Coffee Fate

By CodeBreaker09

2K 251 13

Kinailangang tumigil pansamantala ni Dashnielle sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang kapatid at kailangan... More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 8

96 14 0
By CodeBreaker09

Hindi pa rin makapaniwala si Dashnielle na pinsan pala ng Sir Jed niya ang Jeighcob na ito. Hindi naman kasi ito nabanggit sa kanya ni minsan ng dalawang luka-luka niyang kaibigan.

"Wala ka bang balak umalis diyan? Mahina pa ang katawan ko, baka tuluyan na tayong tumumba rito." Tsaka lang siya natauhan nang magsalita ito. Mabilis siyang kumilos at humiwalay sa binata.

"P-Pasenya na po," naiilang na sagot niya. Ngayon na lang din niya ito muling nakita. Ibang-iba ang itsura nito sa nakasanayan na niyang makita sa shop. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt at jersey shorts. Medyo magulo ang buhok nito at maputla rin ang mukha. Halata ngang may sakit ito. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Aminado naman siya roon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya.

"A-Ano po kasi... Pinakiusapan po ako ni Sir Jed na dalhin sa inyo itong lugaw. May sakit daw kasi kayo," paliwanag niya.

"Bakit hindi siya ang nagdala?" muling tanong nito.

"May urgent meeting daw po kasi siya."

"Bakit ikaw ang nagdala?" seryoso pa ring tanong nito.

Paulit-ulit? Pinakiusapan nga kasi ako ni Sir Jed! Ang gulo naman ng isang 'to!

"Kasi nga ho, nakiusap ho sa ak---"

"Dito." Maikling wika nito.

"Ha?" Naguguluhang tanong niya.

Unti-unti itong lumapit sa kanya. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito," diniinan nito ang bigkas sa salitang 'dito', "sa kwarto ko? Usually kapag may ipinapabigay sa akin, hanggang sa labas lang sila ng bahay. Si Manang na ang kumukuha noon. Bakit ikaw ang nagdala niyan rito imbes na si Manang?"

Kinabahan siya sa tanong nito. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Iniisip siguro nito na may masama siyang balak. Ang mas ikinakakaba pa niya ay sobrang lapit na nito sa kanya. Sinubukan niyang umatras ngunit malas niya sapagkat pinto na ang naatrasan niya. Letse! Kailan pa sumara ang pintong ito!?

"Ano na?" muli na namang tanong nito. Malalagutan na yata siya ng hininga dahil sa talim ng tingin nito.

"N-N-Nakiusap din po kasi sa 'kin iyong m-matanda kanina na kung p-pwede raw ay bantayan ko muna kayo habang bumibili siya ng g-gamot niyo. Pinatuloy na rin niya ako rito sa loob p-para ibigay sa inyo itong lugaw," pautal-utal na wika niya. Mukhang mauubusan na siya ng oxygen.

"Hmm." Mukhang nakumbinsi naman ito sa kanyang paliwanag ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi pa rin ito lumalayo. Unti-unti itong yumuko at mayamaya pa'y hawak na nito ang paper bag na pinaglalagyan ng lugaw.

"Makakaalis ka na. You don't have to look after me because I can take care of myself." Binuksan nito ang pinto at iginiya siya palabas ng kwarto.

"Pero Sir---" Sa ikalawang pagkakataon ay naudlot na naman ang kanyang sasabihin nang pagsaraduhan siya nito ng pinto.

Bahala kayo! Ako na nga itong nagmamalasakit sa inyo! Paghihimutok niya sa isip.

Bumaba na siya sa hagdan at handa nang lumabas ng bahay nang may marinig siyang kumalabog sa taas. Mukhang nagmula iyon sa kwarto ni Jeighcob.

"A-Ano kayang nangyari dun?" nag-aalalang tanong niya sa sarili. Iniisip niya kung pupuntahan niya iyon o hindi. "Pero sabi naman niya kaya na raw niya ang sarili niya eh. Tss. Bahala siya."

Bubuksan na sana niya ang pinto nang muling matigilan.

"Napakabait mo talaga Dash!" Pagkatapos sambitin iyon ay nagmadali siyang umakyat at nagtungo sa silid ng binata. Kapag may nangyaring masama rito, siguradong siya ang malalagot. Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto at nabigla siya sa kanyang nadatnan. Nagkalat ang lugaw sa sahig pati na rin ang lalagyan nito. Nagsuka ba 'to?

"I didn't vomit, okay?" Saka lang niya ito binalingan. Pinipilit nitong tumayo mula sa sahig na kinasasadlakan nito. Mukhang nahulaan nito ang nasa isip niya at mukha aabutin pa din ng isang oras bago ito makatayo kaya siya na mismo ang lumapit dito at tinulungan itong makatayo. Akala ko ba 'he can take care of himself'?

"Ano ho bang nangyari sa inyo?" Nakaupo na ito sa kama habang siya naman ay nanatiling nakatayo nang mapansin niyang natapunan din ng kaunting lugaw ang t-shirt nito. "Gustung-gusto niyo talagang natatapunan ang damit niyo ah." Tumawa siya ngunit natigil din agad nang samaan siya nito ng tingin. "Biro lang po 'yon," pinilit niyang magseryoso.

"I was about to eat this porridge when it suddenly slipped off my hands and..." Natigilan ito.

"And?" Nagtataka lang siya kung bakit pati ito ay nasa sahig nang madatnan niya ito. Baka trip lang.

"I slipped." Mahinang usal nito.

"Ha?" Hindi kasi niya narinig ang sinabi nito.

"Nadulas ako," ulit nito.

Doon na siya humagalpak ng tawa. May pa-'take care of myself, take care of myself' pa itong nalalaman, di naman pala kaya.

Napansin niyang hindi na ito nagsasalita kaya nilingon niya ito. Nakapikit ito at mukhang mabigat na ang ginagawa nitong paghinga. Nilapitan niya ito.

"S-Sir." Itinulak niya nang mahina ang balikat nito. Hindi pa rin ito kumikibo. "Huy, Sir." Wala pa rin itong reaksyon.

Sinapo niya ang noo nito. Hala! Mainit ito! Hindi niya malaman kung anong gagawin.

"Naku Sir! Mainit ho kayo! Nasaan ho ba ang gamot nin---Ay! Bumibili pa nga pala ng gamot si Manang!" nasapo naman niya ang sariling noo. "Paano ba 'to?" She started biting her nails. It has been her mannerism whenever she feels scared or nervous.

"N-Nilalamig a-ako," halos pabulong na wika ni Jeighcob.

"Nilalamig kayo?" Lumapit siya sa cabinet na naroon at naghanap ng jacket o kahit na anong makapal na damit. "Nasaan ang jacket niyo?" Nilingon niya ito ngunit hindi naman ito sumagot. Napadako ang tingin niya sa damit nito. Natapunan nga pala ng lugaw ang suot nito kaya mas inuna niya ang maghanap ng t-shirt na pamalit. Madali naman siyang nakahanap niyon. Nakahanap na rin siya ng jacket at saka muling nilapitan ang binata.

"Sir, kailangan niyo pong magpalit ng damit. Tapos isuot niyo na rin itong jacket para hindi kayo masyadong lamigin."

Mukhang narinig na nito ang kanyang sinabi kaya kumilos ito upang hubarin ang suot na t-shirt. Sa lagay ay nahihirapan yata itong gawin iyon kaya siya na mismo ang kusang tumulong dito. Iniiwas na lang niya ang paningin upang hindi siya mailang. Tinulungan din niya itong i-suot ang kinuha niyang t-shirt at jacket.

Nang makahiga sa kama ay nagbalot kaagad ito ng kumot.

"Nagugutom ako," saad nito.

"Ha?" Bigla niyang naalala na hindi nga pala ito nakakain dahil natapon ang lugaw na dinala niya. "Sige ho, ibibili ko na lang ulit kayo ng lugaw sa labas."

Buti't may dala siyang wallet. Saka ko na siya sisingilin. Dali-dali na siyang bumaba. Pagbukas niya ng pinto, malakas na hangin ang sumalubong sa kanya. Bakit ngayon pa umulan? Wala akong payong! Hindi niya iyon namalayan dahil hindi naman dinig sa loob ang tunog ng ulan.

*****

Pumasok si Dashnielle sa kwarto ni Jeighcob dala-dala ang isang mangkok ng lugaw. Natutulog ito nang siya'y dumating. Inilapag muna niya sa bedside table ang pagkain at saka ginising ang binata.

"Sir. Sir Jeighcob. Bumangon po muna kayo diyan para makakain na kayo at magkalaman ang tiyan niyo. Wala pa rin po kasi si Manang hanggang ngayon eh." Ilang oras na rin kasi ang nakakalipas ngunit hindi pa rin bumabalik ang matanda marahil ay dahil sa malakas na ulan.

Tinulungan niyang bumangon si Jeighcob dahil mukhang nanghihina talaga ito. Nang tuluyan na itong makabangon ay kinuha na niya ang mangkok ng lugaw.

"Ako na po ang magsusubo sa inyo dahil mukhang hindi niyo pa kayang igalaw nang ayos ang kamay ninyo. Kapag hinayaan ko kayong kumain mag-isa, baka matapon na naman. Malas niyo 'pag nagkataon kasi mas mainit ito kumpara doon sa dinala ko kanina," mahabang litanya niya. Hindi na naman ito tumutol kaya sinubuan na niya ito.

"Saan mo binili 'to? It tastes good," wika nito habang kumakain.

Medyo natuwa naman siya sa sinabi nito. "Ah, Sir, malakas po kasi ang ulan sa labas. Eh wala po akong payong. Wala rin naman akong makitang payong dito sa bahay niyo kaya nangialam na po ako sa kusina niyo. Magpapaalam sana ako sa inyo kaya lang tulog na tulog kayo kaya nagluto na ako. Pasensya na---"

"Thank you."

Natigilan siya. For the very first time, she saw this man, smile. A genuine smile. A smile that can make anyone's heart melts. A smile that was very sincere and has pure emotions. A smile that shined like the brightest star in the sky where anyone who sees it will just choose to stare at it all night. A smile that only this man, in front of her, can give.

It seemed like her heart skipped a beat and her whole body shivered because of that smile of his.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

*****

Votes and comments are highly appreciated. As a beginner, I'd be very happy to hear your opinions and suggestions. Thank you and God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
467K 6.6K 25
Dice and Madisson
2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.