Villareal #5: Rayless Daybreak

By cinnderella

6M 207K 87.7K

Loraes More

Rayless Daybreak
Simula
RD 1
RD 2
RD 3
RD 4
RD 6
RD 7
RD 8
RD 9
RD 10
RD 11
RD 12
RD 13
RD 14
RD 15
RD 16
RD 17
RD 18
RD 19
RD 20
RD 21
RD 22
RD 23
RD 24
RD 25
RD 26
RD 27
RD 28
RD 29
RD 30
RD 31
RD 32
RD 33
RD 34
RD 35
RD 36
RD 37
RD 38
RD 39
RD 40
RD 41
RD 42
RD 43
RD 44
RD 45
RD 46
RD 47
RD 48
RD 49
RD 50
Wakas 1
Wakas 2
Wakas 3
Wakas 4
Wakas

RD 5

118K 4.2K 2.5K
By cinnderella

Phase 5





"Saan mo nalaman 'yan?" malamig kong tanong sa kanya.

To be honest, I wasn't shocked about what he said because it wasn't my fact. It was my sister's favorite hobby, not mine. But I decided to tell anyone who asked, that star gazing is my favorite thing, just to... be normal. Gulat ako kung paano nalaman ni Primiel ang bagay na hindi ko naman naalalang tinanong niya sa akin kahit noon? He doesn't even know my sister. How?

"Sayo, you told me that."

"Talaga?" nagtaas ako ng kilay. "Hindi ko naalalang nagkausap tayo sa ganyang bagay."

He smirked blankly and shrugged. "Okay, don't mind it."

Tumiim bagang ako. Gusto kong malaman kung paano pero wala rin akong boses para mangulit sa taong ito, I just don't like that personal info I never mentioned to anyone who didn't ask!

"Are you stalking me?" the question can trigger him to tell the truth. Iyan lang ang naisip ko, sa sobrang kaarogantehan niya, alam kong itatanggi niya iyan at magsasabi ng ibang rason para iligtas ang sarili.

His brow arched naturally and gazed at me, huminto ang sasakyan pagkaliko sa isang madilim na street. Hinarap niya ako, pinatong niya ang isang siko sa manibela at ang isang kamay ay inabot ang sandalan ng upuan ko para mas makita ako at mabalingan sa ganoong paraan, kuminang ang itim na hikaw niya sa kaliwang tainga nang matamaan ng ilaw mula sa poste. Nanatili namang madilim ang parte ng mukha niya dahil nahaharangan na ang liwanag sa loob ng sasakyan.

My chest tightened, pero hindi kabado. I was just mesmerized by the darkness that looked beautiful on him tonight.

"So what if I am?" he asked frigidly. "Lugi ka?"

Ayos na sana iyong unang tanong, e. Pinag-init lang ang hiya ko sa pangalawa. I glared at him.

"Stalker ka nga? Anong dahilan mo at ini-stalk mo ako? Oo nga, e. Hindi nga ako maganda, ang pangit ko pa manamit dahil parang Lola. Manang pa ang tawag mo sa akin, at walang mag-aaksaya ng oras para kilalanin ako! So what is your plan?"

Okay, I'm getting there. Mapapaamin ko rin siya, kailangan ko lang ng ilan pang salitang magtutulak sa kanya. Nakakainis lang talaga, if ever he's telling the truth that he's a stalker, then, I should be careful more from now on. Pero ang labo naman, Primiel? Stalker? Imposible na sa katulad ko pa, maari pa akong maniwala kung kay Willow Fischer o Mitch! Maybe, I'm just scared...

"I'm not stalking you, but thank you for giving me the idea. Maybe, I shall start?" his lips cornered into a dark smirk.

"What the." I gasped in disbelief. "Siguro, may pustahan kayo ng mga kaibigan mo 'no? Kasi, ako 'yong babaeng madalas din lapitan ng mga kaibigan mo, 'di ba? So it's not impossible to be in the middle of your biddings! Kung 'yan ang plano mo, sabihin mo panalo ka na." tinuro ko ang sarili. "You see, I'm here. In front of you, you can touch me! You can hurt me! You can capture me a photo and send to your group! Nang sa ganoon, tigilan mo na ako! Go on!"

My heart contorted a bit. Sanay naman ako sa ganoon, hindi lang ako makapaniwala ngayon na pati si Primiel ay makikisali sa walang kuwentang pustahan. Ang nakakairita pa rito ay wala niya akong hirap na nakukuha, I don't even know why I'm here again. Puwede naman akong magpumiglas, puwede ko naman siyang sampalin at itulak para hindi ako maisama pero wala akong ginawang ganoon kanina.

Kunot ang noo niya habang malamig na nakatitig sa akin, marahang pumilig sa kanan ang kanyang ulo at kinamot ang kilay sabay ngumisi na para bang katawa-tawa ako sa harapan niya.

"You're really confusing me, Sovereign. You are so far from how I saw you act and talk with your friends. Ilang pagkatao ba ang mayroon ka?"

My chest hammered real bad, nanlaki pa ang mga mata ko pero agad kong tinaliman ang tingin sa kanya. He smirked at my reaction and shook his head.

"Hard to read, hard to solve." he whispered. "But I love reading to get a solution for solving so... you'll be my equal. Problem solved."

I got almost choked, ramdam ko ang pagpilipit ng bituka ko hanggang sa aking lalamunan na nagpaubo sa akin kahit anong pigil ang gawin. Umiwas agad ako ng tingin at tinakpan ang bibig habang umuubo.

"What the heck are you saying?" pigil kong sinabi habang umuubo pa rin. "I can't believe you're actually this corny. My goodness."

"Corny." pabulong-bulong niyang sambit. "Corny pero inubo sa kilig."

My face down my nape heated more like I'm in the middle of the sun.

"Leche ka!" singhap ko at hinarap siya. "I choked out your embarrassment!"

Para akong aatakihin sa puso dahil sa kanyang sinabing nanggaling pa yata sa ibang planeta, so it's true afterall, he's an alien!

"Really?" he asked flatly, nagulat ako nang pindutin niya ang noo ko kaya bahagya akong napatingala. "Tsk, I just said that to ease the stress on your forehead."

Hinawi ko ang kamay niya at inirapan siya, naigala ko ang tingin sa lugar kung nasaan kami. Nakilala ko agad ang park sa loob ng village nila Stelios, madilim na ang paligid kaya hindi masyadong nakikita ang parke sa tapat. Nilingon ko ulit si Primiel.

He shrugged like he knew what would be my question.

"Sabi mo wala sa usapan ang paghahatid sayo," aniya sa malamig na tinig. "I'll just drop you here."

I pressed my lips together and nodded slightly, oo nga pala. Bakit nakalimutan ko agad? Huminga ako ng malalim at iniwan na ulit ang tingin niya, I opened the door to exit his car. Inayos ko agad ang mahabang dress na suot dahil nalukot sa pagkakaupo.

"I'll wait you here again, same place. Tomorrow."

"H-Ha? A-Ayoko nga." tanggi ko agad pagkababa ko, kita ko pa rin siya sa loob.

Bakit kailangan pa niyang ulitin bukas? Hindi ko naman kailangan ng sundo.

"Wala kang pasok bukas, 'di ba? I'll start taking my prize." he sighed. "You know, so we'll end this set up by that."

Pumarte ang labi ko habang nakatingin sa kanya, hindi niya inalis ang titig sa akin. It's still the same blank and serious expression, the duskiness of his eyes will never be reached. My heart contorted rigidly that I decided to take a breath and avoid his gaze, marahan akong bumuntong hininga at napatango na lang.

"Why? You have something else on your sched?" he asked.

"M-May gagawin kami ng mga kaibigan ko." medyo naiilang kong imporma, mayroon sa loob ko na gusto na lang din tapusin ang isang linggo para hindi na kami magkita ulit.

And I really have something to do tomorrow, inimbita akong manuod nila Girbaud ng racing bukas. Baka doon na rin ako magpalipas ng buong araw hanggang sa oras ng racing game, kasama sila. Marami naman kaming nagagawa kapag magkakasama, lalo na pag kasama namin si Zoren. Kaming tatlo lang ay masaya ng magkakasama.

Nang magbaling ako sa kanya ay nagkatinginan kami, uminit agad ang mukha ko pero hindi nagpahalata sa epekto ng seryoso niyang titig. Tumaas ang kaliwang kilay niya, marahan niyang nilapag ang braso niya sa manibela at huminga ng malalim na parang nag-iisip.

"Anong gagawin niyo?"

Napakurap ako. "U-Uh, manunuod ng racing."

Baka nga kasali siya roon, hindi kaya?

"Where?" he followed up.

"Sa secluded bridge."

He tsked like he's disappointed to himself, umiling siya at bahagyang kumamot sa likuran ng ulo. Muli kaming nagkatinginan, ganoon na lang ang pagkalabog ng dibdib ko sa kaba. This is bad, Raes. Hindi porque nagawa niya ang ilang nasa list mo ay magkakaroon na siya ng epekto, I suddenly want to crumple my list now for that.

"Hmm, will you be able to meet me after the game?"

Sumikip ang hangin ko bigla, lumunok ako at minulat ang mga mata. I took a deep breath as I fixed my eyeglasses, nahuhulog kasi sa tulay ng ilong ko. Malamya akong ngumiwi.

"Madaling araw na natatapos ang racing." I reminded.

Sigurado akong alam niya iyon pero bakit pinipilit niya pa rin 'to? Puwede namang sa ibang araw na lang, may balak din naman akong hindi sumama kila Girbaud kung magpapakabossy lang si Primo sa pabor niya.

"I know, I'll just drive you home again." he sighed.

Kinunot ko ang noo at tinantiya siya sa mga mata ko, masubukan nga.

"Sa shop ako matutulog."

Kumunot agad ang noo niya. Kinagat ko ang ibabang labi at huminga ng malalim.

"Maybe, we can j-just m-meet the next day... uh, if you want." sobrang init ng batok ko sa kahihiyan, gusto ko na lang magtago sa palda kong suot.

"Wanna see you tomorrow." he said in a whisper. "Ihahatid na lang kita sa shop, kung ganoon."

Is he this serious about the bet? I can't believe him, really. Bakit hindi niya ilaan sa ibang babae ang oras niya?

Napangiwi ako. "Seryoso ka?"

He chuckled irritably at my question, inis siyang nag-iwas ng tingin at humawak na sa manibela ng sasakyan.

"Umuwi ka na." aniya. "Inaantok na ako."

Napasinghap ako sa kagaspangan noon, nanuyo ang lalamunan ko at tumango pero may ibang lumabas sa boses ko.

"I-Itext mo na lang ako." halos mangulila ang hininga ko dahil sa sinabi, wala akong balak isaboses 'yon! What the hell!? Naisip ko lang!

Ang iniwas niyang tingin ay agad bumalik sa akin, kahit walang reaksyon ay nalalasahan ko ang panunuya sa paninitig niya. Nabalisa ako sa kinatatayuan, marahan kong kinapitan ang palda ko para roon ibigay ang kalahati ng frustration at hiya. Ilang sandali pa ay tamad siyang bumuntong hininga at kinuha ang cellphone sa dashboard para iabot sa akin.

"'Kay, give me your number." he said mildly.

Sa nag-iinit na hiya ay dalawang palad ko iyong tinanggap habang nakayuko ang ulo para itago.

Walang hiya, Sovereign. Ano ba iyang nasabi mo? Hindi naman halata na gusto mo talagang malaman ang numero, ano?

Of course not! Mahirap lang talaga na walang kumunikasyon gayong nasa ganitong sitwasyon kami, isang linggo lang naman 'to. Pagtapos noon, wala na. Burado na siya.

Suminghap ako sa sarili at binuksan na ang cellphone niyang malayo sa de-pindot kong cellphone, kahit papaano ay marunong naman akong gumamit ng touchscreen dahil ganito ang cellphone nila Girbaud na madalas kong paglaruan ng racing game. Nakita ko agad ang ilang text sa lockscreen mula sa mga numerong walang pangalan.

Unknown number: Primo, Mom's looking for you. Stop being a headache. You're already 21, not a 10 year old kid!

Unknown number: Hi, Primiel. This is Willow. Hope we can talk again one of these days.

Unknown number: Prim, I missed you kahit kanina ka lang umalis. Punta ka ulit sa condo bukas, same time? :* -Genevive.

Mabilis na swipe ang ginawa ko roon at wala naman siyang passcode kaya mabilis ko ring narating ang dapat puntahan. With my trembling fingers, I typed my number there. Tumakbo agad sa isip ko ang huling text ng babae, umiling ako sa sarili at binalik sa kanya ang cellphone. Hindi ko pa nalagyan ng pangalan iyon, tanging numero ko lang.

He accepted his phone and looked at my number, nagtipa siya roon habang kunot ang noo at hinagis na ulit sa dashboard iyon. Muli niya akong tiningnan, saglit na bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakakapit sa gilid ng palda ko kaya agad kong binitawan iyon. He sighed mildly and looked around the street, huminga ako ng malalim.

"A-Ah, lalakad na ako."

He nodded and sighed again with wrinkled forehead. "Okay, I'll watch you..."

Tango na lang ang sinagot ko at lumakad na sa kahabaan ng street, tanging post lamps na nakahanay sa daanan ang nagbibigay liwanag kasabay na rin ang liwanag ng buwan sa itaas. Ngumuso ako habang naglalakad, panay ang pagbuga ko nang magaang hangin dahil sa pagpipigil kong lingunin pa ang likuran.

Baka umalis na rin naman siya, mabigat ang dibdib ay tumingala ako sa kalangitan para iunat ang leeg kong nangangalay. Muli kong niyuko ang ulo at tumuon sa daanan, isang tansan ang nakita ko kaya marahan ko iyong sinipa-sipa habang naglalakad. Madalas pag naglalakad ako rito sa ganitong oras o mas malalim na gabi ay kinakabahan ako, masyado kasing tahimik at nakakatakot ang ilang bakanteng lote na walang liwanag. Pakiramdam ko ay may makikita akong nakatayo roon at nakaputi habang nakatingin sa akin.

My nape shuddered at the thought, agad akong napayuko ng ulo dahil purong bakanteng lote ang nadadaanan at mansyon na walang ilaw madalas. Nang mangalahati ako sa nilalakaran ay hindi ko napigilan ang sariling lingunin ang likuran para tingnan ang pinanggalingan, dala na rin ng takot ko. Suminghap ako nang makita pa rin doon ang sasakyan ni Primiel, nasa labas na rin siya at nakahilig sa hood ng sasakyan habang nakatingin. Medyo maliit na siya sa paningin ko kaya hindi ko makita ang mga mata.

My chest heaved, medyo kumalma ako sa takot. At least, may nakikita pa akong tao sa paligid. Isang liko lang naman ay street na nila Stelios at ilang hakbang lang ay bahay na nila kaya hindi na nakakatakot banda roon. Nang makaliko sa kanto ay sinilip ko ulit si Primiel sa malayo, nakita ko siyang umikot na sa sasakyan para sumakay doon.

I blinked my eyes and sighed massively, a little smile crept on my lips. I licked my lips and inhaled deeply, bumukas na ang ilaw ng sasakyan niya at umandar paalis. I tilted my head and continued walking, mabilis akong tumakbo patungo sa gate nila Stelios. Naramdaman ko ulit ang takot sa multo kaya mabilis kong inabot ang susi sa paso mula sa railings. Ganoon na lang ang kaginhawaan ko nang makapasok, maingat kong sinara ang gate at pumasok na nang tuluyan sa bahay.

Sinilip ko muna si Lola kuwarto niya sa ibaba bago umakyat sa sariling silid, she's sleeping peacefully now. Bumagsak ang katawan ko sa kama at tumulala sa ceiling, my thought suddenly came out again. Huminga ako ng malalim, nakakapagod maglakad pero naiisip ko pa talaga ang huling text na nabasa ko sa cellphone ni Primiel.

Hmm.

Genevive? Sino naman iyon? Bukod kay Mitch at Willow, may Genevive pa pala siya? Tunay na babaero ang lalaking 'yon, a. Hindi na ako magtataka na may mabubuntis siya sa taong ito, hihintayin ko na lang. Sigurado na ako, Genevive ang pangalan. Pero, malay mo naman, Sov, nag-iingat sila! Huwag masyadong judgemental, nakakastress 'yan.

"Haaay." I sighed massively, I rolled my body back to unzip my long skirt. Tinanggal ko ang mga saplot at iniwan ang underwear, pumikit ako at muling bumuntong hininga. "May girlfriend na pala siya, kung ganoon. Bakit kailangan niya pa ako sa isang linggo? Does he think I'll be one of his girls, huh? Mukha mo, Primiel Villareal! Puputi muna ang uwak bago mangyari 'yan! Stay with your Genevive!"

Lumunok ako at gumulong ulit sa kama, napatayo ako at mabilis pumunta sa harapan ng salamin. Isang singhap ang pinakawalan ko habang pinapasadahan ng tingin ang mukha ko, inalis ko ang salamin sa mata at nilapag. I rolled my long hair up to bun it, kumurap-kurap ako sa sarili. Hindi naman masama ang itsura ko kapag walang salamin sa mga mata, hindi lang ako sanay na wala iyon.

Sabi nila ay maganda ako, isa lang ang pinaniniwalaan ko sa ganoong pamumuri at Mama ko lang iyon. She just told it once, I was faking my sleep because I heard her whispers in front of me while caressing my hair tenderly. The very first time, I felt her doing that.

I sighed massively and glanced at my body, I have scars from the past. Sa bandang ibaba ng aking dibdib at tagiliran gawa ng paso, pasaway na bata kasi ako kaya laging napaparusahan, sumikip ang dibdib ko at tipid na ngumiti. Nilihis ko ang tingin sa mga peklat. I grew up this 5'8 tall with slim body, hindi ako nagsusuot ng mga damit na maikli dahil may ilang peklat din ako sa hita. Naitatago naman sa shorts pero hindi ko talaga hilig ang pagsusuot ng maikli.

Ngumuso ako at binaba ang tingin sa braso, hinubad ko ang isang bracelet na gawa sa tela doon at nahubaran ang tinatago. There are three tiny scratches on my wrist, isa lang dapat iyon kaso nadagdagan pa ng dalawang beses at nawala ako sa direksyon kaya nalihis ang ibang hati. Though, I'm still kissing my own scar of yesterday as how breathe with this today, pain is endurable and past is a lesson learned that taught me how to heal my own.

I gasped mildly, napatalon ako at napaiwas ng tingin nang tumunog ang cellphone ko. Naglakad ako pabalik sa kama para kunin iyon at basahin ang mensahe.

Okay, Primiel is the first one who claimed my thought. Umasa na agad na siya ang nagtext.

Are you asleep now?

Siya 'to, kutob ko. Kahit walang pangalan. I just know pero tatanungin ko pa rin.

Me:

Who you?

Him:

Tss.

Me:

Tss? Ano last name?

I chuckled mindlessly.

Him:

Night.

Me:

Tss Night? Ang ganda ng pangalan.

Him:

Ginagago mo ba ako?

Humagalpak ako, agad akong napatakip sa bibig at dumapa sa kama habang nagtitipa ng reply.

Me:

Nope.

Hangga't maari ay tinitipiran ko ang pagtetext, nakakahiya naman kung iparamdam ko pa kung gaano ako kaexcited. Napaisip pa ako sa mga texts sa cellphone niya kanina, walang mga pangalan iyon pero halata na kapatid niya iyong isa. Paano kaya iyong number ko? Ganoon din? Hindi ba siya marunon magtype ng pangalan at magsave? Dapat pala nilagyan ko na ng pangalan iyong akin kanina, baka mamaya mapagkamalan pa akong isa sa babae niya.

Ngumuso ako nang hindi na siya nagreply, pumikit-pikit na ang mga mata ko dahil sa kaantukan at saka humikab. Nang magising ay kinabukasan na, pagmulat ng mga mata kong aantok-antok pa sa umaga ay naabutan ko si Lola na nagtutupi ng mga damit aparador ko.

"La..." I called sleepily.

Lumingon siya sa akin at bumuntong hininga.

"Ganyan ka ba talagang natutulog sa gabi-gabi, Loraes? Walang suot na damit?" strikta niyang tanong.

Napahila ako sa kumot ko at tinago ang katawan, nakaramdam ako ng hiya.

"M-Mainit ho kasi, La." sambit ko.

Madalas talaga akong ganoon matulog, nasanay na ako kahit na alam kong sa ganoong paraan ko nakuha ang ilang peklat.

"Huwag mong kakalimutang magsara ng pinto, kung ganoon. E, iniwan mong nakabukas ang pinto mo kagabi. Anong oras ka ba nakauwi?"

"Alas diyez po, Lola." naupo ako at tinabon ang kumot sa sarili, lumakad ako palapit sa kanya. Inabot niya sa akin ang isang daster na madalas kong suotin. Tinanggap ko iyon. "Papaalam ko po sana na nakauwi na ako, kaso tulog na po kayo."

I know, she was tired and she really sleeps early. Hindi na kayang magpuyat ni Lola, nagpapasalamat pa ako na wala talagang masyadong gawain dito sa bahay dahil tatlo lang kaming madalas na tao. Ako, si Stelios at Lola lang, kung umuuwi sila Tita Nadia at ang asawa ay hindi rin niya masyadong inuunat si Lola sa gawain. Lola is already sixty five years old, may mga nararamdaman na siyang pananakit sa katawan. Kahit ganoon ay hindi niya ako hinahayaang magtrabaho para makatulong, I'm still forcing myself to help her and make her feel better.

Katorse pa lang nang kunin ako ni Lola, sinanay na niya akong tumayo sa sariling mga paa kahit wala siya. Sa isang bahay na barung-barong lang kami noon at doon niya ako iniiwan tuwing pupunta sa bahay ng amo niya, sa kabutihang palad ay kinuha kami nila Tita Nadia bilang kasama sa bahay.

She nodded. "Maaga akong nakatulog, basta, mag-iingat ka sa gabi. Hindi mo alam ang pahamak sa paligid, laganap pa naman ang masasamang tao ngayon."

"Opo, La."

Sinuot ko na ang daster at tinupi ang kumot ko sa kama, inayos ko rin ang mga unan doon. Bumaling ulit ako kay Lola pagtapos, natapos na niya ang pagtutupi sa aparador. Nakahanay na rin doon ang mga puting uniporme ko, she organized my clothes in colors. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya, tumingin din siya sa akin.

"May nobyo ka na ba, Loraes? Isa ba iyan kila Girbaud at Zoren?"

Nagulat ako roon.

"Wala ho, Lola!" singhap ko.

Malabo ang sa aming magkakaibigan, Zoren, Girbaud and I have been friends for so long to even think of something like that. Our relationship as friends is a platonic one, they're sweet like brothers and I am also being a sister for them. For four years, wala akong kakaibang naramdaman sa kaninuman sa kanila. Alam kong ganoon din sila sa akin, marami na akong nasaksihang dumaan na mga babae sa kanila. May sineryoso, may niloko at may nilandi. Ganoon ang tagpo sa ilang taon naming magkakaibigan. Malabo na magkaroon ako ng relasyong romantiko sa kanila.

"Ano itong nababalitaan ko kay Stelios na parati kang may kasamang lalaki sa labas ng eskwelahan?"

"Mga kaibigan ko po iyon, Lola. Hindi lang isang lalaki! Wala naman po akong boyfriend." giit ko.

Saan naman nakukuha ni Stelios iyon? Hindi ko naman siya nakikita sa school, saan niya nakakalap ang ganyang balita? Don't tell me he has eyes around me? Graduating na si Stelios at abala siya sa ilang aktibidad sa labas ng eskwelahan, kaya malabo na siya ang nakakakita sa akin kapag kasama sila Iris at ang mga kaibigan nito.

"E, manliligaw ba?"

"Wala rin, po." umiling ako.

She looked at me doubtfully, inayos niya ang ilang hibla ng buhok kong magulo at ngumiti. "Hindi naman kita pinagbabawalan sa ganyan, Loraes. Gusto ko lang malaman, e, kung kumusta ba ang mga manliligaw mo. Etong si Stelios kasi ay problemado parati."

"Ewan ko ho roon, La. Hindi naman po ako lumalapit sa mga lalaki, 'tsaka wala naman pong masamang makipag kaibigan. Masyado lang strikto si Stelios."

"Kapatid na rin kasi ang turing sayo noon, hija. Pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon, hindi mo ba nararamdaman ang pakikitungo niya sayo?"

Kumunot ang noo ko. "Kapatid pa rin naman po."

"Sinabi niya kasi na bantayan daw kita, hindi raw magagandang ugali ang lalaking sinasamahan mo sa eskwelahan."

Napahinga ako ng malalim, marahan kong hinawakan sa braso si Lola para aluin.

"Hindi po, kakausapin ko na lang po ng maayos si Stelios. Baka may mga ayaw siya sa mga kaibigan ko."

Tumango siya at nagpaalam na rin na bumaba. Kunot lang ang noo ko habang naliligo sa banyo, sumusobra na yata si Stelios sa pagsasabi ng ganito kay Lola. Hindi naman masasama ang kaibigan ko at mapagkakatiwalaan, nakakainis din ang pag-uugali ni Stelios pagdating dito. Masyado siyang mapangmata.

There's nothing wrong to be friends with guys as long as they're not harming me, Stelios should really learn how to know people around me before judging them like bad for me. Ako naman ang nakakaramdam noon, e. Kung mabigat ang loob ko sa kanila, una pa lang ay hindi na ako sumama sa kanila at nakipagkaibigan.

Pagtapos maligo at mananghalian kasabay si Lola ay namaalam na akong tutulak patungo sa mga kaibigan, I'm wearing a black shirt and jeans pair with my black converse. Tinali ko lang ang buhok at sinuot na ang salamin, bumaba ako ng bus at nilakad na ang kahabaan sidewalk patungo sa usapan namin nila Girbaud. He offered to fetch me but I refused, wala naman siyang naging pag-angal. Pumasok ako sa isang resto bar na maingay, sa outdoor area ko nakita ang aura ni Zoren na sumisigaw at tumatawa habang nakikipaglaro ng baraha sa ilang kaibigan.

Nagpunta ako sa bar counter at doon nagtipa ng mensahe para kay Girbaud na tahimik lang ang panunuod sa mga kaibigan, hindi ako makakalapit ng walang hiya roon dahil hindi pamilyar ang iba sa kanila. I just texted him about my arrive, nakita ko siyang tumayo sa sofa at ginala ang tingin. Tiningala siya ni Zoren at mukhang naintindihan na ang ginawa ni Girbaud, umalis siya ng lamesa para igala ang tingin.

Lumakad na ako para makita niya, his lips instantly grinned into a boyish smile and walked towards me. Inakbayan niya agad ako, ngumisi ako at marahan siyang siniko sa tagiliran.

"Sino-sinong kasali sa racing mamaya?" iyon agad ang naitanong ko habang akbay niya. Kumaway sa akin si Zoren at sumaludo.

I smiled at him and saluted, too.

"Hm..." he pouted his lips. "Not sure about the line up, but I think the one you mopped for the first time will participate."

Namilog ang mga mata ko, hindi na ako nakapagsalita pa dahil narating namin ang lamesa nila. I'm just right, kasali si Primiel sa racing mamaya. Hindi malabo na magkikita talaga kami, kung sakali. Naupo kami sa sofa, ilang sipol agad mula sa kaibigan nila ang narinig ko kaya nilingon ko iyon habang nilalapag ang backpack ko sa sofa. Nagtaas ng kamay si Zoren para ituro ako.

"Loraes Sovereign Gallardo, nga pala. Not available for yah." Zoren flexed his arm and punched in the air. "Dadaan muna sa amin ni Girbaud bago makaligaw!"

Napangiwi ako at nailing, sumulyap ako sa lamesa nila. Nakainom pala ang loko kaya pulang-pula ang dibdib at mukha habang mapungay ang mga mata. Humalakhak si Girbaud at nag abot ng shake sa akin, naghila siya ng isang upuan sa harapan ko. Nagtawanan ang mga kaibigan nila at bumulong-bulong na kay Zoren, panay ang iling at ngiwi ni Zoren sa kanila.

"Lasing ba 'yan?" tanong ko pagtapos sumimsim sa melon shake.

Nagkibit balikat si Girbaud, humaba ang buhok ni Girbaud lalo dahil nakalugay iyon ngayon at medyo basa pa. Bumagay lalo sa mapanga niyang mukha ang hairstyle, ngumisi siya sa akin.

"Tipsy lang, kaya makulit na."

"Paano pa 'yan makakasama mamaya sa atin kung ganyan?" kunot noong tanong ko.

"Bitbitin ko na lang."

Tumawa ako. "Iwan mo na rito, baka manggulo pa sa mga tao."

Nagtawanan kami. Ilang saglit pa ay iniwan ni Zoren ang mga kaibigan sa lamesa para tumabi sa akin sa sofa, agad siyang nagtanggal ng sapatos at nahiga. Umunan siya sa hita ko at nagkrus mg mga braso sa dibdib, nakapikit na. Suminghap ako at napakamot.

"Hayaan mo magpahinga siya, siraulo 'yan. Alam na may lakad tayo mamaya, uminom-inom."

"Bakit, ikaw? Uminom ka rin naman, gago." Zoren murmured drowsily. "Makakasama pa ako sa inyo, hindi ako papahuli."

Tumawa lang ako at nilapag ang baso sa lamesang nasa gilid, tiningnan ko ang ilang kaibigan nila na nagtatawanan pa rin habang naglalaro ng baraha. Nakilala ko ang isa roon na pamilyar sa mata ko, nanliit ang mga mata ko para alalahanin kung saan siya nakita.

And the sudden moan of Paloma echoed my ear, namilog agad ang mga mata ko sa pagniningas ng pisngi ko. Siya nga iyong kasama ni Paloma sa kakahuyan ng Brentdale! Hell! This place is really small to even see him in one circle with Girbaud and Zoren. Iniwas ko agad ang tingin, medyo guilty sa nangyari. Damn, I saw how he touched Paloma's private part!

Stop the thought, Sovie!

Inabala ko ang sarili sa pakikipag-usap kay Girbaud para maiwala iyon sa isip, kaso nahuhuli ko namang sumusulyap sa akin iyong Clarke na kahalikan ni Paloma kaya lalo akong kinabahan. Naisip ko bigla na baka nakita niya talaga ako noon? Shit, baka isipin niya naninilip ako!

"Uuwi si Madelaine next week, sinabihan agad ako na dalhin ka sa kanila." ani Girbaud.

"Talaga?" gulat kong tanong. "Ang tagal ko nang walang balita sa kanya, nahihiya tuloy ako kung paano ulit makikipag usap sa kanya."

"She's still the same Madelaine, Sov. Wala kang dapat ipagalala, she just lost connection but she never forgot you."

I nodded and sighed. Masaya akong malaman na uuwi si Madelaine at magkikita kami ulit pagtapos ng ilang taon na nalayo, naiintindihan ko namang may sarili siyang buhay kaya maaring makalimot sa mga kaibigan. Ni hindi ko alam kung may anak na siya ngayon.

Ilang minuto akong balisa at hilaw sa inuupuan dahil bawat sulyap ko ay natatamaan ko ang tingin ni Clarke sa kanilang lamesa, hindi na siya kasali sa naglalaro ng baraha roon at umiinom na lang ng alak, binaba ko ang tingin kay Zoren na mahimbing ang tulog sa hita ko. Huminga ako ng malalim. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo si Clarke para lumipat sa lamesa ng ibang kaibigan, suminghap ako at marahang inangat ang tingin para sundan siya.

Nakipag high five siya sa mga kaibigan doon, kunot ang noo ko nang mamataan si Primiel na nakaupo sa isang sofa at nakasandal habang nakadekwatro ang mahahabang hita. He's still wearing his all white uniform, ang isang kamay niya ay nakahawak sa stick ng lollipop sa bibig niya, ang mga mata ay nakapikit habang nakasandal ang batok sa sandalan ng sofa. My heart waved firmly, pumarte lalo ang labi ko habang pinapanuod siyang pinaglalaruan ang lollipop sa loob ng pisngi niya. Binitiwan niya ang stick ng lollipop at padabog na kumamot sa buhok niya sanhi ng pagkagulo bago nagmulat ng mga matang matalim. Hindi ko dinig ang usapan mula sa lamesa nila, ilang dipa ang layo sa amin dahil sa tumutugtog na banda sa harapan.

He parted his mouth to take the lollipop out and licked his bottom lip after that, tinapon niya iyon sa isang ashtray at inalis ang dekwatro ng hita. Kinuha niya ang isang bote ng inumin at tinungga iyon, I was stunned at the moment his adams apple moved up while guzzling. My chest pummeled harshly when his eyes suddenly turned to me that I met him immediately, namilog ang mga mata ko. Malamig niyang tinapos ang pag-inom sa bote, isang blankong ismid ang natanggap ko at iniwan niya ang mga mata ko.

I blinked my eyes and closed my separated mouth, the excitement of my heart beat didn't go away. Huminga ako ng napakalalim at sinulyapan ulit siya roon, hindi na nagawi ang tingin niya ulit sa aking parte kaya instinct na ang nag-utos sa akin na buksan ang cellphone ko kahit wala naman akong inaasahan mula sa kanya.

Well, maybe I hoped a little.

Primiel:

Is that how you take care of a drunk friend?

Ang kakasara lang na labi ko ay muling nagparte para sa hangin. Binalikan ko siya ng tingin, nakasandal na ulit ang batok niya sa back rest habang baba ang malamig na tingin sa akin, my heart drubbed nervously.

Oh, wow. What is our problem here?

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
6.2K 771 12
an epistolary. Kaia Swift is the most popular pop singer of all time and the most controversial as well. From dating several famous male celebrities...
4.6M 142K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.