San Carlos

By saIome

63.8K 2.6K 572

In 1868, the town of San Carlos was founded by the Spaniards. The townspeople called it a paradise, with its... More

San Carlos
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 15

1.2K 85 16
By saIome

A continuous drop of water down my face made me open my eyes. Ano 'yon? Hindi ko naman nakalimutan isara ang bintana ng kwarto. Iginala ko ang paningin sa paligid at tanging malawak at malamig na kadiliman lamang ang aking nakita.

Nasaan ako?

Bumangon ako mula sa madamong aking kinahihigaan. Sandali. Kinapa ko ang lupa at damo nga. Basa ang mga ito at patuloy pa rin sa pagbagsak ang malakas na ulan. Tiningala ko ang kalangitan dahil doon. Nakakapagtaka dahil naroon ang maliwanag at bilog na buwan, gayong umuulan naman.

My view of the moon was dotted with the leaves of the tall trees. Realization hit me. Mabilis akong napabalikwas at tumayo nang matantong nasa gitna ako ng kagubatan. Umusbong ang kaba sa aking dibdib. Why am I here?

Ang huling natatandaan ko ay naging tagumpay ang plano namin sa pagtatakas ng mga dalaga. I immediately went back inside the mansion, in my room, after that.

Bakit nandito ako? Papaano?

Inilibot ko muli ang tingin sa buong paligid. Tanging matataas na puno lamang ang naaninag ko, sabayan pa ito ng malakas na ulan at ang bilog na buwan. The atmosphere feels so eerie. Lumalakas nang lumalakas ang pintig ng puso ko dahil sa ipinaghalong takot at kaba na nararamdaman.

Nahigit ko ang hininga nang may makitang liwanag sa kung saan, sinundan ito ng maraming yapak. Mabilis kong naisandal ang sarili sa malapit na puno upang magtago roon.

Bawat segundo ay palakas nang palakas ang mga yapak, at palapit nang palapit ang mga liwanag. My eyes went wide when I saw a young lady running and behind her are group of men. Hindi ko maaninag ang kanilang mga hitsura dahil sa ulan at dilim, and the dull yellow light coming from the lamp is not enough.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi alam kung ano ang aking gagawin. Lalo na nang makitang natisod ang tumatakbong babae sa naka-usling ugat ng puno malapit saakin. She's now hopelessly lying in front of me. Rinig na rinig ang kanyang hikbi sa kabila ng malakas na ulan. Napalunok ako at ihahakbang na sana ang paa upang tulungan siya, nang makita ko ang grupo ng mga lalaki na nasa likuran na ngayon ng babae.

"H-hindi ko inakala na ikaw... ikaw pa na siyang pinagkatiwalaan ko sa lahat!" pinilit ng babae na bumangon mula sa pagkakadapa upang lingunin lamang ang grupo ng mga lalaki.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa mga ito. Ngunit kitang-kita ko ang sakit, lungkot, at pagka-bigo, sa mga mata ng dalaga, na ngayon ay naaninagan ang mukha sa dalang lampara ng grupo ng mga lalaki.

"P-paano mo nagawa ang lahat ng ito? Sa kabila ng lahat ay n-nagawa mo pa rin na pagtaksilan ako..." nakakabingi ang tibok ng puso ko habang pinapanuod ang mga pangyayari.

"Hindi ko alam kung sino ang mas hayop sainyong dalawa, n-ngunit isang bagay lamang ang sigurado ako..." nanghihinang tumayo ang babae. Her eyes glisten with tears, the rain isn't enough to cover her pain.

"H-hayop ka!" namamaos ang boses nito, "H-hayop ka... hayop ka... ngunit patatawarin pa rin kita dahil m-mahal kita..." she smiled sadly.

Hindi ko napigilan ang pagsinghap sa susunod na nangyari. Isa mula sa grupo ng mga lalaki ang nagtutok ng baril sa babae. My knees tremble at the idea of what will happen next. Lumabas ako mula sa pinagtataguan at dahan-dahang lumapit sakanila.

"Ang tulad ko ay hindi nararapat sa pagmamahal mo," kinasa ng lalaki ang baril. I am already behind the girl. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang sila natinag sa presensya ko. Wala man ni isa sa kanila ang lumingon sa direksyon ko. Para bang hindi nila ako nakikita.

"Patawad, Maria."

A deafening sound of a gunshot woke me up. The sound barreled its way to my consciousness. Napabalikwas ako sa aking kama, hinahabol ang aking hininga. Hinawakan ko ang puso. Sobrang bilis at lakas pa rin ng tibok nito. I gently massaged my temple. That... that was just a dream. Panaginip lamang ito ngunit parang totoo ang bawat pangyayari.

That man. He said Maria. The young lady from my dream was Maria. What does that mean? Bakit napanaginipan ko 'yon? Hinaplos ko ang suot na kwintas dahil doon. Ano ang gusto mong sabihin saakin, Maria?

Sino ba talaga ang pumatay saiyo?

Si Señora Felicidad ba? Si Señora Elvira? O baka naman si Ibarra? Parang sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung alin ba talaga ang totoo sa mali. Kung sino ba talaga ang inosente sa hindi. I didn't know that it would be this fucking hard.

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang marahas na pagbukas nito. Laking gulat ko nang makita si Señora Felicidad na ngayon ay namumula at napupuyos sa galit. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya ay nalaman niya ang nangyari kagabi? Kinabahan ako sa naisip at napailing sa sarili. Hindi. Hindi pwede.

Hindi niya maaring malaman.

Bubuksan ko na sana ang bibig upang batiin ang Señora, ngunit nagulat ako nang isampal nito saakin ang isang dyaryo. Napayuko ako at kasabay no'n ang pagkuyom ng mga kamao ko sa galit. Ano na naman ba ang gusto niya? I thought it was the end of it, but she threw a red notebook on my face. Nanlamig ang buong mukha ko nang makita ang notebook.

"Isang dyaryo na tumutuligsa sa ating gobernadorcillo!" mariin ko naipikit ang mata sa sigaw niya, "At ano ito, Eloise? Isang cuaderno na nagpupunto sa gobernadorcillo sa kamatayan ni Maria Alejandra?"

Nagulat ako nang dakmain nito ang aking panga. Ang mga mata ng Señora ay namumula sa sobrang galit. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng dibdib ko, pinupuno nito ang aking tenga. I've never seen the Señora this mad, that her orbs delates in anger.

"Tama nga si Elvira sa kanyang sinabi. Maganda, ngunit may itinatagong kapahamakan... Hindi na dapat ako nagpalinlang muli," niluwagan nito ang hawak sa aking panga.

"Ngayon sagutin mo ako, Eloise. Bakit kilala mo si Maria? Bakit na saiyo ang kwintas niya?" nanunuri ang kanyang mga mata, "Sino ka ba talaga?" tumaas ang aking balahibo sa nakakakilabot na boses ng Señora. Her index finger grazed its way to my jaw, watching me with hawk-like eyes.

"Sino ka ba talaga?" I repeated her question, "Ah... ako na lamang ang sasagot. Ikaw si Señora Felicidad, isang mamamatay tao."

Akmang sasampalin ako nito, ngunit mabilis kong nasalag ang kamay niya. If she think that I would be afraid of her, then she have to think twice. Sinalubong ko ang galit nitong mga mata. Sinubukan bawiin ng Señora ang kanyang kamay, ngunit hinigpitan ko ang hawak rito. The two of us stared at each other, it felt like forever.

Kung palalayasin niya ako rito, hindi ako matatakot. Sa halip ay matutuwa pa ako. Wala itong pinagka-iba sa impyerno! I would rather starve in the pavements than live in this hellhole!

"Paano mo nagagawa 'yon, Señora? Ang saktan at patayin ang mga kapwa mo babae..." I made sure that she can feel the dismay in my voice. The disgust in my voice. Gusto kong malaman niya na nakakadiri siya. Nakakadiri ang kahayupan niya.

"At paano mo nagagawang harapin ang taong pumatay sa asawa mo?"

Nakita ko ang gulat na dumaan sa mukha niya. Napangisi ako sa isipan.

"Madali lamang, hija. Hindi naman mahirap na tingnan ang salamin araw-araw..." natigilan ako dahil sa narinig. Nakita iyon ng Señora at napangisi siya. "Tama ka. Marahil ay matatawag nga akong isang mamamatay tao dahil ako ang pumatay kay Leonardo. Ako ang pumatay sa aking asawa."

W-what? Si Señora Felicidad?

Sinamantala ng Señora ang gulat at panghihina ko at binawi niya saakin ang kamay niya. I looked at her in dismay. Hindi ko maintindihan. Siya ang pumatay sa asawa niya. Ngunit ang sabi nila ay si Ibarra! Sabagay... sino ba ang mag-iisip na kaya niyang patayin ang sarili niyang asawa?

Siya, siya ang pumatay kay Don Leonardo and she... she didn't even flinched as she confess her crime!

"Wala kang puso! P-paano mo 'yon nagawa sa sarili mong asawa?!"

Nanlamig ang buong mukha ko nang haplusin niya ang aking pisngi. She looked at me with those emotionless eyes and a maniac smile.

"Siya ang walang puso, Eloise. Siya ang walang puso dahil ilang beses niya akong dinurog! Hinayaan niya ako na manlimos ng pagmamahal niya kahit na saakin naman siya nakatali! Siya ang walang puso dahil hinayaan niya ako na magdusa sa isang sulok, at kinukwestyon ang sariling halaga, habang pinapanuod siya na nahihibang sa ibang babae!"

Natulala ako nang makita ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ng Señora. Tuloy-tuloy ang paglandas ng luha sa mga pisngi niya. I watched the Señora in surprise. Nanghihina itong napaupo sa sahig habang umiiyak pa rin.

"Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang pagmamahal niya... kahit kailan ay hindi niya ako tiningnan sa paraan kung paano niya tingnan si Luciana.... Ilang taon ko siyang pinagsilbihan, minahal, naging mabuti akong asawa sakanya... b-bakit hindi niya ako n-nagawang mahalin? Bakit hanggang sa kanyang huling hininga ay pangalan pa rin ni Luciana ang aking n-narinig?"

Nanginginig ang mga kamao ko sa galit habang pinapanuod siya. Ano ang karapatan niyang umiyak? Ano ang karapatan niyang masaktan? Ano ang karapatan niyang magluksa gayong siya ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang asawa?!

"M-mayroon bang kulang saakin? Ano ba ang meron kay Luciana na wala saakin? Dahil ba hindi ko siya mabigyan ng anak? At binigyan siya ni Luciana?! Ang walang utang na loob na si Maria Alejandra dela Cuesta!"

My eyes went wide in that. Maria Alejandra's father was Don Leonardo? Si Don Leonardo ang kasintahan ni Doña Luciana bago pa ito naikasal kay Don Alejandro! My head suddenly throbbed in pain. Pakiramdam ko ay hinahati ang ulo ko sa dalawa dahil sa sobrang sakit. Napahawak ako sa aking sentido, ang aking paningin ay unti-unting nanlalabo... hanggang sa sumagi saaking isipan ang isang hindi pamilyar na eksena.

"Huwag na huwag mong sasabihin sa kahit na sino ang iyong nakita, kung hindi, ikaw ang ipapalit ko sa mga babaeng naroon!" I can see Señora Felicidad. Sa harapan nito ay isang babae. Hindi ko ito makita dahil nakatalikod ito ngayon mula saakin.

"P-paano mo nagawa iyon sa mga kahabag-habag na dalaga, i-ina—"

Nanggagalaiting sinampal ng Señora ang babaeng nasa kanyang harapan.

"Huwag na huwag mo na rin akong tatawagin sa katagang iyan, dahil hindi kita anak!" pinukulan ng Señora ng nandidiring tingin ang babae.

"Narinig mo ang inutos ko sa'yo. Wala kang pagsasabihan nito kahit na sino. Kahit na ang iyong pamilya. Huwag na huwag mo akong susuwayin, dahil hindi mo gugustuhin na matikman ang galit ko. Sa oras na lumabas ito sa publiko, ako at ang gobernadorcillo ang makakaharap mo."

I thought it was the end of the scene. Ngunit bigla na namang nagbago ang buong paligid, at naroon pa rin si Señora at ang babae kanina.

Tulad kanina ay hindi ko maaninag ang hitsura ng dalaga. Tanging ang mga sugat sa kanyang katawan at ang puting bestida lamang na may bahid ng dugo ang malinaw saakin.

"S-saan mo ako dadalhin, Señora?" kita ko ang pagpupumiglas ng babae, but the Señora just glared at her.

"Hinihintay ka na ng gobernadorcillo. Huwag ka nang magpumiglas pa at hindi mo nanaisin ang mangyayari saiyong pamilya sa oras na sinuway mo ang utos niya!"

"S-Señora... b-bakit?" the young lady started to cry, "Mabuti pa na patayin niyo na lamang ako kaysa sa hawakan ako ng gobernadorcillo!"

Akmang aalis ang dalaga nang hilahin ng Señora ang braso nito at tiningnan ng seryoso at matalim.

"Kung gayon ay mamili ka, si Soledad, ang kwintas mo, o ang iyong puri? Isa lamang ang maaari mong iligtas."

"Nagkakamali ka, Señora. Maaari kong iligtas ang lahat," seryosong wika ng dalaga bago niya buong pwersang hinila ang sarili mula sa Señora at tumakbo papalayo.

Iyon ang huli kong nakita at ilang sandali pa ay binuksan ko na ang aking mga mata. What was all that? Maari ba na si Maria ang babaeng 'yon? Hinaplos ko muli ang suot na kwintas. Those were the fragments of Maria's memories...

Matalim ang mga mata ko nang lingunin ang Señora. My hands clenched into a fist. If she thinks that I will sympathise with her, then she's wrong. Bakit ako maaawa sakanya kung siya nga ay hindi naawa sa mga babaeng ipinagkanulo niya para lamang sa pera? Sa mga babaeng pinatay niya?

"Felicidad! Lumabas ka riyan!" isang sigaw mula sa labas ang naka-agaw ng atensyon namin ng Señora.

Soon after, knocks bombarded the door of my room. Bumukas ang pintuan at naroon ang nag-aalalang mukha ni Manang Esme. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa hitsura niya. May nangyari bang masama at bakit si Manang ang narito? Where's Andeng and Oryang?

"Señora, narito po si Doña Luciana. Ang pamilya dela Cuesta!" my eyes went wide at the shocking news. Tiningnan ko si Señora at nakita ko rin ang gulat sa kanyang mukha, ngunit hindi rin nagtagal 'yon.

Señora stood up from the floor and composed herself, "Papasukin mo, Manang Esme. Bababa na rin ako."

Hindi na ako nilingon pa ng Señora at dumiretso na ito palabas ng kwarto na para bang walang nangyari. As if she didn't cried her heart out because of Don Leonardo and Doña Luciana.

Tumayo na rin ako sa kama at mabilis na naghilamos. Kumuha na lamang ako ng kahit na anong baro't saya at sinuot ito. Ano ang ginagawa ng pamilya dela Cuesta rito? Iyon ang tanong na hindi maalis sa isipan ko. Kaya naman noong makita na presentable na ako, mabilis kong tinahak ang daan ko pababa.

Hindi ko maiwasan ang kabahan. Bakit nandito sila? Kasama ba nila si Inigo? May masama bang nangyari? Hindi ko maiwasan ang mapraning. Paano kung mayroon ngang masamang nangyari sakanila?

"Transgredir y gritar en la casa de alguien más temprano en la mañana. Hindi ba't parang ang baba mo naman yata, Luciana?" Transgressing and screaming into someone else's house early at the morning. natigilan ako mula sa pagbaba nang marinig na nagsalita ang Señora. Nanatili akong nakasandal sa pader at sumusulyap sa mga taong nasa salas.

"Wala akong oras sa mga panunuya mo..." ani ng isang ginang. I think it was Inigo's mother, Doña Luciana. Napupuyos man sa galit ay hindi maitatanggi ang kagandahan niya.

Sa tabi ng Doña ay isang matandang lalaki na kamukhang-kamukha ni Inigo. Lalo na ang mga mata nito na malamig kung tumingin. He looks like the older version of Inigo. Sigurado ako na ito si Don Alejandro. May kasama rin silang dalawang binata. Ito marahil sina Rafael at Mateo. Hindi yata uso ang salitang pangit sa mga dela Cuesta! At hindi rin ako makapaniwala na sa ganitong paraan ko makikita ang pamilya ni Inigo!

"Pinagbigyan kita sa lahat ng ginawa mo sa aking pamilya noon. Pinatawad kita sa lahat ng mga kasalanan mo, kahit na hindi ka humingi ng tawad. Pinatawad kita sa lahat ng kababuyan na ginawa mo sa inosente kong anak na si Maria! Pinatawad kita..."

Humakbang palapit si Doña Luciana sa Señora. Nakita ko kung paano siya hinawakan ng Don sa kanyang siko, na para bang pinipigilan. Pero hindi natinag ang Doña at tinitigan ang Señora. Ako ang kinilabutan sa klase ng pagtingin niya. Galit na galit ito.

"Ngunit hindi kita mapapatawad sa oras na si Inigo naman ang iyong sasaktan! Tandaan mo ang sasabihin kong ito saiyo Felicidad..." hindi ako maka-hinga ng maayos habang pinapanuod ang bawat pangyayari.

Parang sumisikip ang dibdib ko sa sobrang bigat. Inigo. Ano ang nangyari kay Inigo? Sasaktan ng Señora si Inigo? Bakit? Gustong-gusto ko nang lumabas at sumali sa usapan nila, ngunit may kung anong pumipigil saakin.

"Hindi na ako magdadalawang isip na labanan ka, kahit na isama mo pa ang gobernadorcillo na isa ring hayop katulad mo!" my eyes went wide when she pointed at the Señora. Nakita ko ang gulat na gumuhit sa mukha ng Señora dahil doon.

"Luciana, mag-hunos dili ka, mahal..." hinapit ng Don ang kanyang asawa palapit sakanya, ngunit hinawi niya lamang ang kamay nito.

"Mag-hunos dili ba kamo, Alejandro? Bakit, naghunos-dili ba ang babaeng ito?" pinukulan niya muli ng masamang tingin ang Señora.

I can feel her rage just by staring at her eyes. Napupuyos, nag-aalab, at wala nang pag-asa pang matupok. Ganoon katindi ang galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"Kung sa tingin mo ay mananahimik pa rin ako ay nagkaka-mali ka. Nais mo ng kaguluhan? Ibibigay ko ito saiyo, Felicidad. Ilalaban ko ang anak ko, kahit na kapalit man nito ay ang aking dugo at kamatayan," hindi ko maiwasan ang kilabutan. Pakiramdam ko ay sinusumpa niya ang Señora.

"Mahal, huminahon ka muna. Hindi mainam kung hahayaan natin na kontrolin tayo ng bugso ng ating damdamin..." maingat na sabi ng Don. Dahan-dahan niyang inilalayo ang asawa kay Señora Felicidad.

"Magkita na lamang tayo sa hukuman, Señora Felicidad," malamig na wika ng Don sa Señora. My brows knitted.

"Hukuman?" nagulat ako nang lumipad saakin ang tingin ng lahat ng tao na nasa sala. Naitikom ko ang bibig at pinagalitan ang sarili dahil napalakas ang pagsasalita ko.

Tiningnan ako ng Señora at sinenyasan na umalis at huwag nang makisali, ngunit inilingan ko lang siya. Nandito na rin naman ako. Nakita na rin din nila ako. Bakit pa ako magtatago? Isa pa, gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Ilang oras lang ang lumipas, pero pakiramdam ko ay sobrang dami na ng nangyari at hindi ko alam.

"Hukuman? B-bakit pupunta po kayo sa hukuman? A-ano ang nangyari kay I-inigo?" hindi ko matingnan ng maayos si Doña Luciana. Kaya naman, inilipat ko ang tingin sa iba.

"At sino ka naman?" tanong ng Doña.

"Luciana..." tiningnan ko ang Don na ngayon ay gulat na gulat habang nakatingin saakin.

"Luciana, nasa kanya ang nawawalang kwintas ni Maria..." dahil doon, lahat sila ay sabay-sabay na tiningnan ang kwintas na suot ko.

"Sino ka?!" napatalon ako sa biglaang sigaw ng Doña. Linapitan niya ako, "Sino ka?! Isa ka ba sa mga tauhan nitong si Felicidad? Bakit na sa'yo ang kwintas ni Maria? Sagutin mo 'ko!"

Inilayo ng isa sa mga binata saakin ang Doña. Hinila rin ako ni Señora Felicidad palapit sakanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ang Doña. Akala ko ay susugurin niya ako!

"Huminahon ka, ina..." wika ng lalaki. Tumingin ito saakin at nahihiyang ngumiti. Nagulat naman ako ro'n.

"Siya po ang binibining nabanggit ni Kuya Inigo. Si Binibining Eloise..." I know this isn't the right time, but I can't help but feel warm because of what I've heard. Nakuwento ako ni Inigo sa pamilya niya...

"A-ano po ang nangyari kay Inigo?" ulit ko nang kalmado na ang lahat. Tiningnan ko ang lahat ng nasa kwarto. The sudden change of their expressions doubled my nervousness.

Tiningnan ko sila isa-isa, ngunit kung hindi yuyuko ay iiwas lamang sila ng tingin. Hanggang sa nahanap ng mga mata ko si Don Alejandro. His expression is hard. Maliban doon, wala na akong ibang makitang damdamin sa mukha niya.

"Natagpuan siya kagabi ng mga guardia civil kasama ang mga apat na nawawalang dalaga. Pinaparatangan siya ng salang pag-dukot sa mga ito."

Continue Reading

You'll Also Like

Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.4M 81.1K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
816K 35.4K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
124K 4.4K 58
Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age she achieve her dreams to be a great ch...
3.9K 237 18
Quincy Alonso is an aspiring chef in Royal House, the most famous mansion in their country. She is satisfied with her current life but... unexpected...