D.O’s POV
Nakaramdam ako bigla ng kaba, bakit kaya?
Pinaguusapan ata ako? Ah, baka admirer ko nanaman siguro. Hirap ng maging maganda.
“Mabuti naman at gising ka na, pwede bang iangat mo na ulo mo kanina pa manhid tong braso ko.” Bumalik ako bigla sa ulirat, ginawa ko pa lang unan yung braso niya.
Dali ko namang sinunod yung utos niya at tinignan siyang inuunat yun.
“San ka nangaling kagabi?” natanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.
“H-Ha? Sa…” shit, wala akong maisip na palusot!
“May pinuntahan ka ba? O baka naman… sino ang pinuntahan mo?” mahinahon niyang tanong, pero may meaning…
“W-Wala, andiyan lang ako sa tabi tabi.” Wala na kong maisip na dahilan.
“Kumain ka ba kagabi? Hindi ata nagalaw yung pagkain ah, diyan ka lang iinitin ko.” Mas inalala pa niya ko kesa sa sarili niya.
“Maaga tayo ngayon, may kailangan akong tapusin.”
Pinagmasdan ko lang siya na ilapag ang pagkain sa harap ko pagkatapos nun pumunta siyang taas para maligo.
“Hindi man lang ba niya ko sasabayan?” hay…
Pagkatapos ko nun hinintay ko siyang matapos tsaka ako naman ang naligo.
Lagi ng si Luhan ang umaalalay kay Jongin.
Si Baekhyun, hindi ko na nakikita.
Habang naglalakad ako natsempuhan ko si Sehun na papalapit sakin.
“Yo, aga niyo naman ata.” Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
“G-Gusto kasi ni Jongin, para daw matapos agad trabaho niya… sige aalis na ko.” Ayaw ko muna siyang lapitan.
“Naiilang ka ba?” hindi ako nakalayo sa kanya ng harangan niya ko.
“H-Ha? H-Hindi ah…”
“Sige, basta mamaya sabay tayo mag lunch ha.” Nakangiti parin siya tsaka hinimas ang buhok ko.
Ba’t ganun siya? Parang walang nangyare, ang kalma parin niya. Siguro mas mabuti na yun kesa naman magmukmok siya diba.
Wala akong mapuntahan kaya dun na lang ako nagstay sa opisina ni Jongin pinagmamasdan siya.
Feeling ko may tinatago siya sakin… ano kaya yun?
“Alam mo baka matunaw ako sa kakatitig mo.” Nakangisi siyang tumingin sakin.
“Kapal, gwapo ka lang dahil diyan sa suot mo-“
“Aha, so inamin mo ng gwapo ako.”
“YUNG DAMIT MO ANG GWAPO!” sigaw ko tsaka umalis.
Buset, nagugutom ako.
“Aga mong mag lunch, hindi ka naman siguro gutom niyan no?” sambit ni Sehun tsaka sinabayan ako.
“Si Baekhyun asan na?” napatigil siya sa kinakain niya at parang kinakabahan.
“Nagbakasyon lang yun.” Muli siyang ngumiti sakin.
Hindi ko akalain na kahit binusted ko siya magiging masaya parin siya ng ganito.
“Sorry…”
“Ha? Para san?” tanong ko pero ngiti lang ang sagot niya.
"Dahil madadamay ka..." bulong niya.
"Ano-"
“Alam mo ang sarap pa nga nito. Tikman mo.” Kumuha siya gamit ang kutsara niya.
Hindi naman siguro masama kung kakainin ko diba?
Susubuan sana ako ni Sehun ng may humila sakin palabas.
Maging ako man nagulat sa nangyare. Pagkaalis naming sa canteen saktong pumasok si Luhan.
“Jongin!!” hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit pero inalam niya munang hindi niya ko masasaktan.
Lahat ng empleyado na madaraanan namin nakatingin samin na tipo na nanonood sila ng koreanovela.
“Bitawan mo ko!! Kaya ko namang maglakad!” malapit na kami sa opisina niya at dun niya ko binitawan.
“Nakikipaglandian ka nanaman! Pagkatapos niyang magconfess sayo? Hah, imba ka talaga eh no.” a-alam niya yun? Pero bakit hindi niya sinabi…
Ba’t ba sa lahat ng gagawin ko parang alam niya bawat kilos ko.
Kitang kita mo sa mga mata niya ang galit na nananaig sa kanyang sarili.
Sa mga time na to sabog na yang si Jongin pero hindi niya ko magawang saktan…
Dahil dun hindi ko maiwasang hindi matanong ang isang bagay na bumabagabag sa sarili ko.
“Bakit ba ang bait mo sakin?? Bakit ba napakapossessive mo?! Dahil ba iniisip mong ako si Kyungin??!”
Nagulat siya panandalian tsaka muling nagsalita.
“Oo.” Sa moment na sinabi niya yan… para akong binagsakan ng langit at lupa.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang naghihintay sa sasabihin niya.
“Inisip ko na buhay si Kyungin sa katauhan mo, inisip ko na kasama ko na ulit siya after all these years. Kaya ako naging overprotective sayo dahil inisip ko na ikaw ang taong mahal ko! Ano masaya ka na? Na malaman ang totoo?? Masakit diba?” sa mga oras na to gusto ko siyang sapakin… pero hindi ko magawa…
"Ni minsan ba... minahal mo ko bilang ako..." bulong na tanong ko.
Bago pa siya humirit na baka pag narinig ko yun hindi ko mapigilan ang sarili kong sapukin siya, nakalabas na ko ng opisina niya.
Sa pagtakbo ko nakabanggaan ko si Sehun at kitang kita niya ang itsura ko ngayon.
“B-“ hindi ko siya pinansin, gusto kong mapag isa.
Lumabas na ko ng pesteng kompanya niya at nanatiling nakatayo sa labas.
Takte umuulan ba? Kanina pa may bumababa na tubig sa mukha ko…
Tang ina hindi ko mapigilang umiyak ang tanging magagawa ko lang ngayon ay pahidan ang mga to.
Kung sana hindi ko na lang tinanong yun…
Kaya pala ganun siya sakin… akala ko, mahal niya din ako…
It explains everything…
All this time… I’m just REALLY a…
Substitute.
Kai’s POV
Tinitignan ko si Kyungsoo sa bintana ng opisina ko. Miski ako nasaktan sa mga pinagsasabi ko.
Nakita ko siyang umalis, hindi ko alam kung saan siya pupunta.
Uuwi ba siya samin… o uuwi sa kaibigan niya.
Hinawakan ko ang bintana habang nakatitig lang sa pigura niya.
I just wanted to say that…
Everything that I said is a…
LIE.