Destiny For Us

By skyevanille

49K 1.1K 56

Mafia Series Sequel Present: Destiny For Us. Paano kung magkagusto ka sa isang lalaki na hindi naman niyang k... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Special Chapter
Epilogue

Chapter 18

1.5K 34 0
By skyevanille

Hinatid ko na ang magpinsan sa bahay nila. Pagkarating namin sa bahay nila ay may bata ang lumapit kay Skye.

"Mommy, where have you been?" Tanong niya. Kahawig ko siya sa totoo lang kaya pagnakita ng iba ay iisiping anak ko talaga siya. "I've been looking for you everywhere and uncle Vixen told me you went to the mall with aunt Fiona."

Pero mall? Kailan pa naging mall ang Jackson Empire?

"Sorry, baby." Sabi ni Skye. Kahit napaaga kami nagkaroon ng anak ay alam niya kung paano makitungo sa mga bata. Pero isa lang ang pinagsisihan ko.. Ang masira ang pangarap niya.

Napansin kong tumingin sa akin si Ashton.

"Who is he, mommy?"

"Um.." Tumingin rin sa akin si Skye bago tumingin sa bata. "You asked me where is your father, right?"

Hinahanap na pala ako ni Ashton. Sabagay, limang taon ako hindi nagparamdam sa kanila. Ang huling kita namin ni Skye noong nagusap kami sa resthouse at hindi pa ganoon kalaki ang tyan niya noon.

"Yes." Masiglang sagot ni Ashton.

Umupo ako sa harapan ng bata para magkapantay kami.

"Hi, Ashton. I'm Lucas Jackson.." Pakilala ko sa kanya

"Wow. I'm also Lucas. Because mommy told me she named me after my father." Nakangiting sabi niya. Nagulat ako dahil pinangalan pala niya anak namin gamit ang pangalan ko.

Hindi na ako umimik. Bakit ginawa ni Skye yun? Is she still in love with me?

"Are you my father?" Tanong ni Ashton sa akin. Tumingin ako sa kanya sabay ngiti. Sinuklian rin niya ako ng ngiti. Kahit ang pagngiti niya ay kuhang kuha sa akin.

"Yes, I am your father." Niyakap ako agad pagkasabi yun sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin ka ng sarili mong anak.

"Finally, meet you, daddy."

Ang sarap rin pakinggan na tinatawag ka niyang daddy. Mabuti hindi ibang lalaki ang tinatawag niyang daddy.

Ginantihan ko na rin siya ng yakap. Limang taon akong wala sa tabi niya.

Tumayo na ako pero hinawakan niya ang isang kamay ko. Hinila niya ako patungo sa isang kwarto.

Kwarto niya pala.

"This is my room." Sabi niya. Proud pa siya habang pinapakita sa akin ang mga laruan niya. "I hope someday I can play with you."

Naalala ko tuloy noong maliit ako ay palagi kong kalaro ni papa. Kahit alam kong busy siya palagi pero gumagawa pa rin ng paraan para magkaroon siya ng oras sa amin.

"Tomorrow. We will play." Nakangiting sabi ko.

"Really?" Hindi siya makapaniwala. Tumango ako. "Promise?"

"It's a promise, buddy." Ginulo ko ang buhok niya.

"Yeeheey! I'm going to play with daddy tomorrow."

Ang ugali ko talaga ang na mana niya. Sa dami dami pwedeng mamana, ugali ko pa talaga.

Ayaw nga akong palabasin ni Ashton sa kwarto niya baka daw mawala ako sa tabi. Pero sinabi ko sa kanya na babalik ako bukas.

"Hindi ko alam gagamitin mo ang pangalan ko sa kanya."

"Sorry. Ayaw mo ba?"

Umiling lang ako.

"It's fine. At saka mahihirapan ka lang ibahin ang pangalan niya. Maraming gagawin."

Nakita kong pumasok sa bahay nila si Gavin. Yumuko na lang ako dahil simula noon ay hindi na ako pinapansin ni Gavin. Alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Hindi ko masisi si Gavin.

"Umuwi lang ako rito dahil may nakalimutan si daddy." Sabi nito.

Simula kasi noon ay umalis na ako sa grupo at wala na akong balita sa kanilang tatlo. Pero kay Skye ay may balita ako dahil sa tuwing nagkikita kami ni Felix sa bahay ay sinasabi niya sa akin.

"Uwi na ako sa amin. Nakatanggap kasi ako ng tawag sa sikretarya ko at doon niya dinala ang mga dokumento na kailangan kong tapusin." Pagsisinungaling ko. Ang awkward kasi sa pagitan namin dito sa kanila.

"Sige, ingat sa pagmamaneho."

Kinabukasan, pagkatapos kong maligo at nagbihis na rin. Nakatayo lang ako sa harap ng salamin. Nakangiti. Nang biglang may pumasok.

"Mukhang masaya ka yata, Luke." Sabi niya. Tiningnan ko lang ang reflection ni mama sa salamin.

"Yes, ma." Humarap na ako kay mama.

"Ngayon lang ulit kita nakitang ngumingiti. Palagi na kasi mainitin iyang ulo mo. Sa anong dahilan kaya ka ngumingiti ngayon?"

"I already met my son, ma. Kung makita niyo lang po siya matutuwa rin po sa kanya."

"Teka, teka.. May anak ka?" Kumunot ang noo ni mama. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko nga pala sinasabi kay mama ang tungkol doon dahil hindi ko sila pinapansin noon.

Dumaan si papa sa kwarto at mukhang napansin ni mama ang pagdaan ni papa.

"Zach!" Sigaw ni mama.

"What?" Kumunot naman ang noo ni papa.

"May alam ka bang may anak na itong panganay mo? Umamin ka sa akin. Kilala kita, Zach."

"Takot ko lang kung magalit ka sa akin, babe. And yes, I know."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Biglang dumating si Beryl at Felix. Napakamot na lang ulit ako ng ulo.

"Ano po nangyayari rito?" Tanong ni Beryl.

"Mukhang alam na yata ni mama." Ani Felix.

"Felix Jordan Jackson..." Galit na si mama dahil kinumpleto ang pangalan ni Felix.

"Yes, ma?"

"Ikaw ang palaging kumakausap sa kuya mo. May alam ka ba? Kung sino ang binuntis nitong kapatid mo?"

"Ma, chill lang po kayo. And yes po. May alam ako na may anak na si Luke."

"Argh. Ikaw, Beryl. May alam ka ba?"

"Wala akong alam diyan, ma."

"Kayong tatlong lalaki.. Bakit hindi niyo sinabi sa akin?!" Hinila ni papa si mama para yakapin.

"Alex, wag masyado mainit ang ulo. Papangit ka niyan." Ani papa. Pero humiwalay na si papa sa pagyakap. Hinihila niya si mama.

"Hoy! Saan mo ko dadalhin?" Sumusunod naman si mama kay papa.

"Papalamigin kita." Sabi niya sabay tawa.

In the end, naiwan kaming tatlo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak ka na pala, Luke? Sino ina?" Sunod-sunod na tanong ni Beryl.

"Si Skye."

"Skye Sandoval? Yung kapatid ni Gavin?"

"Bakit may kilala ka ba ibang Skye na minahal ko noon?"

"Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na may anak kayo. Kaya pala hindi na tumuloy sa pagaaral si Skye ngayon."

"Yeah, because your big brother is a jerk." Nilagpasan ko na ang dalawa kong kapatid.

"Saan ka punta, Luke?" Tanong ni Felix.

"Magkikipaglaro kay Ashton."

"Kilala ka na niya?"

"Yes. I met him yesterday."

"Mabuti pumayag si Skye."

"Pumunta pa ang kaibigan mo kasama ang pinsan niya sa kumpanya. Pinagsisigawan pa ako ng pinsan niya."

"May galit kasi sayo ni Fiona kaya ganoon."

"Hindi ko siya masisi. Sige, kailangan ko ng umalis."

-----

"What are you doing here?" Takang tanong ni tito Greg.

"Good afternoon, tito. Gusto ko lang pong bisitahin si Ashton."

Kumunot ang noo ni tito Greg. Parang hindi siya naniniwala sa akin.

"Nagkaayos na pala kayo ni Skye."

Ngumiti na lang ako kay tito Greg.

Siguro. Dahil hinalikan ako sa harap ng maraming tao kahapon.

"Pasok ka." Pagyaya sa akin ni tito Greg. Kaya pumasok na rin ako sa bahay nila. "Kumakain pa ng tanghalian si Ashton."

"Sige po. Hihintayin ko na lang po si Ashton dito." Umupo na ako sa sofa at nakita ko si Gavin bumaba ng hagdan.

"Dad, alis na po ako." Sabi niya kaya tumango sa kanya si tito Greg.

"Daddy!" Rinig kong sigaw ni Ashton. "I knew it was you, daddy."

"Kilala ka na pala ni Ashton bilang ama niya."

"Yes po. Pinakilala na rin po ako ni Skye sa kanya kahapon."

Lumapit na sa akin si Ashton at hinawakan ang kamay ko.

"Are you done, Ashton?"

"Not yet, granddad."

"Then, finish your food first."

Hindi na sumagot si Ashton dahil hinihila na nito ang kamay ko. Isa lang ibig sabihin, gusto niya ako sumama sa kanya.

Tumayo na ako. Hinihila niya ako papunta sa kusina nila. Nakita ko si ninang Yza.

"Good afternoon, ninang." Humarap sa akin si ninang Yza dahil naghuhugas siya ng mga pinagkainan nila.

"Lucas, good afternoon."

~~~~~

Read the mafia series.

ZacLex(Zach x Alex) story
GreZa(Greg x Yza) story
DexTina(Dex x Kris) story

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
246K 13.8K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
34.5K 1K 16
[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but i...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...