The Gap Between Us

By Griezelle

60.1K 1.9K 133

Lumilipas ang panahon, naghihintay na makamit ang tamang pagkakataon. Lumilipas ang bawat oras, naghihintay n... More

Paunang Salita
TGBU 01
TGBU 02
TGBU 03
TGBU 04
TGBU 05
TGBU 06
TGBU 07
TGBU 08
TGBU 09
TGBU 10
TGBU 11
TGBU 13
TGBU 14
TGBU 15
TGBU 16
TGBU 17
TGBU 18
TGBU 19
TGBU 20
TGBU 21
TGBU 22
TGBU 23
TGBU 24
TGBU 25
TGBU 26
TGBU 27
TGBU 28
TGBU 29
TGBU 30
TGBU 31
TGBU 32
TGBU 33
TGBU 34
TGBU 35
TGBU 36
TGBU 37
TGBU 38
TGBU 39
TGBU 40
Author's Note
MAY BOOK 2 NA

TGBU 12

1.2K 40 2
By Griezelle


Kabanata 12- Paasa



Ella's POV


Hapon na. Siguro mga 3 or 4 pm na. Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan yung mga bata na naglalaro sa labas.




They were all happy na hindi mo aakalain na hindi pa malaya ang bansang ito sa panahon na 'to. They were all playing taya tayaan at kanina naman ay hide and seek. Nakakamiss din pala. Sa Manila kasi, konti nalang ang mga bata na naglalaro sa labas ng ganyan. Madalas ay gadget na ang pinagkakaabalahan nila.




I'm not against technology dahil isa akong millenial. Na sanay na kong may gadget around. Nung grade 7 hanggang 9 nga ako ay parang hindi ko kakayanin kapag wala akong cellphone at kung walang internet sa bahay.



Pero seeing these kids play, nakakapaghinayang yung generation sa present. Kahit pinagpapawisan na sila ay masaya parin sila. Nakakapagod yung magtatakbo sa labas pero nakakaenjoy parin.




I remember playing chinese garter, ice ice water, sili at water(ata tawag dun), tagu-taguan, bente uno, piko, luksong tinik at luksong baka, mataya taya, bakal bakalan, langit lupa, agaw base smthn, at hindi ko na matandaan yung iba.




"Ella, mamamalengke lang ako" sabi ni Ate Rosa habang hinahanap yung tsinelas niya.



Oo nga pala, Ate Rosa na yung itatawag ko sa kanya. Wala lang, parang gusto ko lang maranasan na magkaroon ng sister at itawag siyang ate.



Alam kong hindi siya nakapamalenke kanina dahil sakin. Dapat pagkatapos namin mamili ng damit ay didiretso kami sa palengke pero dahil dun sa nangyari kanina, hindi natuloy.




"Sasamahan kita" sabi ko at tumayo na. Hindi pa naman ako nagbibihis at suot ko pa rin yung sinuot ko kanina pagsimba.




"Huwag na, alam kong hindi pa mabuti ang iyong pakiramdam" sabi niya at nagaalalang tumingin sakin.




I don't know. Hindi ko naman kamaganak yung lalaki sa simbahan kanina pero bumibigat yung pakiramdam ko pag naaalala ko. Pero kapag titingnan ko ang iba o kaya si Ate Rosa, para bang sanay na sila na nakakakita ng ganoon.




"Ayos na ko. Sasamahan kita dahil ayoko rin naman maiwan magisa dito sa bahay" sagot ko at nauna ng lumabas ng bahay.



Sabagay. I'm not from this timeline kaya ganun. Well, alam ko naman na ganun talaga ang mga Kastila sa panahon na ito. They were evils kaya maraming nagisip na lumaban against them dahil sa kahigpitan nila. But I wasnt ready na makapanood ng live na may papatayin at sa harap pa talaga ng simbahan.




Napailing iling ako at inalis yung thought na yun. Ayoko na magdrama pa. Siguradong marami pa akong makikita na kasamaan ng mga kastila sa mga susunod na araw.




Naglakad lang kami ni Ate Rosa papuntang palengke. Hindi rin naman kasi 'to malayo katulad ng sa simbahan. Tsaka wala naman kaming kalesa para may sakyan.



"Saglit lang, bibili lang ako ng gulay. Dito ka muna dahil tatawid naman ako pabalik. Doon tayo pupunta pagkatapos para bumili ng rekados" sabi ni Ate Rosa at tinuro yung tindahan ng gulay sa kabilang side tapos tinuro yung gilid ko na may daanan papasok pa sa loob ng palengke. Tumango naman ako at inintay siya dito sa isang tabi.



Medyo kaunti nalang ang namamalengke. Nasabi ni Ate Rosa na mas maraming namamalengke tuwing umaga dahil sa umaga mas sariwa ang mga paninda.



Nakita ko naman si Ate Rosa na inabot na yung bayad at mukhang patawid na muli para makapunta rito sa kinatatayuan ko.



Pero napalingon ako nang may isang babae ang mabilis na naglalakad na parang may hinahabol at hindi nakatingin sa dinaraanan. Parang nakafixed yung mga mata niya sa malayo, dun sa hinahabol niya.



Huli na ng masabihan ko si Ate Rosa. Nagkabungguan na sila nung babae.



Walang natumba sa kanila pero pareho silang napaatras sa impact. Natapon din yung mga biniling gulay ni Ate Rosa.



"No sabes cómo mirar tu caminata(Hindi ka ba marunong tumingin sa iyong nilalakaran)?!" Inis na bulyaw nung babae kay Ate Rosa. Agad naman akong lumapit at tinulungan si Ate Rosa sa pagdampot ng mga nahulog na gulay.




Pero bago ako yumuko para tulungan si Ate Rosa, nakita kong mas nainis yung babae dahil hindi na niya nakita yung sinusundan niya. Nagpalinga linga pa siya na parang ewan. Tapos sumigaw siya sa inis at sinipa yung isang kamatis kaya gumulong ito sa malayo.



Tangina, kawawang kamatis! Sayang yon!



"Estúpido!" Sigaw niya muli at hinatak patayo si Ate Rosa.




Sa buhok niya hinatak si Ate Rosa! Syempre masakit 'yon! Letcheng babae 'to ah! Siya na nga yung hindi tumitingin sa dinaraanan tapos sinipa niya pa yung kamatis!



Tumayo naman agad ako. Sasampalin niya sana si Ate Rosa pero pinigilan ko yung kamay niya at tiningnan siya ng masama. Mas bitch ako sayo!




I can afford na ako yung saktan. I don't care kung doon sila sasaya. Pero iba yung case kapag kaibigan ko na. Si Ate Rosa pa na hindi na kaibigan ang turing ko kundi para ng isang tunay na kapatid.



"Wala kang karapatan para saktan siya!" Galit na sigaw ko. Napasmirk naman siya.



Marahas ko naman na binitawan yung kamay niya kaya napaatras siya sa impact. Nakita kong nanonood na ang mga tao sa paligid at nagbubulong bulungan.



Oh come on, hindi na talaga siguro matatanggal sakin yung magkaroon ng scene. Napakaganda ko talaga, laging pinagtitinginan hays. Hanggang dito ba naman sa past?



"Cómo te atreves(How dare you)! Isa ka lamang hamak na Indio!" Sigaw niya pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na parang nandidiri.



Hindi ko alam, pero parang may nabuhay sa dugo ko. Kumukulo ako sa galit. Lugi naman na hindi ko maintindihan yung ibang sinabi niya pero mukhang hindi iyon maganda.



"Quièn eres tú para pelear conmigo(Sino ka para kalabanin ako)? Tu no me conoces(Hindi mo yata ako kilala)!" Sabi niya pa at mukhang ako naman ngayon ang sasampalin.



Pero may kamay rin na pumigil sa kanya, si Ate Rosa.



"No sé quién eres. No te tengo miedo! Incluso si eres una Reina o uno Dios, no me importa nada. No eres más que una perra que quiere attencion." Sabi ni Ate Rosa at hinawi rin ng malakas yung kamay nung babae kaya napaatras muli ito.



(Translation: Wala akong pakielam kung sino ka. Hindi ako natatakot sayo! Even if you're a Queen or a God, I don't give a damn. You are nothing but a bitch wanting for attention)



(Otor: Inenglish ko yung iba, pero hindi maalam si Rosa magenglish ah. Translation lang naman yon para maintindihan niyo)



Magsasalita na naman sana siya pero nagsalita ulit si Ate Rosa.



"En los dos, eres el más estúpido. Sabes por qué?" *sabay lapit sa mukha nung babae(nagpapalitan na sila ngayon ng nakakapatay na tingin)*



(Translation: Sa ating dalawa, ikaw ang mas stupid. You know why?)



"Porque realmente no miras el camino así que vete al infierno y pièrdete!" Sigaw ni Ate Rosa. Halatang natakot yung babae pero agad din naman niyang tinago yon.



(Translation: Dahil ikaw naman talaga ang hindi tumitingin sa dinadaanan so go to hell and get lost!)




Lumayo na naman si Ate Rosa at lumapit sakin.



"Umuwi na tayo" sabi niya sakin. Tumango naman ako at sumunod na sa kanya.



Narinig ko pa na sumigaw yung babae pero hindi ko na inintindi.



Medyo gulat parin ako sa pangyayari. Masyadong mabilis. Akala ko magpapaapi lang si Ate Rosa kaya tinulungan ko siya pero hindi, matapang pala siya. Hindi ko man naintindihan yung mga sinabi niya kanina pero alam kong malulupet iyon!



Omg feeling ko tuloy natupad yung goal ko na mangapi ng iba together ng sister ko. I can't help but smile.



"Ba't ka nakangiti?" Tanong ni Ate Rosa. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay.



Masyado pala kaming naglakad ng mabilis. Hindi ko namalayan.



"Wala lang, ang astig mo dun kanina! Amazed na amazed este napahanga mo ko dun kanina!" Masayang sabi ko. Napatawa na rin na naman siya sa reaction ko.



"Ayos lang sakin na ako ang saktan ngunit hindi ako makakapayag na gawin iyon sayo kaya lumaban na ako" sagot niya. Pareho pala kami ng dahilan.




"Pero hindi rin naman ako makakapayag na saktan ka nila" sabi ko kaya napangiti siya.




Naputol naman yung paguusap namin nang may tumikhim.





Omg! Si Marcus!




Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya.



Masaya ako dahil kanina. Pero mukhang dumoble yung saya ko nang makita ko siya ngayon! Akala ko matatagalan pa siya! Hindi niya ko binigo, pinuntahan niya ko!



Kundi lang ulit may tumikhim ay hindi ko maaalala na yinakap ko siya. Nakakahiya! Baka asarin pa ko nito na masyado ko siyang namiss kahit hindi naman!



"Oh? Bakit wala kang pasabi na dadalaw ka ngayon?" Tanong ni Ate Rosa at makahulugan yung ngiti. Napakamot naman sa batok si Marcus.



"Hindi na ko nagpasabi para maging surpresa" sagot naman ni Marcus.


Natawa naman si Ate Rosa at tinapik sa balikat si Marcus.




"Hindi pa nakakaisang linggo ngunit hindi mo na natiis na hindi makita iyang nobya mo. Pag nagmamahal talaga. Sige, maiwan ko muna kayo upang magkaroon kayo ng oras maglambingan. Ako'y nasa kusina lamang upang maghanda na ng ating hapunan" paalam ni Ate Rosa at pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan naman kaming dalawa ni Marcus.




Namula naman ako. Si Ate Rosa naman eh! Ugh!



Nahihiya naman na tumingin sakin si Marcus.



"Pasensya ka na, wala na kasi akong maisip na ibang dahilan na sabihin sa aking kapatid kung bakit kita pinapunta rito. Hindi rin naman siya maniniwala kung sasabihin kong kaibigan lamang dahil ngayon lamang ako nagkaroon ng babae na malapit sa akin" sabi niya.



Sus, ngayon lang daw! Anong tawag mo dun sa mga hipon na kinausap mo dun sa malapit sa tulay?! Pero syempre, tumango na lang ako.



"K-Kamusta ka, binibini?" Pagiiba niya ng usapan at ngumiti.



Wag ka nga ngumiti ng ganyan! Nakakatunaw alam mo yon? Hindi siguro siya aware na gwapo siya at kahit simpleng pagngiti niya ay makalaglag panty na.



"A-Ayos lang. Ikaw ba?" Tanong ko at ngumiti na rin para hindi maawkward.



"Natutuwa akong napuntahan kita rito" sagot niya.


"Ano naman dinahilan mo sa mga magulang mo para pumayag silang pumunta ka rito?" Tanong ko at nagtaas ng isang kilay.



"Sinabi kong kailangan kong tingnan at pangalagaan ang mga lupain namin dito sapagkat nagkaroon ng kaunting problema" sagot niya. Napatawa naman ako.


Ang genius nung palusot niya ah.


"Akala ko ba hindi ka nagsisinunggaling sa parents este mga magulang mo? Lalo na sa 'yong ama?" Pangaasar ko. Napakunot naman siya ng noo.



"Hindi ako nagsisinunggaling. Totoo ang aking dahilan" aniya.




Ouch, akala ko naman dahil sakin kaya siya pumunta rito. Oh sige na, ako na assuming! Eh kasi sinabi niya--- aish! Bahala nga siya! Leche akala ko di siya paasa!

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 550 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
58.3K 1.9K 16
Magkatagpo kaya tayo sa kabila ng magkaiba ang ating oras at panahon.......
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
98.1K 1.6K 46
PUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?