Destiny For Us

By skyevanille

49.1K 1.1K 56

Mafia Series Sequel Present: Destiny For Us. Paano kung magkagusto ka sa isang lalaki na hindi naman niyang k... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Special Chapter
Epilogue

Chapter 10

1.5K 40 0
By skyevanille

Skye's POV

Ilang buwan na rin. Siguro mga limang buwan na. Wala na nga rin paramdam si Luke sa akin and we're fine naman. Nagkaayos na kaming dalawa. We've been friends at ayos lang sa kanya na magkaibigan na muna kami. After what happened between us before wala naman naging bunga.

Tanga ko na lang kung meron dahil masisira ang kinabukasan ko. Hindi ko kasi naisip agad yun bago gawin.

Tanga na nga bobo pa ang kakalabasan ko niyan.

Ngayon ay naglalakad ako hallway noong nakasalubong ko si Blood.

"Oh. Mukhang masaya ka ngayon." Napansin ko kasing nakangiti siya.

"Yes. May nakita kasi akong babae noong isang araw. Shit, Skye. Ang ganda niya."

"Then? Nakuha mo pangalan?"

"Yun nga, eh. Hindi ko nakuha ang pangalan niya."

"Too bad." Tinapik ko ang balikat niya.

"Anyway, may gawa ka na bang project sa History?"

"Don't remind me that. Malaki pa ang problema ko ngayon."

"Bakit naman?"

"Walang paramdam sa akin si Luke. Kailangan ko rin makausap si Felix."

"Why? Saan siya pumunta ngayon?"

"I don't know." Kibit balikat na lang ako. Wala akong ideya kung saan lupalop ng mundo si Luke ngayon.

Iba kasi kurso ni Felix kahit ang schedule niya. Kaya halos kaming dalawa lang ni Blood ang magkasama dahil magkaklase kaming dalawa.

"By the way, Blood, pagnakita mo itong mystery girl.. You should ask her name."

"Oo naman. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon."

Pagkatapos ng klase namin ay nakita ko si Felix naglalakad sa hallway. Lumapit ako sa kanya.

"Felix." Tawag ko. Lumingon siya sa akin pero binalik niya agad ang tingin kung saan siya nakatingin kanina.

Nakita kong may tinitingnan siya. Isang babae. Maganda, matangkad. Sa tingin ko type siya ni Felix.

"Type mo?" Tumingin ulit ang kaibigan ko sa akin.

"Baliw ito. Bakla iyan sa classroom."

"What?!" Napasigaw ako. Bakla yun? Ang ganda naman niya para maging bakla. "Weh?"

"Oo nga. Lahat nga kami nagulat noong ganyan ang itsura niya. Hindi namin inaasahan."

"Ang ganda niya para maging bakla."

"Wala na tayo magagawa." Kibit balikat na lang ito. Tumingin siya ulit sa akin. "Ano pala kailangan mo sa akin, Skye?"

"Um, alam mo ba kung nasaan si Luke?"

"Huy, namiss na niya ang kapatid ko." Sabi nito sabay tawa. Kunot noo ako. Baliw talaga itong kaibigan ko. "Hindi mo ba alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Taray nito. Meron ka ba ngayon?"

"Hush.. Bastos iyang bibig mo. Sagutin mo na lang ang tanong ko para makauwi na ako."

"Nasa Paris si Luke ngayon."

"Paris? Ano naman ginagawa niya roon?"

"Isang piloto ang kapatid kong yun."

"Ahh.. Doon pala ang flight niya. Pero kailan ang balik niya?"

"Ang sabi niya sa amin bago siya umalis ay matatagal pa daw siya. Siguro mga apat o limang buwan pa siya doon."

"Ang tagal pa." Nalungkot ako dahil matagal ko pa hindi makikita si Luke.

"Bakit mo ba hinahanap si Luke. Sabihin mo nga sa akin, Skye mahal mo pa rin ba si Luke?"

"Bakit naman umabot diyan ang usapan natin?"

"Just answer my question."

"I don't know, Felix. Kaibigan ko ang kapatid mo."

"Inamin sa akin ni Luke dati na gusto ka niya."

"Alam ko na rin iyan dahil sinabi na rin niya sa akin." Sabi ko. Ngumuso naman siya. Ano tingin niya sa akin?

"He likes you, you like him. Bakit kasi hindi pa kayo magaminan."

"Umamin na siya pero ako ang hindi pa umaamin dahil natatakot akong masaktan ulit."

"Hay naku. Apat na taon na nagsisi si Luke noong umalis ka ng bansa. Ni hindi nga umaalis iyan ng bansa dahil ang gusto niya nandito siya kung may balak ka pang bumalik. Matagal ka niyang hinihintay."

"Seryoso?" Tumango sa akin si Felix.

Hinihintay ni Luke ang pagbalik ko ng bansa. Sinakripsyo niya ang kanyang trabaho para hintayin ang pagbalik ko.

"Nababaliw ka na ba? Dalhin na kita sa mental."

"Huh? Bakit naman? Ano ang ginawa ko ngayon?"

"Ngumingiti ka diyan. Ano ba napapangiti sa kaibigan ko? Si Luke ba?"

"Sira ka. Hindi si Luke ang iniisip ko."

"Kilala na kita, Skye. Kaya umamin ka na."

"Okay, okay. Ang daya mo kilala mo na talaga ako ng lubusan."

"Mahal mo pa rin si Luke?"

Tumango ako. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang kapatid niya.

"Yes, hanggang ngayon. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya."

Nakita kong ngumiti si Felix. Isa rin itong baliw. Ngumingiti na lang kusa.

"Tumingin ka sa likuran ko."

"Huh?" Lumingon ako sa likod. Laking gulat ko na lang noong makita ko siya. Totoo ba ito? "Luke?!"

Nandito si Luke sa likuran ko. Alam ni Felix? Pinagkaisahan ako nitong magkapatid na ito.

"Maiwanan ko na muna kayong dalawa." Maglalad na si Felix palayo sa amin.

"Is that right? You love me?" Nakangiti lang siya. Hindi ko maiwasan ang mamula. Narinig niya yung pagamin ko kay Felix. "I want to hear it again, Skye. You really love me?"

Tumango ako.

"I can't hear it. Say it louder." Hindi naman maingay ang paligid namin ah.

"I love you, Lucas Terence. I still love you unti--" Hindi na natapos ang sasabihin ko noong hinalikan niya ako. Tumugon naman ako agad.

"I love you too." He said between our kiss. Naramdaman ko ang pagngiti niya.

Ako na ang humiwalay sa kanya.

"Totoong mahal mo rin ako?" Hindi ako makapaniwalang tanong.

"Yes, I love you, Skye." Niyakap niya ako. Kaya ginantihan ko rin siya ng yakap.

Reminder lang, nasa loob kami ng school building. Mabuti na lang konti na yung mga estudyante dito.

"Pero nangako ako kay daddy na hindi pa ako magboboyfriend hanggang hindi pa ako tapos sa pagaaral."

"Handa naman ako maghintay hanggang grumaduate ka na. Ayaw ko rin maging sagabal sa pagaaral mo, Skye. Alam ko namang marami kang pangarap."

"Masaya ako dahil ang lalaking matagal ko ng pinapangarap ay mahal na rin ako."

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Skye." He kissed the top of my head. Ngumiti ako. Sigurado akong pulang pula na ang pisngi ko parang kamatis. "Hatid na kita sa inyo."

"Paano si Felix?"

"Siguro umuwi na yun ngayon."

"Okay. Gusto ko na rin kasing umuwi na. Dinadaldal kasi ako ni Felix kanina kaya nawala na sa isip ko ang umuwi agad."

Tumawa si Luke sa akin. Kahit ang pagtawa niya ay ang sexy.

"Tinalo pa ng kapatid ko ang mga maiingay diyan."

"Hindi lang yun. Daig pa niya ang ibang babae sa pagiging madaldal niya." Pabiro kong sabi. Kaya lalo siyang tumawa.

"I agree with that. Minsan naiinis na rin ako kay Felix."

"Kahit ganoon si Felix ay mahal ko yun bilang kaibigan. Nandiyan siya lagi."

Noong nakarating na kami sa parking lot ay sumakay na kami pareho sa kotse.

"Ang sabi ni Felix kanina nasa Paris ka raw. Paano ka nakarating agad?"

"Kahapon pa ako nakabalik. Gusto sana kitang supresahin kaya kinausap ko si Felix na tulungan niya ako pero ako ang nasupresa, eh. Hindi ko inaasahan na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ako."

"Hindi ko naman alam mapapaamin ako ng kaibigan kong yun. Kilala niya kasi ako."

Kilala ko rin naman ang pagkatao ni Felix. Kaya wala sa amin makakatagong sikreto sa isa't isa.

Pero saya na talaga ako. Sana nga hindi ito isang panaginip.

~~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

Continue Reading

You'll Also Like

18K 754 48
Hindi ako naniniwala na may forever dahil kung meron hindi sana ako iniwan ng mga taong mahal , kaya nga hindi na ko mag mamahal ulit dahil ayuko ng...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
95.9K 2K 69
The story behind Sammuel Laxa Santos. Malalaman kaya niya ang kaniyang nakaraan? Magiging masaya kaya ang buhay niya? Mark Brad Cha, are you Sammuel...