The Shade Of A Curse

By RuxAlmo

858K 26.7K 2K

Highest rank # 1 in Vampire [06•14•18] Sa bayan ng Richmond ay tinatago ng mga kalalakihan ang mga babae. Mga... More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31.
Kabanata 32.
Kabanata 33.
Kabanata 34.
Kabanata 35.
Kabanata 36.
Kabanata 37.
Kabanata 38.
Kabanata 39.
Kabanata 40.
Kabanata 41.
Kabanata 42.
Kabanata 43.
Kabanata 43.1
Kabanata 44.
Kabanata 44.1
Kabanata 45.
Kabanata 46.
Kabanata 47.
Kabanata 48.
Kabanata 49.
Kabanata 50.
Kabanata 51.
Kabanata 52.
His Wife is a Beast
Kabanata 54.
Kabanata 55.
Kabanata 56.
Kabanata 57.
Author's Note
Kabanata 58.

Kabanata 53.

11K 298 44
By RuxAlmo


"H-Halimaw! Halimaw ka!" Sabi nito sa anak kong si Diane. Pilit siyang tumayo at lumayo kami ni Diane.

"Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayong dalawa!" Bumunot agad ito ng baril na labis kong ikinagulat. Napaatras ako habang buhat ko ang anak ko.

Sumakit bigla ang aking ulo. Kumirot ng labis kong kinainda.

"Papatayin kita!" Parang umiikot na ang mundo ko. Mas lalo pa akong nagulat ng makita ko ang anak kong si Diane na unti-unting nagiging abo.

"Diane! Diane!"

.....

"Hija! Hija binabangungot ka!" Nagising ako. Pawis na pawis at hapong hapo. Napahawak ako saking ulo may tahi ito. Masakit. Oo sobrang sakit.

Panaginip? Panaginip lang ang lahat?

"Hija sawakas nagising kana. Ilang araw ka ng tulog." Sabi ng isang matandang babae. Nakahiga ako sa maliit na katre. Rumihistro muli sa isipan ko ang napakahabang panaginip. Si David si Talia ang guro ni Talia na si Charlotte, si Conrad si Miranda na ako at Diane lahat yun panaginip?

Napasapo ako saking noo. Ang haba, sobrang habang bangungot yon. Kailangan kong makabalik sa Richmond. Kailangan kong makasama ang mag ama ko.

"Hija ano bang nangyare sayo? Natagpuan ka nalang namin sa kalagitnaan ng kagubatan na walang malay." Sabi nito.

Napakunot noo ako hindi ko maalala yun dahil nawalan ako ng malay ng mahulog ako sa bangin.

"Ano nga bang pangalan mo Hija?"

"N-Natalie po." Nakahinga ng maluwag ang matanda.

"Mabuti na lang at nakakaalala ka parin akala ko'y magkaka amnesia ka dahil sa grabe ang tama mo sa ulo sanhi ng pagkakabagok mo." Sabi nito.

"Nasan ho ba ako? Kailangan ko ng umuwi. Sa panaginip ko'y apat na taon akong nawawala." Sabi ko rito.

"Ilang araw palang ng madatnan ka namin sa pusod ng kagubatan Hija. Mag iisang linggo narin siguro ngayon." Pagkukumpirma nito. Napahinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang at panaginip ang lahat. Lahat lahat ng yon. Buong akala ko'y makukulong na ako sa masamang bangungot na yon. Sobrang habang bangungot.

Nakaramdam ako nag pagkahilo at pag baliktad ng aking sikmura.

Nagdali dali akong bumangon at nag hanap ng masusukahan. Sumunod naman sakin ang matandang babae.

Sa lababo ako naduwal ngunit wala namang lumalabas.

"Hija buntis kaba?" Napahinto ako ng magsalita ito. Ilang araw ng hindi ako dinadatnan. Mag iisang taon pa lang si Talia at posible ngang masundan nanaman dahil may nangyayare parin samin ni David kamakailan lamang.

Napahawak ako saking puson.

"May tindahan po ba malapit dito?" Nahihiyang tanong ko.

"Oo sa bayan Hija. Ano bang gusto mong ipabili at papababain ko ng bayan ang apo kong si Charlotte." Habang umiinom ako ng tubig ay nabitawan ko ang baso. Mabuti na lamang at hindi ito babasagin.

Nabasa ang suot kong damit sa labis na pagkakagulat. Baka-baka nagkataon lamang na kapangalan ng apo niya ang guro na nasa panaginip ko.

"Ayos ka lang ba Hija?" Tanong nito sakin. Napatango naman ako.

"Halika dito maupo ka muna." Naupo ako sa gilid ng mesa.

"Charlotte! Charlotte bumaba kana riyan at nagising na ang bisita natin." Sigaw ng matanda sa itaas.

Hinihintay ko lamang ang pagbaba ng sinasabing Charlotte. Inaabangan ko kung siya ba ang nasa panaginip ko. Nagdarasal na huwag naman sana.

"Opo Inang nariyan na po."

Parang bumagal ang takbo ng oras habang kinakabahan ako sa kanyang pag baba.

Bumaba na ito at nanghina ako saking nasaksihan. Siya, siya ang babaeng guro na nasa panaginip ko.

May hawak hawak itong isang libro.

"Inang nag aaral pa kasi ako may klase ako mamaya." Sabi nito.

"Charlotte bumaba ka muna ng bayan at may ipapabi-"

"Hindi na ho." Putol ko at tumayo na ako.

"Uuwi na ako. Kailangan kong makauwi dahil hinahanap na ako ng asawa at anak ko. Breast feed po kasi ang bata." Pagdadahilan ko.

"Ganon ba hindi kapa kumakain Hija baka mapano ka. Kumain ka muna dito at ihahatid kita." Sabi nito. Napatango naman ako at naupo muli sa gilid ng mesa. Si Charlotte nama'y lumapit sa gawi ko.

"Mas maganda ka kapag gising." Nakangiting sabi nito. Napangiti na lamang ako sakanya. Hindi ko alam ano ba ang ibig sabihin ng mahabang panaginip na yon. Wag naman sana. Wag naman sana kaming magkahiwalay ni David dahil ramdam kong buntis ako.

Naupo na si Charlotte sa harapan ko.

"Ano palang pangalan mo?"

"Natalie."

"Ako pala si Charlotte guro ako sa bayan ako nag tuturo." Sabi nito at nakipagkamayan sakin.

Parang na paparanoid na ako sa mga sinasabi niya. Pinilit ko nalang kalimutan ang masamang panaginip na yon.

"Nasan ba tayo?" Tanong ko.

"Ah nasa bayan tayo ng Norte."

Norte? Bago sa pandinig ko.

"Taga saang bayan kaba?"

"Richmond." Tipid kong sabi.

"Alam ko yon. Dun ko balak mag turo." Sabi nito.

"Ihahatid na kita sa Richmond." Dagdag pa niya. Napatango naman ako.

....

"Lord wala parin kaming balita."

"Mga inutil! Mga walang silbi!

Galit na galit na ang demonyo sakanyang mga Henchman.

"Lord ang hirap naman po kasi-" Hindi pa natatapos ay hinalikan na ito ng bala ni David at bumulagta sa sahig.

"Sinong gustong sumunod?" Malalim na pagkakasabi nito. Walang nagsalita at nangangatog ang lahat.

"Hilga! Hilga!"

Dali daling pumasok ang matanda.

"My Lord." Yumuko ito.

"Pakawalan ang mga alaga ko may pag pipyestahan sila ngayon."

"Yes my Lord."

"Sandali, itapon ang katawan na yan. Hindi yan ang tinutukoy ko." Nakangising demonyo na ito habang nakatingin sa apat na Henchman na nangangatog sa takot.

....

"Run!" sigaw ni David. Halos di naman magkanda ugaga ang tatlo sa pagtakbo dahil hinahabol sila ng tatlong mababangis na hayop. Ang asong itim na may pulang mga mata.

Bumalik nanaman ang paguugali nito. Bumalik sa pagiging demonyo. Isang demonyo na walang pusong pumapatay ng inosente.

...
Kinabukasan

Natalie:

"Nakahanda na ako." Sabi ko kay Lola Soli. Siya ang matandang babae na kumupkop sakin.

"Magiingat kayo sa daan ha." Payo nito samin ni Charlotte.

Umalis na kami at sumakay sa sasakyan. May maliit silang lumang sasakyan at ito ang gagamitin namin pauwi ng Richmond.

"Matulog ka muna bukas pa tayo makakarating dun sobrang layo ng Richmond." Sabi ni Charlotte habang ang mga mata'y nasa daan.

Ayokong matulog. Ayokong matulog dahil baka bangungutin nanaman ako. Tama na sakin ang gising ako ngayon sa realidad.

Itutuloy...

A/N: Hi! Gulat kayo noh? Panaginip lang po lahat ni Natalie ang nangyare. Si Miranda na siya ay panaginip lang. Si David, Talia at yung guro na si Charlotte ay panaginip lang. Si Conrad at Diane ay panaginip lang din.

PS: Bakit nagkatotoo si Charlotte?

Abangan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
6.1M 198K 48
REAGAN SERIES #2 |COMPLETED| They killed me, they shot me 3 times in the head, whipped me several times at my back, punched me until my skull cracked...
2M 135K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...