Give Me Love [ON HOLD]

By Chichi_Louise

2.7K 202 126

Give Me Love Copyright © 2014 Chichi_Louise // Lahat ay gagawin ni Diana mahalin lang siya ni Ashton, pero ha... More

PROLOGUE: Give Me Love
CHAPTER 1: I Wish
CHAPTER 2: Red
CHAPTER 3: I Don't Wanna Love Somebody Else
CHAPTER 5: Am I Wrong
CHAPTER 6: Sorry
CHAPTER 7: I'll Never Go
CHAPTER 8: Right Now
CHAPTER 9: Chasing Pavements
CHAPTER 10: Miss Movin' On
CHAPTER 11: Move On
CHAPTER 12: Lego House
CHAPTER 13: Jar Of Hearts
CHAPTER 14: By Your Side
CHAPTER 15: Complicated
CHAPTER 16: Big, White Room
CHAPTER 17: Bleeding Love

CHAPTER 4: Battlefield

139 15 7
By Chichi_Louise

CHAPTER 4:

Battlefield

Minsan ang swerte ng araw ko, minsan naman wala lang, pero minsan naman sadyang minamalas, tulad na lang ngayon. Sa lahat naman ng pwedeng area manager na umalis ay 'yung area manager pa namin. At sa lahat naman ng pwedeng pumalit ay si Louie pa.

Nandito siya sa opisina ko ngayon at dito niya tinitingnan ang mga dokyumentong ipinasa ko sa kanya. Hindi ko alam kung plinano niya 'to o hindi, pero isa lang ang alam ko, na gusto niya ang mga nangyayari. Kung paano ko nasabi? Kanina pa kasi hindi maalis ang ngiti niya.

“So,” sabi niya kasabay ng pagtayo niya sa upuan. Mabuti naman at natapos na siya sa ginagawa niya. “Mukhang okay naman ang inventory wala naman akong nakitang mali or anything. Here,” dugtong niya pagkatapos ay may inabot siya sa'king flashdrive.

“Anong gagawin ko dito?” walang galang kong tanong. Hindi ko naman kasi talaga alam kung para saan 'yung flashdrive.

Binigyan niya muna ako ng nakakalokong ngiti bago niya ako sinagot. “Miss Garcia, aren't you suppose to respect me? Baka nakakalimutan mo na boss mo ako at office hours ngayon.” At talagang binigyang diin pa niya na boss ko siya ha?

“Isave mo ang soft copy ng file na 'to sa flashdrive ko. Kung 'yung dating area manager niyo once a month lang hinihingi ang files na 'yan, ngayon ay three times a week niyo na 'yang ibibigay sa'kin.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, pero ginawa ko na lang din. Boss ko siya e, anong magagawa ko?

“Teka, wala ka bang email? Este, wala po ba kayong email sir?” Kaagad niya akong sinagot ng, “Wala” pero imposibleng wala siyang email. Ang sabihin niya, may iba siyang pakay. Kung hindi ko lang siya boss ngayon malamang kanina ko pa 'to nasigawan e.

Sinave ko na 'yung soft copy at binalik na sa kaniya 'yung flash drive. Palabas na siya ng office ko nang lingunin niya akong muli. “Miss Garcia, ganyan ba talaga ang office clothes mo? Isn't it too daring? Is that allowed?” Napakagat na lang ako ng labi, para pigilan ang inis ko. Pati ba naman suot ko papansinin niya? Ngayon lang naman 'to dahil didiretso na ako ng victory party after work.

“Yes sir,” tipid kong sagot.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa, bago umalis na iniwan ang mga salitang; “Then as your boss, I don't allow it anymore.”

Okay. Fine. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga sinabi ni Louie. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong malapit nang mag-five o'clock. Five thirty 'yung party at kailangan nandoon ako sa oras na ipakilala ang basketball team. Kailangan ay ako 'yung unang sisigaw sa oras na tawagin ang pangalan ni Ash.

Nag-retouch na ako ng make-up, at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Lumabas na ako kaagad at pumara ng taxi.

. . .

Pinapaingayan ng rock musics ang buong paligid ng campus. Nandito kami ni Ash nasa iisang table sa sulok ng gym. Kanina pa siya umiinom, kaya ngayon ay lasing na lasing na siya.

“Party pa tayo! Wooo!” sigaw niya at iniangat pa ang kamay niyang may hawak na baso. Ano bang problema niya ngayon? Bakit sobra siya kung uminom? Dahil ba wala si Georgia dito kaya ganyan siya? Nandito naman ako a. Bakit ba pakiramdam ko may kakompitensya pa rin ako kahit wala naman dito 'yung kakompitensya ko?

“Alam niyo ba kung bakit wala dito ang babaeng pinakamamahal ko? Kasi walang tiwala 'yung tatay niya sa'kin. Akala ba niya ipapahamak ko ang anak niya? E mahal ko 'yun e! Mahal ko 'yun! Mahal ko---” Hindi natapos ni Ash ang sasabihin niya dahil nasampal ko siya. Kailangan ba talaga niya 'yong ulit-ulitin? Andito kaya ako! Hindi naman ako invisible 'di ba?

Mukha namang nagising siya sa kahibangan niya nang mapatingin siya sa'kin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkatitigan, pero nagulat ako nang hatakin niya ang mukha ko papalapit sa mukha niya.

“Ikaw? May tiwala ka ba sa'kin?” Alam ko namang lasing lang si Ash kaya niya 'to nagagawa, pero sumagot pa rin ako ng, “Oo.” Ang sumunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Hinalikan niya ako... sa labi. Ito ang unang halik ko, at natupad ang pangarap kong manggaling ito kay Ash.

“I love you Georgia,” sabi ni Ash sa pagitan ng halik namin na dahilan ng pagmulat ng mata ko at makita kong nakatingin sa'min si Georgia. Nagulat man ako sa mga nangyayari, hindi ako kumalas sa labi ni Ash hanggang sa sampalin na siya ni Georgia.

“How dare you?! Nagmakaawa ako kay Daddy na payagan akong humabol sa victory party niyo tapos ito lang ang madadatnan ko?! Ha, Ash?” sigaw ni Georgia, na kasalukuyang umiiyak. Dumako naman ang tingin niya sa'kin. “At ikaw? Ang kapal ng mukha mo para magpahalik kay Ash kahit nakita mo na ako?!”

Gusto ko sanang tumahimik, pero ito na 'yung pagkakataon ko para mapasa'kin si Ash. “E ano kung nakita kita? Si Ash ang unang humalik sa'kin Georgia. Baka nakakalimutan mo? Karibal mo ako, kaya bakit ko tatanggihan ang halik na siya na mismo ang nagbigay?” Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni georgia habang sinasabi ko 'yon. Hindi magtatagal at bibigay din siya, at hihiwalayan niya si Ash.

“Isa pa, kailangan na rin naman niyang masanay na halikan ako, dahil balang araw ako naman talaga ang makakatanggap ng dose-dosenang halik mula sa kaniya. Tanggapin mo na kasi Georgia na hindi kayo pwede. Magkapatid kayo! Hindi kayo magtatagumpay sa pinaglalaban niyo! Sa---”

“Shut up Diana! Shut up!” Ang nakakagulat na pagsigaw ni Ash ang nagpahinto sa'kin. Bakit ba ayaw nilang marinig ang katotohanan? Bakit ba pilit pa rin silang lumalaban, kahit na alam naman nilang hindi pwede?

Umiiyak na rin si Ash. Pinanuod ko kung paano niya nilapitan si Georgia at kung paano niya niyakap ito nang mahigpit.

“I'm sorry Georgia. I'm really really sorry,” sabi nito sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

“Sorry for what Ash? Sabihin mo nga sa'kin, ginusto mo ba 'yon? Kaya ka ba nagsosorry sa'kin dahil inaamin mong naging unfaithful ka? Naiintindihan ko naman lasing ka kaya nagawa mo 'yon, pero bakit mo kailangang magsorry kung wala ka namang kasalanan? Kung hindi mo naman intensyong saktan ako?”

Pilit na kumawala si Georgia sa pagkakayakap ni Ash at tumakbo ito palayo. Susundan sana ito ni Ash nang pigilan ko siya.

“Ash. I'm... I'm sorry.” Isang iling lang ang tanging isinagot ni Ash sa'kin bago niya ako tuluyang iniwan at sinundan si Georgia. Alam ko namang hindi niya ako mapapatawad kaagad, pero sincere naman ako sa paghingi ko ng tawad.

Hindi ako humihingi ng sorry dahil ako ang naging dahilan ng pag-aaway nila ni Georgia. Para saan kung 'yon naman talaga ang gusto ko? Humingi ako ng sorry dahil nasaktan ko siya. Masakit sa'kin na nakikita siyang umiiyak at nasasaktan, at nagui-guilty ako na ako ang dahilan no'n.

Hindi ko naman intensyong magsimula ng away. Ang gusto ko lang naman si Ash. Gusto ko lang namang ipaglaban 'yung pagmamahal ko sa kaniya, kahit na sa totoo lang ay hindi ko na alam kung bakit pa ako lumalaban. Kung para saan pa ba ang lahat ng effort ko kung palagi rin naman akong talo.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko palagi ako nasa isang kumpetisyon pagdating kay Ash. 'Di ba dapat ako na ang panalo? 'Di ba dapat nasa akin na siya kasi hindi naman sila pwede. Bakit pa kailangan ko pang makipagkupetisya sa taong, una pa lang ay dapat disqualified na?

Isa lang alam ko. Sa kumpetisyon na 'yon, ako pa rin dapat ang tatanghaling kampyon.

[To be continued]

Continue Reading