The Revenge of a Nerd

By Thartzo9

258K 6K 196

Mary Sophia Angeles has been blessed to have a luxurious life, a complete happy family and a best friend who... More

DISCLAIMER
AUTHOR'S NOTE
FOREWORD
CHAPTER 1: Her Childish Best Friend
CHAPTER 2: The Campus Heartthrobs
CHAPTER 3: Her Childishness
CHAPTER 4: Partners
CHAPTER 5: Her Brother
Must Read!
CHAPTER 6: A Role Model
CHAPTER 7: Matchmaking
CHAPTER 8: Quality Time
CHAPTER 9: A Dream Come True
CHAPTER 10: The Value of Friendship
CHAPTER 11: Care For Her
CHAPTER 12: The Consequence
CHAPTER 13: Target
CHAPTER 14: Third Wheel
CHAPTER 15: Warning
CHAPTER 16: Annoyed
CHAPTER 17: Tag Along
CHAPTER 18: Untold Stories
CHAPTER 19: Dilemma
CHAPTER 20: Realization
CHAPTER 21: Friends
CHAPTER 22: Dinner
CHAPTER 23: Having Fun
CHAPTER 24: Her Fear
CHAPTER 25: Sports Fest 1
CHAPTER 26: Sports Fest 2
CHAPTER 27: Movie Booth
CHAPTER 28: Their Comfort
CHAPTER 29: Let Me Be The One
CHAPTER 30: The Wedding
CHAPTER 31: Confession
CHAPTER 32: Love Over Friendship
CHAPTER 33: His Effort
CHAPTER 34: Disclosure
Author's Note
CHAPTER 35: The Blame
CHAPTER 36: Her Condition
CHAPTER 37: A Sudden Change
CHAPTER 38: Last Night Together
CHAPTER 39.1: The Commotion
CHAPTER 39.2: Perseverance
CHAPTER 40: Start of Something New
CHAPTER 41: Her Comeback
CHAPTER 42: Her Coldness
Discussion
CHAPTER 43: Changing Personality
CHAPTER 44: Cold Treatment
CHAPTER 45: Embarrassed
CHAPTER 46: Firmness With Their Decisions
CHAPTER 47: Sprained
CHAPTER 48: The Tension Between
CHAPTER 49: Shopping Slave
CHAPTER 50: His Effect
CHAPTER 51: Her Partner
CHAPTER 52: Groupings
CHAPTER 53: The Essence of Partnership
CHAPTER 54: Their Victory
CHAPTER 55: Her Choice
CHAPTER 56: Friendship Matters
CHAPTER 57: Untold Stories
CHAPTER 58: Back to Reality
CHAPTER 59: A Farewell
CHAPTER 60: Hold On
CHAPTER 61: His Absence
CHAPTER 62: His Sufferings
CHAPTER 63: Closer
CHAPTER 64: A Fairytale Come True
CHAPTER 66: Burst of Anger
CHAPTER 67: Starve to Death
CHAPTER 68: The Deal
EPILOGUE
Author's Note
Playlist
SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

CHAPTER 65: The Villains

1.8K 34 0
By Thartzo9

MARY'S POV

Matapos ang nangyaring concert sa mall ay nagkayayaan ang buong barkadang gumala. Gabi na nang mapagdesisyunan naming umuwi kaya nagprisinta na si Chris na siya na ang maghahatid sa akin pauwi dahil baka kung ano raw ang mangyari sa 'kin sa daan at siya na rin daw ang bahalang magpaliwanag kina mommy kung bakit ako ginabi.

Malayo pa lang kami ng bahay ay tanaw ko na ang isang itim na kotse na nakaparada sa labas ng gate.

"Are you expecting some visitor?" seryosong tanong ni Chris na diretso rin ang tingin sa kotseng nakaparada sa labas ng gate.

"Nope," tipid kong sagot.

"Then whose car is that?" naguguluhang tanong niya.

"I don't know," kibit-balikat kong sagot.

Pagkaparada ni Chris ng kotse niya sa tapat ng bahay sa likod ng itim na kotse ay agad siyang bumaba ng kotse at siya na ang nagbukas ng pinto para sa 'kin. Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok ng bahay at masayang pinag-usapan ang mga nangyari ngayong araw. Ngunit bigla na lang napawi ang ngiti ko nang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko nang makapasok kami ng bahay.

"Pia?"

Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang balat ko. Pero sa kabila nito ay lakas-loob ko pa ring hinarap ang may-ari ng boses na tumawag sa 'kin.

"Ford? Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong kay Ford habang pilit ko pa ring itinatago ang pagkataranta ko.

"I should be the one asking that. What is he doing here? And why are you together?" pagbabalik ni Ford ng tanong sa akin at binigyan ng matalim na tingin si Chris.

Bumaba ang tingin ni Ford sa kamay namin ni Chris na magkahawak. Pero sa halip na bumitiw ako ay mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay ni Chris para iparamdam at ipakita sa kaniya na kaya ko siyang ipaglaban sa kahit sino at hindi ko siya ikinahihiya. Maging si Chris ay humigpit din ang hawak sa kamay ko na para bang wala na siyang balak pang bumitiw.

"Nandito ako para ihatid siya. How about you?" matapang na sagot ni Chris at sinalubong ang matalim na tingin sa kaniya ni Ford.

"Ihatid? Are you her driver? Bodyguard?" mapang-asar na tanong ni Ford.

Ramdam ko ang lalong paghigpit ng hawak ni Chris sa kamay ko kaya alam kong nagtitimpi lang siya pero ang totoo ay gustong-gusto na niyang patulan si Ford.

"I'm—"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin sana ni Chris at ako na mismo ang sumagot.

"He's my boyfriend, Ford. So please be nice to him. Huwag mo siyang bastusin sa harapan ko," mariing sagot ko na may himig ng pagbabanta.

Bigla namang kumunot ang noo ni Ford at gulat niya kaming tiningnan ni Chris.

"What? He's now your boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong ni Ford habang dinuduro-duro pa si Chris.

"Yes. Any problem with that?" nakataas ang kilay kong sagot sa paraang nanghahamon.

"How? I've been only gone for two weeks and this is what happened? You said you won't let him fool you. Then what the h*ll are you doing right now?" dismayadong tanong ni Ford.

"Hindi pagpapauto ang tawag dito. I'm just being brave enough to face my own fear. I love him. Sana matanggap mo 'yon," I firmly answered.

Kahit ano pang sabihin ni Ford, hinding-hindi niya na mababago pa ang isip ko. Ipaglalaban ko kung anong nararamdaman ko. Ipaglalaban ko ang taong mahal ko kahit sino pang makaharap ko.

"No. I won't let him fool you. He fooled you once and I won't let him do it again," nanggagalaiting sambit ni Ford.

Sinubukan akong hilahin ni Ford palapit sa kaniya pero hindi ako nagpatalo. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay ni Chris at marahas kong inalis ang pagkakahawak ni Ford sa kabilang kamay ko.

"Hindi niya ako niloko. Never niya akong niloko. At kahit kailan ay hindi niya ako lolokohin," pagtatanggol ko kay Chris.

"You really think he is f*cking serious with you? Look at him. Look at his face. Even his face isn't trustworthy at all," panghahamak ni Ford kay Chris na nagpatiim ng bagang ko.

"Aba, sumusobra ka na—"

Mabilis kong hinarang ang sarili ko kay Chris nang tangkain niyang sugurin si Ford.

"Chris, calm down. Let me handle this," pigil ko kay Chris.

"Paano ako kakalma? E sumusobra na 'tong amerkanong hilaw na 'to! Daig pa ang kuya mo kung umasta!" Galit na dinuro-duro ni Chris si Ford na ngayon ay madilim na ang mukha.

Nagpipigil pa rin si Chris ng galit niya pero halata sa mukha niyang sobra-sobrang pagtitimpi na ang ginagawa niya para lang huwag sugurin si Ford. At kapag nagtagal pa siya rito ay baka tuluyan na siyang sumabog at kung ano pang gulo ang mangyari sa pagitan nilang dalawa.

"Chris, stop. Please," pakiusap ko kay Chris habang marahan kong hinahagod ang braso niya upang pakalmahin siya. "Ako nang bahalang kumausap kay Ford. It's getting late. Mas makabubuti siguro kung umuwi ka na muna."

Hindi sa tinataboy ko si Chris kaya ko siya pinaaalis. Ayoko lang talagang magkasakitan sila ni Ford. Pareho silang mahalaga sa 'kin at ayokong makitang mag-away sila ng dahil sa 'kin.

"Pero—"

"Sige na. Magkita na lang tayo bukas sa school." Tipid akong ngumiti kay Chris to assure him that everything will be fine.

"K, fine. But call me if something goes wrong, okay?" mahigpit na bilin ni Chris.

Bumaba ang kamay kong nasa braso ni Chris patungo sa kamay niya. Mahina kong pinisil ang kamay niya bago ko ito binitiwan. "I will. Bye. Take care."

"I love you," puno ng pagmamahal na sambit ni Chris habang titig na titig siya sa mga mata ko.

Wala sa sariling napangiti ako dahil sa sinabi ni Chris. Parang bigla kong nakalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Ford kani-kanina lang dahil sa sinabi niya. Sobrang nakagagaan ng loob.

"I love you too," nakangiting tugon ko at ginawaran si Chris ng halik sa kaniyang pisngi bago ko siya inihatid palabas ng bahay hanggang sa may gate.

Nang makaalis si Chris sakay ng kotse niya ay muli akong pumasok ng bahay at hinarap si Ford.

"Ford, ano bang problema mo?" inis kong tanong kay Ford nang magkaharap kami.

"You! You are the f*cking problem! You let yourself be fooled again!" galit niyang sigaw habang dinuduro-duro ako.

"Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa 'yo na hindi siya katulad ng iniisip mo?" puno ng frustration kong bulyaw sa kaniya. "Please naman, Ford. Give him a chance. Give him a chance to prove himself. Hindi 'yong huhusgahan mo agad siya."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng frustration. Akala ko ay maiintindihan niya ako. Akala ko pa naman kaibigan ko siya. Tapos kasimple-simpleng pabor, hindi niya pa magawa? Ngayon lang naman ako hihiling sa kaniya. Bakit hindi niya ako magawang mapagbigyan? Ganoon ba kahirap ang hinihiling ko?

"What if he hurts you again?" kalmado nang tanong niya pero mababakas pa rin ang galit at pag-aalala sa tono ng boses niya.

Alam ko namang kapakanan ko lang ang inaalala niya pero sana naman huwag sumobra ang pagiging mahigpit niya. I'm old enough. Nasa tamang gulang na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko.

"So what? Then so be it! Masaktan na kung masaktan. At least I tried. Hindi na mahalaga kung masaktan ako o ano. Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, hindi ba? Handa kang masaktan at sumugal para sa ikasasaya mo. Kaya, Ford, nakikiusap ako sa 'yo. Pakinggan mo naman ako. Just this once. Please. Hayaan mo naman akong maging masaya kahit ngayon lang. I suffered for almost a year at ngayon lang ako humingi ng pabor sa 'yo sa buong buhay ko. Kaya sana naman mapagbigyan mo ako kahit ngayon lang. Suportahan mo naman ako. You're my friend, right?" pagsusumamo ko na kulang na lang ay magmakaawa ako sa harapan ni Ford pagbigyan niya lang ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ko nang nailabas ang luha at sama ng loob na kanina ko pang kinikimkim. Hindi naman kalabisan ang hinihingi ko. All he have to do is to give it a try—give Chris a chance to prove himself before judging him.

His face softened as he stared at my gloomy eyes. He heaved a sigh in defeat after a minute or two.

"Does Sky know anything about this?" seryosong tanong niya sa mababang boses.

By the sound of his voice, it looks like I was able to convince him. He's now willing to give it a try.

Nakatungo akong umiling bago ko binigyang kasagutan ang tanong ni Ford. "No. He doesn't know anything. I haven't told him yet. And there's another thing I want to ask you, Ford. If it's okay with you."

Nakakahiya mang isipin na hihingi na naman ako ng panibagong pabor kahit kasasabi ko pa lang ng line na 'just this once' ay wala akong magagawa. I have to grab this opportunity. Kailangang mapakiusapan ko siya tungkol sa isa pang bagay.

"What is it?" seryosong tanong ni Ford.

"Can you keep this from Kuya Sky? Nangangako akong sasabihin ko rin sa kaniya ang totoo. But please, give me enough time. Ayokong biglain siya. Alam mo kung gaano niya kinasusuklaman si Chris. Baka mapasugod siya rito sa oras na nalaman niya ang tungkol sa 'min," paghingi ko ng pabor.

"Fine. Just make sure that you won't get hurt. And make sure that you'll tell him everything when you are ready," pagpayag ni Ford.

Agad naman akong napayakap kay Ford dahil sa agaran niyang pagpayag.

"I promise," masayang tugon ko at mas humigpit pa ang yakap ko sa kaniya.

Siya ang unang kumalas sa yakap kaya humiwalay na rin ako at umayos ng tayo pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

"Go to your room. Freshen up. We'll go somewhere," malambing na utos niya at bahagyang ginulo ang buhok ko na palagi niya namang ginagawa kaya wala ng kaso sa akin 'yon.

"Saan?" kunot-noong tanong ko.

"Restaurant. Your parents are waiting for us," he answered.

"Okay. I'll be quick. Wait for me, okay?" excited kong sagot sa kaniya.

Dali-dali akong tumakbo ng hagdan paakyat ng kwarto ko para maligo at mag-ayos.

♡•♡•♡•♡•♡

One week later...

"Mar, mauna na kami ah," paalam ni She habang abala sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"Sige. Ingat kayo," nakangiting bilin ko sa kanila ni Peter na katulad ni She ay excited na ring umuwi.

"Kayo rin," nakangiting tugon ni She.

Nauna nang umalis sina She at Peter habang sina Bea naman at ang iba pa ay nanatili pa ring nakaupo sa mga upuan nila. Tumayo na rin ako matapos kong ayusin ang gamit ko. Agad na rin namang tumayo si Chris dahil siya ang maghahatid sa akin pauwi.

"Chris, diretso sa bahay ni Mary ang hatid ah," tukso ni Bea na nakangising nakatingin kay Chris.

"Oo nga naman. Mamaya niyan ay sa inyo mo 'yan iuwi," gatong naman ni Karla na tinugon lang ni Chris ng marahang pagtawa.

"I won't. Not now. But in the future," pagsakay naman ni Chris sa trip ng dalawa.

"Sige, bro. Mauna na rin kami," paalam ni Justin na ngayon ay nakaakbay na kay Chiella habang bitbit niya ang lahat ng gamit nito.

"Sige," tipid na sagot ni Chris.

"Ingatan mo 'yang si Chiella ah. Huwag mo 'yang patatawirin mag-isa," mahigpit na bilin ko kay Justin.

Si Chiella kasi ang tipo ng tao na basta-basta na lang tatawid nang hindi tinitingnan ang magkabilaang side ng highway. Minsan naman ay hindi siya tatawid hangga't hindi nauubos ang mga paparating na sasakyan. E kung ganiyan siya nang ganiyan, baka sa kalye na siya tumanda kahihintay na mawalan ng sasakyan ang kalsada.

"Grabe ka naman sa 'kin, Mary. Para naman akong bata niyan," nakangusong maktol ni Chiella.

"Bata ka naman talaga. You're my baby, remember?" pagbanat ni Justin na kumindat pa kay Chiella, dahilan para pamulahan ng pisngi si Chiella.

"Boom! Nagawa pang bumanat ng loko," pang-aasar ni Stanley na malakas na tinapik ang balikat ni Jusitn.

"Tara na nga at baka langgamin pa tayo rito," pagyayaya ni Ryan na siyang tanging matino sa kanilang tatlo. Minsan nga lang. Mas madalas pa rin kasi siyang sumpungin ng topak niya.

"Bye, Mary. Bye, Chris," paalam nina Chiella at Justin sa amin ni Chris.

"Bye. Ingat kayo," paalam ko rin kina Chiella.

Nang makaalis na sina Justin at Chiella ay saka lang din kami umalis ni Chris. Pero bago kami dumiretso ng parking lot ay dumaan muna kami ng locker room para iwanan dito ang ilang gamit ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang parking lot nang maramdaman ko ang paghawak ni Chris sa kamay ko. Lihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya. Pero ang ngiti kong iyon ay agad ding napawi at wala sa sariling nabitiwan ko ang kamay niya nang tuluyan na kaming makarating ng parking lot at sumalubong sa amin ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko.

"Kuya? A-Anong gi-ginagawa mo rito?" kinakabahang tanong ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay kuya.

Paanong nandito si kuya? Akala ko ba ay okay na kay Ford ang tungkol sa amin ni Chris at hindi na siya magsusumbong kay kuya? E ano 'to? Imposible namang kusang umuwi si kuya dahil marami pa siyang inaasikaso sa States. Alam ko ring hindi siya bigla-biglang mapapasugod dito kung walang nagsabi sa kaniya.

"Nandito ako para sunduin ka," sagot ni kuya sa malamig na boses at basta na lang hinigit ang kanang kamay ko. "Let's go," mariing wika niya.

Hihilahin na dapat ako ni kuya pero mabilis na nahawakan ni Chris ang kaliwang kamay ko kaya hindi ako nahila palayo ni kuya.

"Sorry, bro, pero may usapan kaming ako ang maghahatid sa kaniya," matapang na wika ni Chris na para bang pinaparating niya kay kuya na hindi niya ito uurungan ano man ang mangyari.

Nagtatagis ang bagang na nagbaling ng tingin si kuya kay Chris. "Don't call me bro. Hindi kita kapatid. Si Pia ang kapatid ko at dahil doon ay ako ang maghahatid sa kaniya. So let go," mariing utos ni kuya kay Chris.

Muli akong hinigit ni kuya pero ayaw patinag ni Chris at hinila niya rin ako pabalik kaya ang nangyari ay ginawa nilang lubid ang kamay ko at naglaro sila ng tug-of-war.

"No. I won't let go of her. Ako ang maghahatid sa kaniya," mariing sagot ni Chris na bahagya na ring gumagalaw ang panga sa galit.

"I said let go." Mas diniinan pa ni kuya ang bawat salitang binitiwan niya pero wala pa ring nangyari. Naghihilahan pa rin sila sa kamay ko.

"No—"

"Sige na, Chris. Kay kuya na lang ako sasabay pauwi. Siya na ang bahalang maghatid sa 'kin," matamlay kong sabi kay Chris para matapos na ang paghihilahan nila bago pa humiwalay ang braso ko sa katawan ko sa ginagawa nila.

Sinubukan kong ngumiti nang pilit para ipakita kay Chris na ayos lang ako at maayos ang lahat pero bigo ako. Wala ako sa mood at naiinis ako kay kuya dahil sa ginagawa niya kaya hindi ko magawang ngumiti kahit pilit. Oo nga at ayaw niya lang akong masaktan kaya niya ako inilalayo kay Chris. Pero sa ginagawa niya ngayon, hindi pa ba ako nasasaktan?

"Pero—"

"Hindi ka naman siguro bingi, hindi ba?" nang-aasar na tanong ni kuya kay Chris. "My sister asked you to let go of her hand so why don't you just obey?"

Mukhang ginagalit talaga ni kuya si Chris. Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Ang mapuno si Chris at sugurin siya nito para si Chris ang lumabas na masama? The h*ll!

"Kuya, stop it," pag-awat ko kay kuya.

"Ako pa talaga ang inuutusan mong tumigil?" hindi makapaniwalang tanong ni kuya.

Bakit? Sa tingin niya ba talaga ay kakampihan ko siya kahit mali na ang ginagawa niya? No way!

"Sumusobra ka na e. Wala namang ginagawang masama 'yong tao pero kung tratuhin mo siya ay daig niya pa ang hayop. Akala mo ba hindi ko alam ang lahat ng pinaggagagawa mo noong naka-confine pa ako sa ospital? Kuya, naman! Ako na ang makikiusap sa 'yo. Stop being too immature," may bahid ng panunumbat na sagot ko kay kuya.

"Hayop naman talaga 'yang—"

"I said enough! Hindi ka ba talaga titigil, kuya? Sa 'yo na nga ako sasama, 'di ba? Bakit ba ayaw mo pa ring tumigil?" inis nang tanong ko kay kuya dahil sa pagiging sarado ng isip niya. Pinapairal niya masyado ang galit niya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napagtaasan ko na si kuya ng boses. Pilit akong pinapakalma ni Chris pero wala itong epekto sa 'kin. Patuloy lang ako nagngingitngit sa galit.

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo tinitigil 'yang kahibangan mo sa lalaking 'yan." Galit na dinuro ni kuya si Chris na mas lalong nagpaalab ng galit ko.

"Ayan na naman tayo e! Ba't ba ayaw ninyo akong hayaang gawin ang makapagpapasaya sa 'kin?" may pagtatampo at pagkadismayang tanong ko.

Ilang segundong natahimik si kuya at hindi niya na nagawa pang sagutin ang tanong ko. Pinilit niya munang pakalmahin ang sarili niya at pahupain ang galit niya bago siya muling nagsalita.

"Halika na. Sa bahay na tayo mag-usap," medyo kalmado nang sabi ni kuya.

Hindi na ako nagprotesta pa nang hilahin ako ni kuya papuntang kotse niya at ganoon din naman si Chris na walang imik na binitiwan ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ako nagtangkang magbukas ng usapan at kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang manatiling tahimik si kuya habang nakatuon sa daan ang atensiyon niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang galit ko kay kuya. Hindi ko na mapapalampas 'tong ginawa niya. Ni hindi man lang niya magawang bigyan ng pagkakataon si Chris para patunayan ang sarili niya. Akala ko pa naman ay siya ang makakaintindi sa akin higit kanino man dahil alam niya ang pag-uugali ko at kilalang-kilala niya ako. Idagdag pang siya ang nakasaksi sa lahat ng paghihirap ni Chris makita lang ako. Pero nagkamali ako. Kahit kailan ay hinding-hindi niya ako maiintindihan dahil hindi naman niya kilala si Chris. Ang alam niya lang ay niloko ako ni Chris at si Chris ang dahilan kung bakit ako naaksidente kaya ganoon na lang ang galit niya rito. Pero hindi ako susuko. Hindi ko siya susukuan hanggang sa matanggap niya si Chris at mapawi ang galit niya rito. Itaga niya sa bato!

Continue Reading

You'll Also Like

870K 29.9K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
122K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
63.5K 1.9K 33
"A gate straight to hell" Mysterious motto from a school right Four girls who decided to just have fun Four girls who just followed the...