Coffee Fate

By CodeBreaker09

2K 251 13

Kinailangang tumigil pansamantala ni Dashnielle sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang kapatid at kailangan... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 11

85 12 0
By CodeBreaker09

Mag-aalas-siyete na nang gabi ngunit nasa Coffee Haven pa rin sina Dashnielle. Nakiusap kasi sa kanila ang Sir Jed nila na kung pwede ay mag-overtime muna sila upang makapaglinis ng shop. Dalawang araw daw kasi itong hindi makapagbubukas ng shop dahil may mga kailangan itong asikasuhin.

"Natapos din sa wakas," saad ni Acky.

"Naku, maraming salamat talaga sa inyo. Pasensya na kung biglaan itong pagpapalinis ko ha. Gusto ko lang talaga na maayos itong shop habang wala tayong pasok," nahihiyang usal ng boss nila.

"Ano ba kayo Sir Jed, wala ho iyon. Tsaka part naman po talaga ito ng trabaho namin," nakangiting wika naman niya rito.

Ngumiti ito. "Don't worry, bayad naman ang dalawang araw na wala kayong pasok."

Nagpasalamat sila rito. Napaka-considerate talaga ng boss nila. Akala niya noon ay matapang ito at istrikto. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikita na mabait pala ito at maalaga sa mga empleyado.

Pauwi na sina Dashnielle, Acky, at Khlea nang bigla silang tawagin ng Sir Jed nila. Lumapit sila rito.

"Bakit po Sir?" tanong ni Khlea.

"May nakalimutan kasi akong sabihin sa inyo," anito.

Nagtaka naman sila. "Ano po iyon?"

"Magbi-birthday kasi 'yong isa kong kaibigan. Eh gusto ko sana kayong isama." Ngumiti ito sa kanila.

"Naku Sir, nakakahiya naman," aniya.

"Hindi 'no. Tsaka kilala niyo naman si Zen, 'di ba? 'Yong regular customer natin?"

"Ay opo Sir! Iyong lagi ring kasama ni Sir Jeighcob?" masiglang wika ni Khlea.

"Oo 'yon nga. Birthday niya sa Sabado. Eh sabi niya magsama na rin daw ako ng mga empleyado ko. Kaya naisip kong isama kayong tatlo tutal kayo naman ang pinakamasisipag kong employees."

Nabigla silang tatlo. Nakaka-flattered naman 'tong si Sir!

"Ah, eh okay lang po ba talaga na isama niyo kami?" medyo nag-aalinlangan pa rin na tanong niya.

"Oo naman! Basta usapan na 'yon ha. Dito na tayo magkita sa shop, siguro mga 5:30pm. Gabi pa kasi ang party."

"Eh Sir..." mayamaya'y singit ni Acky.

"Bakit?" baling naman ng boss nila rito.

"May dress code po ba ang party na 'yon?"

Napaisip din siya na tanong ni Acky. Paano nga kung may dress code dun? Baka wala siyang maisuot kapag bonggahan ang required na kasuotan sa party na iyon.

"Hmm, wala namang nabanggit si Zen. Smart casual attire lang siguro. Basta kung ano ang mas kumportableng suotin para sa inyo, iyon ang isuot niyo. Besides, sa'ming magkakaibigan, walang maseselan. The simpler, the better," nakangiting wika ulit nito.

Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti naman kung gano'n.

"Sige na, baka gabihin pa kayo sa daan. Ingat kayo. See you on Saturday!" muling usal ng Sir Jed nila at nagpaalam na sa kanila.

Nang makarating sa bahay ay saka lang napag-isipang mabuti ni Dashnielle ang invitation ng Sir Jed nila.

"Bakit ba ako naka-oo sa imbitasyon ni Sir?" sambit niya sa sarili. Si Zen ang magbi-birthday at kaibigan pala ito ng boss niya. Pinsan ng boss niya si Jeighcob at kaibigan din ni Jeighcob si Zen. Kaya walang kaduda-duda na makikita niya si Jeighcob sa party'ng iyon. Tsk.

*****

Naabala ang mahimbing na pagtulog ni Dashnielle nang umagang iyon dahil sa walang humpay na pagri-ring ng kanyang cellphone. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata nang sagutin niya ang tawag.

"Hello?" inaantok pa rin na wika niya.

"Dash!" sigaw ng nasa kabilang linya.

"Sino 'to?" parang wala sa sariling tanong niya.

"Adik ka ba!? Si Acky 'to!"

"Anong kailangan mo?"

"Samahan mo ako sa mall!"

"Sa mall? Ang aga-aga pa, Acky. Wala pang bukas na mall ngayon."

"Anong maaga!? Mag-aalas-onse na Dashnielle Garcia!"

Napabalikwas siya sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan niya. Hala oo nga! Napasarap pala ang tulog niya lalo pa't wala siyang pasok nang araw na 'yon.

"Hoy! Ano na!? Buhay ka pa ba diyan?" Tsaka lang niya naalala na kausap nga pala niya ang babaeng megaphone.

"Kapag ikaw ang kausap, swerte nang mabuhay ang nasa kabilang linya diyan sa lakas ng boses mo," sarkastikong sagot niya rito.

"Normal pitch ko pa lang 'to!" Narinig niyang tumawa ito. Baliw talaga!

"O eh ano bang gagawin mo sa mall?"

"Bibili ng damit!" pasigaw na sagot nito.

"Alam mo Zackry, kapag hindi mo hininaan 'yang boses mo, mag-isa kang pupunta sa mall." Pakiramdam kasi niya ay tuluyan na siyang mabibingi sa boses nitong mala-sirena ng bombero sa sobrang lakas.

"Sorry na. Magpapasama lang ako, bibili ng damit." Ngayon naman ay halos wala na siyang marinig sa sobrang hina ng boses nito. Baligtad talaga ang utak nito. Noong ipinanganak siguro ito, lalamunan ang nauna. Tsk.

"Oo na. Mamayang after lunch na lang tayo pumunta," wika niya.

"Okay! See you!" I-eend na sana niya ang tawag nang may maalala siyang itanong.

"Teka lang, saan mo nga pala gagamitin 'yong damit?"

"Saan pa? Eh di sa birthday ni Zen."

Shoot! Oo nga pala. Bakit ba nakalimutan niyang may pupuntahan nga pala silang birthday-han bukas? Maging siya ay wala pa ring isusuot.

"Buti pinaalala mo! Nawala 'yon sa isip ko," aniya.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ganyan talaga ang epekto kapag tinatanghali ng gising! Nagkaka-alzheimer's!" Mukhang nakalunok na naman ito ng amplifier.

"Oo na babaeng may ulo ng megaphone at may katawan ng amplifier! Magkita na lang tayo mamaya! Bye!" Mukhang magsasalita pa ang kausap niya ngunit siya na mismo ang tumapos ng tawag.

*****

"Bakit hindi nakasama si Khlea?" tanong ni Dashnielle kay Acky. Kasalukuyan silang nasa mall at isa-isang pinapasok ang mga boutique na madaanan nila.

"Pupunta raw kasi siya sa doctor."

Kinabahan siya. "Doctor? Bakit daw? May sakit ba siya?"

"Oo, sa doctor. Doctor ng mga hayop. Matamlay daw kasi si Fuzzy tsaka hindi masyadong kumakain." Tumawa ito. "Kinabahan ka 'no?"

Gusto niyang sabunutan ang kasama. Hindi kasi agad diretsuhin ang sinasabi. Kinabahan talaga siya sa pag-aakalang may nangyaring masama kay Khlea. Noon pa man ay kilala na nila si Khlea na mahilig sa pusa. Si Fuzzy ay ang alaga nitong persian cat na niregalo pa rito ng ama nito.

"Abnormal ka," siniringan niya ito. Tinawanan lang siya nito.

Ilang boutique na ang napasukan nina Dashnielle ngunit wala pa ring natitipuhan na damit si Acky. Masyado raw girlish ang mga damit na iyon at hindi nito maaatim suotin. Natatawa na lang siya rito. Katulad niya, hindi rin ito masyadong mahilig sa mga girlie things. Nagpatuloy lang sila sa paghahanap nang bigla siyang hatakin ni Acky sa kung saan.

"Hoy! Anong trip mo ha?" naguguluhang tanong niya rito.

"Ssshhhh!" saway nito sa kanya. "Nandito sina Jiro!" Tinuro nito ang direksyon nina Jiro.

Tiningnan naman niya ang tinutukoy nito. Hindi nga ito nagkakamali. Sina Jiro nga iyon, at nahagip din kaagad ng mga mata niya ang pamilyar na pigura ni Jeighcob. Pambihira! May isa pang kasama ang mga ito na isang beses pa lamang niyang nakita sa shop kaya hindi masyadong pamilyar sa kanya.

"Sino ang isang iyon?" tanong niya kay Acky.

"Ah iyong naka-blue na polo shirt? Si Calvin 'yon. Love interest ni Khlea."

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Joke lang. Kabaligtaran talaga noon ang totoo. Mortal na kaaway 'yon ni Khlea." Tumawa ito.

Talaga? Bakit di ko alam? Naku, lagot sa akin ang babaeng 'yon!

Mayamaya pa'y pumasok na ang tatlong lalaki sa department store. Nakita rin nila kung paano sundan ng tingin ng mga babaeng nakakasalubong ng mga ito ang tatlong lalaki. Hindi kasi maikakaila na artistahin ang dating ng mga ito.

"Ayan wala na sila. Tara na." Mukhang nakahinga na nang maluwag ang kasama niya.

"Hindi ba crush mo iyong si Jiro?" biglang tanong niya rito.

"Hindi ko siya crush. Feeling ko mahal ko na siya." Binatukan niya ito. "Aray naman!"

"Umayos ka kasi!"

"Maayos naman ako ah!"

"Bakit lagi ka na lang umiiwas doon? Paano ka niya mapapansin? Kilala ka ba niya?"

"Ewan. Hinihintay ko pa ang signs na ibibigay sa akin ni Lord." Ngumisi ito sa kanya.

"Ano namang signs iyon?"

"Kapag nakita ko si Jiro na hindi kasama ang asungot na Jeighcob na iyon, tsaka ko siya lalapitan para makadiskarte ako nang maayos" wari'y kinikilig na wika nito.

"Teka, bakit si Jeighcob? Magkakilala kayo?" may bahid ng pagtataka sa tono niya.

Natigilan ito ngunit nakabawi rin agad. "Sige na nga. Tutal bestfriend naman kita at may tiwala ako sa'yo, sasabihin ko na sa'yo," huminga muna ito nang malalim. "Matagal ko nang kilala si Jeighcob. Kaklase ko siya noong high school tapos nalaman ko rin na kaibigan niya pala si Jiro. Pero hindi namin kaklase si Jiro. Nalaman ni Jeighcob na crush ko ang kaibigan niya tapos ayun, lagi na akong tinutukso. Nalaman ko rin na may girlfriend na pala si Jiro nang mga panahong iyon. Kaya simula noon, di ko na sila pinapansin. Pati na rin kapag pumupunta sila sa shop, I always pretend na di ko sila kilala. Pero hindi pa rin naman nawawala ang pagsinta ko kay Jiro." Ngumisi ito.

"Eh ikaw, kilala ka ba ni Jiro?" Napansin niyang lumungkot ang itsura nito.

"Ewan. Hindi ata." Pilit itong tumawa.

Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan. Kahit luka-luka ito paminsan-minsan at mukhang palaban, alam niya na may mga weak sides din ito at isa na nga siguro doon ay kapag si Jiro na ang pinag-uusapan.

Napaisip siya at sandaling natigilan. Magiging ganoon din kaya ako balang araw? Iyong magkukunwari na lang hangin para hindi masaktan? Ipinilig niya ang kanyang ulo sa naisip at walang anu-anong hinila si Acky.

"Tara mag-ice cream!" aniya.

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 114K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.3M 38.7K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
283K 5.3K 29
Duke & Izza