Me and My Boys VOLUME 4

By JayChowder

297K 9.8K 2.4K

Yup! Another adventure of Allexa and his boys! More

Special Dedications
Chapter 1: Seen
Chapter 2: Tamad
Chapter 3: Local News
Chapter 4: Sermon
Chapter 5 Reminisce
Chapter 6: The Call
Chapter 7: Eto-Kal LT
CHAPTER 8: The Visitors
Chapter 9: It smells like trash
Chapter 10: Mcdo 24/7
Chapter 11: Cute? Saang banda?
Chapter 12: Haliparot
Chapter 13: Ouch
Chapter 14: Pumayag ka?!
Chapter 15: Holy mother of goose
Chapter 16: Great, now what??
Chapter 17 Spell OA
Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?
Chapter 19: 3D
Chapter 20: Alam niyo na, OA
Chapter 21: Faded
Chapter 22: Hi ate
Chapter 23: You're sick
Chapter 24: The Visitor
Chapter 25: The gathering
Chapter 26: Greenhouse
Chapter 27: Are you okay?
Chapter 29: Eagle
Chapter 30: She mustn't know
Chapter 31: Literal
Chapter 32: To infinity?
Chapter 33: Maybe
Chapter 34: No Mercy
Chapter 35: Us

Chapter 28: Gang from North

7K 237 69
By JayChowder

Allen's POV


Nagising ako nung nadinig kong may umandar na sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nung nakita ko ang mga nagkalat na libro sa paanan ko, naalala kong nasa kwarto pala ako ni ate Lexa. Hindi ako agad gumalaw dahil nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. Dahan dahan kong hinawakan ang ulo niya't isinandal sa gilid ng kama saka ako umayos ng upo.

Tinignan ko ang relo ko, tatlong oras pala akong nakatulog. Palubog narin ang araw, hula kong sina William yung nagpaandar ng sasakyan, may sasalubungin kasi silang bagong recruits sa city.

I slowly stood up, I slid my hand behind her back and the under her knees, dahan dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama niya. She snuggled on her pillow and I pulled up her blanket. I fixed her scattered books, placed them on the table, kissed her forehead and went out of her room.

Papunta ako sa kitchen nung napansin kong may mga kasama si Uno sa sala at nagtatawanan sila, hindi ko na sila pinuntahan at dumeretsyo ako sa kusina, kasalukuyang nagluluto si ate Agnes.

"Ate Agnes, pahingi ng pagkain" sabi ko sabay upo malapit sa counter. Inaantok parin ako, antagal ko na rin kasing hindi nakakatulog ng mahimbing.

"Sabi ko nga, magugutom ka. May cake dyan sa ref, timplahan kita ng juice, ibinigay ko kasi kina Uno yung kakatimpla ko lang" mabilis siyang gumalaw habang kinuha ko naman yung cake sa ref.

Mabilis kaming naging magkaibigan ni ate Agnes. Pinsan siya ni Uno, sa kanila talaga ang bahay na 'to. Mas matanda siya sa akin ng isang taon, ayaw ko sana siyang tawaging ate pero she insisted. Hindi namin pinapakita kay Uno na close na kami dahil ayaw naming pagdudahan niya si ate Agnes.

"Sino ba yung mga kasama ni Uno sa sala?" tanong ko.

Pagkalapag niya nung juice sa harap ko, dumeretsyo siya sa may entrance ng kusina at sinilip yung mga nasa sala.

"Yung babaeng nakablack leather jacket, Ivo ang pangalan niya, galing sila sa North." she whispered. Familiar yung Ivo na pangalan pero hindi ko matandaan kung saan ko nadinig.

"Ivo? Bakit sila andito?" tanong ko.

"Nadinig kong magiging aliansa natin sila" yumuko siya ng konti at nagbulong pa lalo, "feeling ko, hindi talaga yun ang pakana niyang Ivo na yan" bumalik siya sa niluluto niya.

"Bakit naman?" tanong ko, medyo nagiging curious tuloy ako sa mga bisita ni Uno.

Magsasalita sana si ate Agnes pero hindi niya itinuloy dahil may biglang pumasok.

"Pre, tawag ka ni Uno" sabi ni Kian, akala ko sinamahan niya si William.

Tumango ako't kumain ng konting cake saka tumayo, "babalikan ko ito ate, huwag mo na munang iligpit"

"Okay" sabi ni ate. I followed Kian.

"Pre!" masayang tawag ni Uno nung palapit ako, "halika, meron tayong mga bagong kakampi".

Hindi tumayo yung sa tingin kong si Ivo, tumango lang siya sa akin. Yung kasama niyang babaeng mas mukang mabait ang ngumiti sa akin at inioffer ang kamay para makipagkamay. I accepted her hand.

"Ako si Le, ito si Ivo," turo niya sa babaeng nakaupo, "and these are our friends" turo niya sa limang kasama nilang doble ang laki sa akin.

Ahh, alam ko na. Siya ang Alpha ng North. Ang nagiisang babaeng Alpha sa apat na cities. 

"Ito si Allen, ang partner ko. Muka siyang batang bata pero mabibilib kayo sa galing niya" proud na pakilala ni Uno sa akin.

"Andito kami para makipagareglo." sabi ni Ivo. Umupo si Uno pero tumayo lang ako't ibinulsa ang mga kamay.

"Kailangan lang namin yung file na kinuha niyo, in exchange na tutulungan namin kayong makipaglaban sa kung sino man ang kakalabanin niyo" si Le ang nagpaliwanag.

"File?" tanong ko at tumingin ako kay Uno. Hindi niya alam na alam ko na ang tungkol sa files kaya naman nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin at agad na tumayo't hinawakan ako sa balikat.

"Ahh, huwag mo nang alalahanin yun pare, ako na ang bahala dun" sabi niya't pinilit na tumawa, tinaasan ko lang siya ng kilay. Umiwas siya ng tingin at binitawan ako't tumingin kay Kian, "pare, pahatid sila sa silid nila" utos niya.

Tumango si Kian at tinawag yung dalawang babae't dinala sila sa kwarto malapit sa kwarto ni Lexa.

"Pare, ano'ng file ang tinutukoy nila?" tanong ko kay Uno nung dalawa nalang kami ang natira sa sala.

Umupo siya't uminom ng juice saka tumingin sa akin, "Importante ang mga file na tinutukoy ni Ivo. Mga transaction ng tatlong cities sa iba't ibang sub-gangs at pati sa mga mafia sa Centro. Tignan mo? Handa silang makipag-alyansa sa atin para lang sa file nila?" natatawa niyang sabi.

"Akala ko ba sina Bryce lang ang kailangan natin? Akala ko ba aatake lang tayo sa mga ibang cities? Bakit nakipag-alyansa ka naman sa kanila?"

Huminga siya ng malalim at tumayo't hinarap ako, "Change of plan, narealize kong hindi na natin kailangang makipaglaban kung may mas madaling paraan naman para hawakan natin ang tatlong cities. Kung mangyayari yun, kayang kaya na nating pabagsakin ang Latrel gang sa Centro."

"Pare! Anlaki ng pinapangarap mo!" gulat kong sabi pero tumawa lang siya.

"Oo naman! Bakit pa tayo magtitiis sa maliit na pangarap kung meron namang mas malaki?"

"Si ate Allexa, ano'ng plano mo sa kanya?" tanong ko.

"Hayaan mo na muna, hindi pa lumalambot sina Bryce sa atin eh" umupo uli siya't nagrelax, "gusto kong lumuhod muna sina Bryce sa harapan ko bago ko pakakawalan ang asawa niya."

Kung hindi ko lang narinig ang boses ni ate Agnes, baka nabasag ko na ang muka ni Uno.

-=-=-=-=-=-=-=-=-

Continue Reading

You'll Also Like

11.4K 899 60
Magsisimula na ang hakbang patungo sa susunod pang kabanata ng buhay ni Anella..Sino nga ba ang pipiliin niya? Sino nga ba ang mapupusuan niya? Sino...
1.4M 57K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
45.5K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...