Alexa's POV
Nasa kwarto kaming apat at nag-aayos ng mga gamit namin.
Sasabihin ko na talaga sa kanila yung tungkol sa dare.
Huminga muna ako ng malalim.
Okay.
Paglingon ko, nagulat ako sa tatlo.
Eh? O__o
Naka-swimsuit na yung tatlo at halatang handang handa nang mag-swimming.
"Magswi-swimming na kayo?" - tanong ko.
"Ay hindi Alexa...matutulog na kami e kaya kami naka-swimsuit.!" - Bunny
(-___- )
Okay!
"Malamang magswi-swimming na kami bezy.." - sabi ni Rhea sabay tawa.
"Oo nga kaya nga tayo nandito sa resort diba? Kaya magbihis ka na rin. Bilis!" - sabi naman ni Rosel.
Hindi naman sila excited no?!!
Amp!
"Teka, gusto ko sana kayong kausaping tatlo. May importante lang akong sasabihin." - sabi ko sa kanila.
"Mamaya na yan Alexa, tara na muna sa labas." - Bunny.
"Oo nga bezy, tara swimming muna tayo." - Rhea.
"Dapat sulitin natin ito no, tatlong araw lang kaya tayo dito sa resort." - Rosel
Hello?! Matagal na kaya yun. Ang dami rin kayang pwedeng mangyari sa loob ng tatlong araw.
E ano nga ba ang pwedeng mangyari sa tatlong araw? Hmmm.. Bahala na, basta sisiguraduhin ko na ma-eenjoy ko yung stay namin dito.
Dahil pansin ko rin na hindi ko na na talaga sila mapipigilan, napag-desisyunan ko na mamaya ko na lang sasabihin sa kanila yung sa dare. Hayaan ko na nga muna na mag-enjoy yung tatlo na ito. Hayy!
"O sige na, mag-swimming na muna kayo." - sagot ko lang.
"E ikaw?" - Rosel.
"Mamaya na lang siguro." - sagot ko ulit.
"O sige. Sumunod ka na lang ha." - Bunny.
Tapos, nagsuot na silang tatlo ng manipis na shirt para pang-tago sa suot nilang swimsuit. Maya-maya pa lumabas na rin sila ng kwarto.
Yung tatlo talaga na yun, lagi na lang akong iniiwan!
Amp.
Pero kahit anong mangyari, dapat sabihin ko na sa kanila yung desisyon ko. Hindi ko na pwedeng pagtagalin pa ito.
Mas masasaktan ko lang si Erik.
At ayaw ko namang dumating pa sa ganun.
Pagkatapos kong maayos lahat ng mga gamit ko, nagbihis lang ako ng T-shirt at lumabas na rin ng kwarto. Bumaba ako sa may sala. Napaka-tahimik naman. Mukhang wala na ring tao. Siguro lumabas na rin sila. Pumunta ako sa may kusina para kumuha ng tubig. Tapos nakita ko si Erik na nakaupo sa may dining table, nandito pa pala siya, akala ko lumabas na rin siya.
Parang nagulat ata siya nung nakita niya ako.
Hmmm?
Lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Asan sila Felix?" - Ako
"Ah, lumabas na. E sila Rhea?" - Erik.
"Lumabas na rin, magswi-swimming na daw sila." - sagot ko.
"Ahh.." - sagot lang niya.
Tapos, katahimikan na ang sumunod. Amp. Bakit parang ang awkward ng environment namin. Hindi ako sanay na tahimik siya. Tumalikod na lang ako at kumuha ng tubig para uminom. Grabe yung uhaw ko, ang hot kasi ni Erik, este! ang hot kasi dito sa resort e.
Paglingon ko, nagulat ako. Nasa harapan ko na si Erik. Face to face na kami. Ayan na naman yung mga tingin niya e.
>____<
Napalunok ako.
"Ah, Alexa..." - Erik.
"Ba- bakit??" - Ako.
Amp. Tama ba yung narinig ko?! Nag-stammer lang naman ako?!
WTHeck!
Psh! Dahil ba yun nasa harap ko si Erik ngayon?!
"Ano, ano kasi e.." - Erik.
E teka? Kahit naman siya nag-stammer din ah?!
Dahil ba nasa harapan niya ako ngayon?! Amp. Asa naman ako. Malamang nahihiya lang siya sa akin o kung ano man.
"Ano yun?" - Ako.
"Ah, wala.. magso-sorry lang ako dahil sa inasal ko kanina nung nakita ko si Ian. Nabigla lang kasi ako. Sorry." - Erik.
"Sus! Ano ka ba? Wala yun." - Ako
Wew! Akala ko naman kung ano na. Hahaha.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Ah, sige lalabas muna ako para magpahangin." - Ako.
Tumango lang siya.
Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Erik.
"Alexa.."
Lumingon ako sa kanya..
"Alexa.. ma-......
ma-......
mag-iingat ka."
Tumango lang at at ngumiti, tapos lumabas na rin ako para libutin ang resort.
........
Erik's POV
Bumaba na ako ng kwarto. nagpaalam sa akin yung tatlo, (Felix, Pat at Serg) na lalabas daw muna sila. Pumunta ako sa may kitchen at naupo sa may dining table. Maya-maya pa, nakita ko si Alexa na papunta rin doon. Kinabahan ako bigla, naisip ko kasi yung sinabi sa akin ni Felix kanina na kailangan ko ng sabihin kay Alexa yung nararamdaman ko.
Lumapit siya sa akin.
"Asan sila Felix?" - tanong niya.
"Ah, lumabas na. E sila Rhea?" - sagot ko naman.
"Lumabas na rin, magswi-swimming na daw sila." - sagot ni Alexa.
"Ahh.." - sabi ko lang.
Tapos, wala nang nagsalita pa sa aming dalawa. Nakita ko siyang pumunta sa may likuran ko para kumuha ng tubig.
Tumayo ako at sakto paglingon niya nasa harap na niya ako. Nagulat ko ata siya.
Bumilis yung tibok ng puso ko. Feeling ko hindi ako makahinga. Ano ba to?! Amp.
"Ah, Alexa..." - Ako
"Ba- bakit??" - Alexa.
"Ano, ano kasi e.." - Ako
Ano ba yan? Bakit ba nabubulol ako?! Argh!!
"Ano yun?" - Alexa
"Ah, wala.. magso-sorry lang ako dahil sa inasal ko kanina nung nakita ko si Ian. Nabigla lang kasi ako. Sorry." - Sabi ko sa kanya.
"Sus! Ano ka ba? Wala yun." - Alexa.
Napangiti ako ng sabihin niya yun. Ibig sabihin hindi naman siya galit sa akin. Nagpaalam siya na lalabas muna daw siya para magpahangin. Tumango lang ako.
Pero bago siya umalis, tinawag ko ulit siya.
"Alexa.."
Lumingon naman siya sa akin.
Eto na yun. Kailangang sabiin ko na sa kanya yung feelings ko.
Kailangang masabi ko na sa kanya na mahal ko siya.
"Alexa.. ma-......
ma-......
mag-iingat ka."
Tumango siya at ngumiti tapos lumabas na rin siya ng cottage.
Amp!
Anong sabi ko?!
Ano bang problema ko?!
Just say it Erik!
Mahal kita lang hindi ko pa masabi!
Hindi naman ako ganito ah!
Pero sa kanya nata-tameme ako.
(-___- )
Hindi pwede yung ganito, baka maunahan pa ako nung Ian na yun. Dapat makahanap ako ng paraan para masabi ko na sa kanya yung feelings ko. Tama!
Oo na Alexa.
Mahal na kita.
...........
Alexa's POV
Ano bang problema ni Erik. He's acting really weird. Feeling ko may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang masabi.
Hayy.
Naglalakad-lakad ako ngayon sa may resort. Ang daming mga tao. Yung iba mga turista. Sikat nga yung resort na ito. Maganda naman kasi talaga.
Nakita ko sa di kalayuan yung tatlo, sila Rhea, Bunny at Rosel. nagswi-swimming na sila tuald ng sabi nila sa akin.
Nakita ko rin sila Felix, Pat at Serg na may kausap na mga babae. Natural palyboy si Erik kaya siguradong playboy din yung mga kabarkada niya. Pero sa totoo lang, mula nung nagsimula yung dare namin, never ko pang nakita si Erik na may kausap o kasamang babae.
Hindi ko nga lang kaya siya nahuhuli o baka naman nagbago na talaga siya??
Ewan. Naguguluhan na rin ako e.
Sa paglalakad ko, nakita ko na may maliit na bar din pala yung resort na to. Meron din silang cafeteria at isang malaking restaurant. Grabe, napapahanga tuloy talaga ako. Pero ano nga kayang ginagawa dito ni Ian at siya yung manager dito? Imposible naman na summer job niya yun kasi nga diba nagbabakasyon lang siya dito sa Pilipinas.
Hmmm..??
Narinig kong tumunog yung tiyan ko. Nagugutom na rin ako. Hindi pa rin kasi ako kumakain mula nang makarating kami dito. Pumasok ako sa cafeteria at umorder ng chocolate mousse na cake at isang shake.
Umandar na naman yung katakawan ko. Hahaha. (^___^)
Dumating na yung order ko at nagsimula na akong kumain.
Yummm!!.. xD
Ang sarap talagang kumain. Favorite ko pa naman yung chocolate. Hihihi.
Maya-maya pa, may narinig akong isang boses ng lalaki.
"Do you mind if i sit here?"
Tinignan ko yung nagsalita.
Nakangiti ito at nakatingin sa akin.
Ngumiti rin ako at tumango na para sabihin na pwede siyang umupo sa tapat ko.
Ngumiti siya at umupo.
Nakatingin lang siya sa akin.
Hindi siya nagsasalita.
Grabe naman makatingin ito, nakakatunaw!
Pero infairness.. hindi ko maitatanggi na cute talaga siya o should i say na gwapo talaga siya.
Napansin kong nakatingin na sa amin yung mga tao sa loob ng cafeteria, lalo na sa kanya, kilala kasi nila ito.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako.
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatitig?" - Ako
Nakita ko siyang tumawa.
Sa wakas nagsalita na rin siya.
"Wala, na-miss lang talaga kita." - sabi niya.
Hindi pa rin siya nagbabago. Sweet pa rin siya talaga.
"Na-miss din kita IAN." - Ako
Tama! Si Ian nga yung nasa harapan ko ngayon. Nakatingin sa amin yung mga tao dahil alam nila na si Ian yung manager dito. Sa totoo lang naguguluhan pa rin ako sa mga nagyayari.
"Teka teka, mukhang marami kang dapat ipaliwanag sa akin ha?" - sabi ko sa kanya.
"Ipaliwanag? Tungkol saan naman?" - tanong ni Ian
"Kung bakit ka nandito. Ano ba talaga ginagawa mo dito sa resort??" - tanong ko.
Ngumti lang ulit siya.
Psh! Pasalamat siya cute siya pero naku! hindi niya pa rin ako madadala sa killer smile niya na nakakatunaw talaga. Amp. Haha.
"O sige na nga, sisimulan ko na." - Ian.
Ngumiti ako.
Sa wakas! Maliliwanagan na rin ako sa lahat.
Tapos narinig ko ulit na nagsalita si Ian.
"Pero bago ang lahat Alexa, may gusto sana akong ipagtapat sa'yo.." - sabi ni Ian sa akin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, bumilis yung tibok ng puso ko.
Napansin ko rin kasi na medyo naging seryoso yung mukha niya.
Napainom tuloy ako sa shake na nasa harapan ko.
Wew!
Seryoso pa rin yung mukha ni Ian.
Ano ba kasi yun? Ano yung ipagtatapat niya sa akin?
..........
to be continued...
________________
A/N:
Hala! Ano yung ipagtatapat ni Ian??!! Mauunahan na nga ba niya si Erik? Hmmm..
Abangan niyo pa po yung mga susunod na mangyayari.
Siguro mga last 10 chapters na lang at mako-complete ko na to xD
Keep on supporting. ^^,
VOTE or COMMENT xD
Be a FAN xD
Salamat po :)
misskomplikado ^___________^v