I Almost Do ✅

By BlueAmazon

103K 1.8K 549

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together... More

I Almost Do
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - ANTON
Epilogue
Heels & Sneakers
Dear Marco

Chapter 5

2.4K 44 15
By BlueAmazon

Chapter 5

 

 

“Ate Tin!” napalingon ako sa kapatid ko na kakapasok lang sa kwarto ko. Suminghot singhot naman ako. Kasalakuyan kasi akong nagbabasa ng ‘The Fault in Our Stars’ by John Green ngayon at eto nga, takte, kanina pa ako iyak ng iyak. Ayos to e. Umagang umaga bumabaha ng luha dito. “Anong drama mo?” tanong niya ulit at tinuro ang nagkalat na tissue sa tabi ko.

“Bakit ka ba nandito?” nakansimangot na tanong ko. Panay parin ang punas ko sa luha ko.

Lumundag naman siya sa tabi ko kaya’t naglagay nalang ako ng bookmark sa libro at inilagay yun sa side table ko, “Eh kasi naisip ko lang. Ang pamilyar ng mukha nung Anton na ‘yun! Hindi ko lang mapin point kung saan ko siya nakita basta ang alam ko ang pamilyar niya talaga!” saad niya at nilantakan yung chips na kinakain ko kanina habang nagbabasa ako.

Binatukan ko naman agad siya, “Aray naman ate!”

“Seryoso kang iyan lang ang ipinunta mo rito? Nanggugulo ka sa kwarto ko kasi pamilyar sa iyo si Anton?” halos pabulyaw kong saad sa kanya. Anak nang pitumpo’t pitong tupa naman, oo. “Hoy wag mo sabihing nainlove ka na dun? Babatukan kita! Kahapon lang kayo nagkita aba!” pagbabanta ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo at umiling, “Hindi naman ganun yun ate e!”

“Oh eh ano ba?”

“Familiar siya. Familiar na parang nakita ko na kung saan yung mukha niya.” Napaisip naman ako. Familiar? “Ate di kaya artista yun noon?” dagdag niya pa.

Tiningnan ko naman siya nang masama, “Tanga! Kung artista siya noon edi sana kilala mo siya at nang iba pang tao dito?”

Nagkibit balikat naman siya, “Pero malay mo naman ate,” ngumuya siya, “Sa gwapo ng isang ‘yun magkakandarapa ang ABS – CBN at GMA na kunin siya bilang artista.” Napatango naman ako. Totoo naman kasi. Yung mukha niya, ruggedly handsome ba?

“Pero alam mo ate parang may HD sa’yo yung lalaking ‘yun e. Kasi alam mo kung pwede lang sigurong matunaw kapag tinititigan malamang nilagay na kita sa freezer ngayon dahil natunaw ka na!” inirapan ko siya.

“Sorry siya! Hindi ko type ang mga ruggedly handsome! Alam mo naman ang mga tipo ko! Yung mala-Ansel Elgort ba.” Saad ko at kumindat.

“Sus ate maiparinig nga sa iyo yung kanta ng paramore na ‘The Only Exception’ mamaya. Alam mo ba na base sa reader’s digest ay ang taong nakakatuluyan mo daw ay opposite ng tipo mo?” tumaas baba pa ang kilay niya. Ganyan siya kapag gusto niyang itulak ang gusto niya.

“Nagbabasa ka ng reader’s digest? Lokohin mo lelang mo!”

“Ate naman e! Basta yun na ‘yun!”

Di rin naman nagtagal ay lumabas na siya ng kwarto ko. Nagchismisan lang kami ng nagchismisan hanggang sa napagod daw siya at inantok. Oo daw. Alam ko kasing pagdating sa kwarto nun magiinternet lang yun.

Tinamad na din naman ako magbasa kaya’t naligo nalang ako at nagbihis. Pagkababa ko ay nakita ako ni Tita habang nanunuod siya nang movie, “May lakad ka?” tanong niya sa akin. Napakamot naman ako ng ulo dahil sa totoo lang wala akong alam sa lugar na ‘to. Hindi ko unang beses pumunta dito pero noon kasi mga dalawang araw lang kami at nagbi-beach kami overnight kaya hindi ako gaano nakakagala.

“Maglilibut libot po sana tita kaso di ko kabisado ang lugar e.” tumango naman siya at pinatay ang tv, “Bakit hindi mo isama si Laura? Baka mabagot kayong dalawa dito? May mall naman pero sa downtown pa.” Huh? Downtown pa? Eh di sasakay pa ako ng jeep?

“Nakarinig ako nang lalakad? Sinong aalis?” bibong tanong ni Laura. Napailing naman kami ni tita. Gaya ko ay nakaligo na din siya. Nakasuot siya ng short at hanging blouse na red na may nakasulat na ‘kiss me’. Morena ang kapatid ko pero litaw na litaw ang kulay niya sa suot niya. Matangkad din kasi siya dahil nagmana siya kay daddy. Natural na mapupula ang labi niya ano nalang kaya kung maglilipstick siya? Edi ako na. Ako na insecure sa kapatid ko.

“Pasan ka?” tanong ko. Nginuso niya naman ako, “Sasama sa’yo.” Napailing nalang ako. Basta gala go lang ng go itong kapatid ko e. "Oh sige sige."

"Yey!"                                                                   

"So saan kayo paparoon ngayon?" napakamot nalang ako ng ulo. Wala talaga akong alam e. “Ah alam ko na. Doon nalang tayo sa parke ate!” nakangiting saad ng kapatid ko. Ngumuso naman ako, “Ano tayo bata?”

“Oo nga naman Tin. Maganda doon. Isang sakayan lang ng tricycle ‘yun mula dito.” Napaisip naman ako. Oo nga naman. Di na rin masama. “Sige tara.”

Nagpaalam lang kami kay tita at sumakay na ng tricycle papunta sa park. Pagkarating namin ay hinila ako ng isip bata kong kapatid sa may rentahan ng bike. “Ano Kristine racing tayo?” panghahamon ko habang sumasakay sa bike. Nang makasakay na kaming dalawa ng maayos ay ngumiti siya at tumango, “Oh sure. Why not.”

“Go!” natatawang sigaw ko at pinaandar na agad ang bike, “Hoy ate ang daya mo!” natatawang saad niya. Napailing nalang ako. Habang nagpepedal ako ng bike ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malaki nga ang parke na ito kumpara doon sa amin. May mga tindahan ito ng fishball, kwek-kwek, isaw, halo-halo, at dirty ice creams. Nakalinya lang sila. May parang seaside din dito kaya naman marami rami ring tao dito. Nagulat naman ako nang makita ko ang kapatid kong tumigil sa isa sa mga bench na nandito.

Mas nagulat naman ako ng makitang kausap niya pala yung si Mark. Napalingon naman agad ang kapatid ko sa akin at pinamulahan ng pisngi. Di siguro inasahang makikita ko sila. Nagbike ako papalapit sa kanila.

“Well, I was looking for my brother and that’s my main purpose for going here. How about you?” naabutan ko pang tanong ni Mark sa kapatid ko bago ito lumingon sa kinatatayuan ko. Nakangisi naman akong nakatingin sa kanila. “Oh hi! You’re…uhm. Lauren right?” tumango lang ako. “Naks, naalala niya ako.” Nakangising saad ko.

Humalakhak naman siya. “Of course. How can I forget such a beautiful name?” saad niya bago kumindat. Napailing nalang ako. Alam ko naman kasing nambobola lang siya. “Oo nalang ako, Mark.”

“Hindi ka naniniwala?” taas ang kilay na tanong niya. Amusement is evident on his charming eyes. Napatawa naman ako, “Nope.” I said popping the letter ‘p’. Napatitig naman akong muli sa mga mata niya, “Your eyes look familiar.” Those eyes.

Kumunot naman ang noo niya, “Really? Where?” di ko nalang sinagot at umiling nalang. Nakita ko naman ang kapatid kong nakatingin lang sa amin. Nakasimangot ito pero nang makita ko siya ay yumuko siya at pinaglaruan ang dulo ng buhok niya. Then and there narealize ko na may gusto nga pala itong kapatid ko sa lalaking ito!

“Ah tama may hinahanap nga pala ako. Maiwan ko na kayo ha?” tumango lang si Mark samantalang si Laura ay hindi mo maintindihan ang itsura. Ngumiti lang ako at kumindat sa kanya. Matanda na rin naman ang kapatid ko. Alam niya kung anong tama at mali at isa pa mukhang natutuwa naman sa kanya yung tao kaya hayaan ko na.

Nagulat naman ako ng bigla akong makakita ng dalawang taong parang lalamunin na ang isa’t isa dito sa park, “Gosh. Seriously?” mahinang bulong ko at tiningnan yung dalawang taong nagtutukaan. Actually, yung babae lang yung grabe makakapit. Yung lalaki naman nakababa lang sa lap ang kamay. Nge? Mukhang unrequited love lang ang drama.

Halos maalog naman ang katawang lupa ko ng makita ko kung sino yung lalaki, “Anton?” di makapaniwalang saad ko. Natigil naman sila at nakita ko ang iritasyon sa mata ng babae samantalang ang mata naman ni Anton ay tila nakakita ng anghel sa katauhan ko, naghuhumiyaw kasi ng ‘relief’ at ‘saved’ ang mga mata nito. Agad siyang tinulak ni Anton at lumapit sa akin, “What the.” Di ko natapos ang sasabihin ko dahil inakbayan niya pa ako. “Ren! Pasensya ka na. Hindi ako unang humalik hindi talaga.” Ano bang pinagsasabi nitong hunghang na’to? Hinarap niya yung babae at sumeryoso ang mukha.

“See? Ito ang sinasabi ko sa’yong inaantay ko dito sa park.” Tumingin naman yung babae sa kamay ni Anton na nasa balikat ko. Di naman ako makagalaw. Ano to? Magiging rason pa ata ako ng break up nila.

“Hoy ikaw sino ka?” nanggagalaiting tanong nung babae sa akin at dinuro ako. Wait. What? Dinuro ako?

Parang sinilaban naman ang ulo ko at tinaasan siya ng kilay, “Hindi ako nakikipagkilala sa mukhang kabayo.” Hala, Tin. Ano na ang nanagyari sa’yo? Ba’t nagiging maldita ka na? Hala. Mas lalo naman siyang nagpuyos sa galit bago lumakad papunta kay Anton, “Babe…” saad nito na parang pusa. Yun nag-pu-purr ba? Shet. May pusa palang mukhang kabayo ano?

Makapanglait ka? Sobrang ganda mo ba? Tanong ng isip ko sa akin. Nagsisimula na naman siya.

“What? Tama ang girlfriend ko. Mukha kang kabayo, Ysa. Tigilan mo na nga ako! Kababae mong tao ikaw tong nanggagahasa ng lalaki.” Naiirita niyang saad. Eto ba yung Ysa? Anak ng putakte! Bagay nga sila nung nang-away sa akin nung isang araw. Ricky ba pangalan nun? Basta yun!

“Girlfriend!? Yang…yang…” di niya matulyo tuloy kaya’t dinugtungan ko, “Magandang ito?” nakangisi kong saad. Umirap naman ito at iniwan kami. Hinarap ko naman ang hunghang na ngayo’y malayo na pala sa akin. Sumakay ako ng bike at sinabayan siya. “Anong drama yun?” singhal ko. Nagkibit balikat lang siya.

“Yun lang? Walang thank you?” nakataas na ang kilay ko habang nagpepedal. “Wala.” Saad niya at naglakad. Bakit ba ambilis maglakad ng isang ‘to!? “Hoy teka! Aba!”

Pero dahil ang isang Cristine Lauren Javier ay isa’t kalahating tanga nabuwal siya sa pagbabike, “Aray.” Ungot ko. Takte. Bakit nga ba ulit ako nagshorts lang? Ayan! Gasgas na ang lovely legs ko. Letse naman e.

“Huy, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Anton sa akin na nakalapit na pala. “Bakit kasi ang tanga mo? Habulin ka talaga ng disgrasya ano?” naiiritang dagdag niya pa. Parang sinilaban naman ulit ang ulo ko, “Layo nga! Kung lalaitin mo lang pala ako lumayas ka na! Kaya kong tumayo—ay!” nagulat ako ng bigla niya akong kargahin na para bang isa akong sako ng bigas.

“Hoy teka nga! Nahihilo ako! Kung kakargahin mo lang naman ako ba’t di pa bridal style?!” angal ko sa kanya. Ramdam ko naman na nagvibrate yung tiyan ko, pero di dahil sa gutom kundi dahil sa pagtawa niya. Takte kinilabutan ako dun pero di dahil sa nakakatakot pero dahil sa…teka, bakit nga ba?

“Ano ka prinsesa? Mas mukha ka pang katulong e.” natatawang saad niya. Ang sama talaga nito. Walang puso! Walang apdo! Walang balun-balunan! Walang atay!

Masama pa ba eh tinututulungan ka na nga? Tanong ulit ng utak ko. Ewan ko sa’yo. Di ikaw kausap kong utak ka kaya magtino ka jan at manahimik.

“Lauren?” napansin kong nanigas naman si Anton. Ako rin naman lalo na nung sinundan pa ‘yun ng boses ng kapatid ko, “Ate? Anong drama ‘yan?” hala ka. Binaba naman agad ako ni Anton. Nakatalikod kasi siya sa kanila, “Sino yang kasama mo?” tanong ni Mark. Nanigas naman ulit si Anton. Walang ekspresyon ang mukha niya. “Ah si..” di na natapos ang sasabihin ni Laura dahil pinandilatan ko siya ng mata. “Ewan ko. Sino nga ba yan?” nagtatanong ang mata niya kung bakit ko siya pinigilan.

Naglakad naman papalayo si Anton ng walang sabi sabi. Hala? Ano na nga ang nangyari dun? 

---------------------------------------

Sabi ko walang makakapilit sa akin na magpost but I guess hindi ko gaano natantsa ang pamimilit ni @PixieBlaire . Enjoy sa pagbabasa. 

Continue Reading

You'll Also Like

37.9K 1.6K 56
-01 Zachna Leign Manquez is a woman who values her family and works as a teacher at a prestigious school. A woman who is afraid to gamble again in th...
4.9K 365 53
What if your life is simple, you go to a simple school, you live quietly, then one day, you realize that you are not just a simple person. But you ha...
14.2K 968 40
--- [DISCLAIMER] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the auth...
15.5K 537 33
[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #6: Cassandra Nicole She should've owned him the same way he owned her. Mind, body and soul. But she knows some thin...