7 Ways to Become Beautiful

Par SecretlyAPanda

25K 546 105

Meet Luisa. Siya ang babaeng aminadong pangit and halos wala na siyang pakialam. Kung tutuusin, proud pa ng... Plus

Prologue
Ask Miss Pretty!
Way #1 (Part 1)
Way #1 (Part 2)
Way #1 (Part 3)
Way #2 (Part 1)
Way #2 (Part 2)
Way #2 (Part 3)
Way #3 (Part 1)
Way #3 (Part 2)
Way #3 (Part 3)
Way #3 (Part 4)
Way #3 (Part 5)
Way #4 (Part 2)
Way #4 (Part 3)
Way #4 (Part 4)
Way #4 (Part 5)
Way #4 (Part 6)
Way #5 (Part 1)
Way #5 (Part 2)
Way #5 (Part 3)
Way #5 (Part 4)

Way #4 (Part 1)

603 9 0
Par SecretlyAPanda

Ganito nagsimula ang araw ko:

“Hoy pangeeeeeeeet!”

Malamang, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Galing siya sa lasinggero naming kapitbahay na si Mang Warlito.

Si Mang Warlito ay isang 68 years old na matandang binata. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Warlito dahil medyo war freak siya. Actually, hindi lang medyo.

War freak talaga kung war freak.

At kahit 68 years old na siya, nagagawa pa rin niyang makipagflirt sa mga babae. Hindi siya picky; bata man o matanda, maputi man o kayumanggi, may asawa man o wala.

Para sa kanya, lahat ng babae ay mga possible candidates para sa future wife niya.

Basta may dumaan na babae sa harap ng bahay niya, hindi niya magagawang hindi mag-attempt makipag-flirt.

Eight years old ako nang lumipat sa kalapit naming bahay si Mang Warlito. At dahil wala siyang kasama, tinulungan siya ng nanay ko sa ‘pag aayos ng mga gamit. Syempre, tumulong ako (kasi pinilit lang ako ng nanay ko). Natatandaan ko pa nga yung mga pick – up lines niya sa nanay ko. Nakakapangilabot.

Kinabukasan, nung dumaan ako sa bahay niya, sinigaw niya: “Luisa! Oy, pangit! Gusto mo pumasok sa bahay ko? Merienda ka muna!”

Nagulat ako, kasi yun yung unang beses na may tumawag sa akin na pangit. Kahit eight years old, may fighting spirit na ako. “Hindi po ako pangit!”

Tinawanan lang ako ni Mang Warlito. “Pangit ka kaya! Sige nga, sinong nagsabi na maganda ka?”

Malapit na ako umiyak nung sinabi ko: “Mama ko!”

Doon sa moment na yun ko narealize na pangit nga ako. Doon ko narealize na hindi nga ako tinatawagan na ‘cute’ ng mga matatanda, hindi gaya ng mga kaklase ko.

At hanggang sa lumaki ako, never nag-attempt makipag-flirt sa akin si Mang Warlito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak.

Back to present time. 6:30 am. Kalalabas ko pa lang ng bahay para bumili sa tindahan ng kape para kay mama. Naghahanda ako ng pang – almusal para kay mama kasi may job interview daw siya ngayon. Tapos malaki daw ang pagkakataon na matanggap siya.

“Oh! Bakit ka lumingon? Tanggap mo na pangit ka, ano?” Ang lakas ng tawa ni Mang Warlito. Umagang – umaga, lasing nanaman.

“Opo, tanggap na!” sigaw ko na lang.

Nilampasan ko ang bahay niya at pumunta sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng isang sachet ng kape (3 in 1 pa ha! Special day ‘to para kay mama eh!) at naglakad na pabalik sa bahay.

Gustuhin ko mang iwasan ang bahay ni Mang Warlito, hindi ko yun magagawa (magkapit – bahay nga eh!). Pero nag – attempt pa rin akong mag – tip toe habang lumalampas ako sa bahay niya.

Nakakasawa rin po kaya (at nakakahiya) na sigawan ng pangit tuwing dadaan ka sa bahay niya. Normally, pinapalampas ko na lang yung mga ginagawa niya pero medyo bad trip din ako ngayon eh.

“HOOOY~ Pangeeeeet! HAHAHAHA!” sigaw nanaman ni Mang Warlito.

Hindi ako lumingon. Malamang, tatawanan nanaman ako nitong matandang ‘to.

“Hooy! Babaeng mataba! Ikaw! Yung maitim! Yung pango! Yung singkit! Pangeeeet! Tinatawag kita!” Bawat salita niya, nag – eexhale ako. Relax lang, Luisa.

“Pangeeeeet!”

“Ano po ba?!” tumingin ako sa kanya. Huminga ako ng malalim para ma – contain ang galit ko. “Um. May kailangan po ba kayo sa akin?”

“HAHAHAHA!” tumawa siya ng malakas, hawak – hawak ang tungkod niya para hindi siya mahulog sa lakas ng tawa niya. “Bakit ka lumingon? Pangit ka nga, ano? HAHAHA!”

Nag – exhale ako ng malakas. Umagang – umaga, kailangan ko na i – unleash ang fighting spirit ko. Ano ba yan! “Ano naman po kung pangit ako? Mas pangit ka!”

Lalo lang lumakas ang pagtawa ni Mang Warlito. “Mauubos din yang fighting spirit mo!”

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay.

“Anak, hindi ko maintindihan kung bakit ilang araw pa lang eh,” pumasok si mama sa kwarto ko at umupo sa kama. “Pinatalsik ka na sa trabaho mo sa Jollibee.”

Tinigil ko ang paggawa ko ng assignment (de joke lang yun, nagdadrawing ako. XD) at tiningnan si mama. Lagot.

Ilang araw na ang lumipas pagkatapos naming magkita ni Anna sa mall. Simula nung pangyayaring ‘yon, paranoid na paranoid na ako sa school. Pakiramdam ko bigla na lang akong kikidnapin ni Orion at papatayin.

Okay, medyo exaggerated pero nakakatakot pa rin, ‘no!

Magdadalawang linggo na rin pagkatapos akong patalsikin sa trabaho. At hanggang ngayon, wala pa ring mahanap na trabaho si mama. Medyo gipit na nga rin kami.

Niyapos ako ni mama. “Anak, wala pa rin akong mahanap ng trabaho. Hindi pa sumasagot sa akin ang tatay mo."

“’Wag ka mag-alala, mama,” sabi ko. “Maghahanap talaga ako ng trabaho para makatulong naman ako sa sitwasyon natin.”

“Salamat, anak, ha? Pero hindi mo pa nasasagot ang tanong ko…” tanong ni mama.

“Bakit nga ba napatalsik ka agad sa trabaho mo?”

“Yun ba? Eh…” bigla kong naalala kung bakit ako napatalsik sa trabaho. Sigurado naman ako na ‘pag sinabi ko ‘yun kay mama, baka ma-street fighter niya ako with matching combos pa! “….binuhusan ko kasi ang isa kong customer ng coke.”

Wala akong magagawa kung hindi sabihin ang totoo. Magreready na lang ako ng defense. XD

“Hala? Bakit mo naman yun ginawa, anak? Aksidente ba?” tanong ni mama.

Sasabihin ko ba talaga? Ang bait ko namang bata. TT_____TT

“Kasi ayaw ko sa customer na yun…” in-explain ko. “Si Neon kasi siya.”

“Si young master?” napatingin sa akin si mama. “Bakit mo naman ‘yun ginawa?”

“Kas—“

“Alam ko na! Siguro gumanti ka kasi pinatalsik ako ng tatay niya sa trabaho, ano? Anak, masama ang gumanti! ‘Wag na ‘wag mo yun gagawin!” sabi ni mama. “’Wag kang lumaki na nagtatanim ng masama ng loob!”

“Pero, mama, si—“

“Hindi! ‘Wag ka na gumawa ng mga palusot! Hindi kita pinalaki ng ganyan!”

“Mama, kasi naman po –“

“Anak, hihingi ka ng paumanhin sa kanya!”

“Ayaw ko po!”

“Sumasagot ka na, ha? Hindi kita pinalaki ng ganyan, anak! Kaya kailangan mong humingi ng paumanhin kay young master! Bukas ha!”

TT____TT “Opo.”

Akala niyo bigatin ako ‘pag dating sa mga away, ano? Mas bigatin ang nanay ko!

Yun nga lang, mas mabigat pa rin ako sa totoong buhay. TT____TT

Ayaw ko siyang gawin! Ayaw kong humingi ng sorry dun sa lalaking ‘yun! Baka ano pa ang gawin niya sa akin!

Ayaw ko din naman sumuway sa utos ni mama. Siya na nga ang nagpalaki sa akin tapos susuwayin ko pa siya? Ano ba yan!!! Ano ba ang uunahin ko, pride o humility?

Pangit na nga ako, magagawa ko pang magkapride? T____T Oo na! Sige na, humility na!

Pero hindi ibig sabihin magugustuhan ko ‘tong experience na ‘to!

Kinabukasan

“OH! LUISA!”

Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Nasa mga classrooms kasi ako ngayon ng mga 4th year students dahil hinahanap ko si Neon. Medyo napaparanoid din ako dahil baka makita ako ni Orion. Tapos bigla na lamang may sumigaw ng pangalan ko sa likod ko.

Dahan-dahan akong lumingon at nag-exhale ako nang makita ko na si Jean lang pala ang bumati sa akin.

“Ikaw lang pala. ‘Wag mo naman akong takotin!” sabi ko.

Nilapitan niya ako at napansin kong dala niya ang kanyang school bag. “Aalis ka na ba, Jean? Bakit hawak mo ang bag mo?”

“Hindi,” sabi niya. “Maglu-lunch lang ako sa rooftop kasama ang mga kaibigan ko.

Bumisita kasi yung isa kong kaibigan na galing ibang school. Gusto mo sumama? Pakilala kita?”

“Ah. Huwag na! May hahanapin pa kasi ako. Mauna ka na,” sabi ko.

“Ganun ba? Okay, bye.” Nginitian niya ako ng mabilis bago siya umalis.

Ngayon ko lang na realize na may mga kaibigan din pala si Jean. Tuwing nakikita ko kasi siya, lagi siyang nag-iisa. May social life din pala siya. XD

Ako na lang talaga ang walang kaibigan. TT____TT

Pabayaan ko na nga ‘yan! Hahanapin ko na lang si Neon para makapag-sorry na ako at maka-alis!

Pumasok ako sa classroom niya at hinanap siya. Halata naman na wala siya, kakaunti lang ang tao sa loob ng room. Pero lahat sila, tinitingnan ako. Yung mga nag-uusap at nagtatawanan kanina, tumahimik at nakatingin lang sila sa akin.

“Oh, why are you here again?” may narinig akong boses.

‘Pag lingon ko, nakita ko nanaman yung babaeng 4th year na nakita ko dati. Nakapamewang siya, halatang nandidiri sa akin. Ano nga ba ang pangalan niya?

“Nakikita mo ba si Neon?” mahina kong tanong.

Chillax lang, ayaw ko ng away. Hindi ako war freak!

“Why should I tell a yaya like you kung nasaan siya? You’re so kadiri and pangit!” sabi niya. Mayroong mga fourth year na tumawa sa likod niya.

Wow naman. Nahiya naman ako sa kanya!

“Kung ayaw mo sabihin sa akin, may kilala ka bang pwedeng magsabi sa akin?” tanong ko ng maayos.

“No way! I’m not letting any of my friends get infected by your pangit. Can you just make alis?” May nagtawanan nanaman na fourth year sa likod niya. Nakakatawa ba yung sinabi niya? =.=

Hindi ko ba talaga maintindihan kung bakit iniisip ng lahat na parang sakit ang pagiging pangit. Kung talagang sakit ‘yan na nakakahawa, matagal na akong nagpagamot!

“Sige, aalis na lang ako.” Sabi ko na palabas na ng room. Nakakahiya na. Patuloy pa rin akong pinagtititigan.

“You should! Hindi ka ata marunong mahiya; parang pina-parade mo lang dito ang ugliness mo. Grabe, kadiri talaga!” nagawa pa niyang mag-comment habang lumabas ako ng pinto. “I don’t want to see you here ever again, okay? You don’t deserve to be here. So chaka! Eew.”

Binilisan ko ang paglakad palabas. Hindi naman akong violent na tao (ata) pero ang sarap talagang sapakin yung babaeng ‘yon! Feeling ko sasabog na ang sama ng loob ko. Nakakainis talaga! Nananahimik yung tao tapos... tapos...

Ako ba talaga ang may kasalanan?

Kasalanan ko bang pangit ako? Kasalanan ko bang kahit anong gawin ko, hindi ko maiiwasang maging pangit? Ano ba ang gusto nilang gawin ko? Wala na ‘tong cure.

Kailangan kong may mapaglabasan ng sama ng loob. Pero yun nga ang problema, wala akong mapapaglabasan ng loob dahil wala akong kaibigan. Wala akong kaibigan dahil pangit ako. Anong gagawin ko?

Biglang dumaan sa isip ko ang image niya. Tama. Siya lang siguro ang natatangi kong kaibigan sa school na ‘to.

Si Jean.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa stairs. Hindi ko na pinapansin yung ibang tao sa paligid ko; pinipilit ko na lang na walang tumulong luha. Hindi ako iyakin ‘no! Malakas akong babae!

On the way sa stairs, marami akong nabangga. Hindi ko nga lang maalala ang mga mukha nila. Ang buong attensyon ko ay para pigilan ang mga luha ko. Wala pang pumapatak at wala akong balak na may pumatak. Yun nga lang, ang blurry ng paningin ko. Malakas akong babae.

‘Pag dating ko sa fourth floor, lalo kong binilisan ang pagtaas ko. Hindi ko na pinapansin ang sakit sa malalaki kong hita; hindi ko na rin pinapansin na halos hindi na ako makahinga sa pagod. Malakas akong babae.

Kaunting push pa. Nakikita ko na yung pinto papuntang rooftop. Bago ko pa mahawakan yung door knob, bigla siyang bumukas.

At nakita ko si Jean.

Hindi siya nakatingin sa akin, may kausap siya na nasa may likod niya. Pero bago ko pa macontrol ang ginagawa ko, tumakbo ako sa kanya at niyapos siya.

At unti-unting lumabas ang sama ng loob ko.

------

Author's note: 'WAG NIYO PO AKONG PATAYIN. (May nagcomment kasi last chapter na papatayin daw nila ako. hehe.) Sorry kung ang tagal ko bago mag-update. Maraming dahilan kung bakit pero ayaw ko na isa-isahin pa. As an apology, magpopost po ako ng two more chapters tomorrow. :D

Continuer la Lecture