, magpapakasasa na lang ako sa loob ng aking maliit na pamilya at hindi na maghahangad ng kahit ano pa. Masayang mabuhay ng marangya dahil mabibili at makukuha ko ang lahat ng gustuhin ko." Wika muli ng matandang kalbo.

"Heh! Mabuti na lamang at hindi sa'yo napunta ang ganoong talento. Alam naman ng lahat na gagamitin mo lamang 'yon upang sirain ang kinabukasan ng mga batang babae..." inis na tugon muli ng matanda mayroong magulong buhok.

"Hmph. Anong klaseng kaibigan ka? Mga bayarang babae lamang ang aking pinupuntirya. Maiba tayo, nabalitaan ko rin na hindi na isang Aristocrat Clan ang Golden Lion Family. Nag-ulat na sila sa Royal Clan at nagantimpalaan na sila ng titulong Noble Clan." Pag-iiba ng paksa ng matandang kalbo.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now