Alexa's POV
poke* poke*
(=___= ) Zzzzzzz
poke* poke*
( =___=) Zzzzzzz
Sino ba yun, kalabit nang kalabit... istorbo naman sa tulog ko e... Ang sarap sarap kaya ng tulog ko. Nakapikit pa rin ako...
( =___= ) Zzzzzz
poke* poke*
KULIT! Sino ba yun ha? Sabay bangon ko sa kama at dilat ng mga mata ko...
O___o
"BEZY?!!" - napasigaw ako...
"A - anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Teka, diba dapat dadaanan ka namin??" - Ako
"Hello bezy?! Anong oras na kaya?" - Rhea
Tapos tinuro niya yung wall clock ko.. Sinundan naman ng mata ko yung kamay niya.
O___O
O.M.G! 7:20am na??!!
Tapos bumangon ako ng sobrang bilis..
OH NO! HINDI PWEDE ITO?!
"Bakit hindi mo ako ginising??!" - Ako
"Kanina pa kaya kita ginigising noh?! E parang mantika ka kung matulog e..." - Rhea
Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili at naghanda na rin para maligo ng mabilis.
"Tinetext kasi kita, actually tinatawagan pa nga kita kaso walang sumasagot kaya ako na yung pumunta dito sa inyo. Nakausap ko nga rin pala sila Bunny at Rosel.. on the way na rin sila sa may airport..." - Rhea
Amp! Bakit ba ganun?! Lagi na lang akong EPIC FAIL nung mga nakaraang araw. Kainis kasi, bakit ba ang sarap sarap matulog?! Nagmadali na akong kumilos. Baka ma-late kami sa flight. Ayoko pa namang maiwan. HELLO?! Pinaghandaan ko ito ng bonggang-bongga noh tapos hindi lang ako makakasama?! Psh! BADTRIP! Buti na lang din at inayos ko na yung mga dadalin kong gamit kagabi.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Tinulungan na rin ako ni Rhea. Pagkatapos, bumaba na kami pareho, sakto dahil nakagayak na rin sila mama at papa pati si kuya. Grabe, so ako na lang pala talaga yung iniintay nila. Pa-VIP talaga e noh?! ( -___- )
Umalis na kami. Si kuya ang driver namin. Si Papa yung nasa passenger's seat tapos si mama, ako at si Rhea yung nasa likod. See? kumpleto talaga family ko... Ganun sila ka-supportive. Haha.. Parang kung saang malayong lugar ako pupunta e noh? Kung sabagay, malayo rin naman ang Cebu. Tapos tatlong araw rin yung itatagal namin dun.
Medyo traffic pa dito sa nadaanan namin. Argh! Tinignan ko yung relo ko, 8:25 na. Nagtext na rin sila Bunny at Rosel, nandun na raw sila sa airport. Inhale Alexa.. inhale.. 9 pa naman yung flight diba? So, aabot pa kami. Hindi pwedeng hindi...ayokong maiwan. Gusto ko siyang makasama...este! gusto kong makasama. (= 3 =)
8:30...
8:35...
Para na kaming lumilipad sa bilis.. alam rin kasi ni kuya na late na ako. Bakit kasi hindi nila ako ginising. Amp.... O sige na nga, ginising nila ako... bakit kasi hindi ako nagising e. (-___- )
8:40...
8:45...
SA WAKAS!! Narating na namin ang airport.. Bumaba na kaming dalawa ni Rhea para makapasok na rin kami sa loob. Nandun na rin kasi sila Erik at yung iba pa naming kasama.. Pero bago yun, inakap muna ako ni mama. Sabi niya mag-iingat daw ako dun at tumawag ako once na makarating na kami sa Cebu.
Bumaba na rin si kuya at inilabas na yung mga bag na dala namin ni Rhea. Pag-kaabot sa akin ni kuya nung pink na bag ko may sinabi siya sa akin....
"O Alexa, mag-enjoy ka dun ha.." - sabi ni kuya tapos ngumiti siya..
Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad nang narinig ko ulit siyang nagsalita..
"Oo nga pala, ikamusta mo ako kay Erik ha?" - kuya
O___O
Ano daw? Sinabi ba ni kuya yung pangalan ni Erik?! Napalingon akong bigla kay kuya at nakita ko siyang ngumiti nang nakakaloko... Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Pa - Paano niya nalaman yung pangalan ni Erik?! Hindi pwede...
"SIge na, umalis na kayo.. late na kayo sa flight niyo.. Ingat ha." - sabi ni kuya na nakangiti pa rin tapos pumasok na siya sa kotse.
Hinila na rin ako ni Rhea papasok sa loob. Hindi ako makapaniwala. Kilala nga ba talaga ni kuya si Erik? Paano? Alam rin ba niya yung tungkol sa dare?? E sila mama at papa kaya... alam rin kaya nila? Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko.
IMPOSIBLE. Hindi pwede yun. Tama! Ayoko munang guluhin yung utak ko. Pupunta nga ako ng Cebu para mag-enjoy diba? Wew!
Walang pwedeng sumira sa trip na ito. This will be a trip to remember.
Nakita na namin sa loob sila Bunny at Rosel. Nandun na rin sila Erik at yung tatlo pa niyang barkada. Naka-leather jacket si Erik, naka-maong pants at naka-shades. Amp. Para talaga siyang artista. Sh*t! Bakit ba ang gwapo ng lalaking yun. ( - ___- ) Ngumiti siya sa akin nang nakita na niya kami ni Rhea.
"Akala ko hindi ka na darating e.." - Erik
"Sorry, na-traffic kasi kami on the way e..." - Ako
Siyempre alibi ko lang yun.. nakakahiya naman kasing sabihin ko na na-late ako ng gising kasi isa akong MALAKING EPIC FAIL! Hay..
"Okay lang, ang importante andito ka na..." - Erik
Tapos nagsalita yung mga nasa paligid namin....
"Naks! Ang sweet namin ni Erik..." - Bunny
"Oo nga e, sa sobrang ka-sweetan nga ng dalawang ito, pareho pa sila ng kulay ng damit. Hahaha.. Nag-usap kayo dre?" - Felix
Tapos, nagtawanan silang lahat.. Nagtinginan kami ni Erik. Amp. Oo nga nu. Hindi ko napansin na pareho nga pala kami ng suot. Take note: Parehong pareho... Naka white T-shirt siya, yun yung nakapaloob sa leather jacket niya. Ako naman naka white na fitted shirt at naka black na cardigan jacket.
Okay, hindi naman kame nag-usap kung anu isusuot noh?!
SOULMATES?!
Psh! Malamang nagkataon lang yun...
Ngumiti na lang kami pareho ni Erik...
"Wag na natin silang pansinin..." - sabi niya tapos ngumiti.
Amp. Nakakalusaw na ngiti...
Tumango na lang ako at ngumiti rin.
Nabigla ako nang hinawakan niya yung kamay ko. (>/////<) Siya na rin yung nagdala ng mga gamit at bag ko. Tapos nakita ko yung reaction nung anim.. si Bunny, Rhea at Rosel... tapos si Felix, Pat at Serg...
Alam mo yung kayo-na-ba-talagang-dalawa look...
Anyway.. dahil late na rin kami halos sa flight, nagmadali na kaming walong mag-check in...
...............
Nakasakay na kami ngayon sa eroplano. Magkatabi kami ni Erik. Lahat nga nung mga babaeng pasahero napatingin nung pumasok si Erik. Akala siguro kung sinong model o artista siya. Pero, sorry na lang sila kasi ako yung katabi niya.. Hahaha. (evil laugh).
Excited na ako papuntang Cebu. Bukod sa first time kong makapunta sa Cebu, first time ko rin kasing makasakay ng eroplano. Amp! Kinabahan ako nung una lalo na nung nag-take off na kami pero hinawakan ni Erik yung kamay ko kaya okay na. Hahaha. ^___^ Nag-share din kami ni Erik sa earphone sa ipod ko. Grabe nga yung mga tugtog e, puro patama. Awww.. xD!
Na-ikwento rin ni Erik sa akin na sa pinsan niya pala talaga yung reservation sa resort na yun kaso hindi nga daw natuloy kasi nagkaroon ng problema kaya siya na lang daw kumuha para hindi masayang. Naman diba? Destiny talaga! Hahaha... Asa naman ako diba?! :D
Halos 2 oras din inabot yung flight namin. Mabilis lang din kaya di rin ako gaanong nainip. May naghihintay na sa aming van paglabas namin ng airport. Nirentahan na daw yun ni Erik. Sosyal diba?! Dumeretso na rin kami agad sa resort na tinutukoy dun sa brochure. Hindi rin naman ganun kalayo at wala pang isang oras ay nandun na kame. Sabi ni Erik, isa sa mga araw daw, mamamasyal kami sa magagandang puntahan sa Cebu. Naks! Excited na ako...
Pagdating namin dun sa mismong lugar nung resort, hindi ko maiwasang hindi mamangha. Grabe, ang ganda kasi nung buong lugar! Palagay ko mag-eenjoy talaga ako dito. Sikat at kilala daw pala talaga yung resort na ito. Tumawag na rin ako kay mama para ipaalam na nakarating na kami dun. Wag ko daw kalimutan yung pasalubong nilang tatlo. Hahaha.
Pumunta kami sa may receiving area para dun sa reservation namin. Lumapit si Erik sa isang cute na babae sa may harap. Kyla yung name niya, nakita ko kasi sa may nameplate niya yung pangalan. Kinausap siya ni Erik. Sinabi niya nga rito yung pinunta namin, na hindi siya yung original na nagpa-reserve pero pinsan niya yun. Tapos, nag-usap pa sila kaso hindi ko naman na gaanong pinakinggan kasi tinitignan ko pa yung buong lugar. Narinig ko na lang yung sagot ni Kyla, yung babaeng kausap ni Erik...
"Ah, sige po sir. Tatawagin ko lang po yung manager namin para makausap po niya kayo. Sandali lang po..."
Ngumiti siya tapos, umalis na...
Sa pagmamasid ko sa lugar, may nakita akong isang lalaki na nakaakit ng atensyon ko. May kausap siyang isang lalaki at babae. Malayo sila kaya hindi ko gaanong maaninaw yung mukha.
Sa totoo lang...
he looks familiar...
really familiar...
..........
______________________________
A/N:
Nasa Cebu na rin sila sa wakas! hahahaha
Sino kaya yung lalaking nakita ni Alexa? Hmmmm
Ano po sa tingin niyo sa update na toh?
VOTE or COMMENT po kayo..
Be a FAN xD
Salamat po :))
misskomplikado ^__________^v