Kimeeko's POV
Nasa tambayan kami ngayon. Kakatapos lang kasi ng klase namin eh, napagdesisyunan muna naming maghanap ng kanta at magpractice.
"Kim bakit nga pala hindi nyo kasama ngayon si Meeson? May baby sitter na ba?" tanong ni Micah sakin
"Wala. Umuwi kasi yung ate at mommy ni Nash kaya, dun muna siya nagstay." sagot ko.
Tumango tango na lang sila.
"Oh Yulie and Kenchan, eto ang kanta niyo "WALANG IBA" by Ezra band. Bagay na bagay to para sainyo." sabi ko sakanila
Kinuha na lang nila yung lyrics then nagdecide na sila kung sino ang kakanta ng line na to and line na yun. Yung tipong ganun. ^___^
"Oh eto sainyong dalawa, KEVIN and MICAH, "I fell inlove with my bestfriend" by Jason Chen.." nakangiting sabi ko sakanila
Nanlaki naman ang mga mata nila. Waahahaha!
"BAKIT NAMAN YAN?!" sabay na sigaw nila sakin
"Tss, ang arte niyo. Kung ayaw nyo edi "Saving all my love for you" by Whitney Houston." sabi ni Nash
"Ugh! Hindi namin maabot ang pitch niyan. Banaman yan!" reklamo ni Micah
"Edi wag kayong magreklamo. I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND kasi ang song niyo. Kaya wag nang mag iinarte, Kanta lang naman yan eh. Unless, relate kayong dalawa?" asar ko sakanila
"HINDI NOH!" sabay na sabi nilang dalawa.
Hayyy. Sabihin niyo nga sakin kung hindi talaga sila relate sa kanta? Eh sinasadya ko talaga yun para sakanila. Title palang eh! ^____^
"Eh ano naman sainyo ni Nash?" tanong ni Yulie
"Hmm, Way back into love." sagot ni Nash
Tapos ayon, nagpractice na kami.
Micah's POV
Arg! Nakakainis talaga si Nash at Kim ehh, nananadya talaga. Kung di daw I fell in love with my bestfriend ang kakantahin namin, yung Saving all my love for you na lang daw ni Whitney, wth! Like duh? Hindi ko makakaya yun noh. Ang taas masyado para sakin.
"Oh ayan na ang lyrics. Ikaw na lang mauuna." sabi ko kay Kevin
Awkward lang masyado eh. Ilang arw din kaming di nagpansinan. Tapos ngayon siya pa talaga ang partner ko para sa Project. Hayy! Naman oh, kung minamalas ka nga naman! =_=
KEVIN: Do you remember when I said I'd always be there.
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
Didn't know it back then.
AKO: Now I realize you were the only one
It's never too late to show it.
Grow old together,
Have feelings we had before
Back when we were so innocent
KEVIN at AKO: I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you,
Squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my Best Friend
Tapos bigla siyang tumitig sakin. Ohmygazz! What is this? Anong feeling ba to? bakit ganito? Kinikilig ako or what?
EH BAKIT NAMAN KASI NAKATITIG SIYA SAKIN?! Waaaaah *o* Ayoko na..
"Ahh-- ehem ehem. Practcie ba to o staring contest?" bigla nalang sumingit si Kim.
Kaya naman bumalik na kami sa katinuan ni Kevin. Shetness! Kim naman eh! Alam mo ba kung ano yung MOMENT ha? Grr. Panira tlaga oh!
"Ah e-- ano-- Kevin may muta ka pa." sabi ko na lang
"Ah-- ga--ganun? I-ikaw din eh. May tinga ka sa ngipin mo." sabi niya sakin
Pagtingin ko sa salamin, wala naman. Si Kevin din, wala naman talagang muta eh. Kung ano anong katangahan na lang ang nasabi namin. Si Kim kasi eh. =_=
"Ah-- Hmm.. Pano ko ba sasabihin to? Hayyy. Ano-- Mi-Micah, pwde ba tayong lumabas bukas?" tanong niya sakin.
*Dug dug dug dug dug dug*
Hindi ko alam kung bakit ambilis bilis ng pagtibok ng puso ko. Chos lang! Alam ko noh, Malamang-lamang naman kasi inaaya ako ng gusto ko noh! Grr. Ohmygazz. I hate this feeling, Yung namumula ako ^___^
"H--huh? *inipit ko yung buhok na humaharang sa mukha ko sa may tenga ko* Ahh-- gu--gusto mong.. gusto mong magde--magdate tayo? Ganun?" tanong ko sakanya
"Ahh hinde. Hindi ganun ang ibig kong sabihin." sabi niya
U---UH?! ANO RAW?! Did I heard it right?
"Uh-- huh? E--eh sabi mo gusto mong lumabas tayo eh." sabi ko sakanya
"Ahh oo, kasi gusto ko sanang ma-master natin tong kanta natin kasi sayang naman ang grade diba?" sabi ni Kevin
"A--ahh. Hahahahaha. Sabi ko nga." sabi ko na lang at tumatawa na parang baliw. Nakakahiya kaya yung sinapit ko noh! Akala ko naman, inaaya niya ako magdate. Pnytera naman. Napahiya tuloy ako!
"Susunduin kita sa bahay niyo." sabi niya sakin
Tumango tango na lang ako at kunwari'y nagbabasa ng lyrics ko. Actually, nahihiya ako sakanya, namumula kasi ako, kanina dahilsa kilig, pero ngayon, dahil sa kahihiyan. Kung anu ano naman kasi ang lumalabas sa bunganga ko.
Kenchan's POV
Nasa kwarto ko ako ngayon. At syempre, kasama ko ang alalay ko. Pinapractice namin yung kanta namin eh. Anong klaseng kanta ba naman tong pinili nila Nash at Kim para samin? WALANG IBA. Yung totoo? Wala na ba talagang ibang kanta? At yan na lang talaga ang binigay samin?
Hindi naman sa ayaw ko ah. Okay nga eh kasi mababa lang ang pitch niya. Ang problema ko lang, etong si Yulie, ang taas taas ng boses. Naiinis na ako, yung mga mababa lang, ginagawa niyang mataas eh, BUMIBIRIT pa. Hindi niya ba alam ang kantang to? Nakakarinide na rin ang boses niya, akala niya naman nasa THE VOICE siya eh.
"Oy ano ba Yulie! Tigil ka na muna. Maskait sa tenga yung boses mo. Bakit ka ba bumibirit dyan ha? Hindi naman yan mataas ah. Ilang beses ko nang sinasabi sayo yan." sabi ko sakanya
"Eh kasi naman eh, pwde bang kanta ni Whitney Houston na lang ang kantahin natin? Parang hindi ko to kaya eh, ang baba-baba. Yung boses ko masyadong mataas" sabi niya sabay suntok sakin sa braso
"Sht! Bakit mo naman ako sinuntok?" tanong ko sakanya
"Eh kasi naiinis ako eh." sabi niya
"Eh kung naiinis ka lang pala sa kanta, bakit ako ang sinuntok mo? Sadista ka talagang babae ka. Langya!" sabi ko sakanya
Lichi. Sinuntok ako kasi naiinis siya sa kanta? Aba!
"Gago! Wala akong sinabing naiinis ako sa kanta, ang sinabi ko lang naiinis ako. Hindi pa ko tapos, nagsalita kana dyan. Ang gusto kongs sabihin eh, kaya kita sinuntok kasi naiinis ako SA PAGMUMUKHA MO!" sigaw niya sakin
Napatakip na lang ako ng tenga. Ang sakit sa tenga!!! Ahhh! Gagong babae to ah! AMAZONA, SADISTA, LANGYA, lahat lahat na!!!!
"Eh bakit ka naman naiinis sa pagmumukha ko? kung tutuusin nga, mas nakakainis yang mukha mo kesa sakin eh. Tingnan mo, halos magmukha kang dalmatian sa dami ng black heads mo. Ahahahaha- Awwww! Sht!"
"At pinagtawanan mo pa ako ha? Eh ikaw nga dyan, pag walang eye liner, para kang namatayan eh. Ang liit liit ng mata. Maganda sana kung chinito ang pagkasingkit mo eh, Pero hindi, namamaga ang pagkasingkit mo. Hahahaha!" sbay tawa niya ng malakas.
Aba! Pinagtawanan din ako pagkatapos akong sampalin ng pagkalakas lakas? Kumuha ako ng unan at hinampas ko siya ng pagkalakas lakas, kaya nahulog siya sa kama.
Pero nagulat ako nung bigla na lang siya tumayo at dinaganan ako. Nakakadiri ang itsura namin.
"Walangya ka! Bakit mo ako hinampas ng ganun kalakas? Ang saket ng pagkakahulog ko." sabi niya sakin habang ginugulo at hinihila yung buhok.
Nasa ibabaw ko siya, kaya nahihirapan akong tumayo. Ang bigat pa naman niya.
"Hoy Amazona, Sadista, O kung ano man ang tawag sayo. bakit mo kasi ininsulto ang mata ko? Walangya ka!" sabi ko sakanya habang umiilag ilag.
"Eh ikaw eh, nauna ka. Sabi mo mukha akong dalmatian sa dami ng black heads ko. Ikaw unang nanlait! Kaya dapat lang na laitin din kita." sabi niya sakin tapos sinasakal na ako.
Nahawakan ko ang kamay niya. Kaya naman pumaibabaw ako sakanya. This time, ako naman ang maghihiganti! Tingnan natin kung makakapalag kang amazona ka!
"Ho--hoy! Bakit ka nakangiti ng ganyan? Bitawan mo na ako!" sabi niya sakin
"Kanina sinasaktan mo ako, ngayon-- oras ko na para makahiganti. Pero wag kang mag alala, di naman kita sasaktan eh. Pero alam mo, parang iba ang feeling ko ngayon.. Mainit. Diba?" pananakot ko sakanya
Nanlaki ang mata niya, halos lumuwa nga ito. Hahahaha! That face!
"A--anong pinag--sa--sasabi mo ha? Hindi-- hindi nakakatawa ha.." sabi niya at halos mangiyak-iyak na.
Lumapit ako sa may tenga niya, at tumata yung hininga ko sa may leeg niya.
"Tingin mo, nagpapatawa ba ako?"
"Kenchan hindi nakakatawa ah." sabi niya sakin
Tumingin ako sa mga mata niya. Nakatingin din siya sakin. Pinalapit ko ang mukha namin--
Ng pinalapit
Ng pinalapit
At hanggang pumikit na siya.
Hindi ko alam- pero---
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! What the-- ahahahahahaahhaa. Kung nakikita mo lang yung itsura mo, for sure, tumatawa ka rin. Hahahahahahaa. Shet! Ang saket sa tiyan. Ano bang ginagawa mo Yulie? Bakit ka naman pumikit? Eh nakikipag staring contest lang naman ako sayo. Hahahahahahah." tawa lang ako ng tawa
"UUUUUGGGGHHH!!! Akala mo nakakatawa talaga ha! Patay ka saking gago ka!" sigaw niya sakin
Tumakbo ako, hinahabol naman niya ako. Nagpaikot ikot lang kami sa kwarto..
Takbo
Takbo
Tak--
"Kyaaah!" napasigaw siya kaya naman agad ko siyang sinalo, naapakan niya kasi yung kumot eh.
"Bi--bitaw. Okay na ako" sabi niya
"E--ehh ang landi mo, gusto mo lang sinasalo kita eh." sabi ko sakanya
"Ew! gago ka ba o gago? Gago ka nga! Hindi noh, yang pesteng kumot mo ang may kasalanan. Hayy! Wala naman akong mapupulot sayo eh, puro katangahan lang at kalandian ang alam mo, kaya aalis na ako at magpapractice ako." sabi niya sabay walk out.
Problema nun? Sinalo ko na nga, nagalit pa. At anong sinabi niya? Katangahan at kalandian lang ang alam ko? Aba! Lecheng amazona yun ah!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Lazy's note: Grr, Sa wakas, natapos ko na rin ang CHAPTER 9. Time check: 12:58 am. Dito ko na tinapos ang chapter kasi masakit na ang kamay ko at pagod na ako, and masakit na ang mata ko. So bukas nanaman, tatry kong mag update. :))
Love. Love. Love. <3