Me and My Boys VOLUME 4

By JayChowder

297K 9.8K 2.4K

Yup! Another adventure of Allexa and his boys! More

Special Dedications
Chapter 1: Seen
Chapter 2: Tamad
Chapter 3: Local News
Chapter 4: Sermon
Chapter 5 Reminisce
Chapter 6: The Call
Chapter 7: Eto-Kal LT
CHAPTER 8: The Visitors
Chapter 9: It smells like trash
Chapter 10: Mcdo 24/7
Chapter 12: Haliparot
Chapter 13: Ouch
Chapter 14: Pumayag ka?!
Chapter 15: Holy mother of goose
Chapter 16: Great, now what??
Chapter 17 Spell OA
Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?
Chapter 19: 3D
Chapter 20: Alam niyo na, OA
Chapter 21: Faded
Chapter 22: Hi ate
Chapter 23: You're sick
Chapter 24: The Visitor
Chapter 25: The gathering
Chapter 26: Greenhouse
Chapter 27: Are you okay?
Chapter 28: Gang from North
Chapter 29: Eagle
Chapter 30: She mustn't know
Chapter 31: Literal
Chapter 32: To infinity?
Chapter 33: Maybe
Chapter 34: No Mercy
Chapter 35: Us

Chapter 11: Cute? Saang banda?

7.3K 307 67
By JayChowder




Allexa's POV

Hinawakan ni Jason yung kamay ko at tinignan ako sa mata, "Am I right? Buntis ka na ba?" tanong niya. Sinubukan niyang pinigilan pero napansin ko paring excited siya sa kung ano man ang isasagot ko.

"Uhhh" sagot ko at napatingin ako sa dalawa, they mirrored Jason's expression, hopeful. "Hindi, hehe" sagot ko, pero hindi nag-iba ang reaction nila, "Seriously guys! Hindi ako buntis!" natatawang sabi ko.

Binitawan ni Jason yung kamay ko saka tumingin sa tatlo, "Baka nahihiya lang umamin" he said.

"Oo nga, huwag niyo nang pilitin, baka balak niya tayong isorpresa" said Kurt, their smile never faded.

"Ano? Eh sa hindi nga ako buntis!" pilit ko.

"Tumigil ka nga!" sigaw ni Nathaniel, nagulat ako ng konti, "Kita mong pinipilit namin huwag madismaya, kontrabida!"

"Hayaan mo na kaming mangarap," said Kurt and ate some fries, "pero sana hindi hanggang pangarap lang ito" he sighed.

"Bakit kasi ako ang hinihintay niyo? Pwede naman kayong gumawa ng inyo ah!" sabi ko, wala na akong ganang kumain..joke! Ubos lang kasi yung laman ng plate ko, "Pero teka," I looked at Jason, "Bakit mo tinatanong kung gising pa si Mary Jane? Okay na kayo?" ako naman ang hopeful.

"I wish" he shortly answered.

"Eh bakit mo tinatanong kung gising na siya?" I asked. At the moment, Allen is staring at his food, hindi ko na siya pinansin kasi mukang malalim ang iniisip niya.

"I was just wondering," he answered sabay shrug ng left shoulder niya.


Allen's POV

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malungkot dahil hindi buntis si ate Lexa, ayaw ko pa siyang magkaroon ng baby dahil.. bakit nga ba?

I looked at her, she is currently laughing about something that kuya Kurt said. Tumingin siya sa akin at lalo pa siyang ngumiti sabay wrinkle ng nose niya, telling me that it's not really funny, napangiti ako. Alam na alam ko ang mga signs niya, and she knows that I can read them very well. Our silent communication.

That's it! Our connection! Natatakot ako na baka mawala yun kung sakali mang magkakaroon siya ng baby.

Kailan ko lang ba ito narealize?

*Beep*

I took out my phone, nagmessage na naman si Ashley.

'Len, sorry na kung may nagawa man ako para iwasan mo ako. Pwede bang bati na tayo?'

Huminga ako ng malalim, fighting the urge to tell her that it's okay, that she had nothing to do with anything. Pero kung rereplyan ko siya, lalo siyang mangungulit hanggang sa magiging involve siya sa situation ko ngayon.

I kept my phone away.

"Tara na bago pa lumabas si Mr. Sun" sabi ni ate Lexa so we started cleaning up our mess and stood up one by one.

Pero bago pa kami nakalapit sa exit, biglang pumasok ang grupo ni Uno.

Nag-init ang ulo ko't dahan dahang hinila ang kanang kamay ni ate Lexa para itago sa likod ko, thankfully she complied at kumapit siya braso ko. Ang pinagtataka ko, sina kuya Jason, ni hindi sila tinignan ng masama si Uno tulad ng ginagawa ko.

"Aba! Tignan mo nga naman oh! Andito na pala kayong mga oldies?" natatawang sabi ni Uno.

"Aba! Tignan mo nga naman oh! Ang siga ng ayos eh sa Mcdo lang pala kakain?" ginaya ni kuya Tan yung boses si Un, I heard ate's giggle but I ignored it.

Nawala agad ang ngiti ni Uno at tinignan niya si kuya Tan ng masama, how dare he!

Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni ate Lexa kaya napatingin ako sa kanya, she shook her head slightly, telling me not to meddle, I tried to calm down for her sake.

"Nabalitaan kong andito kayo kaya ako pumunta rito" said Uno, trying to look intimidating, pero nagsnort lang yung tatlo.

"Wow ha? Gumising ka pa talaga ng maaga para lang makita sila?" said the only girl in our group, kaya napatingin ako sa kanya.

Akala ko  ba 'do not meddle'? I silently asked her with my eyes.

'Hindi ko napigilan, sorry' she replied—actually, she just smiled with a peace sign, pero yun ang nabasa kong ibig niyang sabihin.

"Aba, meron din pala ang ligaw na reyna ng Phoenix dito, ahh, ex-reyna" said Uno.

"Sige na sige na, mag-order na kayo ng kiddie meals niyo, mauna na kami" said Jason, I smiled while ate giggled and lightly punched kuya Jason's back.

The three started to walk pass Uno's group habang nakatingin lang siya ng masama sa kanila, pero nung kami na yung natapat, bigla siyang nagsalita.

"Balita ko, may nabubuong bagong gang sa tabi tabi" he said.

Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo sa katawan ko.

The guys shouldn't know about this! Specially ate Lexa!

Hindi ako sumagot, diretcho lang kami sa paglakad ni ate Lexa, nakahawak na si kuya Kurt sa pintuan at hinihintay niya lang kami.

"At balita ko, bakla yung leader nila" pahabol ni Uno. Tumigil ako sa paglakad, gustung gusto ko siyang sugurin pero hinigpitan ni ate Lexa yung hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako bigla sa kanya.

"Ano'ng problema?" she asked. Dinig parin ang biruan nung mga grupo ni Uno pero nagconcentrate ako sa situation.

There are 7 of Uno's group.

The kuyas are here.

Ate Lexa is here.

Hindi nila alam na ako ang leader ng bagong gang na sinasabi ni Uno.

Everything is safe. I shouldn't do anything stupid.

"Wala ate" I said to her with a smile on my face.

"Pupuntahan pa ba natin yung sinasabi mong magandang lugar?" tanong ni kuya Jason kay Kurt nung nakalapit na kami sa kanila.

"Hoy!" sigaw ni Uno, pero si ate Lexa lang ang nagulat, we looked at him, "bilisan niyong umalis dito sa teritoryo ko't huwag na kayong bumalik!"

"Ay, ang harsh naman ng pananalita ng batang 'to" said ate Lexa.

"Hayaan niyo na sila" said kuya Kurt at tumalikod uli.

"Hindi naman natin inubos ang kiddie meals ah, bakit siya high blood?" tanong ni kuya Tan.

But I know!

I know na nagpipigil lang sila dahil kasama namin si ate Lexa, tulad ng pagpipigil ko ngayon. They don't want trouble, so do I.

"Oo maganda yan, umalis kayo. Mga walang silbi" he added.

Wala pang isang hidlap, nawala na si ate Lexa sa tabi ko kaya taranta akong tumingin kina Uno. How did she get there so fast?

"Hoy!" she shouted, saka lang napansin ni Uno na nasa harap niya pala si ate kaya napahawak siya sa dibdib niya sa gulat,  "Dumahan dahan ka sa pananalita mo ha! Ano'ng walang silbi!? Sa'yo pa talaga nanggaling ha?! Eh kung magsuntukan nalang kaya tayo? HA!?" sigaw niya while pulling her sleeves up at naghandang makipagsuntukan, halatang nagulat din yung mga kasama ni Uno dahil napastep backward sila.

I felt terrified seeing her so close to Uno, pero naunahan ako ni kuya Tan bago pa ako nakalapit sa kanya.

"Tama na nga yan" awat ni kuya Tan, he held ate's shoulder at iniharap sa exit pero nakawala siya't binalikan si Uno.

"Ito pakakatandaan mo ha!? Kapag nakita ko uli yang pangit mong pagmumuka, ipaparetoke na kita!" she shouted.

"Akala mo ba hindi kita papatulan!" banta ni Uno at itinaas ang kamao niya, we moved quickly.

Kuya Jason, kuya Kurt , kuya Tan, and I stood in front of them, blocking ate Lexa in their view. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit hindi umatake yung mga kasama ni Uno, it's because of the person holding Uno's fist.

"Sa'n ka nanggaling Cofi??" gulat na tanong ni ate.

"You dare hurt my wife?" tanong ni kuya Bryce kay Uno. Napansin kong namutla siya't lumunok. Takot din pala. Hindi siya sumagot.

"B-Bryce. Si Bryce" bulong nung mga kasama ni Uno.

"Mga gago, kay Bryce lang kayo matatakot, nakalimutan niyo ba kung sino kami?" galit na tanong ni kuya Tan. Mukang hindi na sila nagpipigil.

"Sir," siksik nung guard na parang natatakot sa kung ano man ang mangyari, "huwag po dito." he said.

"Guuuuuys, ayaw ko ng ma- ban uli tayo dito" whined ate.

Binitiwan ni kuya Bryce yung kamay ni Uno't tinignan muna siya ng masama – death glare if I should say it in other words, then he took ate's hand and they went out first.

"Ano? Bakit hindi ka na makapagsalita? Umurong na ba yung buntot mo?" tanong ni kuya Jason, hindi siya sumagot, nakatingin lang ng masama sa kanya.

"Ganyan ka pa makatingin, gusto mong sipsipin ko yang mga mata mo?" tanong ni kuya Kurt.

"Tara na nga, nasayang na ang oras natin." said kuya Tan, tumingin siya sa akin at ngumiti ng konti saka ako inakbayan, "saan mo gustong pumunta bunso?" tanong niya sabay sakal sa akin at ginulo pa yung buhok ko.

"Ahh! Kuya naman eh!" reklamo ko, nawala na yung inis ko't nakalimutan saglit yung nangyari. We went out of the place habang sinusubukan niyang guluhin pa yung buhok ko at sinusubukan ko namang kumawala sa sakal niya.


Allexa's POV

Binuksan ni Bryce yung sasakyan at pinauna akong pumasok at umupo. Sumunod siya pero hindi niya isinara yung pinto kasi palabas na sina Nathaniel at Allen na mukang nagbibiruan.

Ahhh, bromance, I love seeing that.

"Wife" tawag ni Bryce sa attention ko't tumingin ako sa kanya, he took my hand again and held it firmly, "please try to stay away from trouble." pakiusap niya, oh my goodness, pinag-alala ko na naman siya.

"Sorry" sabi ko't sumandal ako sa balikat niya, he kissed the top of my head and smelled my hair.

"You know how I worry about you, love" he said.

"I know, pasensya ka na, hindi ko lang matanggap yung pinagsasabi ni Uno. Ang yabang." bumalik na naman yung inis ko't umupo ako ng maayos, "grabe siya! Kung nadinig mo lang sana siya kanina, naku! Baka may mga ambulansya na ngayon dito!" naiinis kong sinabi.

He chuckled and pinched my cheek, "Your cuteness never fails to make my heart flutter" sabi niya.

"Yuck" biglang siksik ni Nathaniel na papasok sa van, "cute? Saang banda?" biro niya, sa likod siya pumwesto, malayo sa nakandang kamao ko. Allen sat behind us, his poor hair is all messed up.

"Inggitera" bulong ko.

"Nadinig ko!" sigaw niya.

"Pake ko!" sigaw ko rin.

"Haaay nako, akala ko matatahimik na ang van na ito" said Jason na kakaupo sa driver's seat.

"Tama na yan" utos ni Bryce.

"Owwwwkey" sabay naming sabi ni Nathaniel.

Hindi na nga kami nag-away ni Nathaniel hanggang sa nakauwi kami sa bahay.

-=-=-=-=-=-=-=-=-

Again! Thank you for reading my books and for supporting the story! Thank you din po sa mga walang sawang nagvovote at nagshe-share ng book ko sa mga friends nila.

And of course, thank you sa mga nagcocomment, natutuwa ako tuwing binabasa ko ang mga comments niyo^^

Thank you rin po sa mga nagpi-PM sa akin.

THANK YOU for sparing some of your time para lang basahin ang story na ito.

I LOVE YOU! I swear!

Continue Reading

You'll Also Like

489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
560K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
978K 31K 129
DIM Series #1: IƱigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!