The Shade Of A Curse

By RuxAlmo

858K 26.8K 2K

Highest rank # 1 in Vampire [06•14•18] Sa bayan ng Richmond ay tinatago ng mga kalalakihan ang mga babae. Mga... More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
Kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 28.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31.
Kabanata 32.
Kabanata 33.
Kabanata 34.
Kabanata 35.
Kabanata 36.
Kabanata 37.
Kabanata 38.
Kabanata 39.
Kabanata 40.
Kabanata 41.
Kabanata 43.
Kabanata 43.1
Kabanata 44.
Kabanata 44.1
Kabanata 45.
Kabanata 46.
Kabanata 47.
Kabanata 48.
Kabanata 49.
Kabanata 50.
Kabanata 51.
Kabanata 52.
His Wife is a Beast
Kabanata 53.
Kabanata 54.
Kabanata 55.
Kabanata 56.
Kabanata 57.
Author's Note
Kabanata 58.

Kabanata 42.

10.1K 338 18
By RuxAlmo


Lionhart's Manson

Talira:

Yakap yakap ko ang sarili ko habang nasa malamig na lugar. Oo nasa kulungan parin ako. Rinig ko ang mga yabag ng mga paa na patungo mismo sa kinaroroonan ko. Napatayo at napahawak sa malamig na rehas. Isang matandang babae ang iniluwa ng malaking pintuan. May hawak hawak itong isang tray ng pagkain. Tamang tama, gutom na gutom na ako. Pagkalapag palang nito sa baba'y agad ko ng nilantakan ang mga pagkain. Wala na akong pakialam kung may taong nanonood saakin basta kakain lang ako.





Naubo pa ako ng mabulunan ako. Kaagad namang inabot saakin ng matanda ang hawak niyang isang baso na may tubig. Kaagad akong napainom at napalunok ng malalim. Nagpunas ako ng aking bibig gamit ang likod ng aking kamay at nag taas ng tingin.





"Salamat po." Bilang pag galang ko rito. Napatango lang saakin ang matanda. Pagkatapos ay may kinuhang susi sa kanyang bulsa. Nagulat ako ng buksan nito ang kandado.





"Pauwi na ang Lord kasama ang asawa niya. Mahigpit na inutos saakin na kailangan ka ng paalisin dito bago kapa makita ng asawa ni Lord Lionhart." Walang emosiyong sabi ng matanda. Nanlaki naman ang mga mata ko. May asawa pala siya?





Hindi ako pwedeng umalis dito. Saan naman ako pupulutin? Paano nalang kung mahuli ako ng mga tauhan ng Dark Mafia? Tiyak na ipapapatay ako ni Luhen dahil sa pagtakas ko.





Sumenyas ang matanda ngayon ko lang napansin na may dalawa pa pala itong kasamang mga lalaking nakaitim. Hindi ba sila ang tinatawag na mga henchmen? Sila yung mga tauhan ng Mafia Lord na si Lionhart. Kaagad na lumapit ito at dinampot ako. Hawak hawak nila ang magkabilang braso ko.





"Sandali hindi niyo pwedeng gawin sakin to. Asan si David? Ako ang kakausap sakanya. Kailangan ko lang ng tulong." Kinaladkad na nila ako ngunit nanatiling bingi ang mga ito.





..
Natalie:

Tahimik kaming bumalik ng mansion. Mahigpit lamang ang pagkakahawak ni David saking kamay na para bang ayaw na niyang bitawan ito. Napatingin ako sakanya na seryoso lamang na nakatingin sa daan. Sumagi din saking isipan si Simon.  Sino ba talaga siya? Nakakapag taka dahil hindi nanlaban ang isang demonyo? May binabalak kaya ito? Bigla nanamang gumulo ang aking isipan.





"We're here my wife." Nakangiting sabi sakin ni David. Hindi ko alintana ang haba ng aming biyahe dahil sa lalim ng aking isipan. Napukaw lamang nito ang aking malalim na agam-agam.






Kaagad tong bumaba at pinag buksan ako ng pinto. Nakangiti kong tinugon ang kanyang kamay. Nang ako'y tumayo na ay kaagad niyang siniil ang mga labi ko ng halik. Napahawak pa ako mismo sa kanyang batok habang dahan dahan naman niyang sinara ang pinto ng kotse.






Naputol ang halikan na yun ng makarinig kami ng sigaw. Sigaw na nagmumula sa babae. Napakunot noo kaagad si David ng may makita kaming isang babaeng kinakaladkad na ng mga henchmen niya.







"Bitawan niyo ako ano ba ang sakit!" Nagmumula sa isang magandang babae.







Sumenyas naman si David na bitawan ito. Napatakbo naman si Madam Hilga na nakasunod lamang sakanila. Pagbitaw babae'y kaagad itong tumakbo kay David at lumuhod. Niyakap niya ang mga binti ni David sa pagmamakaawa.








"Maawa ka wag mo na akong ibalik sa Dark Mafia." Iyak ng iyak ang babae. Nakakapanlumo ang kanyang itsura. Napaisip ako sakanyang binitawang salita, Dark Mafia? Hindi kaya siya yung babaeng pinag aagawan noon sa bidding?







"Don't touch me." Malamig na sabi ni David. Napabitaw naman ang babae ng inalis ng asawa ko yung mga kamay nito na nakayakap sakanya.







"Don't ever do that again!" Ayaw na ayaw ni David na hinahawakan siya lalo na ng ibang tao at hindi pa nito kilala.







"Let's go." Marahan akong hinila ni David. Napatigil kami ng magsalita ang babae.







"Alipinin mo ako. Maawa ka ayoko ng bumalik sakanya." Umiiyak na sabi nito. Malamig na tingin lamang ang binitawan ni David dito. Hindi ko alam pero naaawa ako dito. Hinagip ko ang kamay ng asawa ko. Agad namang dumako sakin ang tingin nito na may bakas na pagtataka.







"Nakakaawa naman." Malumanay na sabi ko. Napahinga nalang ng malalim si David at sumenyas kay Madam Hilga.







Tumango naman si Madam at inalalayan ang babaeng nakaluhod sa lupa. Lumingon pa ako rito.







"Anong pangalan mo?" Tanong ko.







Yumuko naman ito sakin bilang pag galang. Ang gaan lang ng loob ko sakanya. Para bang nakita ko narin ang mga matang yun sa hindi ko lang matandaang panahon.







"Talira po. Talira Ventigo." Pagpapakilala niya sakin. Nanumbalik ang lahat ng pangyayari magmula ng makita ko ang pangalang Talira sa likod ng larawan na parang itinatago ng inay sakin. Ang ina inahan ko.







Napukaw lamang ang atensiyon ko ng hagipin ni David ang bewang ko.







"You should rest let's go inside." Pag aalalang alok sakin nito. Bakas din sa mukha nito ang matinding pagod. Ilang gabi ba siyang hindi nakatulog ng maayos? Ang lalim na kasi ng itim sakanyang mga mata. Bakas ang pagod at pangangamba dito.







Tumango nalang ako sakanya. Gusto ko nadin munang magpahinga para sa anak namin ni David. Sandaling panahon na lamang ang tatahakin naming mag asawa. Sandaling panahon nalang at masisilayan na namin ang anak namin.






Nagsimula na kami muling maglakad ng magsalita muli si Talira.







"Maraming salamat."







Lumingon lang ako ng kaunti at ngumiti tsaka kami nagpatuloy muli sa paglalakad ni David.







Nang kami'y makapasok na sa silid ay inihiga ko na ang aking sarili sa malambot at mabangong kama. Napakasarap sa pakiramdam na nakabalik ka sa piling ng mahal mo. Tumabi sakin ang asawa ko at marahan akong hinalikan saking noo. Inihiga ko naman ang aking ulo sakanyang matipunong dibdib. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako marahil sa labis na pagod.







Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang paghalik saking leeg. Pagbukas ko ng aking mga mata'y si David ito na hinahalikan ako saking leeg.







"Nakikiliti ako." Napangiti ako dahil sa ginagawa niya. Tumigil naman ito at nakangiting tumingin sakin.







"I missed you so much." Para bang ilang dekada ang nakalipas bago muli kami magkita dahil sa reaksyon nito.







"I have something to tell you." Biglang putol nito sa katahimikan.







"hmm ano yun?" Inalalayan ko pa ang sarili ko para makabangon at makaupo ng sa gano'y mag pantay kami ni David at makapag usap ng maayos.







"Shannon." Napakunot noo ako sa binitawan niyang pangalan.







"Anong meron kay Shannon?" kalmado lang ako pero kinakabahan na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.







"I loved her before I met you." Nanlaki ang mga mata ko sa binitawan niyang salita. Nagbibiro lang ba siya? Halos kainin na ako ng lupa at para bang tumigil ang takbo ng mundo ko.







"Nag karoon kami ng relasyon noon bago ko nalamang si Veronica ang mate ko." Sabi ni David. Napahinga naman ako ng malalim. Kailangan kong buksan at palawakin ang pang unawa ko sa oras na to.







"Tapos?" Tanong ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at mahigpit itong pinisil tsaka kumuha ng hangin bago nagsalita.







"I left her because of the curse." Mas lalo akong nagkaroon ng interest sa kinukwento ni David.







"Tapos?"







"We've been together for a long time. But I used to left her. Ayokong mapahamak siya. Ayokong mawala siya ng tuluyan sakin kaya ko siya iniwan." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa kaibuturan ng puso ko.







"Mahal mo paba?" Hindi ko na napigilang magtanong.







"Ikaw ang mahal ko." Kaagad niyang responde sakin. Hinawakan niya agad ang aking magkabilaang mukha ng sa iba na ako nakatingin.







"Continue." Napahinga ako ng malalim. Anumang oras ay tutulo na ang mga luha ko na siyang pinipigilan kong wag mangyare.







"That's the reason of what I am now. A heartless man. A cruel, the brutal one." Napangiti ito ng mapait. Duo'y di ko napigilang pakatitigan siya.







"Nagsimula akong mangolekta ng babae. I don't know why? Maybe it just makes me happy when I'm seeing them suffer with my own hands." Duon ay parang luminaw kung bakit siya nangongolekta ng mga babae at kanyang ikinukulong para gawing puppet. Tulad ko rin noon.







Huminga muli ito ng malalim.







"Natalie, it's about me and Shannon. We have a child." Nanlaki ang mga mata ko sa agarang pagbubulgar nito.







"Si S-Sabrina?" Uutal utal kong tanong.







Tumango ito at seryoso lamang na nakatitig sakin. Duo'y hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha na siyang labis niyang ikinatakot.







Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 135K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
4.8M 139K 66
"Another school year starts in Sinclaire Academy, do you dare to enter again?" - I suggest you read Sinclaire Academy before reading this. Just so yo...
21.2M 545K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...