Coffee Fate

By CodeBreaker09

2K 251 13

Kinailangang tumigil pansamantala ni Dashnielle sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang kapatid at kailangan... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 10

107 17 0
By CodeBreaker09

Balot na balot ng kumot si Dashnielle habang nakaupo siya sa sofa sa sala nila. Inaasahan na niya na magkakasakit siya nang suungin niya ang malakas na ulan kahapon nang wala man lang ka-payong-payong.

"Ha-Hachooo!" Parang tumitibok ang ulo niya sa sobrang sakit.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang tigas kasi ng ulo mo. Paulit-ulit ko nang pinaalala sa 'yo ang payong mo kahapon, kinalimutan mo pa ring dalhin," sermon ng kanyang ina.

Ang totoo ay ayos lang naman kahit wala siyang dalang payong dahil malimit namang may spare na payong sa coffee shop. Ang problema lang talaga ay hindi inaasahang napapunta siya sa bahay ni Jeighcob at doon inabot ng malakas na ulan.

"Ang lamig," sambit niya. Mas ibinalot pa niya sa kanyang katawan ang makapal na kumot.

"Bakit ba kasi bumaba ka pa? Dapat doon ka na lang nahiga sa kwarto mo," wika ng kanyang ina.

"Ayoko dun. Pakiramdam ko lalo akong lalagnatin kapag humiga lang ako maghapon," ani niya.

"O siya, hintayin lang nating kumulo itong tubig para makapag-kape ka. Hintayin lang din natin ang kapatid mo."

"Bakit ang tagal naman ng isang 'yon? Kinakain na siguro non ang tinapay sa daan." Lumabas kasi si Buknoy upang bumili ng tinapay.

"O ayan na pala siya. Bakit ngayon ka lang?" tanong ng kanyang ina kay Buknoy.

"Marami po kasing bumibili doon sa bakery," sagot ng kapatid niya. "Siya nga pala, may naghahanap sa 'yo Ate," dagdag pa nito.

"At sino nama---" For the nth time, she was forced to cut off her dialogue when she had her eyes focused on the man who just entered the house.

"S-Sir Jeighcob? A-Ano pong ginagawa niyo rito?" Anong ginagawa nito sa bahay nila? Paano nito nalaman kung saan siya nakatira? Wala na ba itong sakit? Marami siyang katanungan ngunit hindi niya maisa-tinig dahil pa rin sa labis na pagkabigla.

Hindi siya nito sinagot at sa halip ay binalingan ang kanyang ina.

"Good morning po Ma'am. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko rito. I've heard that your daughter is sick kaya naisipan ko po siyang dalawin." wika ni Jeighcob.

Dalawin? Natigilan siya. Seryoso ba ito? Saan naman kaya nito nalaman na may sakit siya? Baka kina Acky.

"Ah ganon ba hijo? Salamat kung ganon. Ano nga palang pangalan mo?" tanong rito ng kanyang ina.

"Jeighcob po. Jeighcob Montecillo," magalang na sagot nito.

"Siya ba ang boss mo anak?" baling naman sa kanya ng ina niya.

"Ah p-parang ganon na nga po," pilit ang ngiti na sagot niya rito. Kapag sinabi niyang customer lamang ito, siguradong magtataka ang kanyang ina at kung anu-ano pang iisipin.

"Maupo ka muna hijo. Ipagtitimpla ko kayo ng kape." Nagtungo na ang kanyang ina sa kusina nila. Umupo na rin si Jeighcob sa upuan na katapat niya. Napansin naman niya na nakamasid sa kanila ang kapatid niyang si Buknoy.

"Buknoy, tulungan mo muna si Mama doon," utos niya rito. Sumunod naman agad ito. Tsaka niya binalingan ang kaharap.

"Wala na kayong sakit?" tanong niya rito.

"Wala na."

"Anong ginagawa niyo rito?" Kanina pa niya ito gustong itanong dito.

"I have something to tell you."

"Ano po 'yon?" Na-cu-curious na tanong niya.

Huminga ito nang malalim. "T-Thank you."

Nabigla siya. Nakapag-'thank you' na ito sa kanya kahapon kaya hindi niya inaasahang magpapasalamat ulit ito sa kanya ngayon.

"Nakapagpasalamat na kayo kahapon ah."

Parang nabigla ito sa sinabi niya. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ba nito naaalala?

"R-Really?" hindi pa rin makapaniwalang usal nito.

Ahh. So nakalimutan na nga niya. Siguro'y mataas lang talaga ang lagnat nito kahapon kaya nakapagpasalamat ito sa kanya nang wala sa oras. Napabuntung-hininga na lang siya.

"Ayos lang ho iyon Sir. Hindi niyo na kailangan pang pumunta rito para lang magpasalamat."

"I've also..." muling sambit nito.

"Mmm?"

"I-I've also heard that you are sick kaya nagpunta ako rito. Nabanggit din kasi sa akin ni Manang na umuulan pa nang umalis ka sa bahay kahapon, without even bringing an umbrella with you. You should've asked Manang for an umbrella. Meron naman sa bahay."

Napatingin siya rito. Concern ba ito sa kanya?

"Concern kayo sa 'kin, Sir?" pang-aasar niya rito. Nagsalubong naman kaagad ang kilay nito.

"O-Of course not! I just wanted to make sure na hindi ganoon kalala ang sakit mo dahil konsensya ko pa kapag nangyari 'yon," depensa nito. Gusto niyang matawa sa inasta nito. Defensive!

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Hello?" ani Jeighcob. "Sige, papunta na ako." Binaba na nito ang telepono. "I have to go."

Tumayo na si Jeighcob at saktong dumating na rin ang kanyang ina bitbit ang dalawang tasa ng kape. Inilapag nito ang mga iyon sa center table.

"Aalis ka na ba hijo?"

"Ah opo. May kailangan pa po kasi akong gawin sa office."

"Ah ganoon ba. Ay siya mag-iingat ka hijo." nakangiting saad ng kanyang ina.

Bago tuluyang umalis ay kinuha muna nito ang isang tasa ng kape at ininom iyon hanggang sa mangalahati ang laman. Pareho nila iyong ikinagulat ng kanyang ina. Mainit pa 'yon!

"Una na po ako. Pasensya na po kung hindi ko naubos ang tinimpla niyong kape. Nagmamadali lang po talaga ako. Thank you po," ngumiti ito sa kanyang ina tsaka muling bumaling sa kanya, "Thank you ulit." Iyon lamang at lumabas na ito ng bahay.

*****

Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nang muling makabalik si Dashnielle sa kanyang trabaho matapos niyang magkasakit. Napilitan din siyang ikuwento sa dalawang abnormal niyang kaibigan ang tungkol sa pag-asikaso niya kay Jeighcob noong magkasakit ito pati na rin ang pagpunta nito sa bahay nila. Hindi kasi siya tantanan ng mga ito kaya wala siyang ibang choice kundi ang ikuwento ang mga nangyari. Mukhang nagkamali siya na sabihin iyon sa mga ito dahil sa tuwing pumupunta si Jeighcob sa shop, lagi siyang tinutukso ng dalawa.

"Ayan na sina Sir Jeighcob!" niyugyog siya ni Khlea.

"Tigilan mo nga ako Khlea! Sasapakin kita!" banta niya rito.

"Naku, tumigil ka na Khlea. Tototohanin niya 'yon," tatawa-tawa namang wika ni Acky.

Mula nung bumalik siya sa shop, parang wala namang pagbabago sa kanila ni Jeighcob. Wala pa rin naman silang pansinan. Crew pa rin siya at customer ito. Ni minsan naman ay hindi rin niya sinubukang kausapin ito dahil ayaw niyang isipin nito na 'feeling close' siya.

"Excuse me!" Naagaw ng sumigaw na customer ang atensyon nila. Si Zen iyon.

"Uy Dash, tawag ka," ani Acky.

"Anong ako? Wala siyang binanggit na pangalan kaya maalin sa ating tatlo yun," angil niya.

"Dalawa lang tayo rito. Nag-cr si Khlea." Hindi niya napansin na umalis pala ang babaeng 'yon.

"Ikaw na lang. Lagi na lang ako ang pinapupunta mo sa table ng mga yun," angal niya rito.

"By name na lang tayo, kung kaninong pangalan ang mas nauuna sa alphabet, yun ang pupunta dun," wika nito.

Napangiti siya. "Sige. Bale ikaw nga ang pupunta dun."

"Bakit?"

"Obviously, mas una ang 'Acky' kaysa sa 'Dashnielle'." Confident na confident pa na sabi niya.

Natawa ito. "Alam kong 'yan ang sasabihin mo eh kaya 'yon ang naisip kong kondisyon. Real name tayo dito, Dashie." Tinapik pa nito ang balikat niya bago ito bumalik sa counter.

Tsaka lang nagsink-in sa isip niya ang sinabi nito. Bwiset! Bakit ba nakalimutan niyang 'Zackry' nga pala ang totoong pangalan nito? Walang-wala siyang laban dahil dulong-dulo ang 'Z' sa alphabet. Malas!

Nilapitan na niya ang tumawag. "Bakit po Sir?"

"Ahm, can I ask for a new spoon? Nahulog kasi yung kutsara ko," nakangiting pakiusap nito. Wala namang imik ang kasama nito na si Jeighcob. Itong dalawa lang ang magkasama ngayon.

"Sige po, Sir. Sandali lang po." Kinuha niya ang kutsara nito at pinalitan ng bago.

"Thank you," nakangiti pa ring usal nito.

"You're welcome Sir." Naglalakad na siya pabalik sa counter nang marinig niyang magsalita muli si Zen.

"Hey Eiob, she kinda looks like---"

"Shut up, Zen." Malamig ang tono na wika ni Jeighcob.

Narinig niyang tumawa si Zen. Siya ba ang tinutukoy ng mga ito? Hindi niya hilig ang makinig sa usapan ng iba kaya binalewala na lang niya ang narinig at bumalik na sa pagtatrabaho.

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

86.1K 56 41
R18
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...