Love Shot by CatchMe (Complet...

By CatchMeStories

63.6K 1.3K 52

Love Shot by CatchMe "Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, 'could I have this kiss forever?' Ayoko ng kiss... More

Sneak Peek
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Wakas
Rest in Peace, Neszie

Chapter 3

2.4K 54 2
By CatchMeStories

Love Shot

By: CatchMe

Chapter 3

HINDI alam ni Neszie kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam kasi niya ay nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. At ang mga tuhod niya ay nangangatog na tila ba matutumba siya.

Ang mga mata niya ay napatitig sa kamay ng lalaking itinatangi ng puso niya na nakalahad sa kanya. Dahan-dahan siyang napaangat ng kanyang muka at sumalubong sa kanya ang matamis na ngiti nitong nakapaskil sa labi nito na para bang kay sarap halikan niyon.

Ano kaya ang lasa ng labi ng aking asawa? Malamang kasing-super sweet ng sugar. Hay...ang gwapo talagang pagmasdan ng aking asawa.

Naglalanding wika ng isipan niya. Lalo na siguro kung madama niya ang nakakatakam nitong katawan nanakatago sa suot nitong malinis na t-shirt.

Hindi pa niya napigilang mapalunok ng sariling laway ng mapansin na tanging boxer short lamang ang katerno ng suot nitong t-shirt. Hindi tuloy niya naiwasan isipin ang isang bagay na nakapanloob doon. Biglang nag-init ang mukha niya ng pumasok sa isipan niya ang kalaswan.

Damn you, Neszie! Umayos ka't naglalandi ka na naman!

Sermon niya sa sarili ng marinig niya ang may kalakasang pagtikhim ng kanyang asawa-este ng lalaking nasa harapan niya na siyang pinapangarap niyang maging asawa.

"Sa paraan ng magkakatitig mo sa akin...parang pinagnanasaan mo na ang katawan ko."

"H-ha? Ahm...hindi! Hindi! Hindi totoo 'yan. Katunayan nga...nabigla lang ako na masilayan ang katawan mo-este ang a-ayos mo." Palusot niya na iniwas ang tingin sa binata.

At wish nga lang niya na makakalusot ang alibi niya. Kahit na ang totoo ay natatakam nga siyang makita ang katawan ng binata. Lingid kasi sa kaalam ng binatang kaharap niya at maging ng ate Ruzielle niya ay palagi niyang pinagnanasaan ang walang kamuwang-muwang na larawan ng binata na nakatago sa ilalim ng kama niya. Naka half naked kasi ang binata sa kuha nitong litrato noong naliligo ang mga ito sa beach.

At laking pasasalamat niya sa kumuha at nagpost ng naturang larawan sa Facebook Fan Page ng mga itona agad niyang naidownload at naiprint para may kopya siya ng ganoong larawan ng kanyang asawa.Napagnasaan tuloy niya ang malabakal nitong abs na exposed na exposed sa larawan na nakatago sa ilalim ng kama niya.

"Talaga lang ha?" anito na nakakunot ang noo.

"Oo! Oo, totoo ang sinasabi ko. Lalo na't lumaki ako sa konsirbatibong pangangalaga ng kapatid ko. Ni hindi nga ako makatingin sa mga lalaki para lang mapanatili ko ang itinuro ng ate ko sa akin na maging konserbatibo pagdating sa lalaki. Kaya safe ka sa akin dahil harmless ako. Promise." Dagdag pa niya na umarteng tila nahihiya.

At gano'n na lamang ang pagsirko ng puso niyang naglalandi nang hawakan siya ng kanyang asawa sa kanyang kamay. At diyos ko! Kung 'pwede lang bumulagta sa harapan ng lalaking nasa harapan niya ay sana ginawa na niya dahil sa sobrang kilig. Lalo na ng damain nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa gate nito. Wala sa sariling napasunod siya habang nakaawang ang kanyang labi. Ni wala siyang pakialam kung mapapasukan man iyon ng langaw dahil hindi na yata pumapasok sa isipan niya ang reyalidad. At ang tanging nasa isip niya ay ang kamay ng binata na hawak-hawak ang kanyang kamay.

Diyos ko! I'ts a sign? I'ts a sign na ba na ito na ang umpisa ng aking pag-ibig sa aking asawa?

Muli siyang napasinghap ng mula sa kanyang kamay ay lumipat sa kanyang mukha ang kamay ng binata. At pinigilan niya ang sariling huminga habang hinihintay ang susunod nitong gagawin. At ano ang ibig sabihin ng mga inaakto nito? Hahalikan ba siya ng kanyang asawa? Ei!

It's a sign na talaga!

Pero teka lang! Bakit naman nakakunot ang mga kilay nito? Na tila ba may malalim itong iniisip? At hindi pa nakuntento't ginulo pa ang kanyang buhok saka nagliwanag ang napakagwapo nitong mukha bago siya binitiwan.

"Now I know why are you so familiar to me," sabi nito na pinigilan ang tumawa na siyang ikinakunot naman ng kanyang noo.

"Ha? what do you mean?" aniya na muling inaayos ang kanyang buhok na ginulo nito ngunit pinigilan nito ang kanyang kamay.

"You with that..." tiningnan nito ang kanyang ayosng hindi itinuloy ang sasabihin at wala sa sariling napangiti. "Ikaw nga 'yun. Ang babaeng nakabangga ko three days ago." Pagpatuloy nito.

Ei! Naalala niya! Naalala niya ako! Ei! I'ts a sign na talaga!

Pigil ang kilig na tili ng ambisyosang puso niya. "Naalala niyo po? Opo! Ako po yon!" malawak ang ngiting sagot niya.

"Yeah, I remember you," anitong sumeryoso ang mukha. "Anyway, about that thing," patungkol nito sa hawak niyang wallet. "I'm glad that you bring it back to me. You're such a nice person-ano nga ang pangalan mo?"

"Neszie. Neszie ang pangalan ko. Neszie Alday, twenty six years old and still single at my age." Tudo ang ngiting pagbibigay niya ng impormasyon. Na kulang na lang pati address niya ay ibibigay niya sa binata para alam nito kung saan siya nakatira.

"Yeah. Yeah, nice to meet you, Neszie." Anito na kusang inabot muli ang kanyang kamay na siyang ikinatili ng puso niya at pagmulagat ng kanyang mata't na tila hihimatayin na naman siya. At O.A na kung O.A pero iyon talaga ang nararamdaman niya.

Muli na naman siyang nawala sa sarili dahil sapagkadaiti ng kanilang mga palad. At sana lang ay huwag ng matapos ang sandaling iyon sa kanilang pagkakahawak kamay umano sa labas ng bahay ng binata na siyang inangkin niyang asawa niya. At ewan niya kung saang lupalop na nakarating ang malandi niyang isipan ng magulat na lamang siya ng ipinitik ng binata ang dalawang daliri nito sa kanyang harapan na siyang nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

At gano'n na lamang ang pagtataka niya ng matuklasan na hindi na pala sila ng binata ang naroon. Kundi may kasama na silang isang babae na halata sa mukha nito ang pagtataka rin. Pinaglipat lipat pa nito ang paningin sa kanila ng binata na animo'y pinaghihinalaan silang dalawa sa hindi niya mapagtanto kung anuman iyon.

At kung ano man ang pumapasok sa isipan ng babaeng nasa haapan nila ay sana lang ay isipin nito na may relasyon silangdalawa ni Jz. Dahil iyon ay pabor na pabor sa kanya 'pag nagkataon.

"Hey, are you with us?"

Napatingin siya sa gwapong mukha ni Jz na hindi na pagtataka ang nakalarawan sa mukha nito kundi nabahiran na ng pagkairita.

"Ha?"

"Ang sabi ko, nandito ka pa ba sa harap ko? I mean namin? Mukha kasing nawawala ka na sa sarili mo." Anito.

"Ha? ah-eh...oo. Pasinsya ka na, may naalala lang kasi ako." Aniyang inayos ang sarili nang mapansing hindi na pala nito hawak ang kanyang kamay. Samantalang ang kamay niya ay naka angat pa rin sa hangin. Na tila ba isa siyang estatwa na nakalahad ang kamay.

"Oo nga pala, tungkol sa ipinarito mo-."

"Yeah. Yeah, ang wallet mo pala." Abot niya rito ng isang bagay na naging paraan para malapitan at mahawakan na niya sa wakas ang kanyang asawang si Jz. "Nariyan pala ang kumpletong credit cards mo, pati na ang pera mo na sa tingin ko ay wala namang bawas. Hindi ko naman kasi ugaling manguha ng hindi sa akin kaya nagmagandang loob na lamang akong isauli sa iyonang mapilitan akong tingnan ang loob niyan para malaman kung sino ang may ari." Pagkukwento niya. "Nahulog yata 'yan mula sa'yo noong magkaunahan tayo sa Taxi."

"Yeah, that's why I remember your face."

"Talaga?" nagliwanag na naman ang kanyang mukha.

"Oo." Sagot nito. "Neszie, kung ipagpapaumanhin mo, may lakad pa ako ngayon at kailangan ko pang mag-ayos."

"G-gano'n ba?" nadismayang sagot niya na hindi napigilang napalaylay ang balikat.

"Jz, why don't you invite her first to get in and offer her some...snacks?" wika ng babae na siyang bisita rin ng kanyang asawa. Napabaling tuloy ang mukha niya sa babae na medyo nakaamoy ng kakampi.

"But we're in a hurry. Saka male-late na tayo sa pupuntahan natin."

"Don't worry, nandito naman ako para iintertain ang besita mo habang nag-aayos ka. Para naman 'di nakakahiya na hindi mo man lang pagmemeryendahin ang bisita mong nagmamagandang loob na ibalik ang importaneng bagay sa'yo"

Napangiti siya ng malawak sa sinabi ng babae. At sigurado siyang nakahanap siya ng kakampi sa katauhan nito. Dahil kung hindi niya ito maging kakampi tiyak niyang wa-pakels ang babaeng ito na mag-offer ng napakagandang idea sa kanya na hindi nagawang i-offer ng kanyang asawa on her dreams.

Napagsalikop pa niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran habang lihim na nananalangin na sana ay pumayag ang binatang hindi maipinta ang mukha.

Hanggang sa narinig niya ang marahas na maghugot at pagbuga nito ng hangin na tila napilitan lamang. "Alright, get in and have some snacks. At ikaw naman," baling nito sa nakangiting babae na kanyang kakampi. "Ikaw na ang bahala sa kanya," wika nito at nauna nang tumalikod sa kanila papasok ng bahay nito.

Yes! I like you na, my kakampi.

Mas lalong tumamis ang ngiti niya nang humarap sa babae. "Salamat," aniya at kusang inabot rito ang kanang kamay. "Ako nga pala si Neszie, avid fan ni Jz. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Marivic." Nakangiting inabot nito ang kanyang kamay. "Tara, sa loob muna tayo."

"Sige," aniyang sumunod dito. "Oo nga pala, Marivic. Magkaanu-ano kayo ni Jz? Kasi, mukhang alam na alam mo itong bahay niya at ni hindi man lang nakatanggi si Jz sa sinabi mo. Kapatid ka ba niya?" pagdadaldal niya kaagad habang papasok na sila ng bahay.

"Naku, hindi. Magkaibigan lang kami ni Jz kaya ako nandito."

"Talaga?" namilog ang mga mata niya. "At madalas ka siguro rito, ano?"

Tumawa ang babae. "Oo. Matalik kasi kaming kaibigan ni Jz at halos magkapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa kaya madalas kaming magkasama at nandito rin ako lagi."

"Wow! Kaya pala parang hindi siya makakatanggi sa'yo kasi close pala kayo sa isa't isa." Napabuntong hininga siya. "Sana, hindi lang ako number one ni Jz,ano? Na sana maging magkaibigan din kami tulad niyong dalawa." Pinalungkot niya ang boses para makuha ang loob ng matalik na kaibigan ng kanyang sinisinta.

"Bakit naman hindi? Mabait naman si Jz at tiyak kong maging magkaibigan din kayo. Lalo na't ikaw palaang nakapulot ng wallet niya. Alam mo kasi na may sentimental value 'yung wallet niya sa kanya? And I'm sure na thankful 'yun sa'yo dahil ibinalik mo iyon sa kanya."

"Talaga?"

"Oo naman. Tara, dito tayo nang maipaghanda kita ng makakain mo. Ano nga pala ang gusto mo? Coffee? Softdrink or juice?" alok nito.

"Mango juice na lang, Mar. Ahm...'pwede ba na'Mar' na lang ang itawag ko sa'yo?"

"Sure, walang problema." Nakangiting sagot nito.

"At 'pwede ba na maging magkaibigan din tayo, Mar?"

Tumawa ang babae. "Oo naman, bakit naman hindi?" tinungo na nito ang kaliwang bahagi ng bahay habang siya ay nakasunod sa likuran nito. Saka niya nalaman na kusina na pala iyon. "Naku, sa sala ka na lang muna at ipaghahanda na lang kita ng meryenda mo.Nakakahiya naman at sumama ka pa rito sa kusina."

"Okay lang 'yun, magkaibigan na naman tayo 'di ba?" aniya na pinatay na ang hiya sa sarili. Aba, pagkakataon na niyang ikutin ang magiging bahay niya in the near future kapag nagkatuluyan na sila ng kanyang assuming husband.

"O siya, ikaw ang bahala." Napakibit balikat na lamang ang bago niyang kaibigan.

Hanggang sa iabot nito sa kanya ang malamig na mango juice at dalawang slice ng chocolate cake at masaya silang nagkukwentohang dalawa. Habang hinihintay ang binatang si Jz na nag-aayos ng sarili nito sa kwarto sa taas ng bahay.

Sent from my iPhone

----

let me know your thoughts about this story Dear Readers hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 324 15
JERK. A**H**E. Iyan na yata ang mga salitang maitatawag kay Khazter Troy matapos niyang saktan at paglaruan ang puso ni Shinby alang-alang sa kanyang...
12.5K 222 32
Musika ang naging daan kaya nagkakilala ang ikaw at ako. Sa musika rin ba magtatapos ito?
13.8K 261 29
I want to hate you but I can't. I want to curse you till I'm out of breath. I want to say bad things that'll ruin you. But you know I can't. I can't...
170K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...