Chapter XLI

9.5K 720 116
                                    

Chapter XLI: Nosebleed

Tahimik ang buong paligid at seryosong nagtititigan ang halimaw at binata. Kumikislap pa rin ang mga kristal sa loob ng kuweba at dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa balat ng binata.

Kalmadong nakatingin si Finn Doria sa mga mata ng leon at masusing pinag-aaralan ang reaksyon nito. Gayunpaman, hindi siya mapakali sa kaniyang kalooban.

Kung mapapapayag ni Finn ang leon na sumama sa kaniya palabas ng mundong ito. Magiging malaking tulong nito sa binata. At kung mapapayag niya na tumulong sa kaniya ang Winged Golden Lion King na makapaghiganti sa Nine Ice Family, siguradong mapapadali na ang lahat.

Ang leon na ito ay isang Sixth Grade Vicious Beast at maikukumpara ang lakas nito sa isang Sky Rank Adventurer. Kaya naman hindi mapigilan ni Finn ang umasa sa pagpayag ng leon.

Matapos ang ilang sandaling pagtititigan, umiling ang matandang leon at marahang nagtanong, "Gusto mong dalhin ako sa labas ng mundong ito at makisalamuha sa mga tao?"

"Oo. Mayroon pang mas malawak na mundo sa labas nito at mas marami pang oportunidad ang naghihintay sa'yo sa labas." Tugon naman ni Finn Doria.

Seryosong tumingin kay Finn ang leon at muling marahan na umiling, "Wala akong pakialam sa oportunidad na sinasabi mo. Walang rason upang lisanin ko ang mundong ito. Maayos na ang aking pamumuhay rito bilang isa sa Beast King at hindi ko rin gustong makisalamuha sa mga tao. Wala akong tiwala sa inyong uri dahil sa inyong kasakiman at ganid. Sa mundong ito, malaya kong magagawa ang gustuhin ko at madalang kong makikita ang karahasan."

Natigilan si Finn Doria. Taimtim siyang tumingin sa leon at napagtanto niyang may punto ang halimaw. Tama siya, sakim ang mga tao. Kayang gawin ng mga tao ang lahat upang lumakas, kahit na mayroon pa silang natatapakang ibang nilalang. Alam ni Finn Doria ang mga ito dahil may karanasan siya rito.

Upang mas mapalakas ang impluwensya ng Nine Ice Family, sinira nila ang kasunduan sa pagitan ng magkaibigan na si Cleo at Creed. Sinira nila ang kasunduang ginawa ng dalawang magkaibigan na ipakasal si Finn at Tiffanya. Isa pa, tinapakan nila ang parehong dignidad ng binata at Creed noong isinantabi nila ang kasunduan para lamang mas makinabang sila. Higit pa roon, nais pa nilang burahin ang buong Azure Wood Family upang wala ng bakas ng kahihiyan ang maiwan sa Sacred Dragon Kingdom.

Marami nang nadamay. Maging ang nag-iisang kapatid ni Creed na si Altair ay namatay nang dahil sa pagiging makasarili ng Nine Ice Family at Ice Feather Sect. Marming miyembro ng Azure Wood Family ang nawalan ng ilaw at haligi ng tahanan ng dahil sa kahibangan nila.

Pero sinong mag-aakala na ang inaakala nilang basura ay ang magiging pinakatalentadong adventurer sa buong Sacred Dragon Kingdom? Wala.

Naniwala silang dahil nagmula lang ito sa isang Ordinaryong angkan, inakala nila na isang basura si Finn Doria. Inakala nilang hindi maikukumpara ang binata kay Hyon Pierceval na pinakamalakas na batang miyembro ng Ice Feather Sect.

Dahil sa hakbang na ito ng Nine Ice Family at Ice Feather Sect, nakatadhana ng sila ay magbayad sa kanilang mga kasalanan.

Doon na naintindihan ni Finn na kahit na mababangis ang mga Vicious Beast, minsan mas nakakatakot pa ang isang sakim na tao. Nagkakaroon sila ng digmaan at maraming nadadamay na mga inosente ngunit wala silang pakialam. Pinapahalagahan lang nila kung anong makakabuti para sa kanila at isinasantabi na ang mga maaaring madamay.

Sa isang digmaan, imposibleng walang madadamay na mga bata, matanda at babae. Isa itong pangunahing kaalaman.

Bumuntong hininga lang si Finn Doria. Dahil sa sinabi ng leon, mayroon siyang leksyon na natutunan. Simula ngayon, hindi na siya basta-basta papatay ng mga Vicious Beast o tao na walang masamang hangarin laban sa kaniya o sa mga nilalang na nakapaligid sa kaniya.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora