Give Me Love [ON HOLD]

By Chichi_Louise

2.7K 202 126

Give Me Love Copyright © 2014 Chichi_Louise // Lahat ay gagawin ni Diana mahalin lang siya ni Ashton, pero ha... More

PROLOGUE: Give Me Love
CHAPTER 1: I Wish
CHAPTER 2: Red
CHAPTER 3: I Don't Wanna Love Somebody Else
CHAPTER 4: Battlefield
CHAPTER 5: Am I Wrong
CHAPTER 6: Sorry
CHAPTER 7: I'll Never Go
CHAPTER 8: Right Now
CHAPTER 9: Chasing Pavements
CHAPTER 10: Miss Movin' On
CHAPTER 11: Move On
CHAPTER 13: Jar Of Hearts
CHAPTER 14: By Your Side
CHAPTER 15: Complicated
CHAPTER 16: Big, White Room
CHAPTER 17: Bleeding Love

CHAPTER 12: Lego House

109 10 8
By Chichi_Louise

CHAPTER 12:

Lego House

Muntik ko nang maibato ang alarm clock ko dahil sa pag-gising sa'kin mula sa mahimbing kong tulog, pero napigilan ko ang sarili ko nang mapagtantong hindi pala linggo ngayon at mat pasok ako. Kaagad akong bumangon para kumilos na, nang mapahinto ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Uminom nga pala ako kagabi. Gaano ba karami ang nainom ko at ganito kasakit ang ulo ko?

Kaagad akong pumunta sa medicine cabinet ko, at uminom ng gamot. Masyado na akong maraming absent sa trabaho, hindi na pwedeng madugtungan pa 'yon. Uminom ako ng kape, at kumain ng pandesal bago ako dumeretso sa banyo para maligo.

“Oh my god!” Napasigaw ako nang tumambad sa harap ko ang gulat na gulat na si Louie pagkalabas ko ng banyo nang nakatapis lang. Agad naman akong bumalik sa loob ng C.R. at nagtago sa likod ng pinto.

“Sorry Di, hindi ko sinasayang makita kang nakatapis promise.”

“What the?! Louie, bahay mo ba 'to? Paano ka ba nakapasok dito? Papatayin mo ako sa gulat e! Lumabas ka muna ng condo, para makapagbihis ako. Mamaya na tayo mag-usap please?” malakas kong sabi sa kaniya na kaagad naman niyang sinunod. Nagmadali akong magbihis, at mag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na ako ng condo ko, at nakitang nakasandal si Louie sa pader habang naghihintay.

“So, paan–”

“We'll talk inside the car, come on.” Hindi na ako nakaangal nang bigla niya akong hilain, pababa at pasakay sa kotse niya. Ayoko rin namang mag-iskandalo sa tapat ng unit ko.

“Pwede na ba akong magsalita?” tanong ko nang makasakay na rin siya sa loob ng sasakyan. Tumango naman siya bilang pagsagot. “Paano ka nakapasok sa loob ng unit ko? Tama bang pumasok ka na lang basta-basta nang hindi kumakatok? Kung hindi ka ba naman bastos e,” litanya ko.

Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago ako sinagot. “Look Diana, I'm sorry. Kumatok naman ako kaso walang nagrerespond, kaya inisip ko natutulog ka pa. Hindi naman sumagi sa utak ko na baka nasa banyo ka lang kaya ginamit ko 'yung susi mo na nakalimutan kong ibalik kagabi, matapos mo itong ipahiram sa'kin. Actually kaya ako pumunta ay para ibalik 'tong susi mo.” Nilahad niya ang palad niya na naglalaman ng susi ng condo at kinuha ko naman ito kaagad,

Paano naman napunta sa kaniya ang susi ko? Ipinahiram ko sa kaniya kagabi? Wait. Napakagat ako sa labi nang maalala ko 'yung nangyari kagabi. Iniwan nga pala ako ng magaling na si Lorraine sa Dazling Jam, at bilang proxi niya tinawagan niya si Louie. Si Louie na humingi ulit ng second chance na pinayagan ko. Pinayagan ko?! Si Louie na naghatid sa'kin sa condo kaya ko ibinigay sa kaniya ang susi, na siguro ay naiwan sa bulsa niya. Pero bakit nga ba niya ibinulsa 'yung susi ko?

Mas napadiin ang pagkagat ko sa labi ko nang maisip ko ang dahilan na hinahanap ko. 'Di kaya naibulsa niya 'yon bago siya... bago siya naglinis ng kalat ko? I mean ng suka ko sa loob ng bahay? Fuck Diana, sobrang nakakahiya ka. Sana lamunin ka na ng inuupuan mo ngayon.

“Hey! You're blushing Di.” Bumalik ang ulirat ko nang kausapin ako ni Louie.

“Blushing ka diyan? Namumula ako 'ka mo sa kahihiyan. Uhm... 'yung kagabi ano, sorry. Sana hindi mo na lang nilinis 'yung mga kalat ko, 'yung alam mo na. Dapat hinayaan mo na lang akong linisin ang sarili kong kalat, kaya ko naman e. Tsaka dapat hindi mo na sinunod si Lorraine. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Well, siguro?” Napasapo ako sa noo ko at napatingin na lang ako sa daan, kanina pa pala umaandar ang sasakyan.

Sa halip na sumagot, isang halakhak lang ang narinig ko mula kay Louie. “Ano namang tinatawa-tawa mo diyan?” mataray kong tanong.

“Diana, you should have seen how wasted you are last night. You can't even walk! Probably you can't go home by yourself,” pag-eexplain niya habang patawa-tawa pa. Inirapan ko na lang siya at binalik na naman ang tingin ko sa daan, pero parang may mali. Ibang daan ang tinatahak namin, hindi ito ang daan papasok ng restaurant.

“Louie, saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Secret. I declare this day as your free day, kaya you don't have to worry. Nagbilin na ako sa assistant manager.” Napataas naman ang kilay ko sa mga sinabi ni Louie. At ginamit pa talaga niya ang pagiging boss niya para pasunurin ako, at para magawa ang mga gusto niya ha?

Isang “Okay” lang ang sinagot ko at nanahimik na lang. Ayaw ko mang sumama sa kaniya wala na naman akong magagawa dahil nandito na ako sa loob ng sasakyan niya e. Isa pa wala rin naman akong gagawin sa bahay ngayong “free day” ko kuno.

. . .

Kung mailalarawan ko lang ang itsura ko ngayon, malamang mukha akong anime na kumikislap ang mga mata dahil sa ganda ng nakikita ko ngayon. Dinala ako ni Louie sa isang children's park, at nandito kami sa garden area. Sobrang dami ng mga bulaklak, at ang gaganda ng mga ito. Alam pa rin niya kung anong makakapagpangiti sa'kin.

Naalala ko pa noong unang beses niya akong bigyan ng isang boquet ng mga bulaklak. Nagalit ako dahil gumastos pa siya para sa mga bulaklak na kalaunan ay malalanta rin naman. Sinabi ko pa sa kaniya no'n na sana dalhin na lang niya ako sa isang garden, kung gusto niya akong pakitaan ng mga bulaklak.

“Alam mo bang 'yung mga batang namamasyal dito ang nagtanim ng mga 'yan?” Umiling ako. Hindi ko alam na mga bata lang pala ang nagtanim no'n. Dahil do'n, mas natuwa ako sa mga nakikita ko. “Tara do'n tayo!” May tinuro siya sa bandang kanan namin at nanuna siyang maglakad papunta do'n.

Nadatnan namin ang isang robot, este tao na umaarteng robot. Pinapaligiran siya ng mga bata na tila ba manghang-mangha sa ginagawa nito. “Watch me,” sabi ni Louie sa'kin at lumapit siya sa taong umaarteng robot na kapag hinulugan ng barya ang donation box sa harap nila ay tsaka lang gagalaw.

Tumabi si Louie sa robot at naglatag ng panyo sa harap niya. Humarap siya sa robot na hindi gumagalaw at kinuha ang shades na suot nito at sinuot niya sa kaniyang sarili. Sunod naman ay kinuha niya ang sumbrero nito na siyang dahilan ng malalakas na pagtawa namin. Bumungad kasi sa'min ang panot nitong bunbunan.

Nagpakitang gilas siya sa harap namin na bentang benta naman sa mga bata at lalo na sa'kin. Natapos siya nang puno na ng barya ang panyong inilatag niya sa harap. Kinuha niya ito at hinulog sa donation box ng robot. Binalik na rin niya dito ang shades at sumbrero nito. Narinig kong nagpasalamat 'yung taong robot kay Louie bago ito umalis at pumunta sa'kin.

Naglakad-lakad lang kami hanggang sa mapagod kami sa kakadaldal at kakatawa. Weird, pero hindi na ako gano'n kailang kay Louie ngayon. Siguro nasanay na rin akong palagi siyang nandiyan lang sa tabi-tabi, at hindi ko na siya kayang iwasan. Umupo kami sa bench na nakita naming bakante para magpahinga.

Halos mahigit limang minutong katahimikan rin ang lumipas bago ko ito binasag. “Thank you Louie.” Walang halong pambobola o anoman, sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Louie. “Akala ko hindi na ako marunong tumawa e, pero kaya ko pa pala.”

“You know what Di? May nabasa akong article, or quote ba 'yun or something. Ang sabi, nagkakagusto daw ang isang tao, sa taong nagagawa siyang pangitiin. So, gusto mo na ba ako ngayon kasi napatawa kita?” Nabatukan ko siya sa tanong niya, pero natawa rin. Puro kalokohan kasi e.

“Joke lang. Seriously speaking, when I saw how you break down last night, sabi ko sa sarili ko, 'I won't let that happen again.' I don't want to see you breaking Di. I know you're broke right now and I promise to build you up again if you'll just let me. Pumayag ka na kagabi, pero gusto kong maniguro ngayon... ngayong 'di ka lasing.”

“Uhm, Louie hindi ko talaga alam 'yung mga pinagsasabi ko sa'yo kagabi. Siguro dala lang ng kalasingan kaya ako pumayag kagabi, pero ngayon sinubukan kong pag-isipan 'yung second chance na hinihingi mo at gusto ko ring subukan. Tutal, wala naman sigurong mawawala kung sususbukan 'di ba?”

Hinawakan ni Louie ang mga kamay ko. Nakatingin siya sa mga mata ko at gano'n din ako. “I love you Diana. Hindi nawala 'yung nararamdaman ko para sa'yo. I know hindi na ako ang laman ng puso mo, but I hope na maibalik ko ang sarili ko diyan.” Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib ko, kung saan nasaan ang puso ng tao. Sana nga Louie. Sana nga mabuo mo pa 'tong puso ko. Sana maibalik pa kita dito. Sana nga, kasi pagod na ako e. Pagod na akong masaktan.

[To be continued]

Continue Reading