Chapter XLVII

9.1K 656 26
                                    

Chapter XLVII: Reunited (2)

Sa ngayon, ang grupo nina Prinsipe Theo ay naglalakad na palabas ng malamig na rehiyon. Kasama ni Prinsipe Theo sina Leo Reeve, Lore Lilytel, Elyas ng Burning Seven, Hitch Dreo ng Alchemy Seven at siyam pang batang adventurer na nagmula sa Royal Clan at sa iba't ibang faction.

Maliban kay Prinsipe Theo, halos lahat ng kabilang sa grupong ito ay mayroong madilim na ekspresyon, lalong-lalo na sina Leo Reeve at Lore Lilytel. Mula nang makasama nila ang hambog at sakim na Prinsipeng ito, wala na silang nakuhang mahalagang kayamanan. Pare-pareho silang nagsisikap upang lumaban sa mababangis na halimaw ngunit ang nakukuha lang nila ay mga walang kwentang parte. Kahit mga Magic Crystals ng Third Grade at Fourth Grade ay hindi sila makakuha mula sa Prinsipe.

Abot-langit naman ang ngiti ni Prinsipe Theo dahil marami siyang nakuha ngayon. Hindi niya na kailangang kumilos dahil ang itinuturing niyang mga alipin ang kumikilos upang makuha niya ang gusto niya. Walang sinuman ang tumatanggi sa kaniyang utos dahil isa siyang Prinsipe, mayroon ding tatlong miyembro ng Royal Clan ang nandyan upang bantayan siya laban sa ibang batang adventurers.

Habang naglalakbay ang grupong ito sa malamig na rehiyon, natagpuan naman nila ang ilang katawan ng mga batang adventurer, sinarili rin ni Prinsipe Theo ang lahat ng mga kayamanang pag-aari ng mga namatay na ito. Hindi siya nagtira sa kahit na sinuman. Nakakatagpo rin sila ng mga nakaligtas kaya naman isinasama sila ng Prinsipe upang mas mapalakas pa ang pwersa at mas dumami pa ang kaniyang itinuturing na alipin.

Pero kahit na malinaw naman kina Leo at Lore na ginagawa lang silang utusan ng hambog na prinsipeng 'to, wala silang magawa upang magreklamo. Masyadong mataas ang posisyon ng prinsipeng ito sa kaharian at hihirap lang ang kanilang buhay sa hinaharap kung sasalungatin nila ang kagustuhan ng Prinsipe. Ang pagkakaiba ng Royal Clan at Noble Clan ay malaking-malaki. Ang Royal Clan ang namumuno sa buong Sacred Dragon Kingdom habang ang Noble Clan naman ay tagasunod lamang sa mga utos ng Hari.

Kaya naman kahit hindi nila gusto ang magpaalipin sa Prinsipeng ito, wala silang magawa kung hindi ang sumunod sa lahat ng kagustuhan nito.

Nakatagpo sina Leo at Lore ng Fifth Grade Magic Crystal ngunit napunta lang ito sa kamay ni Prinsipe Theo. Kahit na ayaw nila itong isuko, wala silang nagawa dahil bukod sa posisyon nito sa kaharian, hindi rin nila ito kayang labanan para sa kayamanan.

Hindi sila nangangahas na ipakita o ipaalam sa hambog na prinsipe ang kanilang inis at galit. Pinaplastik na lang nila ito at ngumingiti sa tuwing nakaharap sila sa prinsipe. Gusto nilang masuka sa kanilang ginagawa. Labag sa kanilang prinsipyo ang makipagplastikan sa hambog na prinsipe.

Matapos ang ilang araw na paglilibot sa Rehiyon ng Niyebe at dahil sa nalibot na nila ang halos buong malamig na rehiyon, patungo naman sila sa patag na rehiyon upang sundin ang kautusan ni Prinsipe Theo. Nais pa naman nina Leo at Lore na libutin sana muna ang rehiyon ng kagubatan upang hanapin ang ilan sa kanilang kasama. Ngunit dahil sa kautusang ito, muli na naman silang susunod sa prinsipe.

Nalibot na nila halos ang buong malamig na rehiyon ngunit kahit anino ng isang miyembro ng Soaring Seven ay wala pa silang nakikita. Dahil dito ,iniisip nilang nasa kagubatan o kapatagan ang mga ito at patuloy ring naglalakbay na gaya nila. Ayaw nilang isipin na may nangyaring masama sa mga ito at lagi silang positibo tungkol sa kalagayan ng kanilang mga kasamahan.

Natutuwa ngunit nag-aalala silang dalawa para sa kaligtasan ng kanilang mga kasama. Hindi nila alam kung buhay pa ba at humihinga ang mga ito kaya naman hindi mapanatag ang kanilang kalooban.

Habang maingat na naglalakad plabas ng malamig na rehiyon, muling nagsalita ang hambog na prinsipe, "Pinapayuhan ko kayo na mag-ingat. Kung palihim man kayong maatake ng Vicious Beast, siguradong katapusan niyo na. Protektahan niyo ang inyong sarili pati na rin ako."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon