Mr. Casanova is a daddy [LuYo...

Von Lazygirl9

633K 12.6K 532

Nash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na la... Mehr

NOTE NOTE NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Special chapter [Micah and Kevin]
Chapter 3
Special chapter [Kenchan and Yulie]
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.5
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30.5-31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
PLUG

Chapter 32

7.5K 184 11
Von Lazygirl9

Kimeeko's POV

Kinabukasan. Nasa tapat ako ng pintuan ng condo ni Nash. Nagdadalawang isip ako, kung pipindutin ko ba ang doorbell o uuwi na lang ako. Gusto ko kasing malaman ang kondisyon ni Kendra eh. Kagabi kasi hindi kami tumagal sa ospital.

*ding dong*

In the end, pinindot ko pa din ang doorbell.

Bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang haggard na mukha ni Nash. Wala siyang sinabi sakin ni isang salita, iniwan niya lang nakabukas ang pinto. Kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko, sinarado ko na ang pinto. Si Nash nakahiga sa sofa. 

"Ah Nash, kamusta na si Kendra?" tanong ko sakanya

Bago siya sumagot. Tiningnan niya muna ako. "Wag ka ngang umasta na parang nag aalala ka talaga sa kondisyon niya. Alam mong may sakit siya, nagawa mo pa rin sakanya yun." sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"Nash hindi ko talaga sinasadya yung pagtulak ko sakanya. Siya naman talaga ang nauna saming dalawa--"

"Yan, yan ang sinabi sakin ni Kendra, na sasabihin mo daw sakin na siya ang nauna. Kimeeko kung anu ano na nga ang sinabi mo sakanya nagawa mo pa siyang itulak." sabi niya

Oh teka? Bakit iba ang kwento ni Nash? Nagsinongaling si Kendra sakanya. Shet Kendra, ano bang nagawa ko sayo at ginaganito mo ako?

"Teka Nash hindi mo alam ang totoo."

"Kimeeko sinabi na sakin ni Kendra ang totoo. Wag ka nang mag maang-mangan pa."

"Nash sasabihin ko sayo ang--"

"Kimeeko mahal ko si Kendra at naniniwala ako sa sinabi niya. Kaya pwde ba, umalis kana nga dito!" sigaw niya sakin

Ilang beses nagpaulit ulit ang sinabi ni Nash sakin. Parang ayokong magsink in sa utak ko ang sinabi ni Nash sakin.

"Umalis kana." ulit niya.

Sana, Sana yan lang ang sinabi niya sakin. Sana yan na lang talaga. Bakit kelangan niya pang sabihin sakin yun? Ang sakit lang. Eto yung sinasabi ko eh, tinatrato niya ako na parang ako ang mahal niya, pero in the end si Kendra pa rin pala ang mahal niya.

Umalis na rin ako sa condo niya.

Pinipilit kong hindi umiyak. Pero patuloy na tumutulo ang luha ko. Nakayuko akong lumalabas ng condo.

Sa kakaiyak ko, napaluhod na lang ako sa daanan. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod na lang ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak? Alam ko naman na na si Kendra talaga ang mahal niya eh. Alam ko na, pero nung narinig ko yun galing sakanya, sobrang sakit pa rin.

"Kyaaaah!" napasigaw ako nung naramdaman kong may bumuhat sakin.

"Ah nasugatan lang po ang girlfriend ko." sabi ni-- E--eh? Earth?

"Ah akala naman namin nababaliw na yang syota mo kuya." sabi nung isa.

Inangat ko ang ulo ko. Nakita kong nakatingin sakin ang lahat, lahat ng dumadaan.

Dinala ako ni Earth sa park. Pagdating namin sa may bench, inupo niya ako dun.

"Tch. Bakit mo ba ako binuhat?" tanong ko sakanya

"Tss, syempre kasi nagmumukha ka nang tanga dun. At syempre kasi may pake ako sayo." sabi niya pa

"May pake? Tss, kelan pa? Sana iniwan mo na lang ako dun. Sana iniwan mo na lang akong magmukhang tanga dun. Tanga naman talaga ako eh"

"Oo tanga ka nga. Tanga ka talaga kasi akala mo minahal ka na talaga ni Nash."

"O--oy pano mo nalaman ha? Are you my stalker?"

"Tss, wag kang umenglish dyan. Hindi ako stalker mo, admirer. Admirer ang tawag sa mga gwapo, hindi stalker." sabi niya

"Sheez. Ang yabang mo rin noh! Grr." sabi ko

Nagkwentuhan lang kami ni Earth dun. Kahit di niya sinabing kino-comfort niya ako, nararamdaman ko yung comfort niya sakin. Pinagtataka ko lang, bakit ang dami niyang alam tungkol sakin? Bakit lagi siyang andyan kung kelan kelangan ko ng makakasama? Sino ka ba talaga Earth? Hanggang ngayon di pa rin ako sigurado sa pagkatao mo.

Masyado siyang madaming alam tungkol sakin.

Pag-uwi ko sa bahay, tinext ako ni mama. Ang sabi niya magskype daw kami. Kaya naman agad kong in-on ang computer at nagskype.

"Hi mama." nakangiting bati ko sakanya, kunware okay ako. kasi kung nalaman niya yung nangyayari samin, panigurado, pauuwiin niya ako Japan.

"Oh anak kamusta ka? Si Meeson, asan na?" tanong ni mama

"Ah okay lang po kami ni Meeson mama."

"Kimeeko alam kong hindi ka okay. Anak kita, mama mo ako, bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Sinabi ang ano mama?"

"Kimeeko naman eh, andami kong nalaman tungkol sa nangyayari sayo dyan. Kinausap ko na ang teacher mo, sabi ko mauunang kang kukuha ng exam kasi uuwi kana dito sa Japan. Pinapauwi kana ng papa mo."

"PO?! AYOKO PONG UMUWI MAMA. PAGAGALITAN LANG AKO NI PAPA. DITO NA LANG PO AKO."

"Diba sinabihan ka na ng papa mo noon na wag ka nang bumalik ng Pinas? Pero nagpumilit ka. Kaya ngayon babalik ka na. Tsaka gusto ko nang makita si Meeson eh." sabi ni mama

"AHHHH! Mama ayoko po talagang umuwi. Natatakot ako kay papa, mama." sabi ko sakanya

"Na kay Kathy yung passport mo, umayos ka Kimeeko ha. Sinasabi ko sayo, seryosohin mo to. Uuwi ka dito."

"Pero mama-- gagraduate pa ako."

"Hindi kana pupunta sa graduation. Kaya nga mauuna kanang kukuha ng exam diba?"

"Mama--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kay mama. Dahil agad siyang nag offline.

Uuwi ako sa Japan. :( Natatakot ako. Natatakot ako kay papa. Ayoko nang pagalitan niya ako tulad nung dati na umuwi ako dun na may lamang Meeson ang tiyan ko.

Kenchan's POV

Nasa ospital kami ngayon nila Kevin, Yulie at Micah. Pagpasok namin sa room ni Kendra, nakita namin silang dalawa ni Nash, sinusubuan siya ni Nash.

"Oh andito pala kayo. Thanks for visiting." sabi ni Kendra.

May bandage siya sa ulo niya tsaka sa paa niya. Nakangiting malapad siya, akala mo walang nangyari sakanya.

"Ah Yulie, Micah dito muna kayo. Kayo na munang magbabantay kay Kendra. Kakausapin lang namin si Nash." sabi ko

Tapos lumabas na kami ng kwarto.

"Nash dumaan kami sa bahay ni Kim kanina, anong nangyari?" tanong ko

"Tss" yan lang ang sagot niya sa tanong ko

"Nash ano bang nangyayari sayo? Bakit mo naman sinabi kay Kim yun? Alam mong masasaktan siya." sabi ni Kevin

"Ano bang problema niyo ha? Totoo naman eh, mahal ko si Kendra, at kelangan niyang malaman yun dahil kung hindi patuloy siyang aasa na magkakagusto pa ako sakanya." sabi ni Nash

"Ang yabang mo rin. Pagkatapos mong ipakita kay Kim na mahal mo siya, pagkatapos mong sabihin sakanya na mahal mo siya, pagkatapos mo siyang bigyan ng engagement ring. Pero sa huli, anong ginawa mo?"

"Pumunta ba kayo dito para pangaralan ako? Umuwi na nga kayo."

"Nash ano bang nangyayari sayo ha? Hanapin mo nga yang sarili mo." tapos iniwan na namin si nash dun.

Pagpasok namin sa loob ng kwarto tinawag na lang namin sila Yulie tapos umalis na rin kami agad.

Kimeeko's POV

Gabi na. Andito ang mga barkada ko sa bahay ko, kasama si Earth. Ewan ko ba kung bakit sila andito, basta ang sabi nila magsasaya daw kami. Kaya ayun, nagsaya sila. Sila lang. Pano naman ako makakapagsaya kung naiisip ko yung mga nangyari kanina? Yung sinabi ni Nash sakin kanina sa condo, idagdag mo pa yung sinabi ng mama ko kanina sa skype. Patayin niyo na lang ako!

"Kim kung umuwi ka ng Japan ngayon, pwde ka pa rin bang bumalik dito ulit?" Yulie

"Ah ewan. Dipende sa daddy ko. Siya naman ang nagdedesisyon lagi eh." sabi ko pa

"Awww. Kim naman eh. Last year iniwan mo ako, ngayon iiwan mo ulit ako." Micah

"Okay lang yan, hindi naman kita iiwan Micah." Kevin

Tinapunan naman ni Micah si Kevin ng chips. "Heh tumahimik ka nga, di ka nakakakilig. Nagdadrama pa ako dito eh." sabi ni Micah

"Kim meron akong kakilala. May gusto daw siya sayo." sabi naman ni Kenchan tapos nakangiting nakakaloko

"Hmm? Talaga? Sino naman yun?"

"Basta, wag mo nang alamin. Mahiyain kasi yun diba Earth?"

"H-huh? Ah-- oo"

"Kilala mo rin Earth? Ah okay. Sabihin mo sakanya wag na siyang magkagusto sakin kasi may anak na ako" sabay tawa ko pa.

"Tss, wala daw siyang pakealam. Mahal ka niya raw talaga. Kaya kahit ano ka pa, tanggap niya raw."

"Wow, ang galing naman. Gusto ko siyang makilala."

"Ah tanong niya pa, kung liligawan ka raw niya, okay lang ba?" Kenchan

"Ah siguro, kung nakamove on na ako. Ayoko namang magpaligaw lalo na kapag nasasaktan ako, kasi ayoko siyang gawin rebound." sabi ko pa

"Oh diba! Kaya idol na idol ko si Kim eh, lab talaga kita bespren." sabi ni Micah

"Aw, Earth better luck next time." Kevin

"Bakit kay Earth mo sinasabi yan?" Micah

"H--huh? E--eh kasi kaclose ko yung may gusto sayo eh. Actually pinsan ko siya." sabi ni Earth

- - - - -

Lazy's note: Sabaw siya ngayon kasi masakit ang ulo ko and yet nag update pa rin ako. Baka mamaya kung di na masakit ang ulo ko, mag-uupdate ako ulit. :)

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
126K 1.8K 71
"Who are you?" Yan ang mga salitang hindi ko inaasahang marinig mula kay Mike. Ang lalaking nagdulot ng matinding sakit sakin at sa aking pamilya...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
69.4K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023