San Carlos

By saIome

63.8K 2.6K 572

In 1868, the town of San Carlos was founded by the Spaniards. The townspeople called it a paradise, with its... More

San Carlos
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 14

1.6K 82 15
By saIome

Kulang nalang ay mabingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pababa ng mansyon. Idagdag mo pa ang pag-iisip na nasa likuran ko lamang si Señora Felicidad at Señora Elvira. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa sobrang kaba. Ramdam ko rin ang mga tingin saakin ni Señora Felicidad. Halatang marami itong nais na itanong saakin.

Kung bakit ako dinalaw ni Primitivo ngayon ay hindi ko rin alam. But now that he's here, does this mean that Inigo and Mang Isko are also safe? Pati na rin ang binibini na sinagip namin kagabi? I stopped at the end of the stairs. Bumungad kaagad saakin ang pamilyar na pigura ni Primitivo.

"Magandang hapon, binibini." bati niya kasabay ng kanyang pagyukod at hinubad pa ang kanyang suot na sumbrero. I gulped really hard.

"M-magandang hapon rin." I bit my inside cheek. Kinastigo ko ang sarili sa isipan dahil sa pagka-utal!

"Isang oras lamang kayo maaaring mag-usap." mahigpit na bilin ni Señora Felicidad. Ang mga mata niya ay nasa akin at lumipat kay Primitivo.

"Maraming salamat po, Señora Felicidad. Masusunod ang inyong bilin..." dumapo saakin ang mga mata ni Primitivo kaya naman nagsimula ulit akong kabahan dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

Ngumiti ito saakin, "Maaari bang sa hardin tayo mag-usap, binibini?" he gave me a knowing look. I bit my lower lip, nodding slowly.

Primitivo smiled and led the way.  Napansin ko ang malisyosang tingin ni Andeng kaya naman mabilis ko siyang inilingan. Noong lingunin ko naman ang dalawang Señora ay mabilis din akong napabawi ng tingin sa sobrang kaba. They are looking at me like I did something unpleasant! Kinagat ko ang ibabang labi at sumunod na lamang kay Primitivo.

"Kamusta? Ano ang nangyari? Ligtas ba sina Inigo? Iyong babaeng niligtas mo?" sunud-sunod kong tanong kay Primitivo pagtapak namin sa hardin.

Mabilis akong napaatras nang bigla siyang huminto sa paglalakad at harapin ako. He's not wearing a smile anymore. Seryoso ang mukha nito dahilan upang mas lalo akong kabahan. May masama bang nangyari?

"Primitivo!" tawag ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita, "Ano? May masama bang nangyari?" kinakabahang tanong ko. Umiling siya kaya naman naka-hinga ako ng maluwag kahit papano.

"Nabanggit lamang sa akin ni Inigo na hindi raw siya maaaring magpunta rito dahil na rin sa utos ni Señora Felicidad, kaya naman ako ang nandito ngayon." tumalikod mula saakin si Primitivo at tinanaw ang malawak na hardin ng hacienda.

"Alam ko na ang lahat, binibini. Inihayag ito saamin ng dalagang aking natagpuan sa may kagubatan. Alam na rin ni Inigo ang lahat—"

"Alam ko na rin." pag-amin ko, "At ang babaeng kasama ninyo ay si Soledad, hindi ba?" tanong ko pa, kaya naman mabilis na napalingon sa akin si Primitivo.

"A-alam mo ito, binibini? Papaano mo ito nalaman?" he inquired.

"Narinig ko ang dalawang Señora na nag-uusap sa librerya kanina. Alam ko na sila ang may pasimuno ng lahat ng ito, at ang iyong ama..." I sighed, trying to restrain my anger.

"Si Ibarra. Isa siya sakanila. Sila ang dahilan sa pagkawala ng mga dalagita sa bayan ng San Carlos at ang ilang insidente ng pagpatay..." I clutched at the saya I'm wearing. "Sila ang may kagagawan ng kahayupan na 'to."

"Akin ring nasisiguro na sila rin ang tunay na nagpapatay kay Maria, o baka nga sila pa ang pumatay rito." nakita ko kung paano natigilan si Primitivo sa sinabi ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kamao nito na nanginginig, marahil sa galit.

Marahas ang ginawa nitong paghugot ng hininga. Nang tumingin siya saakin ay seryosong-seryoso na ang kanyang mga mata. I think twice, because he's so far from the gentle looking Primitivo that I've known him of.

"Binibini, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang sadya ko rito ay sabihin saiyo ang naging plano naming dalawa ni Inigo..." sumulyap siya sa paligid bago tumingin muli saakin.

"Itatakas ka namin mamayang gabi mula rito sa bahay ng Señora."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. I looked at Primitivo. Ang mukha nito ay hindi mababakasan ng anumang pagbibiro. I sighed, looking around the place. As much as I wanted to escape, I can't. Hindi ko maaring iwan ang mga babae na nasa loob ng bodega ng Señora. Ipinangako ko sa mga ito na tutulungan ko sila.

"Hindi ako maaring sumama."

"Huh?" naguguluhang tanong nito, "Bakit, binibini?"

I heaved a deep breathe, "Mayroong apat na binibini na nakagapos sa bodega ng mansyon na ito. Sila ang mga binibini na kasalukuyang nawawala ngayon. Sa susunod na gabi, isa sakanila ay kukunin na upang ihatid saiyong ama..."

Hindi ko magawang matuloy ang sasabihin. Primitivo nodded at me, as if he understands. I inhaled sharply.

"Ipinangako ko sa mga binibini na itatakas ko sila sa impyernong 'to. Umaasa sila saakin, ginoo. Hindi maaring iwan ko sila at hindi tuparin ang aking pangako sakanila."

Noong tingnan ko muli si Primitivo ay nakatanaw itong muli sa malawak na hardin ng mga Gallego. Napatingin rin ako tuloy doon. The gentle blow of the wind sways the flowers, dahilan upang kumalat ang mabangong samyo ng mga bulaklak sa paligid.

Mapait akong napangisi sa sarili. Talaga namang napaka-bango ng paligid, at hindi mo iisipin na may tinatago pala itong baho. Tiningnan ko si Primitivo na ngayon ay may tinatanaw sa kung saan. Nang tingnan ko 'yon ay natagpuan ng mga mata ko si Señora Felicidad mula sa nakabukas na bintana ng kanyang kwarto.

"Tuloy ang plano, binibini."

Nawala ang tingin ko sa nagmamasid na Señora, upang lingunin si Primitivo sa aking harapan. Sinasayaw ngayon ng hangin ang kanyang buhok, dahilan upang matakpan ng bahagya ang kanyang mga mata.

The eyes. They have always been the mirror to our souls. Through the eyes, we can see the emotions that the face forbids to show. We can see right through a person. Nalalaman natin kung kailan sila nagsasabi ng totoo, o kung kailan sila nagsisinungaling...

But some people are great in hiding and handling their emotions. Some people are good in faking and lying. Some people are just so... good, in playing innocent. Ipinilig ko ang ulo at sinalubong ang mga mata ni Señora Felicidad na ngayon ay harap-harapan na minamasdan kami.

Señora Felicidad is one of those. Isa siya sa mga taong magaling pagdating sa pagsusuot ng isang maskara. I once looked at her directly in the eye, but have failed to see behind it.

But unfortunate for her, because I have finally taken off her mask without her knowing.

"Tuloy ang plano. Itatakas ka namin mamayang gabi, gayon na rin ang mga binibining iyong pinangakuan."

Nawala ang tingin ko kay Señora Felicidad at napangiti nang marinig ang sinabi ni Primitivo. I have spent so many nights thinking about Ibarra and Maria Alejandra. Ang nais ko lang naman ay malaman ang katotohanan sa likod ng mabangong pangalan ni Ibarra at ang mabigyan ng hustisya ang kamatayan ni Maria Alejandra.

Nilingon kong muli ang bintana na kinatatayuan ni Señora Felicidad kanina, ngunit sarado na 'yon. I just want justice for Maria Alejandra... but now, I want justice for everyone who deserves it. Sinisigurado ko na hindi mapupunta sa wala ang pagkamatay ni Maria Alejandra, at magbabayad sa batas ang lahat ng dapat magbayad.

"Ano ang ibig sabihin nang pagdalaw ni Señor Primitivo rito, Eloise? Hindi ba't sinabihan na kita na huwag makipag-kita sa mga Ibarra?" Señora Felicidad fired me with questions, once Primitivo left the mansion.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. I stared at her directly in the eye.

"Ano ang ibig sabihin nang pagdalaw ni Señora Elvira rito, Señora?" I fired back. Nakita ko kung paano ito natigilan at nagulat sa klase ng pagtingin at pagsagot ko sakanya.

Simula nang marinig ko ang lahat ng ginawa nila, nawalan na ako ng takot sakanya. Why would I be afraid? Sila. Sila dapat ang matakot dahil may kasalanan sila. Sila dapat ang matakot sa mga kahayupan nila.

"Ang Señora ay dumalaw lamang rito dahil ako ay may nais na ipahabing damit sakanya." kalmado na ito ngayon. Pinilig ko ang ulo at minasdan siya, a mocking smile escaped from my lips.

"At sino ka upang kwestyunin ako? Huwag mong nililihis ang usapan, Eloise. Bakit dumalaw rito si Señor Primitivo, gayong wala naman kayong koneksyon sa isa't-isa?"

"Akala mo lamang na wala kaming koneksyon sa isa't-isa. Tulad na lamang ng akala ko na wala kayong koneksyon ni Señora Elvira sa isa't-isa... Patas lamang tayo, Señora."

Nawala ang ngisi sa mukha ko nang maramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Tumabingi ang ulo ko at halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya saakin. My jaw clenched as I felt the stinging pain on my cheek.

"Akala ko ay naiiba ka, ngunit katulad ka lamang ni Maria. Matalino ngunit hindi marunong makinig." natigilan ako dahil doon. She... she just directly said that she knows Maria!

I looked up to see Señora, ngunit laking gulat ko nang makita ang pagkinang ng kanyang mga mata at may nagbabadyang luha.

"Binalaan na kita, ngunit pinili mong hindi makinig," Señora heaved a deep breathe. "Huwag kang tatakbo pabalik saakin at umiiyak, dahil ipapaalala ko lamang kung paano ka naging pendejo sa mga naging desisyon mo."

Tulala ako nang marating ang aking kwarto. It was the first time that I saw Señora Felicidad in her vulnerable state... hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating. I pulled my own hair in frustration. Hinila ko ang unan sa kama at kinagat ito sa sobrang inis.

I shouldn't be carried away with a simple waterwork! Anyone can produce tears and not mean it. Hindi na muli ako palilinlang sa Señora. Kung may isang bagay man akong natutunan habang narito ako sa nakaraan... iyon ay ang huwag magtitiwala sa kahit na sino.

Huwag magpapadala sa pinapakitang kagandahan at kabutihan, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa likuran ng lahat ng ito. Even the nicest person living on Earth can betray you, even your family, your friends, even the only person you trust the most can betray you. In this world, you cannot really trust anyone but yourself, and that's the grave truth.

"Nagawa niyo ba?" tanong ko kay Oryang at Andeng na ngayon ay halatang takot na takot.

Tumango si Andeng.

"Sigurado ka ba na tama ang ginawa natin, Señorita? Alam ko na hindi mahilig makisalamuha ang Señora, n-ngunit mabuti siyang tao..."

"Narinig mo ang usapan nila Andeng, hindi ba?" tanong ko. She nodded. "O, alam mo na ngayon sa sarili mo na tama lang ang ginawa mo. Isa pa, hindi naman natin pinatay ang Señora. Pampatulog lang 'yon."

Nanghihinang napaupo si Andeng sa kama ko at tahimik na lumuha. Agad naman siyang dinaluhan ni Oryang. I bit my lower lip at the scene. Napa-buntong hininga ako at pinili na yakapin rin silang dalawa.

"Alam ko na mahirap para sainyo na tanggapin ang mga nangyari, pero 'yon ang katotohanan." wika ko, "Ang importante ngayon ay maliligtas natin ang mas marami pang buhay."

Hinigpitan ko ang yakap sakanilang dalawa. Ang mga mata ko ay nakapako sa susi na hawak ko. Ito ang susi para sa bodega at sa kadena sa paa ng mga dalaga. Ito ang susi na nakita kong hawak ni Señora Elvira noong isang gabi.

Nilingon ko ang nakabukas na bintana ng kwarto kung saan pumapasok ang malakas at marahas na hangin. I can't help but feel anxious because of the bad weather. Kanina, pagsapit ng gabi ay bigla na lamang umulan ng malakas. It feels like something bad will happen tonight. Napailing ako sa sariling pag-iisip at nilapitan ang bintana upang isara ang mga ito.

Primitivo told us their plan for tonight. Naisagawa na namin ang una. Ang painumin ng pampatulog ang Señora at kunin ang susi para sa bodega. Bubuksan namin ito at dadalhin muna ang mga dalaga sa kwartel ng mga guardia civil sa labas ng mansion, kung saan naghihintay si Julio at Diego para saamin.

"B-binibini! Dumating ka..." nakita ko ang pagdaloy ng luha pababa sa mga pisngi ng pamilyar na dalaga nang makita ako sa harapan niya.

I placed my index finger above my lips and asked her to hush.

"Huwag kayong maingay. Itatakas ko kayo rito gaya ng aking pangako, ngunit sikapin niyo na huwag lumikha ng anumang ingay. Hindi dapat tayo mahuli," bilin ko sa mga ito. The four ladies nodded at my command.

Mabilis kong inalis ang kadena sa kanilang mga paa. I can hear Andeng sobbing in fear of everything. Hindi ko inakala na ganito siya ka-emosyonal. Napailing na lamang ako. Inakay ko si Katarina at ang isa pang babae. Si Oryang naman sa dalawa pa.

"Andeng, tutungo na kami sa kwartel ng mga guardia civil. Isarado mo ang bodega ng mansyon at sumunod ka saamin kagaya ng ating napag-usapan, maliwanag ba?" hinanap ko ang mga mata nito. Nanginginig ang mga labi siyang tumango saakin.

"Masusunod, Señorita. M-mag-iingat po kayo..." I smiled at her.

Nagkatinginan naman kami ni Oryang at sabay na tumango. Buong lakas naming tinahak ang daan sa likod ng mansyon kung nasaan ang kwartel ng mga guardia civil. Katulad ni Señora Felicidad, pinainom rin nila ng pampatulog ang mga guardia upang walang sagabal saaming plano.

"Nasa tarangkahan na po sila!" bungad ni Julio saamin. Mabilis itong umalalay saamin ni Oryang, hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.

Malalim ang aking pag-hinga nang tuluyan naming marating ang kwartel ng mga guardia civil. Julio quickly handed us blankets and I couldn't get anymore thankful because of that. Pakiramdam ko ay maninigas ako sa sobrang lamig. It is December and it's raining really hard, for Pete's sake!

"Hindi ko inakala na magagawa ito ng Señora. Kailanman ay hindi niya kami pinagmalupitan na kanyang mga tauhan, hindi ko inaasahan na magagawa niya ang lahat ng ito..." napatingin ako kay Julio na ngayon ay napupuyos sa galit, habang nakatingin sa sugatan at halos walang malay na mga babaeng kasama namin.

I let out a bitter smile. Akala ko rin.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang tumatakbong si Andeng palapit saamin. Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano siya agad na sinalubong ni Julio at inalalayan para tuluyang makapasok sa kwartel. Napailing na lamang ako nang maalala ang sinabi ni Manang Esme.

"Nariyan na ho sila." mabilis na tumayo si Oryang mula sa kinauupuan nang marinig ang yapak mula sa mga kabayo, kaya naman napatayo rin ako.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa pinaghalong kaba sa mga pangyayari at sa pag-iisip na makikita ko muli si Inigo. Ilang segundo pa ay natanaw na namin ang dalawang calesa. Ang isa sa mga kutsero nito ay si Diego at ang isa naman ay si Inigo.

Tila lumukso sa saya ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. His hair's damp from the rain. Bakas na bakas rin ang kanyang matipunong katawan dahil nabasa ng ulan ang kanyang damit. I watched him as he dangerously maneuvered the horse towards our direction, without breaking our eye contact.

Naputol lamang ang tingin ko sakanya nang lumapit na saakin si Diego, upang isakay ang mga dalaga sa calesa. Basa na rin ito sa malakas na ulan. Umusod ako upang bigyan siya ng espasyo sa maliit na teresita ng kwartel. Tumulong na rin sa kanya si Julio at maingat na isinakay ang mga dalaga sa calesa na tutungo sa hacienda dela Cuesta.

It is the safest place for them as Primitivo said. Hindi basta-basta mapapasok ng mga guardia ang hacienda ng mga dela Cuesta. Doon nila planong itago ang mga dalaga pansamantala, doon rin ngayon nagtatago si Soledad at Mang Isko, dahil hindi sila ligtas sa maliit na kubo nito sa dalampasigan.

Nangunot ang noo ko nang hindi matagpuan si Primitivo. Hindi ba siya sumama? Hindi ba't sila ni Inigo ang may plano nito?

"Alam mo ang lahat ng ito." naputol ako mula sa pag-iisip nang makitang nasa harapan ko na si Inigo.

Halos malula ako sa sobrang lapit ng mukha niya saakin. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga saaking pisngi. He stared at me with furious eyes. I can feel my heartbeat rising. The sound of the rain faded. Tanging ang malakas na tibok na lamang ng aking puso ang pumupuno saaking tenga. My eyes glued at him.

"Alam mo ang lahat ng tungkol dito, ngunit wala kang sinabi saakin?" I can feel the restrained anger in his voice. He looked at me, hurt and betrayed.

I gulped, "H-hindi pa ako sigurado, noon. Tanging hinala pa lang ang mayroon ako. S-sabihin ko rin naman sa'yo kapag napatunayan ko na..."

"Kahit na, Eloise." pinigilan ko ang mapalukso nang marinig ang pangalan ko mula sa labi niya.

"Dapat sinabi mo saakin. Kahit hindi ka pa sigurado, dapat sinabi mo pa rin saakin." he growled. I clenched my fist behind my back. God, pakiramdam ko ay aatakihin ako ng wala sa oras!

"A-ayoko lang na mag-alala ka..." I pressed my lips together. Yumuko ako upang itago ang namumulang pisngi.

"Kahapon, ngayon, o bukas. Palagi naman akong nag-aalala para sa'yo."

Tuluyan ko nang nahigit ang hininga nang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Maulan ngunit sobrang init ng aking mga pisngi. God, Inigo!

"Paano na lamang kung hindi ko nalaman ng maaga ang lahat? Kung hindi ko nalaman ang katotohanan at hindi mo nagawang sabihin saakin ang tungkol dito?" nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagka-wala ng ngiti saaking mga labi.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasisiyahan pa ako na nagagalit siya saakin ngayon.

"Paano kung ganoon ang nangyari, huh?" naitikom ko ang bibig nang muli siyang humarap saakin. Ipinilig nito ang kanyang ulo at mataman akong tiningnan, dahilan upang mas lalong magwala ang puso ko.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na mapahamak ka, Eloise..." he whispered, his voice was barely audible because of the rain.

Sa hindi malamang dahilan ay nag-init ang sulok ng aking mga mata habang tinitingnan ang malungkot na mga mata ni Inigo. Ganito rin noong huli naming pagkikita. I can't help but feel guilty. Am I hurting him, again?

"Inigo." napalingon ako kay Julio na ngayon ay kunwaring naubo. Noon ko lang napansin na handa na pala silang lahat at kami nalang ang hinihintay!

"Inigo, kaibigan. Kailangan na nating humayo dahil patuloy na lumalakas ang ulan. Hindi na ligtas sa daan." dagdag pa ni Julio, dahilan upang hawiin ko si Inigo sa dinaraanan, ngunit hindi niya hinayaan 'yon.

His strong arms locked me in place. Ang mga mata niya ay nanatili sa mga mukha ko na para bang ano mang minuto ay mawawala ako sa paningin niya. Using my peripheral vision, I can see his jaw painfully clenched.

"Mauna na kayo palabas, Julio. Susunod kami." seryosong-seryoso ang boses nito. Nilingon ko muli siya. Parang narinig ko muli ang Inigo na noong unang beses kaming nagkita.

"Kung gayon ay hihintayin ka nalang namin sa tarangkahan." said Julio.

"Sandali, Julio," agap ko, bago pa man sila tuluyang umalis. "Sasama na sainyo si Inigo." I smiled.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Eloise." tiningnan ko muli si Inigo na ngayon ay naka-kunot ang noo at may bahid ng iritasyon sa kanyang mukha.

"Hindi ako sasama, Inigo." saad ko, at nakita ko naman sa mukha niya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Sa tingin mo ba ay hahayaan kita na narito sa puder ng Señora, gayong alam ko na hindi ka ligtas rito?" matigas itong umiling saakin. "Sasama ka saakin at ilalayo kita rito," his words were marked with finality.

I sucked in all the courage that I have in me and met his piercing stare.

"Naiintindihan kita, ngunit hindi ako maaaring sumama saiyo ngayong gabi. Tiyak na magtataka ang Señora kapag nakita niya na wala ang mga dalaga sa bodega, at ako na rin."

"Alam ko na iniisip mo ang kaligtasan ko..." I heaved a sigh, "Ngunit hindi mainam kung magiging padalos-dalos tayo sa desisyon natin."

Naninimbang ang tingin ni Inigo saakin. Ilang segundo pa ay hindi pa rin ako bumabawi ng tingin. Mariin niyang naipikit ang mga mata at lumayo saakin. Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat na bagay ang nawala sa dibdib ko nang tuluyan siyang dumistansya. Inigo, he's too much for me to handle.

Tiningnan ko si Inigo na ngayon ay marahas na pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok. He looked at me and I can taste his frustration, even if he tries to hide it. Alam ko na alam din nito na may punto ang sinabi ko.

"Bukas," panimula niya. "Bukas na bukas rin ay itatakas kita rito."

My eyes went wide.

"Bukas? Ano ang pinagka-iba no'n sa hindi ko pagsama ngayon?" inilingan ko siya, "Sa Linggo. Sa Linggo na lang at hayaan muna natin na humupa ang tensyon na paniguradong idudulot ng pangyayaring ito."

"Tatlong araw pa, Eloise? Papatayin mo ba ako sa pag-aalala sa'yo?"

Hindi ko na napigilan ang sarili at napairap na ako. God, bakit ba hindi niya maintindihan na delikado pa?

"Oo, tatlong araw pa. Sa Linggo pa at iyon ang masusunod." may diin na sabi ko. Natawa naman si Inigo na para bang hindi makapaniwala.

I pointed a look at him when he was about to say something.

"Huwag ka nang aangal. Sa Linggo na, 'yon na ang huli. At kung inaalala mo ang kaligtasan ko... huwag kang mag-alala. Hindi ko pababayaan ang sarili ko para sa ikatatahimik mo."

I smiled at him.

"Tama ang Señorita, Inigo." napalingon ako sa biglaang pagsasalita ni Diego.

"Siya nga kaibigan. Mainam na sa Linggo na lamang upang hindi ito magtanim ng pagdududa sa Señora." si Julio at nginitian pa ako.

"Oo nga po, Señor..." pabulong na sabi naman ni Oryang at Andeng.

Tinaasan ko ng kilay si Inigo. His jaw clenched as he inhaled sharply, before finally nodding at me. Sumilay na naman ang panibagong ngiti sa mukha ko dahil doon. Napailing ito, pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang isang ngiti na gumuhit sa labi niya.

"Oo na, talo na ako at masusunod ang inyong Señorita." wika ni Inigo habang dahan-dahang lumalapit saakin. Muli na namang nagwala ang puso ko habang nakatingin sa mga mata nito.

"Noon pa rin naman, talo na ako pagdating sakanya..." he whispered, only audible for me to hear. I saw his lips protruded as if preventing a smile. Hindi ko napigilan ang matawa.

Ang corny ni Inigo.

"Parati kang mag-iingat. Padadalhan pa rin kita ng sulat hanggang sa sumapit ang araw ng Linggo at paki-usap, sagutin mo ang mga ito..." he said, almost pleading.

"Oo," sagot ko. "Humayo na kayo dahil lumalalim na ang gabi at baka nilalamig na ang mga dalaga. Mag-iingat kayo sa daan." bilin ko.

"Okay." he replied with a smile.

Nanlaki ang mata ko, "P-paano mo—"

"Narinig ko lamang nang ako ay nasa kasalukuyan," bulong nito. "Mauuna na ako, Eloise. Magkita tayong muli."

Yumukod ito sa harapan ko at inabot ang aking kamay. He placed a soft kiss on the back of my hand like he always used to do, ngunit ganoon pa rin ang epekto saakin. Halos hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Nang bitawan niya ang kamay ko ay mabilis ko rin iyong binawi, at pinanlakihan nang mata sina Oryang at Andeng na ngayon ay may nanunuksong mga ngiti.

Pinanood ko ang pagsakay ni Inigo sa kabayo. I heard Julio and Diego saying something, earning a laugh from him. Nanliit ang mga mata ko roon, ngunit binalewala na rin nang tuluyan nang gumalaw ang calesa paalis sa mansyon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa wakas, ligtas na rin ang mga binibini.

Noong tuluyan na silang mawala sa paningin ay tiningnan ko ang dalawang kasama ko. Naroon pa rin ang mapanuksong ngiti sa labi nila kaya mabilis akong napailing.

"Huwag mo na kasing itanggi ang damdamin, Señorita." nginisihan ako ni Andeng, dahilan upang matawa si Oryang. Pinanlakihan ko sila ng mata kaya naman mabilis silang napayuko at tumakbo pabalik sa loob ng mansyon.

Napailing na lamang ako at sumunod sakanila. Hindi alintana ang pagbuhos ng ulan saakin, sa halip, nakuha ko pang tumigil at tumingala sa madilim na kalangitan. I closed my eyes and Inigo's face flashed on my mind.

I sighed.

It's impossible, El. Ang ulit-ulit na bulong ng isip ko. Hindi ako taga-rito. Hindi ako galing sa panahon na 'to. It's clear that we're from the different timelines. Darating ang araw na babalik ako sa panahon ko... darating ang araw na 'yon.

At ayoko na mahirapan ako sa pag-bitaw sakanya, kapag dumating ang araw na 'yon. That's why I can't risk hearing him saying those words. I'm already attached to him, and if I hear those words from him, I'm sure that it would be hard for me to leave.

I opened my eyes and welcomed the rain. I spread my arms like frail wings, pinakikiramdaman ang bawat patak ng ulan sa aking balat.

Ngunit tingin ko ay huli na... dahil ang ambon na gusto ko ay tuluyan na ngang bumagsak at naging ulan. Sadyang nakakalunod at tila wala na yatang pag-asa para makaahon pa 'ko.

Continue Reading

You'll Also Like

816K 35.4K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
477K 14.2K 73
Completed 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.4M 81.1K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
698K 37.5K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...