Coffee Fate

By CodeBreaker09

2K 251 13

Kinailangang tumigil pansamantala ni Dashnielle sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang kapatid at kailangan... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 21

20 0 0
By CodeBreaker09

"Kamusta ka na Dash? Baka naman masyado mo nang pinapagod ang sarili mo sa pagtatrabaho?" tanong ng kanyang ama habang kumakain.

"Hindi naman 'Pa. Hindi rin naman ganoon kahirap ang ginagawa namin sa shop. Depende na lang kung maraming customers," nakangiting tugon niya.

"Mabuti naman kung gano'n. Kailan mo nga pala balak bumalik sa pag-aaral? Dapat nag-enroll ka na nitong nakaraang enrollment. May naipon na rin ako na nakalaan talaga para sa pagbabalik-eskwela mo."

"Naku Papa, hindi na ho kailangan. Itabi niyo na lang yun. May naipon na rin naman po ako eh. Tsaka mas mabuti na ring sa susunod na sem na lang ako pumasok para mas mapaghandaan ko pa."

"Sigurado ka ba, anak?"

"Opo." Malawak siyang ngumiti.

Nang matapos maghapunan ay si Dashnielle na ang nagpresintang magligpit ng pinagkainan para naman makapagpahinga na ang kanyang mga magulang. Matapos iyon ay nagtungo na rin siya sa sala at nakipanood na rin ng t.v.

Mayamaya pa'y nakaramdam na siya ng antok kaya naman nagdesisyon na siyang maunang matulog. 

"Mauna na po ako sa taas. Maaga pa kasi ang pasok ko eh. Magpapaalam na lang ako sa boss ko na baka pwedeng agahan ko ang out ko bukas." Gusto rin kasi niyang masulit ang mga araw ng bakasyon ng kanyang ama.

"Sige 'nak. Pahinga ka na," wika ng kanyang ina.

"Nga pala Dashnielle..." biglang saad ng kanyang ama.

"Po?"

"Di ba day off mo naman sa Sabado?"

"Opo. Bakit 'Pa?"

"Kasi bago ako umuwi rito, sinabihan ako ng amo ko na isama ko raw kayo sa kanila sa Sabado. Para naman daw makilala din nila kayo. Ni minsan daw kasi ay hindi ko pa kayo naisama roon lalo na kapag may mga okasyon."

Naalala niya na marami na ngang pagkakataon na iniimbitahan sila ng mga amo ng kanyang ama lalo na kapag may okasyon sa mga ito. Nagkakataon lang talaga na may mga kailangan silang gawin o di kaya ay may pasok siya.

"Sige 'Pa. Ayos lang naman ho sa akin. Wala naman ho akong pasok no'n."

Ngumiti ang kanyang ama. "O siya sige na. Matulog ka na para may sapat kang lakas bukas. Good night."

"Good night din sa inyo." Umakyat na siya at nagtungo sa kanyang kuwarto. Para sa kanya ay magandang pagkakataon na rin iyon upang makilala ang mga mababait at mabubuting amo na pinagsisilbihan ng kanyang ama.

*****

Dumating na nga ang araw ng Sabado at handa na rin ang mga gamit na dadalhin nina Dashnielle papunta sa bahay ng mga amo ng kanyang ama. Nang malaman kasi ng mga ito na matutuloy na ang pagpunta nila roon ay sinabi na rin ng mga ito na doon na sila matulog upang hindi na sila masyadong mapagod sa sunud-sunod na biyahe. Tinawagan din ng mga ito ang kanyang ama noong Huwebes upang ipahiram ang sasakyan para hindi na sila mahirapan sa pagpunta roon. Laking pasasalamat talaga niya na ganoong kabubuting tao ang pinagsisilbihan ng kanyang ama.

Nang maayos at handa na ang lahat ay umalis na rin sila. Ayon sa kanyang ama ay dalawa't kalahating oras ang biyahe bago makarating sa bahay ng amo kaya sinabihan sila nito na matulog muna. Medyo maaga rin kasi silang gumising upang makapag-ayos ng gamit. Mukhang inaantok pa nga si Buknoy kaya naman makalipas lang ang ilang minuto ay nakatulog na rin ito. Si Dashnielle naman, sa halip na matulog ay nagpasya na lamang pagmasdan ang mga nadadaanan nila. Iyon talaga ang paborito niya sa mahahabang biyaheng katulad noon, ang namnamin ang magagandang tanawing kanyang nakikita. Naisipan din niyang magkutingting muna ng cellphone, pampalipas oras din. Binuksan niya ang kanyang facebook account at nagbrowse ng news feed. Hindi siya masyadong active sa social media. Minsan, depende lang sa trip niya. Habang nagbabasa ng mga nakakatawang memes ay bigla siyang may natanggap na notification. May nagsend sa kanya ng friend request na bahagya niyang ikinabigla.

Sino naman kaya 'to?

Binuksan niya iyon upang malaman kung sinong nagrequest sa kanya.

Z.Erille Monteverde? Sino 'to?

Hindi siya pamilyar sa pangalang iyon. Napadako naman ang paningin niya sa profile picture nito. Napatango-tango na lang siya habang tinitingnan ito. Medyo malayo kasi ang kuha nito kaya di niya masyadong makita ang mukha, pero sa tindig nito at porma ay mukha itong guwapo. Pero parang pamilyar ang isang ito.

Upang makita nang mas malapitan ay binuksan na rin niya ang profile nito at tiningnan ang iba pang pictures. Nang i-swipe niya ang iba pang pictures ay literal siyang napanganga.

Si Zen 'to ah!

Inilipat pa niya sa ibang pictures at hindi talaga siya nagkakamali. Si Zen iyon! Kaya pala Z.Erille, ibig sabihin Zen Erille ang totoo nitong pangalan. Kaya naman pala parang pamilyar ang tindig nito.

Bakit naman ako in-add nito? Baka mang-trip lang 'to.

Napabuntung-hininga na lamang siya sa naisip. Pinag-iisipan niya tuloy kung ia-accept niya ang request nito o hindi. Nag-aalala kasi siya na baka guluhin lang siya nito. Mukha kasing may pagka-abnormal din ang isang iyon. Ngunit naisip rin niya na wala naman itong ginawang masama sa kanya, may pagkamakulit nga lang minsan pero mukha namang mabait. Sa huli ay nagdesisyon na rin siyang iaccept ang request nito. Bahala na nga.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakatanggap naman siya ng message sa messenger. Mula iyon kay Zen! Nagwave ito sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Tsk. Nag-wave back na lamang siya para naman di siya masabihang snob.

Muli na namang nagvibrate ang kanyang cellphone. Nagmessage na naman pala si Zen.

Zen: Hi Dash!

Bakit parang naririnig ko pa rin ang boses ng lalaking 'to?

Nasanay na kasi siya na maingay ito at malimit mangibabaw ang boses kapag nag-uusap ito kasama ang mga kaibigan nito sa shop.

Mukhang mahaba-haba pa rin naman ang biyahe kaya naisipan na lang niyang reply-an ito.

Me: Hello.

Zen: I thought you would not accept my request.

Nagtaka naman siya. Bakit naman niya naisip yun?

Me: Bakit?

Zen: Wala lang. Hahaha. I thought you're mad at me.

Me: Bakit naman ako magagalit sa'yo?

Zen: Baka kasi naiingayan ka na masyado sa amin kapag pumupunta kami sa shop ni Jed.

Naisip niya yun? Hindi naman siya ganoon kababaw para magalit sa ganoong klaseng dahilan.

Me: Hindi naman. Tsaka okay lang naman yun, wala iyong kaso sa akin.

Zen: Nice to hear that! So friends na tayo?

Napaisip naman siya sa tanong nito. Friends na ba kami?

Me: Ewan ko.

Nagreact ito ng sad sa kanyang reply. Parang bata.

Zen: I thought we're friends already.

Me: Pwede naman.

Zen: So friends na nga tayo?

She sighed. Mukhang hindi yata matatapos ang usapang iyon.

Me: Oo na.

Zen: Yosh! Hahaha! I have a new friend na!

Pag mayayaman talaga ang conyo magsalita. Tsk!

Me: Sige ha. Malapit na kasing malowbat ang phone ko, nasa biyahe pa naman kami ngayon.

Zen: Ah ganun ba, sige sige. See you on Monday!

Maghahasik na naman siya ng kaingayan sa shop? Hays.

Nagthumbs up na lamang siya at tsaka pinatay ang kanyang mobile data para hindi kaagad malowbat ang kanyang cellphone. Makalipas lamang ang halos isang oras ay nakarating na rin sila sa kanilang pupuntahan.

Pagkabukas pa lamang ng gate ay literal na siyang napatulala at napanganga sa kanyang mga nakikita. Napakalaki ng bahay na iyon. Napakalawak ng hardin na napapalibutan ng iba't ibang klase ng bulaklak. Kung malalaki at magagarbo na ang bahay sa WPG Village, ay parang mas dumoble pa sa laki at ganda ang bahay na iyon.

"Whoah..." Hindi mapigilang sambit niya.

"Ang laki ng bahay, Ate. Ang laki pala ng bahay ng amo ni Papa," bulong naman ng kapatid niya. Tulad niya ay namamangha rin ito sa nakikita.

Mayamaya pa'y lumabas ang isang babae na sa palagay niya ay nasa mid 40s na ngunit mababakas pa rin ang magandang postura at angking kagandahan nito. Sumunod naman dito ang isang lalaki na marahil ay asawa nito.

"Shiela! Mabuti naman at nakapunta kayo. Ang tagal ko nang hinihintay na makadalaw kayo rito eh," nakangiting-bati naman nung babae.

"Naku pasensya ka na Jaimie. Alam mo namang may kalayuan din itong inyo. Mahirap ding pumunta agad agad," wika naman ng kanyang ina. Kaswal lang mag-usap ang mga ito. Nabanggit na rin kasi sa kanya ng kanyang ina na minsan na ring naging magkaklase ang mga ito noong college.

"Ito na ba ang mga anak mo? Ang lalaki na nila! Tsaka ang ganda at guwapo!" dagdag pa ni Jaimie.

"Ah oo. Ito nga pala ang panganay ko, si Dashnielle. Bunso naman itong si Dustin," pagpapakilala sa kanila ng kanilang ina.

"Hi Dashnielle and Dustin! Ako nga pala si Jaimie. Tita Jaimie na lang. Tapos ito naman si Rafael, Tito Rafael na lang din, husband ko.

"A-Ah Hello po," medyo naiilang na bati niya sa mga ito. "Dash na lang din po itawag niyo sa akin," dagdag pa niya. Luminga-linga siya sa paligid. Wala silang anak?

"Ah, okay Dash! Nga pala, may binibili lang ang mga bata, pero parating na rin ang mga iyon," nakangiting dagdag pa ni Jaimie.

Hala! Nabasa ba niya ang nasa isip ko?

Niyaya na rin sila ng mga ito na pumasok na sa loob. Hindi pa rin mawala ang amazement sa kanyang mukha ngunit di na lang niya masyadong ipinahalata. Nakahanda na rin ang hapag kainan para sa kanila. Ibang klase talaga.

"Ilalagay ko lang itong mga gamit sa taas," wika ng kanyang ama.

"Ah sige, Nilo. Tapos bumaba ka na agad para makakain na tayo," saad naman ni Rafael.

Pagkababa ng kanyang ama ay nagtungo na rin sila sa dining area. Iba't ibang klaseng pagkain ang nakahain sa hapag kaya naman hindi mapigilan ni Dashnielle na matakam sa mga ito.

"Maupo na kayo," nakangiting saad ni Jaimie. "Malapit na raw sina Manang at ang mga bata. Hintayin na natin sila para sabay sabay na tayong kumain," dagdag pa nito.

Sa pag-upo ni Dashnielle ay aksidente niyang nasagi ang tinidor kaya naman nahulog ito sa sahig.

"S-Sorry po," paumanhin niya. Pinilit niyang abutin ang tinidor habang nakaupo ngunit nabigo siya kaya naman napilitan na siyang tumayo at yumuko upang kuhanin ito.

Sa bandang gitna naroroon ang tinidor kaya naman medyo gumapang pa siya upang makuha ito.

"May darating siguro. Lalaki," mahinang usal niya. Bahagya siyang natawa. Ganoon kasi ang kasabihan sa kanila. Kapag nahulog daw ang kutsara, may babaeng darating. Kapag tinidor naman, lalaki.

Nang makuha ang tinidor ay paurong siyang gumapang upang bumalik sa pagkakaupo. Malapit na siyang makalabas sa ilalim ng mesa nang biglang may magsalita.

"We're here na po!" anang tinig ng isang bata.

"Hi sweetie! Bakit naman ang tagal niyo?" wika ni Jaimie.

"Ang haba kasi ng pila sa grocery store."

Natigilan siya. Dahil sa pamilyar na tinig ng sunod na nagsalita kaya siya dali-daling tumayo nang biglang...

"Ouch!" biglaang usal niya nang aksidenteng mapatama ang ulo niya sa gilid ng mesa. Badtrip!

"Anak, anong nangyari sa'yo?" may bahid ng pag-aalala na wika ng kanyang ina.

"Hija, are you okay?" wika naman ni Jaimie.

Bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil sigurado siyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat ng tao roon. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili. Mukhang mali pa yata ang nagawa niyang pagbaling dahil ngayon ay kaharap na niya ang taong nagmamay-ari ng pamilyar na boses.

"I-Ikaw!? A-Anong ginagawa mo rito?" anito.

Hindi niya magawang magsalita sapagkat kaharap na niya ngayon ang pinakaunang taong natapunan niya ng kape sa tanang buhay niya.

Pamilya ni Jeighcob ang pinagsisilbihan ni Papa!?

*****

Votes and comments are highly appreciated. Thank you and God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
43.5K 2.1K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...