Be Mine

By ainelabs

77.8K 1.6K 495

"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siy... More

Prologue
Chapter 1- The Flashback
Chapter 2- Bry the Jerk
Chapter 3- His Rival
Chapter 4- His Love
Chapter 5- Accident
Chapter 6 - Friends
Chapter 7- Jealous? OR NOT?
Chapter 8- Melalaine Beetch
Chapter 9- What is this I'm feeling?
Chapter 10- The battle has just started
Chapter 11- Move on, Steff
Chapter 12 and 13- He's gay
Chapter 14- Confession
Chapter 15- Another Postponed Lovestory?
Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??
Chapter 16- Bitchy attitude ACTIVATED
Chapter 17- To the rescue
Chapter 18- The FIRST.... What?!
Chapter 19- A bitch is always a bitch
Chapter 20- The Past
Chapter 21- Captain
Chapter 22- Guarding you
Chapter 23- This fight is for you
Chapter 24- Someone who cares
Chapter 25- Camp Training 1st part
Chapter 26- Camp Training 2nd part
Chapter 27- Camp Training 3rd Part
Chapter 28- Camp Training 4th part
Chapter 29- Camp Training 5th Part
Chapter 30- Last day
Chapter 30.2- Short update
Chapter 31- Busted
Chapter 32- Begging
Chapter 33- I'm so BACK
Chapter 34- Suddenly
Chapter 35- Earn your trust
Chapter 36- Courting you
Chapter 37- Short update (DEAL)
Chapter 38- Then marry me
Chapter 39- Jollibee
Chapter 40- Friends dilemma
Chapter 41- When it started
Chapter 42- Bully
Chapter 43- Option
Chapter 45- Seafoods
Chapter 46- Fried Chicken
Chapter 47- Truth or dare
Chapter 48- Sheet of paper
Chapter 49- I'll be okay
Chapter 50- All of Me
Chapter 51- Contract
Chapter 52- Pregnant
Chapter 53- Take Me Away
Chapter 54- Rape
Chapter 55- Explanations
Chapter 56- My little shiny star
Chapter 57- Can I have this dance
Chapter 58- Protect
Chapter 59- Meet the parents
Chapter 60- Group Study
Chapter 61- Kissing
Chapter 62- Right
CHAPTER 63- Intoxicated
Chapter 64- Kami na
Chapter 65- TAM

Chapter 44- Trouble

1K 23 19
By ainelabs

PAKIBASA PO MUNA BAGO TUMULOY SA STORY.

PASENSYA NA PO KUNG HINDI AKO MABILIS MAG-UPDATE. AYOKO TALAGA NG MINAMADALI LAHAT, TULAD NITO. YES, NAP-PRESSURE PO TALAGA AKO KAPAG MAY NAGMMESSAGE AT MAY NAGSASABI SAKIN NA BILISAN KO MAGUPDATE.. KAYA MINSAN NAWAWALA YUNG STORY KO SA PLOT NA GUSTO KO TALAGA. MINSAN FEELING KO ANG SABAW. PAKIRAMDAM KO KULANG, MAY MALI AT HINDI MAGANDA. KAYA SANA PO MAINTINDIHAN NYO KUNG MINSAN NATATAGALAN ANG UPDATE. HINDI NAMAN PO BASTA BASTA NAKAKAPAGSULAT, SYEMPRE GUSTO KO NAMAN PINAGIISIPAN KO MUNA.. SANA MAINTINDIHAN NYO.

SALAMAT SA MGA PATULOY NA SUMUSUPORTA. SA MGA NAGVVOTE AT NAGCCOMMENT. MARAMING SALAMAT PO TALAGA!

SABAW TO KAYA BAWI NALANG AKO NEXT TIME.

****

“Sa back gate ka mag-park! Dun ako dadaan. Baka may makakita satin eh.” dahil nga gusto kong batukan si Bryan.. at syempre gusto ko na syang makasama, pumayag akong makipagdate sa kanya.

Date?? Baka nga hindi date ang tawag dito. Sabi ko kasi hindi kami pwede lumabas ng kotse nya dahil baka may makakita samin. Baka mag-park lang kami kung saan.. ang hirap. Tss

“Bakit ba kasi kailangan pang magtago?! Bwisit!”

“Aba’t ano ba? Gusto mo bang makipagkita sakin o ano?!”

“Oo na! Oo na! Pasalamat ka mahal kita! Psh.”

Nag-init na naman ang pisngi ko. ASAR! Bakit ba hindi ako masanay sa pagsasabi nya ng mga ganyan. Kahit aburido ang boses nya ay isa pa ding musika ang mga katagang binibitawan nya para sakin.

Muehuehue. Pwede ko ng talunin si Jose Rizal sa pagiging makata nya. Anong say nyo?

Ewan ko ba kung bakit kami ganito. Madalas inis sa isa’t-isa. (=_=”)

Nakita ko ang kotse nya na naka-park sa di kalayuan. “Miss Chua, hindi po kayo pwede dito dumaan. Doon po sa kabilang gate ang daanan ng lahat ng estudyante.” harang sakin ng guard ng palabas na ako.

Whaatt!? No. Hindi pwede! Ayoko ng umikot no! Ang layo layo e.

“E kuya manong guard.” ang habang tawag. “Kailangan ko na kasi talagang lumabas dito, please naman po oh. May hinahabol po kasi ako.”

Maganda din ang mga patagong ganito, alam kong nasa may parking lot palagi naghihintay ang mga hidden bodyguards ko, at hindi nila pwede malaman na nagkikita kami ni Harris, kundi ay patay ako sa bahay.

Badshot pa nga ako e.

“Ma’am hindi po talaga, baka po matanggal ako sa trabaho kapag may nakaalam na pumayag po akong dumaan ang estudyante dito.”

Naawa naman ako kay kuya. Hayy. Matawagan na nga lang ang magaling na yun.

Lumayo ako sa guard ng kaunti habang hinihintay sagutin ni Bryan ang tawag. “Asan ka na ba? Bakit ang tagal mo? Sinong kasama mo? Wag ka lumapit sa ibang tao!”

Jusmiyo.. Tataas ang alta presyon ko sa lalaking ito. Napaka-control freak! Bossy at possessive!

“Chillax! Ang init na nga ng panahon sasabay ka pa! Andito na ako, kaso bawal daw lumabas dito ang estudyante e.”

“Sino nagsabi?”

“Si kuya manong Guard.”

“Wag ka sabing makipagusap sa ibang lalaki! Ano ba? Sabihin mo sakanya girlfriend kita at palabasin ka na ngayon din kundi mawawalan siya ng trabaho!”

I swear I want to strangle him right now sa sobrang inis ko. “Girlfriend?! Hoy lalaki! Wag ka ngang feeling!”

“Edi asawa kung ayaw mo ng girlfriend! Dun din naman ang punta nun!”

“Hoy Harris! Ano ba! Sumeryoso ka nga! Ipapakausap kita kay kuya pero wag na wag mo siyang takutin ha? Promise?” ayokong magtiwala sa kanya dahil alam kong mainitin ang ulo nya at tatakutin niya lang si kuya pero nagmamadali na ako.

“Eh bakit ba—“

“Um-oo ka nalang!”

“Oo na. Oo na!”

Patay talaga sakin siya mamaya. “Kuya, may gusto pong kumausap sa inyo.”

Inabot ko sa kanya ang phone at pinagmamasdan ang mukha niya.. maya-maya ay bigla siyang namutla. BRYAN WHAT DID YOU SAY TO HIM?

Dali-daling inabot sakin ni kuya manong guard ang phone at binuksan ang gate. “A-Ah sige po Ma’am makakalabas na po kayo. P-Pasensya na po kayo Ma’am.” puno ng pagsisisi na sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba! Humanda ka talaga sakin Harris ka!

Lumabas siya ng kotse ng makalapit ako at pinagbuksan ako ng pintuan. “Bakit ba bumaba ka pa!? Kaya ko naman buksan ang pinto mag-isa! Baka may makakita satin.” sabay pasok ko.

Nang makapasok siya ay sinimulan nya na agad magdrive. “Wow ha. Gandang bati naman nyan baby ko.”

Baby ko. Baby ko.. wag mo akong gamitan ng mga endearment endearment please lang. Naiinis pa ako sayo!

“What did you say to kuya manong guard?” I annoyingly asked him but then he’s just focus on driving, he just shrugged his shoulders.

Binatukan ko nga. “Ano ba, baby? Baka mabangga tayo! Mamaya na tayo magusap please. Ayoko na may mangyaring masama satin dahil lang hindi ako nakapagfocus sa pagddrive.. paano nalang tayo magpapakasal? Magkakaanak? Magkakaapo? Hindi pa nga tayo nakakapaghoney---“

*PAK PAK PAK!*

“Baby! Aray aray! Tama na!”

“Mukha mo tama na! Kanina lang ang init init ng ulo mo habang kausap kita sa phone tapos ngayon inaatake ka na naman ng pagiging bipolar mo at nagpapakasweet. Ano nga kasing sinabi mo kay manong!?”

Wag po kayo mag-alala. Hindi ko naman po siya papatayin sa sobrang inis ko..pero baka malapit na. -_-

“Tsk! Sabi ko patay sya sakin kasi kinausap ka niya.. ako lang ang lalaking dapat kinakausap mo!” and he pouts.

Shemay siomai. Oo, gwapo siya. PERO DAPAT NAIINIS AKO SAKANYA!!

“L-Loko ka talaga!” nanunuyo yung lalamunan ko. Ang gwapo niya! *o* Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng kahit araw-araw siyang nakikita ay pinagpapantasyahan siya..

Ano ba Steffie Lian!? Get a grip on yourself!

“Totoo naman e. Lagi ka nalang nakikipagusap kahit kanino.. samantalang pag sakin laging patago. Laging sikreto at dapat walang nakakaalam.”

There’s a hint of pain in his voice.. na para bang naging dahilan kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko.

Nasasaktan ko siya....

I suddenly felt stiff.. He glance at me and plastered a smile on his face.. Pilit pero he manage to make it look a reassuring smile. “Pero okay lang naman sakin e, kasalanan ko naman din kung bakit tayo ganito. Willing naman ako maghintay basta para sayo.”

Yung inis ko.. naglaho na.. sumama na sa aircon ng malamig na kotse nya. Pero yung sakit na nararamdaman ko sa mga sinasabi niya...

I feel that there’s something lump in my throat. I can’t speak. Natatakot akong baka may masabi akong mas masakit lalo sa kanya.

Nabigla ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa mga labi niya para halikan iyon. I’m sure I blushed! Sana minsan kaya ko din naman itago ang kilig ko diba?!

“Baby....”

Tinignan ko siya. Hininto nya ang sasakyan sa tabi at humarap sakin..

He looks me straight in the eye and place some strands of my hair in the back of my ear. He smiled. “Did I make you feel bad?”

I bit my lip. Sasabihin ko bang oo dahil yun naman ang totoo o hindi para hindi na niya masyadong alalahanin?

Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko....

OHHHWAIT!

HAHALIKAN NYA BA AKO ULIT? PIPIKIT BA AKO??

Syempre dahil feelingera ako ay pumikit ako.

*TSUP*

He kissed me... in my forehead.. Bakit parang tunong disappointed ako?!

Yan! Assumera kasi e. Tsk tsk. Tinignan nya ulit ako, nakakahiya. Baka nakita nya yung pagpikit ko! O_O

“You don’t have to feel bad, baby. It’s my fault anyway. Wag ka ng ganyan, minsan na nga lang tayo magsama magiging malungkot ka pa ba?”

I tried to smile kahit na medyo uncomfortable pa din yung pakiramdam ko. Gusto ko kasing makabawi sa kanya pero hindi ko naman alam kung paano.. ayoko ng panibagong issue.

Not until I fix my relationship with my parents.

“Where do you want to go?”

Saan nga ba? Diba sabi ko dito lang kami sa kotse?? Pero gusto kong bumawi sa kanya! Ah ewan.. hindi ko na alam.

“Wala akong maisip e.” nahihiyang sagot ko. Totoo naman e.

Sinimulan nya na ulit paandarin ang kotse pero hindi niya binitawan ang isang kamay ko. “Gusto mo ba akong samahan?”

“Saan?”

“Bibili ako ng bagong condo unit.”

Bakit pa e meron na naman siya. Napaka-gastador naman ng lalaking ‘to.. pero naiinggit ako sa kanya. Last year I ask  a condo unit for my birthday but my parents didn’t agree.  Delikado daw sabi nila.

Buti nga yung kotse binili nila ako.. yun nga lang hindi naman nila pinapagamit. Tsk tsk

“Bakit? May problema ba sa unit mo?” hindi ko naman alam kung saan ang unit niya. Kahit naman kasi fan na fan nya ako ay hindi ako kelanman umabot sa pag-stalk sa kanya hanggang sa bahay nya.

He shake his head. “Ayaw mong pumunta sa unit ko dahil may iba ng nakapunta dun.. kaya bibili ako ng bago.”

Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko. Naglalaro na naman ang imahinasyon ko ng mga imahe nila ni Laine sa loob ng unit niya. Sht! Bakit ba nagiging berde na ata ang utak ko!?

Pero magandang suggestion yan, sige bumili na nga lang siya ng bago.

Nagpunta kami sa iba’t ibang exclusive condominiums sa may Makati.. ang gusto nya ay isang penthouse. Ang daming arte.

“This. Do you like it, baby?” tanong niya habang pinapakita ang overlooking skyscraper of Makati. Ang sosyal naman ng unit na ‘to. Kasama na ang mga gamit. Panglima na ito sa mga napuntahan namin.

Royal blue na may touch of white ang color ng kabuuan nito. Pati ang ilang furnitures ay ganun din ang kulay. Matamang nakatingin samin ang agent na nagbebenta ng unit.

Syempre sino ba naman ang hindi maiintriga.. magkasama kami ni Bryan. Ilang linggo din kaming laman ng mga balita.

Napapitlag ako sa biglaang paghapit ni Bryan sa bewang ko. “Stop staring dude.. or I’ll break your face.”

Nasiko ko tuloy siya sa tyan. Ano ba naman ang lalaking ‘to? Kulang nalang ay balutan ako para walang makakita saking iba. “S-Sorry sir.”

Bumalik ang atensyon sakin ni Bryan. “Ano na, baby? Okay na ba ‘to? Will you like it here?”

“Ikaw ang titira dito, bakit ako ang tatanungin mo?” sabi ko sabay irap.

He scowls. Mukha syang batang nagmamarakulyo. “Pero kaya ko ‘to bibilhin ay para sayo baby, ayaw mo sa labas.. ayaw mo sa malls, sa parks at kahit saan.” yumuko siya. “ Gusto ko lang naman na may isang lugar tayo na hindi natin kailangan magtago.” malungkot na sabi niya.

This feeling of self-condemnation sucks! How can I endure him when he’s in pain?

I unconciously bit my lip. My subconscious is already glaring at me right now.. It’s all your fault Steffie.

“A-Ah.. Maganda dito, Bry. I like it here. Bibilhin mo na ba ‘to?” pambawi ko agad sa kanya. Nakakatawa kasi dapat nga ay pinapahirapan ko siya.

Dapat ay hindi ako nagui-guilty na saktan siya... pero ganun ata talaga kapag mahal mo.. hindi mo talaga matitiis.

He grins at me.. that boyish smile that made me fall in love with him even more.. deeper and deeper.. and getting stronger.

“Talaga?! Gusto mo na dito? O sige, kukunin ko na ‘to!”

Para siyang bata na napagbigyan sa gusto niya.. nakakatuwa. Simpleng bagay lang ‘to pero nakikita ko na kung gaano siya kasaya.

Kinausap nya na ang agent at sinettle na nila ang payment. Sinabi ni Bryan na lilipat na daw sya as soon as possible pero pinili nyang magpaiwan kami dito dahil wala naman din daw kaming ibang mapuntahan.

Nagpa-deliver nalang kami ng mga pagkain dahil tinamad na din kaming lumabas. Kasalukuyan kaming kumakain ng pizza at nakaupo sa sofa at magkaharap.

“Steff. O-Okay na ba kayo ng parents mo?” tanong nya out of nowhere. Parang nagaalinlangan pa nga siya. Nakakatawa kasi bigla kong nakalimutan na may issue pa nga pala ako with my parents.

I smiled bitterly and shook my head.

“I’m sorry.” aniya.

“It’s okay Bryan, it’s not your fault. Wala ka namang kinalaman sa issue na yun, you’re just a victim.” lahat kami ay biktima lang ng kakitiran ng utak ni Laine, hindi ko na alam kung ano pa ang iniisip niya ngayon pero mas maganda sana kung tumigil na siya.

“S-Salamat ha.”

“Saan?”

Yumuko siya. “Sa paniniwala sakin.. even if I doubted you a thousand times.”

I giggle. “Thousand times? OA ka.. ilang beses lang naman yun. At okay lang yun sakin, hindi mo pa naman kasi talaga ako kilala nun e.”

Tumitig siya sakin, nagsisimula ng mag alab ang pisngi ko. Awkward. *kru kru kru*

“Let’s date.” seryoso niyang sabi.. napasinghap ako. Date? Hindi pa ba ito date? “I know hindi pa pwede.. I want us to have a normal date.. yung lumalabas, yung magkahawak kamay sa mall, yung nagp-PDA, yung pinagsisigawan ko sa lahat na ikaw talaga yung mahal ko..”

PDA?! Kahit siguro maging pwede ay hindi ako pwedeng makipag-PDA =_= Pupugutan ako ng ulo ni Daddy.

“Kapag naayos na ang lahat... can we have a normal date?” malambing na tanong niya.. I smiled at him at tumango ako.

“Pero pagiisipan ko muna yung PDA thingy ha!” humalakhak siya kaya naman hinampas ko siya. Nagiging brutal na din ako! “Wag ka ngang tumawa! Tatadyakan kita e!”

“Akala ko kasi lulusot yung PDA eh. Napansin mo pala.” tatawa-tawang sabi niya. Inirapan ko nga. “Steff... gusto ko ng magsalita sa press.”

Naguluhan ako.. Wait! Anong salita? Anong sasabihin nya? “H-Huh?”

Nakuuuu. Hindi pa pwede! Hindi ko pa nakakausap sila Daddy...

“I want them to know the truth, hindi ako mapalagay kapag nasa labas ka, may mga fans akong bayolente kung minsan. Ang dami mong bashers at hindi na ako natutuwa.. sigurado akong ganun din ang mga magulang mo.. Gusto ko na magsalita para matapos na..”

I want to touch his face.

Kahit gaano siya laging asar sa mga tao sa paligid.. sa akin.. Kapag kaming dalawa ay napaka-gentle nya. He speaks what on his mind.

Ngayon ko lang napansin ang pagod sa mukha niya.. stress? “Bakit hindi ka nagta-taping?” hindi naman sa umiiwas ako sa topic namin pero gusto ko talagang malaman.

“I’m busy studying you know. Kailangan kitang talunin, remember?” maangas nyang sabi. SUS! Kaya pala zero kanina! Talunin talunin ka dyan!

“E bakit hindi mo sinagutan yung exam kanina!” I blurted out. Naiinis kasi ako talaga sa kanya. He didn’t play fair!

“Ako kasi ang dahilan kung bakit hindi ka nakapagaral these past few days. Don’t worry baby, hindi na kita pagbibigyan next time so you better study hard.” ngumisi siya ng nakakaloko.

Ngising aso! Ngising Harris! Ang gwapo gwapo mooooo *o*

Gusto ko sanang punasan ang labi ko just to make sure I’m not drooling in front of him. Nakakahiya.

“Oo! Magaaral na talaga ako. Hindi pwedeng matalo mo ako no!” ngumuso ako. Iniisip ko na mamaya pagkauwi ko ay ibababad ko na ang sarili ko sa libro.

Mas lalo siyang ngumisi, sinubo ko nalang ang buong pizza kahit wa poise. Nakita nya na ngang natagusan ako e, ngayon pa ba ako mahihiya? #_#

“Don’t stress yourself too much ha.” he patted my head kaya hinampas ko yung kamay nya.

“Ishtap dyuing that! I’m not a dog!” I said kahit na natatalsikan siya ng pizza sa mukha. Halos mamatay-matay siya kakatawa habang pinupunasan ang mukha nya.

Baliw na ata to. Natutuwa siya kasi natatalsikan siya sa mukha? Tsk tsk. Kawawang Bryan....

“You’re so cuteee!” at pinisil pisil pa nya ang pisngi ko..

“MAshakitttt! Ano ba?” kinuha ko ang kamay nya at kinagat ito.

“Arggghhh!!! Aww aww tama na! Please!” binitawan ko ito at binelatan siya. That’s what you get when you mess with me. Hmp

Bleh!

“Sigurado ka bang hindi ka aso? Bakit ka nangangagat!?” hindi ko siya sinagot at pinandilatan ko lang siya ng mata.. Tumawa na naman siya ng tumawa. Ang saya naman ata ng taong ‘to masyado!

“You know you never ceases to amaze me.. I love you baby.”

Okayyy! Sabog ihi! Kilig overloaddddd..

Bigla kong nakalimutan kung bakit ko nga ba siya kailang pang pahirapan? Bakit kailangan ko pa siyang tiisin.. bakit hindi ko nalang siya tanggapin ulit? AH EWAN. HINDI KO NA ALAM.

Nagkatinginan kami.. tapos naramdaman ko nalang na palapit na ng palapit yung mukha niya.. shocks! Magki-kiss kami! Ulit! O_O

Eto na...

Malapit na...

Shhhtttttttttttttttttt------

*KRING KRING*

Yuko. Bagsak balikat. (_._) >o<

JM Baks Calling.....

“Hello. Ano yun, Jm?”

JM NAMAN E! ANDUN NA E! MALAPIT NA!! MALAPIT NA MALAPIT NA! BAKIT NGAYON PAAAAA. HUHUHUHU.

Sinulyapan ko si Bryan na mahinang nagmumura at napapakamot sa ulo. Hahaha. Hindi lang pala ako ang nabwisit.

“Teh!!! Asan kayo ni Fafa Bry?” ang lakas naman ng boses nito.

“Ah-eh.. Andito sa condo nya.”

“WHAT! ATENG!! BAKIT?! HUHUHU. Bakit isinuko mo agad ang bataan? Diba sabi ko pahirapan mo muna???” naalala ko ang pagiging OA nila Alvin nung nasa camp kami. Walang pinagkaiba ‘tong isang ‘to.

“Ha? Anong bataan? Asan daw sila?” teka.. Boses ni Kevin yun ah? Bakit magkasama sila?

“Oh my! Anong ginawa ni Steff? Sabihin mo kung nasan si BRYAN! Puputulan ko siya ngayon din!” haynako. Cecille, ang brutal mo talaga.

Ang ingay nila. Parang ang dami nila. Asan ba ‘tong mga to? Narinig ko pang sumabat din si Alvin. “Hoy babaeng mukhang mangkukulam! Anong puputulin mo ang ano ng pinsan ko!? Wala ka talagang awa!”

I can sense Ryzza rolling her eyes from what she’s hearing right now. -_-

“Oh-kaayyy. Bakit magkakasama kayo?” naguguluhan kong tanong.

“Sino ba yan?” iritableng tanong ni Bryan sakin. I mouthed him na si Jm ang kausap ko pero bigla niya nalang itong hinablot.

“Hello?! Bakit ka tumatawag sa kanya?..... Ano? Sige... itetext ko nalang sa inyo... Oo na, oo na! Wag kayong maingay masakit sa ulo...... Sige.”

Gusto kong matawa sa sinabi niyang wag silang maingay kasi masakit sa ulo.. Ganun din kasi ang nararamdaman ko kanina. Hahaha.

“Anong sabi nila?” tanong ko pagkatapos niyang patayin ang tawag pero hindi niya pa din binabalik sakin ang phone ko. Parang may kinakalikot pa dun.

“Pupunta daw sila dito.” wala sa sarili niyang sagot.

“What?! Bakit? Silang lahat?! What about Jake!? Ohmygad! I don’t know what I will say to him.” natataranta na ako. Ano nalang ang ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit andito ako ngayon sa condo ni Bryan, kung bakit kami magkasama.

Madilim ang mukhang tinignan ako ni Bryan. “Hindi siya kasama.. may taping yun dahil naghahabol ang network nila sa time frame. And as if naman patungtungin ko siya sa pamamahay ko no! ASA!”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. “Whew! Buti naman!” matalim niya akong tinignan kaya naman natakot ako.”H-Hoy! B-Bakit ganyan ka makatingin?” damn! Why am I stuttering!?

“May gusto ka ba sa kanya?”

Para siyang galit na nahihirapan. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha niya. “A-Anong gusto!? Kay Jake? W-Wala! Magkaibigan lang kami! Ano ka ba?”

Tumayo siya para ligpitin ang mga kalat namin sa mini table nya. Akmang tatayo din ako para tulungan siya nung pinigilan niya ako. “Wag na, ako na dito.”

“Pero ako ang dapat gumagawa nyan Harris. Ako ang babae dito!”

His brow creases. “Baby, you don’t have to do anything. I was born to serve you.. you’re my princess. Pagsisilbihan kita.. at masaya akong pagsilbihan ka. Always remember that. Just stay put and think of the things you wanna buy later. We’ll go shopping.”

Princess... serve.. shopping..

Na-hipnotismo ata ako ng mga salitang binitawan nya kaya ako natigilan. I even blink twice just to be sure I’m not dreaming.

I’m not used to him being sweet. Parang mas gusto ko pang mainit ang ulo niya. Weird pero yun ang totoo. Tumataas kasi ang balahibo ko kapag nagiging sweet sya sakin e.

Nang bumalik na ako sa sarili ko ay tsaka ko lang napagisipan ang mga sinabi niya. “W-Wait Bryan.. Paano tayo magsh-shopping e diba bawal nga tayo sa public?”

“Magddisguise naman tayo e. Isa pa, kasama naman natin ang mga kaibigan mo at sila Alvin. They wouldn’t think of it as a date.” cool nyang sabi.

“But---“

“No buts please. I wanna experience going in the market with you.. tsaka gusto ko ikaw ang mamili ng mga ilalagay ko dito sa bahay. I want you to feel that this is yours too.” sabi niya pertaining to his unit.

Sakin? Samin? Hindi ko maiwasan na hindi magimagine na para kaming mag-asawa at ito ang bahay namin. Grabe! Fourth year palang ako ay kung anu-ano ng kalokohan ang naiisip ko.

“Honey... yuhooo.. andito na ako”

Lumapit siya sakin at niyakap ako sa likuran habang nagluluto ako. “Love, andyan ka na pala.. tamang-tama. Malapit ng matapos ang niluluto ko.”

“Talaga? Wow ang bango naman niyan.. ang bango mo din honey.” sabi niya while nuzzling his face in my neck.

“Love, ano ba nakikiliti naman ako e.. Hihihihihihi... Love naman e.. Hihihihi.”

“Nakakagigil ka talaga honey! RAWRRRR!!!”

“Hihihihihii. Ikaw talaga love!”

*iling iling* Ano ba ‘tong naiisip ko??? ANG LASWA! O_O Ang panget! Si Bryan magra-RAWR?! Hahahaha. Pero.... I bit my lip. Kinikilig ako. ^o^

Mangyayari kaya yun? Yung maghihintay ako sa kanya tuwing uuwi sa galing trabaho? Yung ipagluluto ko siya?

Pero hindi pala ako marunong magluto. -0- Kailangan matuto na ako! ASAP!

“Baby, what are you thinking? Bakit sobrang pula mo dyan?” pansin niya sakin. Nakabalik na pala siya sakin galing sa kitchen.

“A-Ah.. Ano.. Kasi. Wala! May naalala lang akong nakakahiya. Wala yun.”

Inilapit niya ang mukha niya sakin at parang may sinisilip.. “Are you thinking... of the stain while we’re---“

“WAAAHHH! Wag mo na ngang ipaalala!! Nakakainis ka naman e!” itinulak ko siya dahil tawa siya ng tawa.

Mean Bryan! “Pfffttt—Sorry sorry. Baby, hindi mo naman kailangan na mahiya sakin e.. Dapat simula ngayon, masanay ka na.. I wanna know everything about you.” I pout.

“Stop pouting Steffie Lian!” parang naiinis na sabi niya na naman. Kanina lang ang sweet sweet nya! Tapos ngayon ganyan na naman siya. Psh. “Arrgghh! Ang hirap naman! Bad idea talaga ‘to.. Arghhh!” sabi niya pagkatapos naglakad palayo sakin.

Anong problema nun?

Teka.. asan na nga pala ang cellphone ko? Hindi niya pa binabalik ah.

“Bryan.. phone ko.” sigaw ko at humiga ako sa sofa. Ang sarap talaga humiga pagkatapos kumain no?

Hindi siya sumagot.. malapit na akong makatulog ng biglang may nagdoorbell. “Bryan!! Open the door!” alam ko parang senyorita ako ngayon pero antok na antok talaga ako kaya hindi ko na maintindi ang nasa paligid ko.

Narinig ko nalang ang papalapit na si Bryan sa pwesto ko, papunta siguro sa pintuan. “Get up, baby. And oh, don’t forget that the code is your birthday okay?”

“Hmmm.” pagsang-ayon ko nalang. Itatanong ko nalang sa kanya mamaya. Hinihila na talaga ako ng antok dahil kulang na kulang ako kanina sa tulog.

“ATENGGG!! ANONG NANGYARI?!?!! BAKIT? PINUWERSA KA BA NYA? SABIHIN MOO ATENG! NA-TRAUMA KA BA?!” nagulantang ako sa nakakabasag eardrum na boses ni Jm habang inaalog ako sa balikat.

“Aaaaaahhh! Bumaba ka dyan! Ang sakit! Wag mong kagatin ang tenga ko! ANO BA!!?” napatingin ako kay Bryan na sumisigaw at napamulagat ako sa nakita ko..

Nilipad na ang antok ko.. nagtago ata dahil natakot sa mga kaibigan ko. (-__- )

WTH!! Nakasampa si Cecille sa likod ni Bryan at kinakagat ang tenga nito!! O_O

“Baba sabi! Ano ba! Bumaba ka dyan!”

“Ni-rape mo si Steffie! You @sshole! Papatayin kita!!”

Napatda ata ako sa mga nakikita ko. “Ungas ka! Wag ka makisali! Ano ba?”

Si Ryzza! Sinasabunutan si Kevin!

What the heck is happening!?

“ANONG KAGULUHAN TO?! MAGSITIGIL NGA KAYOOOO!”

Continue Reading

You'll Also Like

64.6K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.