Marry Me (completed w/ Specia...

By fruty_fruth

686K 5.7K 689

This story has been moved to my other account which is wattpad.com/youramnesiagirl Just check it out. Thank y... More

Marry Me
Chapter 1 : Shane
Chapter 2 : Gian
Chapter 3 : Shane
Chapter 4 : Gian
Chapter 5 : Alex
Chapter 6 : Shane
Chapter 6 : Shane (b)
Chapter 7 : Gian
Chapter 8 : Shane
Chapter 9 : Shane
Chapter 10 : Gian
Chapter 10 (b) : Gian
Chapter 11 : Shane
Chapter 11 (b) : Shane
Chapter 11 (c) : Shane
Chapter 11 (d) : Shane
Chapter 11 (e) : Shane
Chapter 11 (f) : Shane
Chapter 12 : Gian
Chapter 13 : Shane
Chapter 14 : Gian
Chapter 15 : Shane
Chapter 15 (B) : Shane
Chapter 16 : Gian
Chapter 17 (a) : Shane
Chapter 17 (b) : Shane
Chapter 17 (c) : Shane
Chapter 17 (d) : Shane
Chapter 17 (e) : Shane
Chapter 19 : Alex
Chapter 20 : Gian
Chapter 21 : Shane
Chapter 22 : Gian
Chapter 23 : Allyna
Chapter 24 : Gian
Chapter 25 : Shane
Chapter 26 : Shane
Chapter 27 : Alex
Chapter 28 : Shane
Chapter 29 : Gian
Chapter 30 : Shane
Chapter 31 : Gian
Chapter 32 : Chad
Chapter 33 : Allyna
Chapter 34 : Shane
Chapter 35 : The Final Chapter
Special Chapter 1 : Gian
Special Chapter 2 : Gian
Special Chapter 3 : Shane

Chapter 18 : Shane

11.7K 119 1
By fruty_fruth

I dedicate this Chapter to KIMBERLY ENRIQUEZ. Nasa cellphone ko pa lang ang chapter na to, binanatan na agad niya ng basa. Hahaha. Excited Much!

Ok. Alam ko kayo din. Enjoy reading!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 18: Shane

Bumaba na lang ako at inayos ang pagkain na binili ni Gian.

Ang dami naman nito. Ibat ibang putahe.

Bumaba na din si Gian.

"Wifey!" tawag niya. Kumukuha ako ng mga baso ng nagsalita siya.

"Wifey!" ulit niya. Nakatalikod ako sa kanya. 

WIFEY?? Wifey na naman?

O.O

*dug dug dug dug*

O heartbeat, ano na namang problema mo?

Lumapit na siya. "Bingi ka na ba ngayon?"

"Ah. Ako ba tinatawag mo?" humarap ako sanya. Ang lapit lapit nya saken.

"Eh tayo lang namang dalwa ang andito. Ikaw nga."

"What did you just call me??" teka, bakit ko ba tinanong yun sa kanya eh baka ulitin nga niya, magwala na naman ang puso ko.

"Wifey" sagot niya.

*dug dud dug dug dug*

Ayan na naman, at mas lumalapit ang mukha ni Gian saken. Ako naman, lumalayo.

"Ba--kit mo a--ko tinata-wag ng ganun??"

Nauutal??

"Coz you're my wife, remember?"

Kung maka-wife naman to! Samantalang sa school, dinedeama lang naman ako.

Sobrang lapit na nya. Matutumba na nga ako sa kakalayo sa kanya. Ang bango bango pa niya. Bakit ko ba siya inaamoy?

At tuluyan na nga akong natumba, mabuti na lang nasalo ako ni Gian at hindi ako lumagpak sa sahig. Nakahawak siya sa likod ko sa may bewang. Nagkatitigan kami.

"Ehem!!"

Sabay kaming napalingon sa pinto.

"Lo!" sabay pa ang tawag namin.

"Wrong timing yata ang pagpasok ko ah."

Sinalubong siya ni Gian habang pinagpatuloy ko ang  paghahanda ng pagkain.

"Tamang tama lang ang dating nyo Lo, dinner is ready", sabi ni Gian.

Lumapit sa akin si Lolo.

"Kamusta ka hija?"

"Mabuti po. Kain na po tayo Lo."

Magkatapat kami ni Gian habang kumakain.

"Im happy to see na mukhang maayos naman kayong nagsasamang dalawa. Tama ba ako?"

Ngumiti lang kami ni Gian. Kung totoo yung ngiti niya, hindi ko alam. Maayos nga ba?

"Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol sa mga gastusin nyo. I'll be giving you allowance monthly."

"Lo, you dont have to", sabi ni Gian.

Teka, oo nga pala, san nga pala kami kukuha ng mga gastusin?

Paano na kapag naubos na ang stocks dito sa bahay. Ang electric and water bill?

"What do you mean Gian?"

"Ako na po ang bahala sa mga gastusin namin dito. I know my priorities and responsibilities. Kung ano po ang sitwasyon ko ngayon, panindigan ko po. As a husband, I must provide everything my family will need."

Ano bang pinagsasasabi ni Gian? Family family ka dyan. Pinapanood ko lang silang mag-usap.

"Please dont get me wrong, pero sa tingin mo ba sapat ang kinikita mo sa pagtugtog mo? Gian, ako ang nagtulak sa inyong dalawa sa sitwasyong ito kaya sa tingin ko dapat ko kayong suportahan."

"Thannk you po Lolo, pero ayoko naman pong sabihin ng ibang tao na mag-aasa-asawa ako tapos hindi ko naman pala kayang panindigan. Mas mabuti na po siguro kung ganito."

Napangiti si Lolo. "I'm so proud of you Gian. Natutuwa ako sa prinsipyo mo but always remember na nandito lang ako if you need anything."

Pagkatapos kumain ay ako ang nagligpit. Si lolo at si Gian nasa sala, nag-uusap. Pagkatapos ko sa ginagawa ko, nagpunta din ako dun. Tinawag kasi ako ni Lolo.

"Shane, nabanggit ba sayo ni Gian that I'll be staying here?"

"Po??" nagulat ako. Matagal ba?? Pero maliit naman ang bag na dala ni Lolo. Hindi kaya nasa kotse ang iba niyang gamit?

"Yes. Tonight."

"Tonight. Tonight lang po?" 

Tumawa si lolo. Ewan ko kung bakit?

"Bakit? Do you want me to stay here for 1 week?"

1 WEEK??!

O.O

Gian! Help naman. Dont let your lolo stay here for a week. Ang sama ko ba? Eh bahay naman nya to. Eh kasi naman.

"Hahaha. Nagbibiro lang ako. Ayoko namang makaistorbo sa inyo. Saan na nga pala ang gusto nyong honeymoon? Hindi pa kayo nakakapag honeymoon diba?"

*.*

"Oo nga Wifey, saan mo ba gusto?" tanong ni Gian.

Ang sweet naman ni Gian. If I know pakitang tao nya lang yan kasi andyan ang lolo nya. Tumayo pa siya at tumabi saken.

Kailangan ba talaga na magpanggap na sweet kami? Wala namang usapang ganun ah?

"Si Wifey na po ang bahala. Kung saan nya po gusto." Habang nakaupo kami. Medyo nakayakap pa siya saken. Naku, kung wala lang dito ang lolo niya nahampas ko na to!

Sobra naman kung makangiti si Lolo. "Nakakatuwa talaga kayong tingnan."

Tumingin ako kay Gian and he gave me a sumakay-ka-na-lang-look.

Pagtingin ko kay lolo, nakangiti na din ako. "Hahaha. Sige po lo, paguusapan na lang po namin ni Hubby yan."

O.O

He just kissed me on my cheeks. Teka, sumosobra na to ah! Pero syempre nakangiti pa din ako habang nagulat.

"O pano, matutulog na ako. Lumalalim na ang gabi" sabi ni lolo tapos hinatid na siya ni Gian sa kwarto nya.

Nauna na ako sa Master's Bedroom. Pagpasok ni Gian binato ko siya ng unan. Pero ang bilis, nakailag.

"O Wifey, bakit ka nambabato?"

"Wifey your face! Bakit ka nanghahalik?! Wala kang karapatang halikan ako!"

"If I know, gusto mo din naman."

>.<

Binato ko ulit siya ng unan.

"How many times will I tell you na hindi kita type?!"

Umupo siya sa kama kung saan andon ako.

"Pwede ba hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig tayo ni Lolo isipin pa nun nag-aaway tayo."

"Eh nag-aaway naman talaga tayo ah. Everyday!"

"Hindi tayo nag-aaway. Ako lang ang inaaway mo. At bayolente ka na ngayon kasi nambabato ka na."

Humiga na siya sa kama.

"Anong ginagawa mo?"

"Matutulog. Obvious ba?"

Ayun. Pinikit na nga nya ang mata nya. Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat. "Gian, hindi ka pwedeng matulog dito."

"At saan naman ako matutulog?" nakapikit pa din sya habang nagsasalita.

"Doon sa couch. Ayun o!" buti na lang may malaking couch dito sa kwarto.

"Eh di dun ka matulog kung gusto mo."

O.O

>.<

Hinampas ko siya. "Aray ano ba?" Nahuli nya ang kamay ko.

"Napaka ungentleman mo! Babae ako tapos dun mo ako papatulugin?!"

"Eh di matulog ka sa tabi ko." tapos pumikit na ulit sya.

Hawak nya pa din ang dalawa kong kamay habang nakaupo ako sa kama. Pinipilit kong kumawala pero ang higpit ng hawak nya.

"Gian!"

"Sshh. Wifey. Matulog ka na."

"Eh paano ako matutulog hawak mo ang kamay ko."

Hinila nya ako kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Tapos niyakap na lang nya ako.

O.O

Bakit nya ako niyayakap?? Hala! Sumosobra na tong lalaking to, kanina pa to tsumatsansing saken ah!

(+o+)

"Matulog ka na."

I can hear his heartbeat. Bakit ang bilis?? Kinakabahan ba siya? Saan?

O.O

May binabalak ba siya? NO!

(#>.<#)

Kumalas ako sa pagkakayakap nya at nagpunta sa kabilang dulo ng kama. Mabuti na lang malaki yung kama. Tapos naglagay pa ako ng unan sa gitna, at yung isang unan yakap-yakap ko. Nakatalikod pa nga ako sa kanya. Kala mo ha! Hahaha. ^___^

(-.-)ZzzzZZzz

Paggising ko nagtataka ako, bakit parang..

Parang matigas na ang niyayakap ko?

Parang..

Parang hindi na unan.

-.o

O.O

Napalayo ako!

I looked at Gian. Gising na siya and what the! Nakatitig sya saken.

"Bakit mo ko tinitingnan? Siguro kanina mo pa ako pinagmamasdan??"

Nasa dulo na ulit ako ng kama.

"Eh ikaw, bakit mo ko niyayakap? Siguro kanina mo pa ko niyayakap??" sagot niya.

Bakit ko ba siya niyayakap? Paano nangyari yun? Malayo naman ako sa kanya nung natulog ako ah.

"Hindi kita niyayakap!"

Unti-unti siyang lumalapit saken. Unti-unti din akong lumalayo at ng sobrang lapit na siya..

"Aaaaahhhh!" sigaw ko.

Mabuti na lang nasalo ako ni Gian. Muntik lang naman akong mahulog sa kama. Nakahawak pa din siya sa likod ko at bumulong.

"Liar."

Pagkatapos nun nakabalanse na ako at binitawan na niya ako. Nagdiretso na sya sa banyo.

(o.o")

Nakakahiya. Buong gabi ko ba siyang niyayakap?

(-.-")

Nagtaklob ako ng unan.

Ahhh! Shane, ano bang ginawa mo?!

Ng maramdaman kong lumabas na siya ng banyo, tinanggal ko na ang unan sa mukha ko at ako naman ang papasok sa banyo ng..

O.O

Nakatowel lang siya. Tama bang ibandera ang katawan niya?? Nagtaklob ulit ako ng unan. I just saw his abs. Kanina niyayakap ko lang yun, tapos ngayon nakita ko na. Ano ba tong mga nangyayari?

(-.-; )

Naramdaman kong hinihila ni Gian ang unan na nasa mukha ko.

"Ano ba?!" singhal ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo? Matutulog ka pa? Shane, tanghali na." sabi ni Gian, hinihila nya pa rin ang unan. "Bumangon ka na dyan."

"Eh wala naman akong pasok ah! Inaantok pa ako."

Hindi na naman talaga ako inaantok. Eh paano ako babangon, nakabilad pa yung katawan niya!

"Bumangon ka na dyan. Sigurado gising na si Lolo."

O.O

Oo nga pala. Si Lolo.

"Eeehhh magbihis ka muna."

Tapos narinig ko na lang tumawa siya ng malakas.

"HAHAHAHAHA!!"

>3<

Anong nakakatawa?

"Aha! Naiilang ka kasi nakahubad ako? Pwes sorry ka Wifey, dapat masanay ka na!"

"Hoy Gian! Magbihis ka na! Anong masanay? Hindi ko kailangang masanay no! Magbihis ka na, dahil hindi ako babangon dito hanggat hindi ka nagbibihis!"

"HAHAHAHA! Oo na magbibihis na ako! HAHAHAHA"

Pagkatapos ng ilang minuto.

"You can open your eyes Wifey."

-.o

Sinilip ko muna mula sa unan kung bihis na nga siya.

Bihis na nga at tumatawa pa din sya. Yung unan na nakataklob kanina sa mukha ko ay ibinato ko sa mukha niya at sabay takbo papunta sa banyo.

"Aray!" narinig ko pang sabi niya. Hahahaha!

(^^)

**

Pagbaba ko, nasa kitchen silang dalawa, nagkakape si lolo while Gian is cooking for our breakfast.

After magbreakfast, nagpaalam na din si Lolo. Aalis na daw siya. Talagang isang gabi nga lang siya dito.

Napansin ko, nakabihis si Gian, parang paalis.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"You're starting to sound like a real wife, Wifey," tapos ngumiti siya.

*^*

Waaaahh!! Talaga? Pakielamera na ba ako? Nakakahiya. 

(-.-")

Natahimik naman ako. Naupo na lang ako sa sofa at binuksan ang t.v.

"May jam kami kina P.J. Tutugtog kasi kami sa Foundation Day."

Nakatutok lang ang mata ko sa t.v. Di ko siya tinitingnan. Nakakainis, sasagutin din naman pala ang tanong ko kaylangan pang mang-asar.

=.=

"Ikaw? Dito ka lang ba sa bahay maghapon? May de lata naman dyan, in case magutom ka."

Hinawakan ko ang remote at nilipat lipat ang mga channels.

"Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. I'll just call you."

Salita pa din siya ng salita, ako, nood pa din ng nood, asar kasi.

Inagaw nya sa akin ang remote.

"Shane, nakikinig ka ba saken?"

Inagaw ko ulit sa kanya ang remote at nagsimula ulit ilipat ang channels.

"Oo. Narinig kita. Pakisara na lang ng gate pag labas mo. Tsaka yung mga gamit ko sa Master's Bedroom ililipat ko na ulit sa kwarto ko."

Matagal bago siya nagsalita.

"Itetext mo ako kapag aalis ka ng bahay ha", sabi nya tapos umalis na siya.

Now he sounds like a real husband.

:/

Hay. Nakakainip. Boring dito sa bahay mag-isa. Tawagan ko na lang si Ara.

*ring ring ring ring*....

Busy ata ang bruhang yun. Hindi sinasagot. Busy siya? Saan?

Si Faye kaya?

*ring ring ring ring*

"Hello."

"Faye, naiinip ako dito sa bahay, let's go out", yaya ko.

"Sure! San tayo magkikita?"

"Kotse mo gamitin natin. Sunduin mo na lang ako dito sa bahay."

"Ok. I'll be there in twenty minutes."

**

"Ibig mong sabihin buong gabi mo siyang niyayakap?"

Nasa mall na kami, pumipili ng high heels, take note not for me but for Faye.

"Ah, eh ewan ko. Basta yun nga paggising ko nakayakap na ako sa kanya. Nasanay kasi ako na kapag matutulog talagang palaging may yakap na unan."

"Ah miss, kukunin ko to, pati iyon at tsaka itong isang silver", sabi ni Faye sa saleslady. "Sukatin mo nga to" utos ni Faye saken.

"Baket? Eh hindi naman tayo magka-size ng paa."

"Basta, suotin mo to" at iniabot niya sa akin ang isang sandals na color black.

"Perfect!" sabi ni Faye. "Miss, pati ito, kukunin ko din."

"Aanhin mo naman yun? Di naman kasya sayo, sinong reregaluhan mo?"

"Para sayo yun. Bigay ko sayo" sabi nya habang binabayaran ang pinamili nya.

"Nagpapatawa ka ba? Kelan naman ako nagsuot ng ganyan bukod sa JS Prom natin nung highschool? Tapos noong kasal hindi naman ganyan kataas ang suot ko."

Lumabas na kami ng shop.

"Yun na nga eh. Dapat matuto ka ng magsuot ng ganyan, hindi yung palagi na lang sneakers ang suot mo. Its time to get out of the box. Tinawagan mo ba si Ara?"

"Yeah. But she's not answering my call."

"I'll try" at tinawagan na nga ni Faye.

"Where are you?.. Sayang naman, andito kami ni Shane sa mall... Ganun ba? Ok sige. Bye."

"Ano? Asan daw siya?"

"Kasama daw nya ang mommy nya. Let's go to the wash room first tapos kain na tayo."

"Ay, sayang naman. Sige, tara."

Saan kaya nagpunta sina Ara? 

Habang naghuhugas ako ng kamay, nilapitan ako ni Faye at bumulong.

"Shane, diba si Allyna yun?" tukoy niya sa babaeng maganda na pumasok sa loob.

Nagtuloy-tuloy ang babae sa isa sa mga cubicle.

"Sinong Allyna?" tanong ko. Kami lang tatlo ang nasa loob.

"Yung sikat na singer!"

Pagkasabi ni Faye non ay lumabas na ang babae sa cubicle at tumabi sa aming dalawa. Naghugas din ng kamay.

I looked at her. Kung iisipin mukhang nag-disguise talaga ang babae. Sumulyap ulit ako sa kanya. Nakatingin siya saken and then she smiled at me. Ngumiti din ako. Pagkatapos lumabas na siya.

"Ang ganda ganda nya" sabi ko kay Faye.

"Maganda talaga, at ang tangkad tangkad pa noh? Hay. Hirap lang sa mga artista kaylangan pa talaga nilang mag-disguise kapag pupunta sa public places para hindi dumugin ng tao. That's not normal. Mahirap mag-enjoy pag ganun. Siguro kaya ayaw ni Gian sumabak sa showbiz noh?"

Lumabas na kami ng wash room at naghanap ng makakainan.

"Ewan ko" sagot ko na lang.

"Hindi ka talaga nya fan noh? Ang dami mo pang hindi alam tungkol sa asawa mo. Oo, dati kinukuha yung banda nila ng isang recording company pero ayaw ni Gian, eh kaso hindi ko na naresearch kung bakit."

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na din kami. Inihatid nya ako sa bahay. Pagkadating ko, nadatnan ko na si Gian sa bahay.

Nakaabang siya sa pinto.

"Saan ka galing?"

"Sa mall. Kasama ko si Faye."

"Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo?"

Kinuha ko mula sa bag ko ang phone ko and ang dami ngang missed calls ni Gian.

"Sorry naman. Nakasilent pala eh. Eh bakit mo ba ako hinahanap?"

Hindi na sumagot si Gian, instead nagtuloy-tuloy na siya sa kwarto niya. May masama ba sa tanong ko?

**

As usual hindi na naman kami magkasabay pumasok ni Gian sa school.

"Dapat this week magmall ulit tayo tapos dapat kasama ka na Ara ha", sabi ni Faye.

Nakatambay kami sa gym kasi wala namang klase at nagpeprepare para sa Foundation Day.

"Oo, sasama na talaga ako. Ano ba Shane, hindi ka mapakali dyan?" puna ni Ara.

"Eh kasi sasabog na ang pantog ko, samahan nyo na lang ako sa C.R."

"Shane, malaki ka na. Kaya mo na yan mag-isa. Sige na."

Mukhang wala nga yatang balak ang dalawang to na samahan ako kaya nagpunta na nga lang ako magisa kasi di ko na talaga kaya.

Nang pabalik na ako, nakasalubong ko si Alex.

"Shane, kamusta ka na? Hindi na ako nakapunta sa kasal nyo ng pinsan ko. I was busy kasi eh, you know", tapos ngumiti siya ng nakakalokong ngiti.

Hindi ko siya pinansin at magtutuloy-tuloy na sa paglakad ng magsalita ulit siya.

"Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin? Hindi ba tayo pwedeng maging magkaibigan?"

I stopped and looked at him.

"Ok. Friends", sagot ko na lang para makaalis na ako. "I have to go."

Paalis na ako ng hinawakan nya ang braso ko. "Wait, san ka ba pupunta?"

"Sa gym, andon ang mga friends ko."

"Dun din ang punta ko. Tara, sabay na tayo."

I guess I have no choice and besides I can't see anything wrong kung sabay man kami kaya pumayag na ako.

"I heard magkasama na pala kayo ni Gian sa iisang bahay."

"Oo."

"Kung ganon bakit hindi pa din alam dito sa school ang tungkol doon?"

"Bakit? Kailangan ba nilang malaman?"

"Ayaw bang ipasabi ni Gian? Hahaha. May pagkaselfish pala siya."

Paano niya nasasabi ang ganung bagay tungkol sa pinsan niya?

Nagulat ako ng may humarang na babae sa harap naming dalawa habang naglalakad. Naka-shades siya at nakatali ang buhok, tapos ang init-init naka-long sleeves pa. But, she's pretty. 

"What are you doing here?" tanong ni Alex sa babae. Magkakilala sila? Sino ba siya?

"Samahan mo naman ako", sabi ng babae.

"No. May klase ako ngayon. Paano ka ba nakapasok dito? Hindi sila nagpapasok ng baliw dito. Look at yourself!"

"Nagtaka ka pa kung paano ako nakapasok dito? Gutom na ako. Tara na, samahan mo na ako" then she look at me. "Girlfriend mo?" tanong niya kay Alex.

"Girlfriend ko siya d--"

"Great! Let's go!"

Hinila na ng babae ang kamay ko at naglakad kami palabas.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mystery Girl eh? :) Don't forget to leave a vote and comment! Thanks.

Continue Reading

You'll Also Like

72.8K 1.8K 21
This is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
749K 2.8K 7
Accident Lang ang lahat!!! Pero Dahil sa pangyayaring yon ay nabago ang takbo ng buhay ni Eureka, na-buntis siya ng wala sa oras.. At ang masakit p...
571K 11.5K 75
Marrying the Guy I Hate is a about a girl named Katherine who has a boyfriend whose name is Charles. Unexpectedly, things got complicated. Unfortunat...