Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMP...

By gyutellass

9.8K 535 150

[Seventeen Mahika Series #1] •Wen Junhui• "Ay JUNJUN mo malaki!" "Bakit? Tawag mo ko?" Wherein a boy helps a... More

Prologue
↞1↠
↞2↠
↞3↠
↞4↠
↞6↠
↞7↠
↞8↠
↞9↠
↞10↠
↞11↠
↞12↠
↞13↠
↞14↠
↞15↠
↞16↠
↞17↠
↞18↠
↞19↠
↞20↠
↞21↠
↞22↠
↞23↠
↞24↠
↞25↠
↞26↠
↞27↠
↞28↠
↞29↠
↞30↠
↞31↠
↞32↠
↞33↠
↞34↠
↞35↠
↞36↠
↞37↠
↞38↠
↞39↠
↞40↠
Epilogue
Thank you!

↞5↠

301 12 3
By gyutellass

Kyla

8:30 pm na noong makarating ako sa bahay. Naglalakad ako ng may mga ngiti sa aking labi habang nakatingin lang sa dinadaanan ko. Pero agad na nawala ang mga ngiti ko noong mapakunot ako nang may mahagip ng aking mga mata ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng gate namin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil madilim na. Sa kilos niya, mukhang nagdadalawang isip siya kung magdo-doorbell ba o hindi.

"Excuse me? Sino po sila?" tanong ko sa lalaki kaya gulat na napalingon siya sa akin.

Noong mas lalo kong maaninag ng malapit ang mukha niya, nanlaki ang mga mata ko at agad siyang hinila palayo sa harap ng bahay namin.

"William?! Baliw ka na ba?! Hindi ba napag-usapan na natin ang tungkol sa pagpunta mo dito?! Paano kung makita ka nila mama?! Baka isipin nila na boyfriend kita!" I said through my gritted teeth.

Nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa'kin at tama ba ang nakikita ko? Bakit parang ang lungkot ng singkit niyang mga mata? Oo, sapat na ang liwanag ng buwan na umaaninag sa mukha niya ngayon para mapansin ko 'yon. Hindi ba masaya na siya sa bago niya?

"It hurts to hear it from you that I'm no longer your boyfriend." mahina pero sapat lang para marinig ko ang mga sinabi niya. Napatawa naman ako ng peke at hindi makapaniwalang tinignan siya.

Sino bang may kasalanan ng lahat ng 'to? Hindi ba't siya? Pero bakit kung makapag-drama siya ngayon parang ako pa itong nagloko at nang-iwan sa kaniya?

"'Di ba ang sabi ko wala tayong dapat pag-usapan? Umalis ka na kung ayaw mong marinig ng lahat ng kapitbahay namin kung paano kita itaboy." ma-awtoridad kong sabi. Mas matagal kasi na nakikita ko ang mukha niya, mas lalong bumabalik 'yung sakit na binigay niya sa'kin.

"Kahit saglit lang, just spare me a minute. I couldn't contact you that's why I went here to check if you're fine. I'm so sorry for bothering." sabi niya at napayuko.

Napakuyom ako sa kamao nang marinig ang sinabi niya. He said what? He wants to check if I'm fine? Sa tingin ko nga sobrang bait ko na at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nagagawang sampalin matapos ng lahat ng kagaguhan niya.

"Paano kung sabihin kong hindi? Will you do something? Mababawi mo ba lahat ng sakit na binigay mo? Matapos mo akong iwanan sa ere ng ganun-ganun lang, sa tingin mo magiging okay ako? 'Yung makita kong pinagpalit mo ako sa iba, sa tingin mo magiging okay ako? 'Yung pagbitiw mo ng walang dahilan, sa tingin mo magiging okay ako? If you think I'm still fine with all of the shits you've done to me, then let me inform you, I-I'm totally not!" saad ko sa basag na boses at hindi ko na mapigilan pang umiyak.

He immediately wiped my tears with his two thumbs pero agad ko namang inalis 'yun.

"Don't ever try to touch me again. Huwag na huwag ka na ring pupunta dito at magpaparamdam sa'kin dahil tandaan mo, noong araw na iniwan mo ako, inalis mo na rin ang karapatan mo na maging boyfriend ko, so stop acting like you really care dahil unang-una, wala.ka.ng.karapatan." madiin na sabi ko at maglalakad na sana palayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"I-I love you. P-please give me a chance to explain... I had my reasons k-kaya ko nagawa 'yun." napaharap ako sa kaniya nang marinig na rin ang basag niyang boses.

Am I really seeing this? William is crying in front of me? Ngayon ko lang siya nakitang maging ganito. Ni minsan, hindi ko pa nakita na maging mahina siya. He looks really sincere right now...and I want to hug him. Para bang...gusto ko na lang bawiin ang lahat ng sinabi ko at patawarin siya. Para bang gusto kong sabihin na...kami na lang ulit at pwede naman kami magsimula ulit sa una.

I was about to walk closer to him and utter a word pero hindi inaasahang sumagi bigla sa isip ko ang sinabi ni Jun sa akin kanina.

Huwag ka na sana ulit magtiwala ng basta-basta sa isang tao o kahit na sino. Kung hindi mo pa kilala ng husto, kilalanin mo muna. Simula ngayon ingatan mo na ang tiwala mo para hindi na ulit maulit 'yung nangyari sa inyo ng ex mo.

Tama siya. Kung basta-basta ko na lang ibibigay ang tiwala ko, uulit at uulit lang ang mangyayari. Maloloko lang ulit ako at masasaktan. Tama na 'yung isang beses akong niloko ni, William. Ngayong alam ko na ang ugali niya at nakilala ko na siya, dapat lang na mas lumayo pa ako sa kaniya.

"If you really love me, even if you have thousands of reasons to leave, you will stay. Because that's what really love is." inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at hindi na nagdalawang isip pang maglakad palayo.

Naririnig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko at nagmamakaawang bigyan ulit siya ng pagkakataon pero hindi ko na siya nilingon pa.

I can't trust him anymore. Sapat na 'yung isang beses niya akong dinurog.

➩➩➩

"Okay na ba si tita ngayon?" tanong ko sa dalawa. Sabay silang tumango.

"Yes. She's currently at the hospital. Hindi naman daw malala ang injury niya and within a week makakalabas na siya sa Hospital." paliwanag ni, Angelica.

Nandito kami sa cafeteria ngayon at pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kagabi kung bakit nila ako iniwan sa mall. Masyado daw kasing nag panic si Angelica nang malamang nadulas ang mommy niya sa hagdanan ng bahay nila kaya sinamahan na siya ni Vhenice pauwi. Tama lang talaga na hindi ako nagalit sa kanila. Buti na lang inisip ko agad na may valid reason sila para iwanan ako hindi tulad ng dati noong i-prank nila ako.

"What did you do last night noong nalaman mong nauna na kami? Umuwi ka na ba agad or namili ka muna?" tanong ni, Vhenice.

Bigla ko namang naalala ang mga nangyari noong sinabi niya 'yon. Napangiti ako noong maalala kong nagkita kami ni Junjun ulit pero agad ko din itong binawi noong maalala kong nagkita din kami ni William pagkatapos nun.

"Para kang timang. Ngingiti tapos magseseryoso. May nangyari ba?" tanong naman ni, Angelica.

"Nagkita kami ulit nung lalaking nakilala ko sa coffee shop." agad na nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Muntik pang masamid si Vhenice dahil kasalukuyan siyang sumisipsip sa juice niya.

"Ow Em Geeee! 'Di nga?! Grabe. Timing ang pagkikita niyo ha. Buti pala at iniwan ka na namin ni Angelica kundi hindi kayo makakapag-usap ng matagal. Pero teka, baka naman nagbatian lang kayo tapos 'yun na? Mag-kwento ka dali!" Vhenice said with excitement. Ganun rin naman ang ibinigay na tingin ni Angelica so I didn't hesitate about telling them what happened.

Kulang na lang talaga pumuso na ang mga mata nila habang nakikinig sa kwento ko. Parang nakalimutan na nga yata nilang meron silang kinakain dahil hindi na nila ito pinansin.

"Grabe! Kinikilabutan talaga ako sa inyo. May chemistry talaga, eh! Tignan mo 'yung ngiti mo, parang hindi ka galing sa break-up. Type mo no?" tanong ni Angelica at sabay nila akong kinantyawan. Natawa naman ako pero napalitan din agad 'yun ng pagkatulala noong sumagi sa isip ko si, William.

Crush or paghanga siguro kay Jun oo pero kung type ko siya? Ewan. Mahirap malaman 'yun sa taong hindi pa tapos mag move-on sa iba.

"I don't know." nag shrug lang ako sa kanila kaya 'yung mga mukha nila, halatang na disappoint sa sagot ko.

"Pero maiba nga tayo, gusto kong malaman kung ano na bang status niyo ni, William. Huwag kang magagalit, ah? Syempre kaibigan mo kami, concern lang. Pero if you're still not okay to talk about it, then fine, don't answer me. I won't mind." nakangiting sabi ni Vhenice at kumagat ulit sa burger niya.

I heaved a deep breathe and look at them seriously. I think I need to tell them what happened between me and William last night....a little.

"To be honest, nagkita kami kagabi. He went in front of our house at sinabing gusto daw niya mag-explain." sabi ko kaya nanlaki ang mga mata nila.

"He did what?!" sabay nilang tanong. "Eh 'di ba ayaw ng parents mo na nakikipagkita ka sa lalaki? Anong sabi nila?" Angelica asked.

"No. Hindi naman umabot sa puntong nakita siya ni mama. Buti nga naabutan ko agad siya sa labas bago pa niya maisipang mag-doorbell." nakita ko naman silang nakahinga ng maluwag.

"Then did you let him explain? Nakipag-usap ka ba sa kaniya?" Angelica asked.

"No."

"Why? What if kung maganda ang reasons niya?" Vhenice.

"Hindi magandang rason ang pambababae."

"Hindi! I mean, the reason behind it? Sana man lang hinayaan mo siyang magpaliwanag kahit papaano." sabi ulit ni Vhenice. This time, napayuko na ako.

"I can't, n-natatakot akong mapaniwala niya ako ulit. N-natatakot akong bumalik nanaman ang tiwala ko sa kaniya. Paano kung...kung 'yung maging explanations niya gawa-gawa niya lang para lang bumalik ako sa kaniya? It's just...it's hard to give him my trust anymore." paliwanag ko sa malungkot na tono. Mukhang naramdaman naman nila 'yon.

Alam ko kasi sa sarili ko kapag hindi pa ako handa. Hindi ko pa kayang buksan ang puso't isipan ko para tanggapin ang mga sasabihin niya. Mahirap na ibalik ang tiwala ko kapag once na itong nasira. Siguro kapag okay na ako, kapag handa na akong makinig ulit, kapag kaya ko na ulit tumingin sa kaniya ng hindi nasasaktan, doon ko na siya hahayaang magpaliwanag.

I will try to listen. Just soon. Not now.

"Okay, I understand. We understand you. I think you just need to rest your heart and mind. Everything will be okay. Basta kapag may problema, sabihin mo agad sa'min ha?" tumango ako sa kanila at ngumiti naman sila pabalik sa akin.

"Kaya ayoko muna ng love life, eh. Nakaka-stress!" sabi ni Angelica at hinawi pa ang buhok niya. Natawa na lang ako.

Wala eh, marupok ako.

➩➩➩

"AHHH! OMG!! HINDI KO AKALAING GANUN KA-GWAPO SI DERRICK! FEELING KO TALAGA BABAWIIN KO NA ANG SINABI KONG AYOKO NG LOVE LIFE PAG HININGI NIYA ANG NUMBER KO!!"

"HEH! MAS BAGAY KAMI! ANG NUMBER KO ANG HIHINGIN NIYA 'NO!"

"HMP! 'DI BA MAY SIS CODE TAYO? AKO ANG UNANG NAGKAGUSTO SA KANIYA! TINURO KO LANG SIYA SA'YO!"

"AKO KAYA!"

"AKO!"

"AKO!"

"Tama na nga 'yan! Handa niyo ba talagang kalimutang ang mag-a-apat na taon nating pagsasama para lang sa isang lalaki?" naiirita kong tanong sa kanila kaya bigla silang nanahimik.

"Joke lang sis! Sige na nga share na lang tayo hihihi." maharot na sabi ni Angelica at sabay naman silang humagikgik ni Vhenice habang nag-hahampasan pa.

Grabe.

Hindi ko alam kung pagsisihan ko ba na sumama pa ako sa panonood ng practice ng mga Volleyball players dahil pinagbigyan kami ng mabait naming teacher sa math. Para naman daw ma-relax ang utak namin kahit isang oras lang. Pero okay na din. Kaysa naman mahilo nanaman ako sa lesson namin sa geometry.

Ang hindi lang talaga okay ay ang ka-harutan nitong dalawa matapos makilala ang transferee na si, Derrick. Base sa usap-usapan, kaya siya nag transfer dito dahil kinuha siya ng school namin dahil sa volleyball. Noong mapanood naman namin siya kanina, hindi na ako nagduda kung bakit. Halos sa kaniya kasi ang puntos kaya tuloy ang lakas ng tilian kanina dahil dumami ang mga estudyanteng nanonood. Kasama na dun si Vhenice at Angelica na todo cheer. Akala mo naman talaga mapapansin sila sa dami ng mga babaeng nandoon.

Pagkarating namin sa room, wala pa 'yung next subject teacher namin pero naabutan namin si Margaret na nakatayo sa gitna at lahat ng kaklase namin mukhang nakikinig sa kaniya. Nang mapalingon naman siya sa gawi namin ay napataas ang kilay niya at ngumiti ng pagkataray-taray. May inabot siyang kung anong makulay na parang invitation card sa aming tatlo. Sabay-sabay naman kaming napakunot at tinignan kung ano iyon.

You are invited to
Margaret Montreal's 16th birthday!!
Saturday November 14, 20**
7pm at Crown Royales Hotel

"I will be having a party this, Saturday. I invited you losers to see kung bakit kailangan itingala niyo ang mga, Montreal. It's okay if you won't come, wala akong pake. Ayoko lang naman magmukha kayng kawawa kung kayo lang ang hindi ko in-invite." and then she smirked. Mukhang susugurin na sana siya nung dalawa pero agad ko itong pinigilan. Not now. Hindi dito.

"And just to inform all of you, Lee Derrick will attend too. I'll wait for y'all there, don't disappoint me." huling sabi niya bago bumalik sa upuan niya.

Nagsigawan naman ang mga kaklase kong babae noong marinig ang pangalan ni, Derrick. Siguro nga kung hindi lang inis si Angelica at Vhenice kay Margaret, baka kasama na sila sa nagtitili ngayon.

Pero ang akala ko nga talaga na hindi papasok sa isip nila Angelica at Vhenice ang sumama sa party na iyon knowing na ayaw nila kay Margaret, akala ko lang pala 'yon. Noong pauwi na kasi, biglang nagbago ang isip nilang dalawa at ayan, kanina pa nila ako pinipilit na sumama.

"C'mon, sis! Hindi tayo pupunta dun para kay, Margarine! We just want you to help us para mapalapit kay Derrick, okay? Alam naman naming malakas ang loob mo kaya ikaw ang makakatulong sa'min! Sumama ka na, pleassse?" pamimilit sa'kin ni Vhenice habang hinihila-hila ang braso ko.

"You mean, sinasama niyo ako para makipag-usap diyan sa Derrick niyo? No way!"

"Sige na sis! Just talk to him tapos kapag pinansin ka na niya, ipapakilala mo na kami. Ganun lang! Ayaw lang namin sayangin ang pagkakataon!" dumagdag pa itong si Angelica na hinihila na rin ang isa ko pang braso.

Balak ba nilang ihiwalay ang mga braso ko sa katawan ko?

"What will I get in return?" napairap kong tanong. Bigla naman silang napabitaw at nag-isip.

"Hmmm...we'll treat you carbonara!" offer ni, Angelica.

"Once lang? Not convinced." tugon ko.

"No! Twice!" Vhenice, said.

"Still, not convinced."

"Thrice?!"

"Nahh..."

"Okay, fine! Kahit ilan ang gusto mo! Deal?" nanlaki ang mga mata ko at maya-maya'y napangiti dahil sa offer ni, Vhenice. Pati si Angelica nanlaki ang mga mata dahil sa offer na'yon.

"Okay, it's a deal." walang pagdadalawang isip na tugon ko at binigyan sila ng nakakalokong ngiti.

"Vhenice! Gusto mo bang maghirap ang buhay ko?!" madiin na bulong ni, Angelica. Akala niya yata hindi ko 'yun maririnig.

"Ayaw yata ni Angelica huwag na lang." kunwaring pagbabago ko ng isip.

"Ay hindi! Gusto ko 'no! Gustong-gusto! Okay, deal! Kahit ilang beses we'll treat you! Basta maging successful ha?" paninigurado ni Angelica kaya ngumiti ako ulit.

"Deal."

Continue Reading

You'll Also Like

6K 220 21
He was just buying gifts for his nieces and nephews when a girl approached him and said, "Hi hello annyeong. I'm Lemon. I saw you entered the shop an...
224K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
37K 2.6K 53
"Ayaw mo ba akong maging asawa?" - Jeonghan In which she unintentionally introduced a random passerby, Jeonghan, as her child's father. DATE STARTE...
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...