My Ex and Whys (Lesbian)

De WriteMyHeartForYou

1.1M 41.3K 10.4K

[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Qu... Mai multe

My Ex and Whys
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Author's note
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Alert

Chapter 29

21.3K 818 283
De WriteMyHeartForYou

Masakit. Sobrang sakit ng ulo ko nang maalimpungatan ako mula sa malalim na pagkakahimbing. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, wala rin ako masyadong maalala sa mga nangyari kagabi. After a minute or two nang pagninilaynilay ay idinilat ko na ang mata ko. I blinked a few times to get rid of the blurriness of my vision.

Kinabahan agad ako dahil hindi pamilyar sakin ang kwarto na kinaroroonan ko ngayon and i was about to get up when i noticed myself  naked under the comforter.

Oh gosh, what happened? Nasaan ako?

Pero natigalgal ako nang makita ko si Alice sa tabi ko na wala ring damit.  Sobrang nanlamig ang buong katawan ko, pakiramdam ko sinaksak ako ng isang milyon beses.

Biglang pumasok sa isip ko ang parents ko, si Ate Averi na lagi akong pinaaalalahanan na maging maingat at wag na wag gagawa ng isang bagay na ikasisira ko. Syempre si Cassandra. Anong iisipin nya sakin ngayon?

Hindi ako makapaniwala na sa dinami dami ng tao na pwedeng sumaksak sakin patalikod ay si Alice pa. Naging mabait ako sa kanya, pinakasimahan at pinakatunguhan ko sya nang maayos pati na nang mga kaibigan ko. Pero saan ako nagkamali para gawin nya sakin ang hindi katanggap tanggap na bagay na ito?

Tumayo agad ako. Kailangan ko nang makaalis dito bago pa magising si Alice dahil baka kung ano lang ang magawa ko sa kanya. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari.

Kahit nanlalambot ang tuhod ay dinampot ko na ang mga damit ko at nagmamadaling nagbihis.

"A-Aubree.." Garalgal ang boses ni Alice. "Let me explain.."

Sobrang daming tanong sa isip ko  nang marinig ko ang boses ni Alice.  Gusto kong magalit at magwala pero ano pa ba ang magagawa nito? Maibabalik pa ba yung bagay na nawala? May itatama pa ba yung mali?

"I'm really sorry." Paghingi nang tawad ni Alice sakin.

And this time, i couldn't hold my emotions anymore. Hinarap ko sya na puno nang galit. "Sorry?" I almost choked dahil sa sobrang pigil ko na wag maiyak. "Bakit mo nagawa sakin to Alice..." Tumulo ang luha ko. "You took advantage of me, you raped me."

Tumayo si Alice na balot na balot ang katawan ng comforter. "I was drunk and got high—"

"Sinira mo ko, sinira mo ang pagkatao ko dahil sa bisyo mo tapos sorry lang!?" Galit na galit na sigaw ko sa kanya. "How dare you!"

Biglang lumuhod si Alice sa harapan ko at nagtangkang hawakan ang kamay ko pero hindi ako pumayag. "No please Aubree." Umiiyak narin sya pero kahit magmakaawa pa sya ay lampas langit na ang galit ko sa kanya dahil sa pagsasamantala nya sakin. "Kaya ko naman panagutan ang lahat lahat dahil.." Tumingala si Alice. "Mahal kita, Aubree mahal kita."

Natigilan ako saglit habang pinagmasdan ko sya. "Anong pinagsasabi mo?"

"Oo tama ang narinig mo." Buong tapat na pag-amin ni Alice. "I fall in love with you noong una palang kita nakita Aubree, kaya gumawa ako nang paraan mapuntahan ka sa school because i wanted to see you, near you." Pinahid ni Alice ang luha nya at hinawakan ang kamay ko. "Oo, nakagawa ako nang isang malaking pagkakamali pero papanagutan kita, haharapin ko ang parents mo—" 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman para kay Alice. Nandon na ang galit pero the way she talks right now makes me realize that this woman is crazy.

Hinawakan ko ang kamay ni Alice at dahan dahan itong inalis sakin na lalong nagpaluha sa singer. "Yan ba yung sinasabi mong pagmamahal Alice?" Hindi sya nakakibo. "Your love is selfish, your love is vicious and dangerous."

"Aubree... " Pagsusumamo ni Alice.

Gusto ko syang sampalin ng ilang beses pero hindi ko magawa. Maaaring nagawan nya ako nang hindi maganda, na labag sa kalooban ko. Pero yung pagmamahal na hinahangad nya from me ay kahit kailan ay hindi nya makukuha.

"Kahit kailan ay hindi kita mamahalin." Mabigat ko na sabi sa kanya. Gusto kong sampalin sya ng katotohanan. I felt a frog inside my throat as a sign of wanting to cry even more but i swallowed it back because Alice isn't worth any single of my tears. "Kahit ano pang gawin mo, kahit na lumuhod ka pa habang buhay ay hinding hindi parin kita mapapatawad. Pinagkatiwalaan kita. I even treat you as a friend tapos bababuyin mo lang ako."

Napayuko si Alice habang umiiyak. "I'm sorry.."

Tumalikod ako at hinwakan ang doorknob. "At isa pa.." I looked at her over my shoulder. "May mahal na akong iba." After i said that ay nagmamadali na akong umalis ng hotel at tumawag ng taxi. Umiyak lang ako nang umiyak sa taxi hanggang sa mapagod ako. Dahil hindi ko pwedeng ipakita o  iparamdam sa pamilya ko na may nangyaring sakin.

I checked my phone. Ang daming messages at miscalls from my friends and Cassy. My heart hurts when i saw her name sa inbox. I want to call her and ask for her hug but i couldn't dahil nahihiya ako.

Lalo pa ngayon na parang im hiding something big from everyone. Kaya  mas makakabuti na ilihim ko nalang muna ang lahat at kapag nakakuha ako nang tamang tyempo, ako na mismo ang magtatapat sa pamilya ko at kay Cassandra.

Also, at this very moment. I just realized something. I love Cassandra Monteralba.

Kinakabahan ako habang naglalakad papasok ng bahay namin and since it's already one in the morning malamang ay tulog na silang lahat. Hinubad ko ang heels ko para walang ingay. I don't want them to see me like this na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Itutungtong ko na sana ang paa ko sa unang baitang ng hagdanan ng biglang bumukas ang ilaw ng buong kabahayan.

"Where have you been Aubree?" Dumadagundong ang boses ni Papa na parang kidlat. "Anong oras na.."

Napalunok ako sa takot while looking at him upstairs. "Dad..."

He looks so serious and ready to eat me alive. "Kanina pa ako tawag ng tawag sayo."

Nilunok ko ang takot at kaba. "Sorry dad i was late." I forced myself to smile like the old times para hindi sya magduda. "Lumabas ako kasama sina Ava at Maya."

Naging sumpaan na naming magkakaibigan na kahit anong mangyari ay walang laglagan.

Pinagmasdan ako ni Papa mula ulo hanggang paa. "Went out? Like bar and clubbing?" Tumango ako. "Pero bakit ganyan ang itsura mo?" I felt his fiercing gaze on my face. "Magsabi ka nang totoo Aubree. May nangyari ba sayo?"

I shifted my weight on my feet. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang lahat dahil kapag oo ay siguradong malaking gulo ang mangyayari. "I was telling you the truth." I took me all my powers para makipagtitigan kay Papa just to prove him im not lying. "Kasama ko sina Ava at Maya."

Bumaba si Papa sa hagdanan hanggang sa maging face to face kami. "Kung ganon e bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Kung ang ate mo pa ang inutusan kong tumawag sayo alam mo na ang mangyayari Aubree." Magkasalubong ang kilay nya. "Lagi kaming nag-alala pag gumagala ka o  nagpupunta kung saan saan." 

"I'm sorry po." Paumanhin ko sabay tungo. I felt bad and so guilty. Ayaw ko naman silang pag-alalahanin pero may mga bagay na out of my control. "Hindi na po mauulit."

Dad took a deep and long breath. "Payag naman kami ng mama mo na gumala ka at gawin ang gusto mo sa buhay pero sana man lang ay maging responsable ka Aubree." Bakas sa mukha nya ang pinaghalong galit at pag-aalala. "Paano kung may nangyari sayong masama? Paano na kami? Ang ate mo?"

Niyakap ko si Papa nang mahigpit. "Wag ka na magalit, baka magkasakit ka sa puso e." Pero kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi si Ate Averi ang nakaharap ko ngayon dahil baka hindi lang sermon ang aabutin ko. "I promise na hindi na mauulit."

"Aba dapat lang Aubree." Naiiling na sagot ni Papa. Ngumiti ako at hinalikhalikan ang pisngi nya. "Oh sya." Medyo natawa na sya. "Magpahinga ka na para sa debut mo mamaya."

Pagkarating ko sa kwarto ay naligo agad ako. Sinabon ko ang bawat sulok ng parte nang aking katawan just to erase Alice's marks. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko, na nakakadiri ako dahil sa nangyari sa aming dalawa. It's not because she is a lesbian, heck my sister is a lesbian too. Ang ayaw ko lang talaga ay yung ginawa nya sakin.

Sa banyo ko narin inilabas yung ibang luha na gustong gusto kong ilabas ng makaharap ko si Papa. Gustuhin ko man na magsabi pero nahihiya ako para sa sarili ko. Hindi rin agad ako nakatulog not until i put my earphones on and listened to the music na nakatulong para marelax ako.

At gaya nga ng ineexpect ko, alas singko palang ng umaga ay gising na ang lahat. Samantalang nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan. Yung excitement para sa 18th birthday ko ay napalitan ng matinding lungkot dahil sa nangyari kagabi.

"Hey..." Narinig ko ang boses ni Ate Averi na kakapasok lang sa kwarto ko. "Happy birthday."

Muntik ng bumagsak ang luha ko nang makita ko sya. Ewan ko ba pero parang kambal kaming dalawa dahil sa lakas ng koneksyon naming dalawang magkapatid. I'm pretty sure na mamahalin parin ako ni Ate Averi depsite of what happened.

Pilit akong ngumiti at naupo sa kama. Sinikap kong itago at magkunwari na okay lang. "Where is my gift?"

Ngumiti nang pagkatamis tamis si Ate Averi habang naglalakad papunta sa kama ko. "Guess what.."

I rolled my eyes. She knew i didn't like this kind of guessing. "New phone?" Pero umiling si Ate Averi. Napaisip ako lalo. "Car? Laptop? Money?"

Natawa si Ate Averi at naupo sa tabi ko. She caressed my face gently. "Ano pa ba yung gusto mo na hindi kayang matumbasan ng kahit anong materyal na bagay?"

Si Cassandra agad ang pumasok sa isip ko.

"World peace." Pagjojoke ko.

Napailing si Ate na may ngiti sa labi. "What are you? A beauty queen?"

Biglang pumasok sa isip ko yung naging pustahan namin dati. "A world cruise!" Halos mapunit yung mukha ko sa saya. "Right!?"

Pero imbis na sumagot ay inilabas ni Ate ang isang sobre at inabot sakin. "Open it."

Nagmamadali ko naman itong binuksan at lumuwa ang mata ko habang binabasa ang nakalagay sa papel. "Oh my gosh.." Tumingin ako kay Ate Averi. "Is this for real??"

"Yes love." Sagot nya at hinalikan ang noo ko. "Alam ko na matagal mo na yang gusto, ang makapagtravel around the world." Napabalik ang mata ko sa sobre. "You know i would give anything for you Aubree. As in everything, even the world."

Why I'm so lucky to have a big sister like Ate Averi?

"Aw thank you." Niyakap ko si Ate Averi nang mahigpit and couldn't stop my tears.

"Oh bakit ka naiyak?" Natatawa nyang tanong sakin.

I shake my head. "Nothing." Pinunasan ko ang luha ko. "Sobrang saya ko lang." Biglang natahimik si Ate Averi, parang ang lalim ng iniisip nya habang pinagmamasdan ako. "Are you okay?"

There were many emotions through her eyes. "Yes, i am." Tumayo sya at huminga nang malalim. "Anyway, magbihis ka na at kanina pa naghihintay ang make up artist mo sa baba."

Watching my family in glee makes me forget the misery where i am in. Kinalimutan ko muna yung masamang nangyari at nagfocus sakanila. Kausap ko rin sina Ava at Maya through video call conference. Pareho silang nag-usisa kung ano bang nangyari sakin kagabi at bigla akong nawala. Of course, i just told them a huge lie to shut them up. Meanwhile, Cassandra is still MIA.

Nakakapagtaka nga dahil kanina ko pa sya tinetext o tinatawagan pero hindi sya sumasagot. Ang huling message nya lang sakin ay sangkaterbang text na puno nang pag-aalala. I just hope and pray na sana wag nyang kalimutan na birthday ko ngayon at sya ang 18th roses ko.

Hanggang sa sumapit na ang gabi at nag-umpisa na ang party. Sobrang daming bisita, karamihan sakanila ay mga classmates ko, schoolmate, etc. Pero syempre hindi mawawala ang business partners ng pamilya namin.

"You are so beautiful Iha." Very mesmerizing na sambit ni Mama habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Ngumiti ako. "Thanks Ma but I'm nothing compared to you."

Napatawa si Mama nang mahina. "Wag mo na akong bolahin, hindi ko naman nakakalimutan ang regalo ko para sayo anak." Niyakap nya ako. "But for now, enjoy the party okay. This your night and dazzle them all."

Magkasabay kami ni Mama bumababa at sinalubong ako nang palakpakan na nakapagpamula sa mukha ko. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong atensyon, pero dahil birthday ko naman. Pagtitiisan ko nalang. Kaliwa't kanan ang lumapit sakin para bumati, yung iba nga hindi ko na kilala.

"Bree!" Sobrang excited na pagtawag sakin ni Ava na ang ganda ganda sa suot nyang maxi floral dress. "Look at the celebrant. Handang handa."

"Sira." Natatawa ko na sabi.

"Ako rin handang handa na para kumain." Pagsabat ni Maya.. Hindi sya papahuli kung pagandahan ang labanan. "Kanina pa ako nagugutom."

Ava gave her girlfriend a glare. "Calm down the tiger inside your stomach Maya kahit ngayon lang."

"Aba grabe ka, animal abuse yan." Hindi makapaniwalang salita ni Maya.

Kakaiba talaga ang dalawang to. Obvious na obvious namay chemistry silang dalawa.

Tumingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ang hinahanap ko. "Mm nakita nyo ba si Cassy? Dumating na ba sya?"

"Hindi e." Sagot ni Ava. "Pero alalang-alala sya sayo kagabi." Napabuntong hininga nalang ako, sana okay lang sya kung nasaan man sya ngayon. "Tawagan mo—"

"Aubree." Napatalon ang puso ko nang marinig ang boses ni Cassy mula sa likuran ko. Slowly, i turned to face the Ice Queen and to my surprise she isn't wearing a dress but a simple jeans and white shirt. The look of her face is unreadable and i admit, natakot ako. "Can we talk?"

We stared at each other before i said yes. Walang kibuan kaming naglakad papunta sa kusina na walang tao kundi kaming dalawa lang.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Agad ko na tanong. "Diba 18th roses kita?" Nakatalikkod parin sakin si Cassy na parang sobrang lalim ng iniisip. "Cassy..." Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay inilabas nya ang dala nyang cellphone from her pocket bago ako harapin. There is no any single emotions in her face but emptiness. "Bakit ka ganyan? Anong problema?"

"Totoo ba?" Singlamig ng yelo ang boses nya. Parang bumalik sya sa dating pagkakakilala ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko in confusion. "Ang ano?"

Ipinakita ni Cassy sakin ang picture sa cellphone nya and i felt my soul flies. It was me and Alice naked in bed. Nanginig ang tuhod ko na parang kahit anong oras ay hahandusay ako sa sahig.

"No..." I denied kahit nasa harapan ko na ang ebidensya.

Her jaw hardened. "Why Aubree?"

My tears swelled. "Please Cassy, it's not what you think..."

"Then what!?" Tumaas ang boses ni Cassy. Sobrang natakot ako dahil ngayon ko lang sya nakita at narinig na nagalit. "Eto na oh Aubree, kitang kita yung totoo pero nagsisinungaling ka parin!"

Tinangka kong hawakan ang kamay nya but she slapped my hands away. It hurts me so bad kaya hinayaan ko na yung luha ko. "Hindi mo naiintindihan Cassy.."

Natawa si Cassy pero ramdam ko ang sakit at pait sa boses nya. "Edi ipaintindi mo sakin Aubree, makikinig ako." Pero natameme ako. Pakiramdam ko kasi until now natrauma parin ako kaya hindi ko magawang maopen ang topic about Alice. "See.." Naiyak si Cassy. "Akala ko iba ka Bree, akala ko..." Wala akong ibang nagawa kundi umiyak. Ang bigat sa pakiramdam. Sana mawala nalang ako ngayon. "Pero kung sabagay, sino nga ba ako sayo? Hindi naman tayo. Kaya wala akong karapatang magselos. Hindi naman tayo kaya wala akong karapatan masaktan."

"No Cassy..." Pagsusumamo ko.

"Pero mahal kita.." Pag-amin ni Cassandra. "Kaya nasasaktan ako nang ganito."

Mahal din kita Cassy..

Tumalikod si Cassy at nagmamadali na syang umalis ng kusina. Naiwanan akong mag-isa at naubos ang lakas kaya napaupo ako sa sahig. Sa puso at isip ko, i was begging Cassy to come back to me.

"Aubree?" Boses ni Ate Averi, lumapit sya sakin at buong pag-aalalang pinagmasdan ako. "Oh my god, what happened to you?" Pero wala akong magawa kundi umiyak. Ngayon ko lang nailalabas yung damdamin na kanina ko pa kinikimkim. "Talk to me please.."

"A—ate..." I sobbed. I didn't know that words could this be so heavy inside my throat. "I—I..was...." Bumagsak lalo ang luha ko. "Rape."

Continuă lectura

O să-ți placă și

96.2K 60 41
R18
1.5M 35.3K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
192K 6.2K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...