Switched Bodies [EXO FF] [Com...

Von KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... Mehr

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 4

3K 144 36
Von KarenKrisDeGuzman


Kabanata 4

 
Harriet POV

May 2, Friday

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Medyo naninibago pa ako sa pagregister ng liwanag sa akin, pero kalaunan ay nasanay na din ako. Panay puti ang nakikita ko, ospital toh malamang. Ang huling naaalala ko naaksidente kami. Oh sh-it, ang EXO, nasaan sila? Maayos kaya sila? Minasahe ko muna ang sintido ko para makapagrelax.

Kailangan kong kumalma walang magagawa ang pagpapanic. Huminga ako ng malalim, bago nagdesisyong tumayo.

“Woah. Easy there.” Pigil sa akin ng isang lalaki. Mukhang koreano din.

Tumikhim na lang ako, di ko sya kilala. Sigurado naman akong hindi sya nurse o doctor. Mukha lang naman syang sibilyan. Hindi ko na lang sya inabala na tanungin kung sino sya.

Pinagmasdan ko lang syang inayos ang mga prutas na dala nya sa isang basket. Nakangiti lang syang ginagawa yun. Medyo may saltik ata ang taong ito. Sa wakas ng natapos sya ay bumaling na sya sa akin.

“Ako nga pala si Kim Heechul. Ang manager ng EXO.”

Napalitan ng pag-asa ang ekspresyon ko, nagbow lang din ako sa kanya. Tsaka nakipagkamay at nagpakilala. Hindi ko napigilang mapaluha.

“Pasensya na talaga. Hindi ko naman alam na maaksiden---”

Pinigilan nya akong magsalita. Tsaka ako pinakalma.

“Hindi mo kasalanan. Walang may gusto ng nangyari.”

Ng kumalma na ako ay tsaka ko naisipan na itanong ang lagay ng EXO.

“Ang… ang EXO. K-kamusta sila?” medyo nauutal kong tanong.

“Ahm good news o bad news? Anong gusto mong unahin ko?” tanong nya sa akin habang inaayos ang upo nya sa gilid ng kama ko.

“Ah. Good news?” may pagaalinlangan kong tanong.

“Orayt. Good news, ligtas na sila. In fact wala nga silang damage. Internal and external. Normal lahat ng vital signs nila. Parang wala ngang nangyaring aksidente.” Kalmado nyang sabi.

“Eh bad news?”

“Bad news is… they are still unconscious. Hindi maipaliwanag ng mga doctor kung anong dahilan pero sinabihan naman nila kami ng assurance na magigising din sila anytime.”

May naglandas na naman na mga luha mula sa mga mata ko. May parte sa akin na masaya dahil ligtas sila. Mayroon naman malungkot dahil hanggang ngayon, wala pa rin silang malay.

Napag-alaman ko din na 3 days na akong unconscious. Pinayagan na rin akong lumabas ng ospital makalipas ang 2 araw, kailangan na lamang i-settle ang bills. Mabuti na lamang ay ang company na ang sumagot nun. Nakausap ko na din ang nanay ko at mukhang hindi magandang desisyon iyon dahil lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa pagngawa ng nanay ko. Maayos na din si koya driver. Salamat sa Diyos, maayos ang lahat.

May 5, Monday

Ngayon na ang araw ng paglabas ko ng ospital. Sa resthouse ng EXO na ako tutuloy, sa Aurora iyon. Sobrang layo ng lugar na iyon, pero kailangan daw dahil tahimik doon at kailangan din nilang magtago pansamantala. Habang nasa byahe, patuloy lang ang pagkukwento ni manager about sa EXO. 6 days na ang nakalipas mula ng aksidente at di pa rin sila nagigising. Nagsisimula na akong mabahala.

Nanibago ako sa ambiance ng resthouse. Dalawang palapag din ito at malapit din ito sa pampang. Mas namangha ako ng pumasok na kami sa loob, kitang kita ko na ang kabuuan nito. Modern style ang motif ng bahay. Maaliwalas sa mata ang kulay ng blue, white at green.

 Binaba ko ang mga gamit ko sa sala. Napadpad ako sa likurang parte ng bahay. Tanaw na tanaw mula rito ang asul na dagat. Napahawak ako sa braso ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

“Gusto mo ba silang makita?”

Napalingon ako sa nagtanong. Si manager. Tumango lang ako bilang pagtugon.

Mabibigat ang paa kong sumunod sa kanya, patungo sa ikalawang palapag. Nasa dulo ang bandang kwarto nila. Ng magbukas iyon, isang nakakabinging katahimikan lamang  ang sumalubong sa akin. Nagmistulang dorm ang kwartong iyon. May 12 kama, 6 sa kanan at 6 din sa kaliwa. Sinadya pa atang idistinguish ang EXO M at K.

Inisa isa ko silang tignan, maaliwalas ang mga mukha nila. Tulad ng sabi ni manager, parang walang nangyari. Mahimbing lang silang natutulog. Nakakapagtaka naman? Nagkafracture kaming dalawa ni koyang driver pero sila wala man lang galos, ang problema lang ay ang pagka unconscious nila.

Magigising pa kaya sila? Iyon ang tanong ko sa isipan ko. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na kaming iba pang magagawa kundi ang maghintay.

May 6, Tuesday 12:00 am

Naglalakad ako sa isang hardin, napakaganda doon. Iba’t ibang klase ng mga bulaklak ang masisilayan. Parang nasa isang paraiso ako.

Napasinghap na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Pamilyar ang mga yakap nyang iyon. Pamilyar ang amoy, ang paghaplos nya. Chanyeol. Siya lang, wala ng iba.

“Chanyeol.” Sambit ko habang dinadama ang pagyakap nya sa akin.

Sinandal nya muna ang baba nya sa balikat ko bago bumulong sa akin “Harriet, mahal mo ba ako?”

“Oo naman.” I said while chuckling. Napasandal na rin ang likod ko sa kanya. Dama ko ang lalim ng paghinga nya.

“Bakit? Bakit mo ako mahal? Bakit ako?” nanghihinang tanong nya sa akin.

Naguluhan ako sa tanong nya. Is he really asking me that question?

Hinilig ko lang ang ulo ko sa kanya. “Kasi, ikaw si Chanyeol. Your face, your voice, your smile. Yun ang dahilan kung bakit mahal kita.” Sambit ko habang nakangiti.

Naramdaman ko na lang na kumalas sya sa pagkakayap sa akin. “You don’t really love me Harriet. Mababaw pa ang dahilan mo.”

Mababaw pa ang dahilan mo

Mababaw pa ang dahilan mo

Blaaaaaag!

“Nak.ng.tokwa!” napahawak na lang ako sa pwetan ko. Sa kasamaang palad, iyon ang naunang lumagapak sa floor.

Nagiging habit ko na ata ang mahulog sa kama. Madilim pa. Chineck ko ang oras, 12:03am. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Lagi na lang akong nababagabag sa mga panaginip ko.

“WAAAAAAAAAAAH!!!”

Napaigtad ako ng marinig ang sigaw. Parang choir lang pero sigaw nga lang. Unang pumasok sa isipan ko ang EXO.

Gising na kaya sila? Agad akong nagpunta sa kwarto nila. Bukas ang ilaw doon, mukhang gising na nga ata sila. Nagmadali na akong pumasok. Hindi ko na binigyang pansin ang kasuotan ko o kung ano man ang itsura ko.

Cliiick!

Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang naghehesterical na EXO. Wala si manager, mukhang di nya narinig ang sigaw nila. Nasa first floor kasi ang kwarto niya.

Bumalik ang tingin ko sa kanila. Nakaupo sila sa mga kama nila at nakatingin sa isa’t isa. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. Hindi pa ata nila napapansin ang pagdating ko.

“Y-you have my face! Your an impostor” turo ni Kai kay Kris. Napapailing naman si Kris at tumingin kay Sehun.

“Waaaaah! Ako yan ah? Dalawa na ba ako? Waaah hyung help me pleath! Thith ith crazy!” sigaw naman ni Kris habang nakaturo kay Sehun. Nanlaki naman ang mata ni Sehun.

“Woah! Yung pisngi ko umimpis? Gutom na ko, baozi nga!” sambit ni Sehun habang hinahawakan ang pisngi nya.

“Damn it. Bakit ang taba ko? Where’s my eyeliner?” tanong ni Xiumin sa kasama nya.

“Who are you? Iwuwushu kita!” sigaw ni Baekhyun kay Tao. Napaigtad naman si Tao na parang di makapaniwala.

“Wag kang epal. Eh bakit nga ba ako nasa katawan ng panda? Troll ba toh?” tanong naman ni Tao na mukhang di malinawan sa mga nangyayari.

“Guys. Kailangan nyong kumalma. Wag kayong magpanic. Malalaman din natin ang lahat ng rason sa mga nangyayaring ito.” Seryosong saad ni Chen. Pero nakangiwi sya kay Suho.

“Ano ba talagang nangyayari? Bakit iba ang katawan ko? Wala na ang manly feature ko. Di to maaari!” Sigaw ni Suho.

“Di ko rin alam kung bakit nasa katawan ako ni hyung pero, kailangan ko ng magluto, alam kong gutom na kayo” sambit naman ni Luhan habang tumatayo.

“Ano na nga ang nangyari? Nakalimutan ko eh.” pambasag sa katahimikan ni D.O. Nanliliit ang mga mata nya tsaka nagkakamot ng batok.

“Naaksidente tayo pero bakit ganito? Anyway, we should be happy!” nagulat na lang ako ng nagderp si Lay!

“Sheez, ang inet. Di makahinga ang mga abs ko” biglang sigaw ni Chanyeol na naghuhubad ng tshirt nya.

Napaatras na lang ako sa mga naririnig ko. Anong ibig sabihin ng mga iyon? Nababaliw na ba sila o ako ang nababaliw? Tell me this is just a freakin dream.

Sa kaaatras ko ay natabig ko ang isang vase at nabasag iyon. Rinig sa buong kwarto ang ingay na dulit nito dahilan para mapatingin sila sa gawi ko.

“W-what…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa hindi ko alam ang tamang sasabihin. Naguguluhan ako.

“Haaaarrriiieett!” sigaw nila. Yun na lang ang huli kong naalala bago. Na naman. Mawalan ng malay.

Ganito na lang ba lagi? Bakit ba nahihimatay sy tuwing nagugulat? Ang arte naman kasi.

Wag ka ng maingay!

Sinisigawan mo ako? Hyung mo ako!

Hehe sorry hyung pala kita.

Hey don’t hurt my body!

Napabaling baling ang ulo ko. Bakit ba ang ingay? Dahan-dahan akong nag-unat tsaka umupo sa kama.

“Haaaaaay!” singhap ko habang nakatalop sa bibig ko.

Pagmulat ko ng mata, bumungad sa akin ang mga anghel. Napangiti na lang ako.

“Good morning!” bati ko sa kanila na nagpupungay pa rin ng mata.

EXO. EXO. EXOO!!

Napabalikwas ako ng upo, kinuha ko agad ang kumot at tinakip sa katawan ko.

Inisa-isa ko sila ng tingin. Wala namang pinagbago. Sila pa rin. Siguro nga, panaginip lang ang lahat. Duuuh! Akala ko talaga nag swap na sila ng mga souls! Sh-it! Napatitig ulit ako sa kanila. No, I was so sure. Totoo ang mga pangyayari kagabi.

“Y-yung kagabi? A-anong nangyari?” nauutal kong tanong.

“Uminom ka muna ng tubig.” Pagaalo sa akin ni Luhan.

Suminghap si Chen. “Harriet. Alam kong mahirap paniwalaan pero wala na tayong magagawa. Our bodies are swapped or our souls are switched. Di rin namin alam.”

Oh no! It’s true. Napakagat na lang ako sa labi ko. Easy Harriet. You can do this. Maging open-minded ka. Wag kang magfreakout. Ng kumalma na ako ay bumaling na ulit ako sa kanila. Seryoso ang mga mukha nila.

“Sino ka?” turo ko kay Kai.

 “Kris!” nagtaas ng kamay si Kai. Seriously? Si Kris ay nasa katawan ni Kai? OMO! Napangiwi na lang ako sa kanya. Samantalang umirap naman sya sa akin. Di ko maimagine ang conceited pervert na si Kai ay magiging si Kris na cold.

“Ikaw?” turo ko kay Kris.

“Thehun!” masigla nyang sigaw. Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig. Tengene! Si Sehun ay nasa katawan ni Kris! Si Kris ay bulol! Syete, di ko maimagine na bulol si Kris pero ngayon, nakikita ko na sa harapan ko ang bulol na Kris.

“And you?” tanong ko naman kay Sehun.

Lumunok pa muna sya ng baozi bago magsalita “Xiumin” nanlaki ang mata ko sa sinabe nya. Ang pinakahyung ay napunta sa katawan ng maknae. Juskopo. Pag nagpatuloy ito, tataba ang pisngi ni Sehun dahil sa katakawan ni Xiumin.

“You?” tanong ko kay Xiumin.

“I’m Baekhyun duuuh!” sabi nya sabay irap! Gusto kong maduwal! Ang kalmado at matakaw na si Xiumin, ngayon ay naka-eyeliner at nagiinarte! Kill me please! End of the world na ba? Isa si Xiumin sa mga mababait na members na nakasama ko, panu ako masasanay kung ang bi-tch nya ngayon?

“Eh Ikaw?” tanong ko kay Baekhyun.

“I am the mighty kung fu panda, Tao!” sigaw nya habang minamartial arts ang hangin. Eto na nga ba. Eto na ang sinasabi kong malaking kababalaghan! Si Tao na wushu expert ay nasa katawan ni Baekhyun. Di ko maimagine na nagtatatalon at tumbling si Baekhyun! Patpatin pa naman.

“Ikaw ay si?” tanong ko kay Tao.

“Sino pa, edi ang pinakagwapong si Chen. Malas ko lang dahil sa katawan ni Tao ako napunta. Mukha tuloy akong unggoy Araaay!” masayang sambit ni Tao pero binatukan sya ni Baekhyun este Tao pala talaga. Okay medyo, okay pa toh. Si Chen ay nasa katawan ni Tao. Pero sayang ang wushu skills ni Tao, di naman marunong ng martial arts si Chen. Ayos na din siguro para di tulog ng tulog si Tao, dahil ngayon, si Chen na sya.

Nagpaypay na lang ako sa sarili ko. Medyo di ko na ata kayang iabsorb ang mga nangyayari! Napalagok ulit ako ng tubig! Kaya mo toh Harriet may anim pa.

“So ikaw naman?” tanong ko kay Chen.

Natunugan ko ng sya ang leader dahil sa asta nya but I need confirmation. “Ako si Suho.” Sambit nya habang napapailing.

“Bakit? Di mo gusto ang katawan ko? Ang gwapo ko kaya?” tanong sa kanya ni Tao slash Chen in real.

Okay, eto ang mas di kapani-paniwala. Ang troll na si Chen ay magiging seryoso at leader? Di ata akma. Seriously? Di ko maimagine si Chen na nagseserysoso at di nagjojoke.

“So you are?” baling ko kay Suho.

“I’m Luhan, Harriet.” Malambing nyang saad. Okay, mukhang walang problema si Luhan na mapunta sa katawan ni Suho. Ganun talaga eh, gwapo si Suho. Malamang gusto nya. Yun nga lang, di na sya biniyayaan ng height!

“Sino ka naman?” tanong ko kay Luhan.

Wae? Ako ba? Ah ako si Kyungsoo.” Simple nyang sagot habang nanlalaki ang mata. Sh-it lang, wag nya dapat gawin yan. Kawawa naman ang mata ni Luhan. Wala ng ilalaki yan. Chinito eh. Pero wala na akong magagawa. Si D.O ay nasa katawan ni Luhan. At least, magiging handsome chef na sya, hindi lang handsome dear.

“At ikaw?” baling ko ng tingin kay D.O na pinaglalaruan ang nalantang bulaklak.

“Huh? Wait. Ichichiyu ko lang yung halaman para mabuhay. Unicorn ako. I’m Lay!” sigaw nya. Hinayaan ko na syang gumawa ng milagro sa halaman. Medyo maayos pa ito, si Lay ay nasa katawan ni D.O. Yun nga lang, isa si D.O sa mga mature and responsible members. Paano kung naging makakalimutin na sya, which is posibleng mangyari dahil sya na si Lay.

“Kung ganun, ikaw naman si?” turo ko kay Lay.

“Ako toh Harriet. Si Chanyeol!” masigla nyang bati sa akin. OMO! Ang Chanyeol ko ay nasa katawan ni Lay? Then afterwards he suddenly gave me a derp smile. Di ko alam kung matutuwa ba ako o masasagwaan dahil, hindi naman bagay ni Lay ang magderp. Si Lay yung tipong, swabe lang kung magsmile. Okay na yung magpakita ng dimple. Pero ngayon? He’s derping like hell, whatda?!

Napafacepalm na lang ako. Last na sya. Ang katawan ni Chanyeol. Tumingin ako sa kanya.

“Then, I suppose youre---” di na nya ako pinatapos.

“Kai, the one and only.”

Parang gumuho ata ang mundo ko. Anyare? Ang katawan ng Chanyeol ko ay pagaari na ngayon ni Kai. Ang mabait na Chanyeol ay magiging conceited at manyak! Di ko alam kung ikatutuwa ko ba yun, pero sana sa ibang members na lang sya napunta. Bakit sa manyak na si Kai pa?

Natulala lang ako kay Chanyeol slash Kai in reality. Napansin nya ata iyon kaya nagsmirk sya sa akin. Lalo akong namutla sa ginawa nya. I didn’t know that Chanyeol looks even 10 times hotter when he’s smirking.

Tinulungan na nila akong tumayo. Nasa kwarto pala nila ako. Humilera naman sila sa harapan ko.

“Hindi pa kami lumalabas, At wala pang nakakaalam nito maliban sa amin at sa iyo!” saad ni Chen aka Suho.

Napabuntong hininga na lang ako. Tsaka tumuwid ng tayo.

“Okay. Kailangan ko munang i-recall.”

Kailangan ko ng palatandaan para mas mabilis kong matandaan. Kahit mahina ako sa math. I need a formula now and luckily I came up to this…

Body(Soul)

Kai(Kris)

Kris(Sehun)

Sehun(Xiumin)

Xiumin(Baekhyun)

Baekhyun(Tao)

Tao(Chen )

Chen(Suho)

Suho(Luhan)

Luhan(D.O)

D.O(Lay)

Lay(Chanyeol)

Chanyeol(Kai)

Thet parang cycle lang. Parang mabibiyak ang ulo ko sa pagpipilit na isink in ang mga pangyayari. Huminga na lang ako ng malalim. I need to think wise.

“So ano ang gusto nyong mangyari ngayon?” seryoso kong tanong.

Nagbuntong hininga sila. “Wala dapat makaalam nito. Kailangan naming panindigan toh. We need to pretend. Yun ang dapat at mabisang paraan hanggat hindi pa natin alam kung paano maitatama ang lahat.” Pagpapaliwanag ni Suho aka Luhan.

Napahilamos na lang ulit ako sa mukha ko. Stress na stress na ako. Kailangan ko silang tulungan. They need me. At kung ano man ang kailangan kong gawin, ay handa ako. Pinagkatiwalaan nila ako kaya dapat hindi ko sila I let down.

“So be it.” Matapang kong saad.

 Dito na magsisimula ang totoong paglalakbay ko at ng EXO. Sana lang, yung daan namin. Deretso lang at sementado. Wala sanang liko-liko, pataas-pababa at rough road.

-----------------------

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

42.9K 1.8K 18
COMPLETED. UNEDITED. One Australian boy. One Filipina Girl. Two hearts. One answer. Boss and an employee. How would thing end up, kung sila ay magsas...
28.7K 795 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
10.3M 474K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...