Pananaw ni Otor: Weee. Alam na. Mahaba na naman ang A/N na to. Haha!
Alam nyo ba nung makita kong red ang color ng no. of reads, nagtatalon talaga ako! Na-wirduhan nga parents ko sa akin eh. With sigaw pa yun! Ang sarap sa pakiramdam. Hehe. ^^
Tapos nadagdagan pa yung mga pipol na nag-aadd nito sa RL nila. ANG SAYA TOLOGO! :D
Dedicated nga pala ang chap na to kay Miss prinzeille! Natuwa kasi ako sa comment mo. Napa-update agad ako! HAHA :D
Salamat talaga. Sana lumago pa ito. Hindi ko naman din inexpect na ito. Sabi nga, expect the unexpected. Ayan, mas masaya pala pag ganun hehe.
Here we go, sago! :P
Maikli lang ito, kay Liza ang chap na to. ^_^V
-----
Liza's POV
Alam nyo bang may plano ako? At dahil mabait ako, sasabihin ko sa inyo. *evil laugh*
Maganda ako, at ang kagandahan ko ang gagamitin kong paraan para bumagsak si Junie. Hihihi.
Sabi ko nga maganda ako di ba? Kasi may makulit akong manliligaw. Oo guwapo siya, pero inis ako sa kanya at sa mga kalahi niya. Kaya nga ako sumali sa We Hate Boys Forever club di ba?
Ilang taon na rin akong nililigawan ng lalaking ito. Kahit anong pagtaboy, ayaw pa rin akong tigilan. Hanggang sa napagod ako kakataboy at hinayaan na lang siya. May advantage pa rin naman ang pangungulit niya. May chimoy/personal julalay/yaya ako! Utos ko, sunod niya. Ang saya! Mwahaha!
About sa plan ko? Eto.
~~Flashback~~
"Huy, may ipapagawa ako sayo," sabi ko kay Kulet.
"Ano yun, prinsesa ko?" sabi niya naman na may ngiting nambubwisit. Grrr.
"Kailangan mong paibigin ang babaeng yan," inabot ko ang picture ni Junie sa kanya. Tiningnan niya ito. Napatanga naman siya sa akin.
"Bakit ko naman gagawin yon? Ikaw ang gusto ko."
"Kailangan mong paibigin yan at kapag in love na in love na siya sayo, hiwalayan mo. Basta, kelangan mawala ang attention niya sa Club namin," I told him seriously.
Nag-isip muna siya. Ang tagal naman sumagot ng lokong to. Tsss. "Kapag ba nagawa ko yon, sasagutin mo na ako?"
Hala! May ganun? Pano ba to? Hmm. Madali namang hiwalayan to. Sige na nga, para matapos na.
"Oo na, sige na. Basta gawin mo ang pinapagawa ko."
"Talaga! YES! Thank you prinsesa!" Nagtatalon siya at ang nakakagulat,
HE KISSED ME. EEEEEW!
Sinuntok ko siya. "Aba! Masyado ka namang nagte-take advantage! Subukan mo pang ulitin yan, hinding-hindi kita sasagutin." Nakakagalit ah. Grrr.
"Sorry. Nadala lang ako. Sorry, di na mauulit," pagso-sorry niya while bowing.
YEHEY! Ang saya paglaruan ang mga talunan. Mwahaha.
I'm gonna be the president of WHBF Club. Yung fame ni Junie, mapapasakin. HAHA!
~~End of Flashback~~
Kaya ayun, inutusan ko nga siya. Sabi ko, magpadala siya ng roses kay Junie. Lagyan niya ng card na may nakasulat na sweet words.
Pero ang lokong to, mali! Nagpadala nga siya, failed naman! Sukat ba namang magpadala sa bata at three roses lang ang pinadala? Ang ina-assume ko isang bouquet para malagyan nga ng card. Pambihira! Ang hina naman nito.
"Eh kasi kinulang ako sa budget kaya tatlo muna binili ko. Tapos di ko na nalagyan ng card kasi ang pangit tingnan. Tatlong piraso with a card? Baduy eh. Tapos nakita ko yung bata, binigyan ko ng 100php at pinabigay ko kay Junie. Nakita ko naman, kinuha niya. Hayaan mo na lang akong umisip ng ibang paraan. Ako na bahala dito, prinsesa," pagpapaliwanag niya.
Kumukulo na talaga ang dugo ko sa taong ito. Bahala na siya! Kailangan magawa niya ang plano, kundi walang mangyayari sa ilang taong pinaghirapan niya. Gusto nyo ng kwento? Ayoko. Di naman memorable eh. Behlat. :P
---
That Boy's POV
Aking prinsesa, o mahal kong prinsesa,
Ikaw ang aking langit, ikaw ang aking pag-ibig.
Sana'y tanggapin ang guwapong iyong nakikita,
Ang puso ko'y sayo lang, pintig nito nawa'y iyong marinig.
Naglakas loob akong sabihin ito kay Liza Cortez, ang babaeng nagpatibok ng aking pusong pagal. Pero pagkatapos kong i-recite ang pinaghirapan kong tula, pinagtawanan niya ako.
Hindi naman ako nahihiya kahit na maraming nakakakita sa amin. Lahat talaga gagawin ko para mahalin niya ako.
That was four years ago. Matagal na talaga ang panliligaw ko sa kanya. Pero kahit ano atang gawin ko, hindi siya magiging malambot sa akin. Alam kong malaki ang galit niya sa mga lalaki.
Pero di ako ganun. Hindi ko gagawin ang ginawa ng ex niya.
Pinagsabay kasi sila ng kaibigan niya nung ex niya. Yung kaibigan naman niya, alam na sila na pero nakipagrelasyon pa rin ito sa boyfriend niya. Masaklap talaga ang naging nakaraan ni Liza. Kahit ako nagalit sa lalaki.
Nabalitaan ko na lang isang araw na sumali siya sa We Hate Boys Forever Club. Isa siya sa mga unang member non at tuwang-tuwa siya habang nagkkwento. Alam niya naman na lalaki ako pero yung mga plans nila, para ata burahin ang mga Kalahi ni Adan sa balat ng lupa. Hindi man lang naawa sa akin, huhu.
Ngapala, I'm Harry. Nice meeting you ngapala. ^^
Pogi daw ako sabi ng nanay ko. Siyempre naniniwala ako. Ang dami ngang humahabol sa aking girls pero kay Liza talaga ako tinamaan. Bakit nga ba siya?
Siya kasi ang sumagip ng buhay ko.
Naka-headset ako nun at patawid ng kalsada. Tinignan ko naman, walang ganung sasakyang dumadaan kaya tumawid na ako pero laking gulat ko ng may humaharurot na motor at sa akin tatama. Napapikit na lang ako.
Pagdilat ko, nasa gilid na ako ng kalsada, yakap-yakap ng isang babae.
Ang ganda niya. Para siyang anghel.
Gustong-gusto ko siyang halikan non pero sinimangutan niya ako.
"Aba, niligtas ka na nga, tsa-tsansingan mo pa ako," sabi niya habang tumatayo kami.
"Ahm, sorry Miss. Ang ganda mo kasi. Pero salamat talaga sa pagligtas mo sa akin."
"Sa susunod, wag kang mag-heheadset pag nasa kalsada ka. Kanina pa kita tinatawag pero tuloy-tuloy ka. Buti na lang may konting kabaitang natira sa akin. Kung hindi, pinaglalamayan ka na ngayon," sabi niya at umalis na.
Medyo napahiya ako. Kalalaki kong tao, babae pa ang nagligtas sa akin. Hinanap ko siya. Buti na lang same school kami nag-aaral. Simula non, niligawan ko na siya. At di ako titigil, hanggang kamatayan na ito.
At ngayon nga, nakita ko nang may kasagutan na ang matagal ko ng pinapangarap.
Mahirap man ang pinapagawa niya sa akin at alam kong masasaktan ko ang walang muwang na si Junie, ayos lang. Alam ko namang sasagutin na ako ni Liza.
Gumawa na ako ng mga plano ko. Kailangan kong mapaibig si Junie. Kailangang mapasaya ko ang prinsesa ko.
----
Pananaw ni Otor: Waaaaaa. Wala lang. May bagong character ano? Hehe. Sana mabigyan niya ng dagdag na kulay ang story ko. Leave your comments if you like! Love you guys! God bless :)