Kimeeko's POV
After 3 weeks, natapos na rin namin ang teleserye namin ni Kanji. At ngayon, wala na akong gagawin. At in-announce na din sa TV na titigil na ako sa pag-aartista. SAYANG! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ba ako pinatigil ni dad sa pag aartista.
Bumangon na ako. Pagtingin ko sa crib ni Meeson, wala nanaman siya dun. Kaya naman bumaba na ako at nakita kong naglalaro si Meeson at si Nash. Sa totoo lang, kapag nakikita ko silang dalawang magkasamang naglalaro o nagkukulitan, KINIKILIG AKO! Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi ang saya sa pakiramdam na nakikita mong magkasama ang dalawang taong minamahal mo.
"Oh Meeson andyan na pala ang mommy mo, say good morning to your mom." sabi ni Nash kay Meeson.
"Moyning ma--ma." sabi niya sabay giggle pa.
And I can't help it. Nilapitan ko siya at niyakap. And I'm proud to say na nakakapagsalita na si Meeson, kaya lang hindi pa masyadong klaro ang mga sinasabi niya.
"Nash, kumain kana ba?" tanong ko sakanya
"Hindi pa pero si Meeson kumain na." sabi niya
"Ah ganun ba? tara samahan mo akong magbreakfast." sabi ko sakanya, sumunod naman siya sakin.
Si Kath naman muna ang nagbantay kay Meeson.
Habang kumakain kami--
"Ah Meeko uuwi na akong Pilipinas, bukas." sabi niya
Napatigil naman ako sa pagkain at tumingin sakanya. Hinihintay kong sabihin niyang "JOKE" or "NANIWALA KA NAMAN". Pero wala namang lumabas na ganun sa bibig niya.
"Ah t--talaga? Okay mabuti. Malapit na rin pala ang graduation niyo diba?" sabi ko na lang
"Oo nga eh. Andami ko pa kasing gagawin eh" sabi niya
OKAY, so? Kasalanan ko? =_=
"Hmm, okay. Babalik ka pa ba dito?" tanong ko sakanya at napalunok naman ako nun.
"Ah baka matatagalan pa eh." sabi niya
OK, Keep calm!
"Ah-- bakit? Hnd ba pwdeng pagkatapos ng graduation?" tanong ko sakanya
"Hindi eh. Kasi aasikasuhin ko pa yung mga kelangan ko para sa college. Kaya baka malabong makakabalik ako dito agad agad." sabi niya
HAAAAAAAAAAAAAAY! Grabeng buhay to.
"Ah okay."
END OF CONVO.
Ayoko na munang magsalita. Mejo nawawalan na ako ng gana at nag-iiba na ang mood ko ngayon.
8:00 PM
Kasalukuyan akong nakanganga at nakatitig sa kisame. Kung bakit? WALA! Nababaliw lang ako, obviously.
*knock knock*
Binuksan ko ang pinto. At pumasok si daddy.
"Oh dad--"
"Bukas pupunta akong Pilipinas. May aasekasuhin ako tungkol sa business. Gusto mo bang sumama?" diretsong sabi at tanong ni dad sakin
OH SURE! WHY NOT, COCONUT!
Syeeeet! Kung sinuswerte ka nga naman, oo. Blessing to ah!
"Ta--talaga po? Ah magtatagal ba kayo doon?" tanong ko sakanya
"Hmm, mga 3 months lang." sabi ni dad sakin
3 MONTHS?! LANG?! Gaaaadd.
"Ah eh sige po. Sasama ako." kunwareng nahihiyang sagot ko.
Asows! Kung alam niyo lang po, gustong gusto ko noh! Syempre naman. I'M SURE NASH WILL BE SURPRISED PAG NAKITA NIYA AKO SA SCHOOL! ^___^
8 PM pa lang pero natulog na agad ako. Syempre, may flight pa ako bukas. Mehehe :3 at mas excited pa ako sa alas kwatro.
Yulie's POV
HAAAAAY! Nasa Pilipinas na rin sa wakas. Namiss ko ang polluted air dito!!!!! And I'm glad na nakauwi na rin sa wakas. Paano kami nakuwi? Aba syempre si Nash ang bahala doon. Ewan ko nga sakanya eh, bigla na lang nag ayang umuwi ng Pinas.
"Nash ano bang ginagawa natin dito sa GYM ha? Kakauwi lang natin, hindi ba tayo magpapahinga?" Reklamo ng boyfriend kong ungas.
"Tss. Kelangan ko ng tulong niyo.." sabi ni Nash
Eto nanaman po tayo!
"NAAAAASH! Pagod na kami. Pwde bang magpahinga muna sandali? Kakagaling lang natin sa flight tapos kelangan mo nanaman ang tulong namin?! Nash, just to remind you, hindi kami SAGIP KAPAMILYA na pwde mong hingan ng tulong kung kelan mo gusto. Magkaibigan tayo, pwde bang support na lang?" sabi naman ni Kevin at naghalumpasay sa sahig
"Oy oy oy, wag nga kayong maarte. Ang sarap nga ng tulog niyo kanina sa flight eh. Tch. Tsaka kung hindi niyo ako tutulungan edi wala kayong diploma. Madali naman akong kausap eh." sabi ni Nash
BLACKMAILING! Tama ba yun? -_- Isip bata!
"Oy oy oy wag mo naman kaming tinatakot sa mga ganyan. Akala mo ba madadala mo kami sa mga ganyan mo? Aba Nash, kung ganun lang naman pala edi sige, TUTULONG KAMI. Diba Kevin?" sabi ni Kenchan
"Aish. Sige." sabi naman ni Kevin
Sinabi na samin ni Nash ang gusto niyang mangyari. Hindi pa nangyayari, naeexcite na ako. Grabeeee! Sana ganito din kami ni Kenchan, kaso ang malas ko naman. Nga nga ang lovelife ko kaht may boypren ako eh. Pero okay lang, tanggap ko namang nganga talaga tong isang to! -_-
Kimeeko's POV
THE NEXT DAY
Wooooooow! *O* I missed this place! Mehehe :3 Ano ba? Parang mahilig na ako sa Mehehe ah? Well, never mind. Ang importante andito na ako sa Pilipinas. And yes, andito ako sa bahay namin dati.
Well, naglilinis KAMI ng bahay ngayon. Yes, KAMI. Hindi lang AKO. Dahil ewan ko ba at parang halos lahat ng family namin ay sumama. Si mama, si dad, si Kath, si Meeson syempre. At yung mga tita at tito ko, pinsan ko, at iba pa ay sumama din. Wala talaga akong clue kung bakit sumama sila.
So pagkatapos naming maglinis. Pumunta ako sa bahay nila Nash. Syempre bibisitahin ko lang si ate Aphrodite. Namiss ko rin ang kakulitan niya eh.
Pagdating ko sa bahay nila--
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" oh ayan na. Hindi pa ako nakakaapak sa loob ng bahay, dinig na dinig ko na ang sigaw ni ate na galing sa mansyon nila. Well, nasa gate palang naman ako.
"Ateee!" sigaw ko. Tapos nagwave ako sakanya.
After 3 minutes ng pagtakbo niya galing sa bahay papunta sa kinaroroonan ko. (CHOS! Kinarorooonan?) Niyakap niya ako. Mas mahigpit pa sa mahigpit at halos hindi na nga ako makahinga eh.
"Kimeeko! Bumalik ka. Bakit?" tanong niya
"Eh kasi po si dad may aasikasuhin daw siya dito eh, sumama na rin ako. Since andito na ata si Nash or uuwi palang. Hindi niya alam na andito ako ngayon eh. Gusto ko sana siyang sorpresahin sa school." sabi ko kay ate Aphrodite
"Ah ganun ba? So yun lang pala? Akala ko pa naman dahil namimiss mo na ako." sabay pout
"Eh! Ate naman eh! Syempre alam mo na yun." sabi ko sakanya
Then ilang oras din kaming nag usap hanggang sa napag isipan ko nang umalis na muna dahil pupuntahan ko pa si Nash sa school.
***UNIVERSITY***
Pinapasok lang ako ng guard sa University. And masaya ako dahil kilala niya ako, ang babaw diba? Mwahaha. Basta!
Habang naglalakad ako papunta sa building ng mga classrooms, ANG TAHIMIK. WALANG TAO. So? Saan na sila? Sana pala nagtanong muna ako kay Guard. -_- Stupid!
Pumunta ako sa field, wala namang tao.
Kaya no choice ako, at maglalakad nanaman ako ng ilang meters papunta sa Gym. Baka andun sila at may program eh.
Hindi pa ako nakakaapak ng Gym, may dalawang babaeng bumungad sakin. At walang iba kundi ang dalawang baliw na kaibigan ko.
"Waaaaaaah! Grabe bakit ka andito Kim?" tanong ni Micah sakin
Naks, NATATS naman ako sa tanong niya -_- Eh kung sinasapak ko kaya to?
"Wala, napadaan lang." sabi ko
"Wooow. Napadaan lang? Grabe ka naman kung makadaan. Akala mo ang lapit lang ng Japan at Pinas eh." sabi naman ni Yulie
"Asan ba kayo? bakit parang wala namang tao sa building?"
"Ah may program kasing magaganap eh, kaya andito kami sa gym. Dali pasok na tayo para naman makita ka ulit ng mga kaklase natin." sabi ni Micah tapos hinila na nila akong dalawa.
Pagpasok namin sa Gym.
WALA AKONG SHADES. HINDI PA NAMAN AKO BULAG. BAKIT ANG DILIM? AT ANG TAHIMIK? Akala ko ba may program?
~"What if I never knew.. What if I never found you..."~
Nagulat naman ako nang biglang nagpatugtog sa loob ng gym but sill walang nagsasalita o maingay, yung music lang ang maririnig mo.
"Micah, Yulie? Bakit ang dilim? Anong klaseng program ba to?" tanong ko sakanila
Pero wala silang sinabi sakin.
Bigla ako napatingala at napatingin sa screen, nakita ko ang mga picture ko at picture ni Nash. Yung jeje days! Mygawd! Sino naman ang kumuha nitong mga to? Peste ah! Ang nerd ko pa -_-
Pero hindi ko magets-- bakit? Para saan ba to? Akala ko ba program? Hindi ko pa naman birthday ngayon ah.
~"I'd never had this feeling in my heart... How did this come to be.
I don't know how you found me
but from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew...""~
Tapos nagsilabasan naman yung mga hindi gaanong klarong video pero maikita mo akong nagsisigaw, to be exact, chinicheer ko si Nash kasi game nila yan nung intrams namin 1st year.
Shet! Saan ba to nakuha? Bakit hindi ko alam? This is kinda scandal. Nakakahiya ang itsura ko. Parang pulubing nababaliw eh.
~"Baby you're my destiny..
You and I were meant to be, with all my heart and soul,
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be my destiny"~
Bigla na lang naggkaspotlight sa kinatatayuan ko ngayon, at ngayon ko lang napagtanto na mag isa lang pala ako. saan na yung dalawa? Ano bang trip nila? Is this some kind of a prank?
"Si Kimeeko, siya yung babaeng kapag gusto ka, hahabulin ka. Kapag iniwasan mo, mas magpapapansin yan sayo. Mahirap kapag ikaw ang gusto ni Kimeeko, nakakainis, nakakairita. Lagi kang may flowers sa locker mo tapos nabubulok din, lagi kang may note na nagdadagdag ng basura mo. Nung una yan ang nararamdaman ko. Pero habang tumatagal, at ngayon na mahal ko na rin siya. Ngayon na mahal na mahal ko na rin siya, siguro its payback time na. Sa lahat ng ginawa niya sakin, sa panahong nililigawan niya ako na hindi ko man lang bingyan ng pansin. Ngayon ay magbabayad ako. Magbabayad ako hindi dahil kelangan, kundi dahil mahal kita. *sigh* Ang hirap nitong ginagawa ko." hinahanap ko pa rin yung nagsasalita na halata namang boses ni Nash yun, wala pa rin akong makita.
"Pero Kimeeko isinantabi ko muna ang hiya ko para sayo. Para malaman ng mga tao na you were always meant to be my destiny." sabi niya
Natawa naman ako nun. At biglang nagkaspotlight sa stage, kung saan nakatayo ngayon si Nash. Tapos naglakad siya papunta sakin at sinusundan siya ng spotlight.
niyakap niya ako nun, kaya niyakap ko rin siya. Pero saglit lang naman.
"Kimeeko Villanueva, will you be my Mrs. Ahn?"
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Nash ano ba to? Joke ba to? Prank? Or what? Grabe ha! Wag mo nga akong niloloko." sabi ko sakanya
"Hindi. Meeko naman eh." sabi niya at napakamot sa batok niya
"Eh bakit to? Ano to? Practice? Shooting? Roleplay? Naguguluhan ako." sabi ko sakanya
"Eh basta, sagutin mo ang tanong ko. Will you be my Mrs. Ahn?" tanong niya sakin
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako masaya, hindi ako natutuwa. Kundi SOBRA PA SA SOBRA ang nararamdaman kong saya at tuwa ngayon. This feeling is PERFECT!
"Not until you give me a ring." sabi ko sakanya
Napa-iling naman siya nun. Tapos bigla siyang lumuhod--
"Last na talaga, kapag hindi ka pa sumagot ng ayos, hindi na ako magtatanong ulit. Okay?" sabi niya sakin.
ABA! Namblackmail pa eh. Takot naman daw ako? -_-
"Kimeeko Villanueva, will you be my Mrs. Ahn?" sabi niya
Napangiti naman ako at tumango, pagkatapos ay sinuot niya na sakin ang singsing.
Woooow. Totoo bang nangyayari to? Am I dreaming? Kasi kung nananaginip man ako sana hindi na lang ako magising dahil baka may kasalan pang magaganap sa continuation ng dream ko. ^0^
*LIGHTS ON*
Napatingin naman ako sa paligid namin. Woooow! Andami palang tao? Hindi ko aakalain na ganito sila karami na andito sa loob. Nagawa talaga nilang tumahimik ng ilang oras at kahit anong ingay ay hindi nila ginawa.
Bigla silang naghiyawan at nagtilian. Ang saya saya nila at parang sila yung nasa sitwasyon ko ngayon. Andaming bumabati samin. At nilapitan naman kami ng parents namin.
Pumunta ako dito para sorpresahin si Nash, and yet, ako yung nasurprise sa pangyayari ngayon.
- - - - - - - - - - - -
Lazy's: Ay grabe yan! Ang sakit na ng mga daliri ko kakapindot eh. Ayan malapit na ang ending, abangan niyo na lang :)) Sana walang typos, kung meron man kayo na lang magkorek sakin. Okay? Tamad kasi akong magcheck ulit at magbasa ulit eh.
SORRY pala sa matagal na update. Kasi kakatapos lang ng exam ko kanina. So last week and this week todo study kunu ako. Mehehehe :3 Keepsafe guyth. God bless & gd night na. 1:33 na pala eh.