Mr. Casanova is a daddy [LuYo...

By Lazygirl9

633K 12.6K 532

Nash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na la... More

NOTE NOTE NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Special chapter [Micah and Kevin]
Chapter 3
Special chapter [Kenchan and Yulie]
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.5
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30.5-31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
PLUG

Chapter 34

7.7K 185 5
By Lazygirl9

Kimeeko's POV

Nakarating na rin kami ng Japan. Pagdating namin sa bahay, syempre, dumiretso ako sa kwarto ko. Si Meeson na kay mama. Wala pa si papa sa bahay, mabuti yon. Sana overtime siya sa work niya, sana straight 2 months siya dun sa company hanggang sa makalimutan nyang pagalitan ako. Sana madami siyang work.

Hindi naman sa gusto kong pagurin ang papa ko, gusto ko lang makalimutan niyang pagalitan ako. Yung ganun ba.

Kasalukuyang nagluluksa ako dito sa kwarto ko. Chos! Nagluluksa talaga? Sige, nagriritwal na lang. Nagdadasal ako. *sigh* Paglipas ng isang oras, syempre mas lalo na akong kinabahan. Syetness!

*Knock knock*

"Anak?" narinig ko ang boses ni mama.

Kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto-- "Bakit ma-- PAPA?!" halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. 

Seryosong pumasok sa kwarto ko si papa. Hindi pa siya nagpapalit ng damit, halatang galing siya sa company, nakasuit pa kasi siya eh.

"Ah papa, magpalit muna kayo ng damit, pagod po yata kayo eh. Gusto niyo ba ng kape?"

"Kimeeko ano ang sinabi ko sayo, diba ang sabi ko wag ka nang bumalik dun? Pasaway ka kasi masyado eh. Kaya ayan, nasasaktan kana. Kung hindi pa sinabi ni Kathy sakin yung nangyayari sainyo, hindi pa namin malalaman ng mama mo." mahinahong sabi ni papa. Tinapik ni papa yung kama ko which means umupo ako sa tabi niya. Inakbayan niya ako. "Haynako! Pag-ibig ano bang ginawa mo sa anak ko?"

Natawa naman ako sa sinabi ni papa. "Papa naman eh."

"Kimeeko pinauwi kita rito, hindi para pagalitan. Kundi para ilayo ka sa sakit at makalimutan mo na siya. Kaya sana habang andito ka, kinakalimutan mo na siya." sabi ni papa. Tumayo siya. "Magpapahinga na ako. Ikaw rin." tapos umalis na.

Sa paglabas ni papa sa kwarto ko, syet! NAKAHINGA AKO NG MAAYOS. Mbuti na lang talaga hindi ako pinagalitan ni papa. Akala ko kasi mapapagalitan nanaman ako kagaya nung sinabi kong may Meeson sa tiyan ko eh.

"Maraming salamat po. Salamat! Thank you thank you." sabi ko habang nakaharap sa altar

"WALANG ANUMAN." 

O_O

Paglingon ko.

"Boo!"

"Ay huta! Kathy, bakit ka ba andito? Pano ka nakapasok?"

"Bwahahaha, pasalamat ka hindi ka pinagalitan ni tito. Tsk tsk tsk. Sa akin ka magpasalamat, ako ang nakiusap sa papa mo." sabi niya sakin sabay higa sa kama ko

"Tse! Umalis ka nga dyan." pero hindi pa siya bumabangon. "Umalis ka sabi eh."

"Magpasalamat ka muna" sabi niya sabay pikit. Aba matinde!

"Hoy babae gusto mong magpasalamat ako sayo? Eh ikaw ang dahilan kung bakit ako pinabalik dito eh. Tsk." sabay hila sakanya para umalis na siya sa kama ko

"G-R-R-R-R-R-R-R-R. Kimeeko Kimeeko Kimeeko, grow old. Sinabi ko lang yun sa parents mo kasi kelangan nilang malaman yun, anak ka nila, magulang mo sila. Dapat sinasabi mo ang nangyayari sayo. Sige aalis na ako, pero di ako titigil sa pakikialam sayo." sabay alis niya

Napahiga na ako sa kama ko. *SIGH* Stressed ako. Kelangan ko nang magpahinga-- Teka, may naalala ako. Napabangon naman ako saka binuksan ang bag ko. Nakita ko yung paper kung saan sinulat ni Earth ang letter niya sakin.

Kimeeko,

CRUSH KITA. Joke, naniwala ka naman. Hahahaha.

HAYNAKO! Kahit kelan talaga, ewan talaga tong si Earth eh. Baliw! =_=

Maganda writing ko diba? Um-oo ka, kung hinde, edi pangit ang writing ko. Hahahahaha.

Grr. Nakakawalang ganang basahin tong letter ah. Bukod sa walang kwenta siya at baliw ang sumulat, nakakairita din siya. Akala ko naman importante tlaga to, sheez. Kalokohan lang pala.

Sigurado ako, nagtataka ka kung bakit andyan ako kapag kelangan mo ng kausap o kelangan mo ng taong magco-comfort sayo, isa lang naman ang ibig sabihin nun, gusto kita. Hindi simpleng gusto lang, yung tipong sinusundan kita. Ep ep! Etong tatandaan mo, hindi ako STALKER mo kasi nga GWAPO ako. ADMIRER! Yan, yan ang tawag sakin.

Hinahanap ko yung word na "JOKE", "biro lang", "naniwala ka naman", or something. Pero wala. So seryoso siya? Naguguluhan ako, pramis!

 Kahit hindi mo aminin o sabihin, alam kong nasasaktan ka lalo na ngayon at si Kendra parin pala ang mahal niya. Wag kang mag-alala, marami namang nagmamahal sayo eh, andyan yung mga kaibigan mo, magulang mo, pamilya mo, anak mo, at ang ADMIRER mong napakagwapo.

Kaya ako nagsulat ng letter sayo kasi gusto ko. Pake mo? Hahahaha.

Ayan nanaman po tayo! Kanina seryoso na eh. Ngayon, biglang-- haynako!

Hindi ko na alam ang isusulat ko. Siguro naman nasagot ko na ang tanong na lagi mong tinatanong sa sarili mo diba? Yun lang. :)

Jeez. Eto lang pala eh. Bakit di niya na lang sabihin sakin ng personal? Pft. Ang corny talaga nitong Earth na to eh.

Makatulog na nga! Grr. Nasayang tulog ang 3 minutes and 2 seconds ko nang dahil lang sa letter na yon. Pero na-appreciate ko naman kahit papano. Haha.

Yulie's POV

"HAAAY!" Micah

"HAAAAAY!" Kevin

"HAAAAAAAY!" Kenchan

"Isa pang buntong hininga, sisipain ko na kayo. Please lang, umayos naman kayo! Wala na nga si Kim dito, gumaganon pa kayo, edi mas mararamdaman natin ang absence niya dito sa Pinas diba? Isipin niyo na lang na nasa bahay lang siya this day." sabi ko

"Haaaay! Nalulungkot talaga ako sa totoo lang Yulie, kasi nangyari na to eh. Ngayon naulit nanaman." Micah

"Kahit ako naman Micah nalulungkot ako eh. Kasi kahit papano, naging magkaibigan din naman kami. Tsaka si Kimeeko ang unang nagsabi sakin na maganda ako so be confident. And sakanya lang ako naniwala."

"Oy sinabihan din kita" Micah

"Oo pero napilitan ka lang nun diba? Kasi gusto mo ikaw ang sabihan ng maganda. Hahaha, pero anyways, bakit ba ang lalim ng iniisip mo Kenchan?"

"May naisip kasi ako eh." Kenchan

"Oh ano nanaman yan? Tungkol nanaman ba yan sa mga babaeng nakikita mo sa magazine o websites or what?" ako

"Yulie naman eh. Naisip ko lang yung sinabi ni Nash samin dati ni Kevin eh. Yung tumigil na siya sa pagiging playboy" sabi ni Kenchan

"Wow, tumigil? Pft. So ano ngayon?" ako

"Alam mo yun din ang iniisip ko eh. Nung umalis si Kimeeko, ang sabi niya nagsisisi na siya sa ginawa niya kay Meeko at narealize niyang mahal niya si Kim? Kaya nga nung bumalik si Kim naging okay na siya, pero nung bumalik naman si Kendra, parang nag-iba." Kevin

"Oo nga noh. Bagay sakanya yung kantang, sana dalawa ang puso ko." Kenchan

"Tingin ko, naguguluhan lang si Nash sa nararamdaman niya eh. Syempre sino ba namang di maguguluhan diba? Eh ex mo yun na minahal mo at nanay yun ng anak mo na minahal mo rin." Kevin

"Wow, daming alam ah. Pano kung bumalik si Yssa na may cancer, babalikan mo siya?" Micah

"Dipende." Kevin

"Ah buset ka talaga." Micah

"Joke lang Micah, ano ka ba! Syempre hinde. Bakit ko pa siya babalikan eh meron na nga ako diba?" Kevin

"Oh si Nash nga binalikan kahit meron na siya." Micah

"Ep ep ep! Stop this. Baka kung san pa mapunta yang usapan niyo. Mamaya nag away na kayo niyan." ako

Nash POV

 AFTER 5 DAYS...

Nasa tambayan kami ngayon. Tahimik lang kami, wala pa kasi ang mga girlfriend netong dalawa eh. Nagtetext kami ni Kendra, si Kenchan nagbabasa ng magazine (hindi ako sigurado kung nagbabasa ba siya), si Kevin naman nag-gigtara.

"KEVIN! KEVIN!" nagulat naman kami nung pumasok sila Micah at Yulie. Si Micah nagsisisigaw. Ewan ko kung bakit excited na excited siya. Si Yulie naman, may dalang laptop.

"Oh ano ba Micah, makasigaw ka naman dyan." sabi ni Kevin tapos nilapag ang gitara sa lamesa.

"Tingnan mo, tingnan mo, natanggap ko na ang bag, bigay ni Kim sakin. Galing to sa Japan. Tapos sabi niya maganda raw talaga ang cherry blossoms dun." excited na sabi ni Micah.

BAG galing JAPAN?

CHERRY BLOSSOMS?

"Wow ang ganda ng dress. Pero bakit naman ganyan ka-ikli Micah? Tsk. Ang itim itim ng tuhod mo eh." sabi ni kevin

"Heh tumigil ka nga. Sapakin kita dyan, hindi kaya maitim ang tuhod ko." sabi naman ni Micah

"Oy mamaya na yang arguements niyo. Magsskype kami ni Kim, sali kayo." sabi ni Yulie tapos agad naman niyang in-open ang laptop.

Nakapalibot sila kay Yulie. Ako naman pasimple lang akong nakikinood.

"Hi Kim! Kamusta ka dyan?" sigaw ni Yulie

"Uy meet niyo ang bagong friend ko." tapos may lumapit kay Kim at nagwave ng kamay niya.

"Waaaah. Annyeong!" Micah

"Huy anong annyeong ka dyan. Japanese yan, hindi Korean. Shunga!" Yulie

"Ay oo nga pala. Konichiwa sensei." Micah

"Konichiwa utsukushi." bati naman nung lalake kay Micah

Utsukushi? Ano naman ang ibig sabihin nun?

"Ano daw Kim?" Micah

"Hi beautiful ang sinabi niya" Kim

Kinilig naman si Micah saka nagtititili dun. Napa-poker face na lang si Kevin sa reaksyon ni Micah.

"Kim kamusta kana dyan? San kayo nagkakilala ng friend mo?" tanong ni Yulie

"Okay lang ako. Hmm, manager ko siya eh." sabi ni Kim

"Manager? Pano ka nagkamanager? Bakit?" Kenchan

"Ah kasi nung isang araw nag-audition ako sa isang company dito eh, natanggap naman ako." Kim

"Nag audition? Anong klaseng audition yan?" Kevin

"Artista." Kim

"Waaaaah! Ang galing naman." Micah

"Kanojo wa hontoni yoi joyudearu" sabi nung lalaking kasama ni Kim

"Ano raw Kim? Nosebleed naman ako dun." sabi ni Yulie

"Sabi niya magaling raw akong mag-act." natatawang sabi ni Kimeeko.

Kinilig nman siya sa sinabi nung lalaking yun? Tss. Baka binobola lang siya nun. Nagpatuloy ang kwento nila hanggang sa magsi-uwian na kami. Masayang masaya naman yung apat kasi daw may ipapadala daw si Kim sakanila.

Ako? Hindi kami nag usap ni Meeko, ni hindi ko nga alam na andun pala siya as Japan eh. Ngayon ko lang nalaman.

Continue Reading

You'll Also Like

418K 8.2K 42
Pano kung naikasal ka sa taong badboy? At hindi ka mahal? Hahayaan mo na lang ba na paulit-ulit kang masaktan? Pano kung ang taong inakala mong wala...
266K 4.9K 22
#29 in teenfiction (Book 1:I'm Secretly Married To The Casanova King) "HAPPY ENDING"? Sinasabi lang yan ng mga taong nagsusulat ng mga love story da...
869K 10.7K 49
Credits: @KaiKaura hi ate! Thank you sa cover.
2.2M 56.8K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...